Friday, December 28, 2007

Here Comes the Rat

Funny Pictures

Matatapos na naman ang taon. Napakabilis talaga ng panahon, parang kahapon, yesterday lang, tapos ngayon, today na! Sa bilis nga ng oras hindi mo na nga matatandaan ang mga nangyari nitong nagdaang taon. Isang alzheimers na biglang umatake na dinaig pa ang mga bida sa mga telenobela na naa-amnesia. O sige nga kung matalas ang memory niyo, ano ang ginawa nioy noong May 22, 2007 dakong 4:17:56 ng hapon?

At dahil matatapos na nga ang taon naming mga hinayupak na mga baboy, parating naman na ang taon ng mga mababait; mga daga. Kung hindi niyo natatanong, ang tiyuhin ng lolo ng pinsan ng kinakapatid ng biyenan ng hipag ng kapitbahay ko ay isang Feng Shui expert slash psychic slash pedicurista. Thus, isa na rin akong wrist-slasher... este Feng Shui expert slash psychotic. At dahil lumalakas na rin ang pwersa ng utot ko, lumalakas na rin ang vibes ko para sa mga susunod na araw at sa susunod na taon.

Ang Nakakatakot na Forecast ni Billycoy Dacuycuy

Sa pagtatapos ng 2007
Malakas ang pakiramdam ko na sa pagtatapos ng taong ito, marami ang gagawa ng mga yearender reports at posts. Ilalahad nila ang lahat ng kaganapan mula Enero hanggang sa Disyembre ng 2007. Simula sa pangangampanya sa naganap na eleksyon hanggang sa pagdedemanda nila Sam Melbi at Pyulu Pascual kay Manay Lolit. Naba-vibes ko rin na may magsusulat—or nakapagsulat na—sa mga pangyayaring online gaya ng mga Malu Fernandez controversy at paglaganap ng 2girls1cup video.

Kaya hindi na ako gagawa ng yearender post. Naniniwala kasi ako na ang flashback din naman ay nagaganap kapag malapit ng mamatay.

Sa pagpasok ng 2008
Unang papasok ang buwan ng January—alanganin namang February. Magkakaroon ng putukan sa mga kalsada at mag-iingay ang lahat ng tao na parang akala mga baliw na nakatakas sa mental hospital. Magaganap rin ang ibang klaseng putukan na gagamitan pa ng in-out-up-down-ooh-ahh motion para lang pumutok. Hindi ito nagaganap sa mga kalye, pero pwede ring gawin para mapanood naming mga sabik at mga mamboboso.

Mas higit ang pinsalang matatamo ang magagawa ng mga taong amoy-putok kaysa sa mga paputok. Daig pa nito ang lason ng watusi, masabugan ng boga at maputukan ni... este ng superlolo sa bunganga.

Pagdating ng mga Daga
Sa opisyal na pagpasok ng mga daga ay maghanda na sa paghihiganti ng mga kamag-anak nina Mickey Mouse, Mighty Mouse, Ikabod at Doding Daga. Magiging patok sa taong 2008 ang Dora, hindi yung cartoon character ng negrang lakwatsera, kundi yung Dora na pamatay ng daga. Lalakas din ang business ng mga flypaper at mousetraps sa taong ito.

Magkakaroon din ng scarcity sa production ng cheese dahil papapakin ito ng mga mababait. Kaya ang mga mahihilig sa cheese ay mamamatay sa gutom dahil di sila makakakain ng keso sa buong taon ng 2008.

Susuwertehen naman ang mga fanatics at mananampalataya ni Mickey Mouse dahil magkakaroon na ng Disney Channel sa Sky Cable Silver simula January 1.

Fashion Forecast
At dahil nga year of the rat next year, mauuso ang mga damit na butas-butas dahil sa mga ngatngat ng daga. Ang mga style pa ng mga butas ay yung sa part ng mga utong, at pati mga undies ay may mga butas na rin. Uso sa lingerie next year ang naka-usli ang patotoy at ang namimintanang tahong sa mga panty.

Ayan ang mga naramdaman ko gamit ang aking vibrator... este vibes para sa susunod na taon. Kaya mag-stock na ng supply ng Dora at laging mag-ingat sa leptospirosis. Kapag wala na talagang magagawa, pwede na ring gawing pagkain ang mga daga. Edible naman sila!

Wednesday, December 26, 2007

Christmas = MMFF

Uy kakatapos lang pala ng Pasko. Hindi ko yata naramdaman ang Pasko. Sumilong kasi ako sa loob ng kuweba ng pukipuki at doon ako nag-hibernate kaya di ko naramadamang dumaan na ang Pasko. Mabuti na nga ring pumasok muna ako sa kuwebang iyon para maiwasan ko ang mga tiyanak... este mga inaanak.

Ang panahon ng mga regalo, bonus, 13th-month pay at makukulit na pangangaroling ng mga bata, meron pang isang paraan para malaman ang Pasko sa 'Pinas. Ano pa nga ba? Eh di ang walang kasawa-sawang Metro Manila Film Fest. Hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kapag walang MMFF. Katulad yan ng mga Fiesta Ham, Queso de Bola at Fruitcake para sa mga sinehan natin.

Nakakasawa na ang mga entries ng MMFF. Heto kasi ang mga napapansin ko sa mga entries ng MMFF:

  • Kung ano ang visual effects sa trailer, ayun na rin ang nasa movie. Panoorin na lang ang trailers sa TV kaysa gumastos pa sa panonood ng sine.
  • Laging may entries si Bong Revilla at Vic Sotto sa MMFF. Pero mas nangunguna pa rin si Mother Lily sa paggawa ng movies na isasali sa MMFF kahit sinabi na niya noon na di na siya sasali sa MMFF.
  • Ang mga bankable na artista ay lumalabas sa isa o dalawang movies na kasali sa MMFF (e.g. Marian Rivera)
  • Hindi pumapatok sa box office ang mga pelikulang may "essence", sa awards ng ibang bansa lang.
  • Kailangang laging all-star cast ang mga pelikula.
  • May mga kasaling movies na angkop na angkop sa panahon ng Pasko, mga horror.
  • Sa sobrang dami ng special effects, nawawala na ang dialogue at istorya ng pelikula. Parang yung isang pelikula last year na halos 30 minutes na yata ay wala pa ring naririnig na dialogue sa climax.
  • Laging may fantasy movies para ma-maximize ang visual effects.
  • Ipinagsisigawan ang budget sa paggawa at production ng pelikula.
  • Lagi na lang ding may dayaan sa awards night.
  • Ang mga pelikula ay nagsasama ng mga talents ng rival TV stations para makapag-promote ng mga pelikula sa parehong TV networks.
  • Big deal na Dolby Surround ang audio system ng movie.
  • Wala pa ring makakatalo sa fashion sense ni Kuya Germs.
Kaya sa panahon ng MMFF, nagtitiyaga na lang ako sa tatatlo kong porn movies sa bahay. Mas maganda pa nga yatang panoorin ang porn films, mas may kuwenta pa kaysa sa mga palabas ng MMFF. Nakakapagpapaalab kasi ng aking damdamin at nakakapagpapatigas sa aking... abs!

Hayaan niyo kapag ako gumawa ng pelikulang ilalahok sa MMFF, titiyakin kong tataob ang mga tabo sa lababo ng kubo... Whatever!

HAPPY HOLIDAYS SA LAHAT... at sa manonood ng mga entries dyan, MAGDUSA KAYO!

Thursday, December 20, 2007

I'm not lying

So medyo nilangaw ang huli kong post. Actually, nilangaw pala talaga. Hindi siguro mabaho ang nailabas kong jebs kaya iilang langaw lang ang dumapo. Kawawa naman ako. Well, ok lang yun. Pero as promised ako na lang ang sasagot sa mga sarili kong katanungan.

1. Ako ay isang dakilang demigod na mayroong katakam-takam na katawan at makalagas-bulbul na kagwapuhan.

True. Isa nga akong katakam-takam na demigod at pwede akong prituhin, ilaga, i-sauté, deep fry, ihawin, i-bake, i-poach o kahit i-refrigerate lang. Nakakalagas-bulbul din ang aking kagwapuhan dahil marami akong natatanggap na reklamo na nauubos ang mga PH nila kapag nakikita ako.

2. Pinakapaborito kong mga tao sina Cristy Fermin, Mahal, Jobert Sucaldito at Madam Auring.

False. Sino ba ang may gusto sa kanila?

3. Estudyante at mag-aaral ako sa isang kinikilalang university.

False.
Matagal na akong tapos mag-aral. Pero sa kasalukuyan ay nag-se-self-study ako ng KamaSutra. Naghihintay na lang ako ng mapaglalaanan ng application.

4. Napapakinggan ko ngayon—sa mga oras na tina-type ko ito—sa FM radio ang jingle ad ng UniversiTV.

False. Basta may ibang tugtug ang meron sa radyo nu'ng isinusulat ko ito.

5. Isa akong kilalang showbiz personality.

False. Hindi pa, pero malapit na.

6. Ang paborito kong puppet sa Sesame Street ay si Elmo.

False. Ang paborito ko si Oscar the Grouch.

7. Ako ay chinito, kumikislap sa kaputian at makinis ang aking kutis.

False. Isa akong moreno na may 6.25% dugong spanish, balbun at napakagwapo.

8. Tatlong CD lang ang porn ko sa bahay.

True. Pero meron din akong ilang porn video clips sa aking cellphone.

9. Nakatira ako sa Makati.

False. Doon lang ako nagtatrabaho.

10. Nakakuha na ako ng Starbucks 2008 planner.

False. Kaya kung sinumang may extra stickers dyan bigyan niyo naman ako. Hindi kasi ako tambay ng Starbs eh.

11. Si Suri ang baby nila Angelina Jolie at Brad Pitt.

False. Si Shiloh ang kanilang anak dahil si Suri ay kina Tom Cruise at Katie Holmes. Ang laking impluwensiya nila sa personal life ko di ba?

12. Ako ay hiphop.

False. In terms of music, meron akong ilang gustong hiphop songs. In terms sa personality at fashion, hindi ako hiphop, ayt?!

13. Gusto kong sawsawan ng fried chicken ay ketchup.

False. Sa gravy lang ako mahilig magsawsaw ng chicken. Gusto ko pa yung plain fried chicken lang saka yung buhay na manok.

14. Nagkaroon na ako ng girlfriend.

False. Hindi pa nangyayari yun, pero kung merong nais mag-apply ay siya ang aking kauna-unahan.

15. Ako ay certified tried and tested virgin.

True. Kahit subukan niyo pa.

Sana nabigyang linaw ko na ang lahat ng mga iyan. If you think I'm lying, gayahin niyo na lang ang sayaw ni John Lapuz.



----------------------------

Tulungan niyo pala ang kaibigan kong si Agent Grey na manalo ng Ruffbook PC. Kasalukuyan kasing nagloloko ang PC niya sa bahay at nangangailangan na yata ng kapalit. So please ako'y nagmamakaawa sa inyo. Panalunin niyo siya, mula sa akin ako'y magpapasalamat sa tulong niyo.

Friday, December 14, 2007

Don't Lie to Me


Woah Nelly! Nakaka-199 posts na pala ako dito. So kung 199 ngayon, ang susunod 200 na. Sabagay, alanganin namang maging 201 kagad yun. Marunong naman akong magbilang kahit papaano, kahit hindi ako mahusay sa Math. At dahil, 199th post ko na, medyo eyspeysyal ang post ko. Marami na ring gumawa nito pero gagawin ko na rin para naman makilala niyo ng maigi ang inyong lingkod.

TRUE or FALSE

Panuto: Sagutan lang ang mga sumusunod ng True or False. Syempre True kung totoo at False kung kabalbalan at kabulbulan ang mga sinasabi sa statement. Madali lang naman di ba? Parang elementary lang. Unless, hindi kayo dumaan ng grade school. Ok Game?

  1. Ako ay isang dakilang demigod na mayroong katakam-takam na katawan at makalagas-bulbul na kagwapuhan.
  2. Pinakapaborito kong mga tao sina Cristy Fermin, Mahal, Jobert Sucaldito at Madam Auring.
  3. Estudyante at mag-aaral ako sa isang kinikilalang university.
  4. Napapakinggan ko ngayon—sa mga oras na tina-type ko ito—sa FM radio ang jingle ad ng UniversiTV.
  5. Isa akong kilalang showbiz personality.
  6. Ang paborito kong puppet sa Sesame Street ay si Elmo.
  7. Ako ay chinito, kumikislap sa kaputian at makinis ang aking kutis.
  8. Tatlong CD lang ang porn ko sa bahay.
  9. Nakatira ako sa Makati.
  10. Nakakuha na ako ng Starbucks 2008 planner.
  11. Si Suri ang baby nila Angelina Jolie at Brad Pitt.
  12. Ako ay hiphop.
  13. Gusto kong sawsawan ng fried chicken ay ketchup.
  14. Nagkaroon na ako ng girlfriend.
  15. Ako ay certified tried and tested virgin.
Iyan na lahat ng True or False test tungkol sa akin. Kaya sa kung sinuman ang nagbabasa ngayon ay sagutin na. Ang hindi sumagot ay mawawalan ng butas sa puwet at sa bunganga lalabas ang jebs nila.

Prizes:
Ang may pinakamaraming tamang sagot ay makakatanggap ng masigabong palakpakan at isang yacht na babagsak mula sa langit.

Monday, December 10, 2007

You'll Love these Gifts... Not!

Ganyan din kaya ang reaction nila kapag nakakita ng malaking "package"?

Ang lamig na talaga ng simoy ng hangin. Isa lang ibig sabihin nito, naka-full blast na naman ang aircon namin. Kung noon ay nakakayamot ang init ng panahon sa ating bansa, ngayon naman ay naninigas na ang ating mga utak sa tindi ng lamig na dulot ng cold front; brain freeze!

Kapag malamig, masarap makipag-sex. Kapag malamig na panahon, it's either mamomroblema sa electric bill dahil magdamag ang aircon o dahil nalalapit na ang Pasko. Oo nga, malapit na ang pasko. Hayan na naman ang sangkatutak na Christmas parties at inuman sa mga kanto. Syempre, uso na rin ang exchange gifts at mga pa-raffle sa mga opisina. Yun nga lang, hindi lahat ng klase ng regalo ay gusto natin. Ano ba mga ayaw nating matanggap na regalo o raffle prize kapag Pasko?

Oven Toaster
Sa palagiang pa-raffle sa kumpanya ng aking ama, lagi na lang yatang oven toaster ang inuuwi niya. Pwede na kaming gumawa ng bakery kung hindi lang ipinamimigay ni mommy yung ibang natanggap na oven toaster sa mga kasal. Ano pwedeng gawin? Isalaksak ang ulo ng nagbigay nito sa loob ng oven toaster, painitin at hintaying tumunog bago tanggalin ang ulo.

Payong
Madalas na ibigay ito ng mga banks. Sa dami na nga ng mga payong na ito, pwede na nitong payungan ang buong Pilipinas para makaiwas na sa mga baha. Ano pwedeng gawin? Pumunta sa pinakamalapit na branch ng bangkong nagbigay ng payong. Isalaksak ang payong sa bunganga ng teller at buksan.

Coffee Mug
Sino pa nga ba ang hindi nakakatanggap ng coffee mug bilang regalo? Kung dati mga ceramic mugs na may mga zodiac signs ang usong regalo, ngayon naman yung iba't ibang klase ng traveling mugs. Ceramic o Traveling, coffee mugs pa rin yun. Kaya nga nag-bloom ang Starbucks dahil sa dami ng nakakatanggap ng coffee mugs kapag Pasko. Ano pwedeng gawin? Painumin ng isang drum ng kape ang nagbigay nito.

Seiko Seiko Wallet, ang wallet na masuwerte
Ok pa siguro kung genuine (jinuwayn) na tatak ng wallet. Ang kaso hindi, galing pa sa bangketa at mga imitation lang ng Girbaud, Louis Vuitton at Pony. Madalas ay Girbaul, Louie Baton at Phony, halatang halata ang pagka-japeyks nito. Matatahimik lang siguro sa pagrereklamo kung may kasamang 5,000 pesos sa loob ng pitaka. Ano pwedeng gawin? Balatan ng buhay ang nagbigay ng wallet at gawing pitaka, tiyak ang swerte sa pagpasok ng bagong taon kapag nagawa ito.

Figurines
Ok naman ito, ang masama lang kung hindi naman kolektor ng mga ganitong bagay. Lalung-lalo na kung hindi naman nangongolekta ng angel figurines. 10 out of 10 yatang nakakatanggap ng figurines bilang regalo ay puro mga angel figurines. Kaya wag magugulat kung lahat ng bahay na mapupuntahan ay may angel na naka-display sa mga cabinets. Ano pwedeng gawin? Itabi ang mga figurine, gamitin na lang ito kapag nakikipag-away sa asawa para pwedeng basagin.

Picture Frames
Wow, sentimental ba? Hindi rin eh. Kasi kadalasan sa mga picture frames na regalo ay yung walang picture na nakalagay. It's either nakalagay ang size ng picture na pwedeng ilagay (e.g. 4R, 4in x 6in) o default picture ng mga caucasian na di naman kakilala. Ano pwedeng gawin? Magpa-picture at ilagay ang larawan sa loob ng picture frame.

Nude Picture ni Madame Auring or Scandal Video ni Mahal in DVD
Sino bang may gustong makatanggap nito? Ano pwedeng gawin? Ipasa na lang sa kaibigan o kaya dalhin sa mga mambabarang at mangkukulam.


Hayan ang mga pinakaaayawang regalo sa Pasko at mga Christmas Party. Sana nga wala ng magbenta ng mga ganyan para hindi na i-regalo. Isusumpa lang sila ng mapagbibigyan nila.

Thursday, December 06, 2007

El Gimikero? No Señor

Gimikero nga ba si Billycoy?
Oo dahil gwapo siya
Hindi, pero at least gwapo pa rin siya
pollcode.com free polls


Hindi ko maintindihan kung ano meron sa akin. Kadalasang judgement sa akin ng marami ay magimik daw akong tao. Hindi ko alam kung paano nila nasasabi na ganun ako. Siguro dahil sa nakakauhaw kong kagwapuhan kaya ako napagkakamalang party-goer. Well, di naman kasi mapapagkaila na kadalasan nga sa mga parties and night outs ay mga beautiful people.

I'm not a party-goer, gwapo lang talaga ako!

Ang katotohanan nga niyan ay napakadalang ko sa mga gimik. Isa o dalawang beses sa isang taon lang yata ako kung makapunta sa mga bars or nightclubs. Kasing dalang sa pagbisita ko sa dentista. Mas madalas pa nga yata akong makakain ng baby ipis sa cup noodles kaysa malango sa mga cocktails ng mga bars. Wala pa nga yata yun sa kalingkingan sa dalas kong pagkakaroon ng happy time sa kwarto o kaya sa banyo.

Isa nga siguro sa dahilan sa di ko madalas na pag-nightout kung bakit hanggang ngayon ay USB pa rin ako. Sino ba naman syo-syotain ko sa loob ng bahay namin? Alanganin naman yung aso namin, eh lalaki din kaya yun. Hindi ko naman pwedeng syotain yung mga isda sa aquarium, hindi naman ako marunong tumingin ng gender ng mga isda. Kaya kung kayo ang tatayo sa kalagayan ko, malamang ay matitigang din kayo... pero at least gwapo pa rin.

Totoong isa akong dakilang Homeboy—hindi nga lang ako yung kalbong talk show host slash talent manager. Pero hindi naman sobrang homeboy na nangangamoy paa na dahil sa sobrang buro na sa loob ng bahay. Ilang lugar lang ang madalas kong puntahan: bahay, bahay ng kapitbahay, gym, mall at office. Malate, Makati at Pasay lang yata ang kabisado kong lugar. Malayo na sa kabihasnan ang tingin ko sa Quezon City, Pasig, atbp. dahil ang kabihasnan ay nasa Parañaque.

Dahil di nga ako party-goer, sa bahay na lang ako nagpaparty mag-isa. May pinag-aaralan nga akong sayaw, higit pa at talong-talo pa nito ang Hiphop Abs. Para kung sakali mang mag-nightout ako with my repakuls, may alam na akong dance step.

Saturday, December 01, 2007

Letter to Santa

Dear Santa Clause,

Hi! Hello! Kamusta na po kayo? Minarapat ko pong sumulat sa inyo dahil sa nalalapit na Pasko. Nitong nakalipas na taon ay naging "nice" naman po ako at naging wholesome. Nakapagpatayo na nga rin po ako ng mga punso para sa mga homeless na anay, langgam at mga nuno. Itinakwil ko na rin po ang aking malilibog na kaisipan at ipinamigay na ang aking mga porno sa mga higit na nangangailangan.

Pasensya na po pala kung sa wikang Pinoy ko po isinulat ang liham kong ito dahil hindi ko po alam ang salitang gamit niyo dyan sa North Pole, kung Russian, Polish o wikang Polar Bear ba ang gamit niyo. Maiintindihan niyo naman siguro ito dahil malamang na may Pinoy workers din kayo dyan sa factory niyo na pwedeng mag-translate ng sulat ko. Idinaan ko na rin po sa blog para mas mabilis niyong makita saka di ko naman ang snailmail or email address niyo.

Heto ang aking wishlist para sa darating na Pasko.

Apple Products
Hindi po yung washington o fuji ang tinutukoy ko dito. Marami namang mansanas sa palengke. Hindi rin po franchise ng motel na may kagat sa mansanas ang sinasabi ko. Matagal na pong wala ng Anito Hotel dahil pinalitan na po ito ng Kabayan. Ang sinasabi ko po ay yung Apple na gawa ni Steve Jobs. Heto yung Macbook na may Leopard OS X, iPod, iPhone at kung anu-ano pang gawa ng Apple. Kung pwede po, yung kumpanya na lang ng Apple ang ibigay niyo sa akin.

Magic 8 Ball
Sa tagal-tagal ko ng nililista ito tuwing may Christmas party kami ay wala pa ring nagbibigay sa akin nito. Kaya naman inaasahan kong kayo na lang magbibigay nito sa akin. Hindi po kasi alam ng iba kung ano itong Magic 8-ball. Baka pati kayo Santa hindi rin ito alam?

Sex toys
Walang nagseseryoso sa akin kapag hinihiling ko ito. Since gumagawa na lang din kayo ng laruan malamang meron din kayong section ng mga laruang pang-adults. Masaya na po ako kahit sa simpleng pocket pussy lang. Pero kung ang ireregalo niyo po sa akin ay yung vibrating pocket pussy na ay labis na akong maliligayahan at baka mapa-somersault pa ako sa tuwa.

Girlfriend
Santa naman, ilang taon ko na kaya itong hinihiling sa inyo pero hanggang ngayon di niyo pa rin ako binibigyan nito. Ilang taon na kaya akong tigang na tigang. As usual, gusto ko yung maganda at sizzling hot juwawhoopers wearing only a red ribbon and only that red ribbon. Basta make sure na di mo pa siya ginamit pagkabigay niyo sa akin. Gusto ko lagi ay fresh at brand new.

World Peace
Ang dami na kayang humihiling nito, pati nga mga beauty queens ay heto rin ang gusto. Kakasawa na kasi silang pakinggan kaya pwede bang ibigay niyo na po ito sa kanila. Bahala na po kayo kung paano niyo ito ibabalot sa giftwrapper, anyway problema naman na iyon ng elf workers niyo.

Iyan lang naman po ang mga gusto ko ngayong pasko. Sana naman bigyan mo naman na ng katuparan ang wishlist ko. Ibigay niyo po ito sa akin on or before December 24. Kapag hindi niyo po tinupad ang mga kagustuhan ko ay pangungunahan ko po ang pag-aaklas ng union sa inyong factory.

Hoping for you kind consideration.


Truly yours,
Billycoy Dacuycuy
XOXO

P.S.
Wala po kaming chimney sa Pinas dahil di naman po uso yun dito dahil nasa tropical country po kami. Kumatok na lang po kayo sa gate namin, pero don't worry magsusuot na lang ako ng blindfold para di ko po kayo makita.

Tuesday, November 27, 2007

Gym Rats

Kung wala kayong panahong mag-workout, isuot na lang ang costume na ito. Be buff in an instant.

Mapapansin sa mga panahong ito na biglaang nagsulputan ang napakaraming gyms sa bansa. Nag-umpisa na kasing maging conscious ang karamihan sa kanilang health at mga hugis. Lalo na sa karamihan ng kalalakihan, patok talaga ang mga gym sa kanila. Kaya nga umusbong na yang mga Slimmer's World, Fitness First at Gold's Gym.

Sa mahigit isang taon kong pagwo-workout sa neighborhood gym, napuna ko ang iba't ibang klaseng mga nilalang na pumupunta sa gym. Malamang napupuna na rin ng marami ang iba't ibang klase ng mga gym rats kahit nasa labas na. Sinu-sino nga ba ang mga kapuna-punang mga gym rats?

NooBs (Newbies)
Lahat ng gym rats nagsisimula dito. Kahit sinong maskulado at mga Mr. Olympia ay dito nagsisimula. Malalaman namang mga newbies sila kapag lagi pa silang nakabuntot sa mga trainers. Kapag busy naman ang kanilang mga trainers sa pag-aasikaso sa mga chikaboobs at mag-isa na lang sila, mapapansing hindi nila alam ang exercise na ginagawa nila. Gumagawa sila ng kanilang mga exercise. Medyo mag-ingat makatabi ang mga ito dahil magugulat na lang na durog na ang mga buto dahil nabagsakan na pala ng dumbell na hawak ng NooB kanina lamang.
How to correct this mistake?
Kapag baguhan, make sure to do your assignments first bago sumabak sa matinding buhatan. At dahil ang mga instructors naman mas busy sa pag-aasikaso sa mga chikaboobs ng gym, wag maging dependent sa kanila. Siguraduhing alam lagi ang ginagawa at laging mag-iingat.

Johnny Bravo

Heto na yata ang pinakamaraming makikita sa gym. Sila yung mga katulad ni Johnny Bravo, yung malalaki ang katawan pero ang papayat naman ng mga legs. Nakalimutan yata nilang may paa din sila. Kung may sariling isip lang siguro mga paa nila baka nasipa na nila ang nagmamay-ari sa kanila. Beach body lang ang habol ng mga ito. Naglalakihang pecs, braso at nag-uumbukang mga pandesal sa tyan na tinatawag ding abs. Yun nga lang, ang sagwa kasi chicken legs naman sila. Isang magandang halimbawa dito ay si Polo Ravales, sexy nga ang katawan, patpat naman ang binti.
How to correct this mistake?
Kapag nagwo-workout, hindi dapat focused lang sa isang part ng katawan o yung tinatawag na spot training. Later on life kasi hindi rin maganda ang pagkakaroon ng unbalanced na katawan. Higit sa lahat... ang sagwa!

M.U. (Machong Unano)
Dahil hindi naman lahat biniyayaan ng tangkad kaya nagkakaroon ng mga MU sa gym. Magaganda at matipuno ang katawan, yun nga lang medyo ipinagkait ng bathalumang Juday ang height sa kanila. Nakakatakot nga minsan ang laki ng kanilang mga muscles dahil siksik na siksik ang mga ito. Kulang na lang yata ay buhok sa paa at magmumukha na silang hobbit.
How to correct this mistake?
Wala naman ng itatama sa pagpapalaki ng katawan nila, kasi ok na nga, Yung height lang talaga. Siguro dapat habang bata pa ang mga potential MU ay lumaklak na sila ng galon-galong cherifer para tumangkad naman sila. Kung mapera naman sila ay pwede silang magpadugtong ng buto sa mga binti nila.

Monsters/Halimaw
Sila yung mukhang mga alalay ng kontrabida sa mga lumang Pinoy action films. Malalaking tao, malalaking katawan at may malalaking tyan din. Mga halimaw nga. At dahil mga halimaw, nakakatakot din sa bigat ang mga binubuhat nila. Nakakatakot talaga silang makasama sa gym.
How to correct this mistake?
Hinay-hinay lang sa paglaklak ng beer at sa pagkonsumo ng pagkain. Uminom ng xenical o bumisita sa mga surgeon para magpa-lyposuction para mahigop ang taba na pwede pang gamiting mayonnaise. Kung hindi uubra ang diet at tawagin lang ako. "They say you have monstah here... They say your gym is cursed... I am Billycoy and I will kill your Monstah!"

Sila ang kapuna-punang mga tao sa gym. Pero huwag mabahala at matakot sa kanila, mabababait at friendly naman sila. Kung meron mang nangangain ng tao sa gym na pinapasukan, malamang na hindi gym yun. Nasa tribu kayo at mga cannibals ang mga kasama niyo. Lagooot!

Friday, November 23, 2007

Just an Inquiry


Maraming katanungan ang bumabalot sa sangkatauhan. Sa mga katanungang ito doon naman nagmumula ang mga karunungan natin. Ngunit may ilang katanungan pa rin ang nananatiling misteryo sa ating lahat. Mga tanong na wala na yatang kasagutan. Mga tanong na hindi nagpapatulog sa ating mga gabi. Mga tanong na patuloy na bumabagabag sa ating isipan.

Anu-ano ba ang mga katanungang kahit tayo ay di natin masagot?

  1. Paano natin malalaman ang lengguwahe o dialect ng mga pipi? May proper pronunciation or grammar din kaya ang sign language?
  2. Kailan kaya tatama ang PAG-ASA sa kanilang weather forecast?
  3. Takot ba talaga ang elepante sa daga?
  4. Kailan matututo ang mga lalaki na mag-shoot ng ihi sa inidoro?
  5. Ano na mangyayari kay Santa Clause kapag natunaw ang ice caps sa North Pole?
  6. Kung ikaw na lang ang lalaki (kung babae ka, kunwari shemale ka) sa mundo at si Mahal at Madam Auring ang natitirang babae sa mundo, sino ang pipiliin mo?
  7. Marami bang pole dancers sa Poland?
  8. Detachable ba talaga ang ilong ni Michael Jackson?
  9. Higante ba si Big Brother?
  10. Trend ba talaga ang drunk-driving para sumikat?
  11. Bakit ba naimbento ang yosi?
  12. Ano mas masarap, sex, beer, chocolates o tumae?
  13. Kung maprotina ang mga ipis at iba pang nakakadiring insekto, bakit hindi ito sina-suggest ng DOH at BFAD na pagkain?
  14. Kamukha ba ni Brad Pitt si kamatayan? Kung ganun man... ang pangit naman!
  15. Naniniwala ba kayong USB (Untouched Since Birth) pa si Billycoy?
Iyan ang ilang bumabagabag sa aking isipan. Ngayon, it's your turn naman para mag-isip at mabigyan ng kasagutan ang mga iyan.

Tuesday, November 20, 2007

Alone in the World

Then tell me, Joe, how come a man as attractive, intelligent, well-spoken,
diffident in the most seductive way, and yet powerful,
is all alone in this world?
Susan Parrish speaking to Joe in Meet Joe Black

Iyan na yata ang pinakaakmang mga salitang nababagay sa akin. Feeling Brad Pitt ba? Hindi ah! Hamak namang wala pa siya sa kalingkingan ng aking kagwapuhan. Pero pareho kasi kami ni Joe Black, gwapo, matalino, marunong magsalita at higit sa lahat seductive. Yun nga lang, mag-isa lang sa mundo at wala pang juwawhoopers. In other words, USB o Untouched Since Birth.

Bakit nga ba mag-isa lang ako sa mundo? Hindi alam ng karamihan, unico hijo ako. Wala akong kinagisnang kapatid. Tanging mga G.I. Joe, unan at sina Mara Clara lang ang nakasabay kong lumaki. Namulat din ako sa pakikiiyak sa Princess Sarah, Dog of Flanders at pakikipaglaban sa mga Saiyans ng Dragon Ball Z. Malungkot sa tingin ng iba, pero masaya na para sa akin. Naging crush ko pa nga si Jolina during her Ang TV days.

Hindi man pinalad na magkaroon ng mga kapatid, masuwerte naman ako at nagkaroon ako ng maraming kaibigan. May matino, may gago, may ulul, may siraulo, may gunggong, may maayos, may timang. Iba't ibang klase, ganun yata talaga mga tao sa mga mental hospital. Masaya naman ako at may nakilala akong mga ganung tao, madaling utuin at utangan.

Bagamat marami akong friendster, isa naman akong sawimpalad sa popoy at pag-ibig. Isa akong sawi. Mabuti na rin siguro yun at yun marahil ang nilaan sa akin ng destiny. Nauunawaan ko naman yun. Sa tindi ba naman ng aking nakakauhaw na charm at nakakahalinang kagwapuhan, maraming kababaihan, matrona't bading ang magpapatayan para sa akin. Kaya naman, mas pipiliin ko na lamang maging mag-isa kaysa magkagulo pa ang sangkatauhan. Kung magkaka-juwawhoopers man ako, alam kong di siya tatantanan ng iba pang nasasabik sa akin. Pipiliin ko na lang maging USB forever kaysa naman may iba pa akong masaktan.

Kaya naman Jolina, KC Concepcion, Denise Laurel, Toni Gonzaga, Rhian Ramos, Marian Rivera, at Riza Santos...

I AM SORRY, I PREFER TO BE SINGLE FOREVER!

Friday, November 16, 2007

A New Republic

Marami talaga akong pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang araw. Kailangan kasing tutukan ng husto ang mga ginagawa ko ngayon. Hindi talaga pwedeng pabayaan. Mahirap na kasi ang magkamali saka kung meron man mapapabago ko kagad ito.

Ano ba pinagkakaabalahan ko?

Kung ang hari ng Dubai ay nagpapagawa ng manmade islands na korteng palm at ng mga continents sa mundo, iba naman ang akin. Gumagawa ako ng country/continent sa Pacific Ocean. Napuna ko kasing marami pang space sa karagatang iyon kaya naisipan kong i-occupy ang space na yun. Napakaraming space sa earth kaya dapat namang i-maximize ito. Sayang naman. At yun nga, naisipan kong magpagawa ng country/continent. Ang gulo-gulo na rin kasi ng bansa natin dahil sa kagagawan nila Cristy Fermin, Jobert Sucaldito, Mahal, Angelica Jones at Madam Auring.

Papangalanan ko ang pinapagawa kong bansa na Bukshikabuba Republic. Isang bansang napakalaya at napaka-democratic. May laya ang mga Bukshi citizens na paslangin ang mga walang kwentang mga nilalang at merong nakakarimarim na pagmumukha. Sa sobrang kalayaan nga ng bansang itatayo ko, kahit sa gitna pa ng kalsada mag-"let's get it on" ang mga magjuwawhoopers ay ayos lang basta't wag lang silang masasagasaan ng mga sasakyang dumadaan, malalasog ang mga katawan nila at magkakalat ang mga balunbalunan, bituka at utak nila sa kalsada. Ayoko ng mess.

Walang halaga rin sa Bukshikabuba Republic ang mga pera para sa trade and industry. Ang currency sa aking itinatayong republic ay katawan. Hindi parte ng katawan ng tao na kinikilo ang tinutukoy ko dito. Katawan as in, sex ang gamit sa mga transactions at trade. Ang presyo ay dependent sa experience at virginity ng isang tao. Kung ang virginity ay intact hanggang age 30 mataas ang presyo nun, pero higit sa edad na 30 ay nagde-depreciate na rin ang value. Kaya naman mataas ang value ko sa itatayo kong bansa. Baka kayanin ko pang bumili ng isa pang bansa kapag ibinenta ko na ang aking virginity.

Limited lang ang mga taong maninirahan sa aking bansa. By invitation ito at meron pang screening sa mga invited. Kailangang high-quality ang mga kukuning mga citizen ng aking republic para makaiwas sa contamination ng corrupted ideologies.

Medyo matagal pa itong matapos pero ngayon pa lang ay tumatanggap na kami ng mga applicants ng mga wannabe Bukshi citizens.

Registration fee: One-night stand.

Monday, November 12, 2007

Safest Place on Earth


Ibang safety ang tutukuyin ko.

Habang tumatagal ay lalong nagiging delikado ang mundo. Lumalala na kasi ang terorismo, giyera at crimes. Kung maaari lang sigurong manirahan sa ibang planeta matagal na natin itong ginawa. Wala na nga yatang ligtas na lugar ngayon kung tutuusin. Sa kabila ng kaguluhan, bukod sa Antarctica, ang bansa pa rin natin safest.

Bakit sa palagay ko ang bansang Pilipinas ang pinakaligtas sa mundo?
  • Ally tayo ng USA at UK
  • Kaibigan din ng bansa natin ang China
  • Miyembro ang bansa natin sa ASEAN
  • Malapit din ang mga Pilipino sa mga Muslim countries
  • Wala namang alitan ang bansa natin sa Ruso
  • Friends na rin ang bansa natin sa North Korea
  • Patuloy pa rin tayong kumukuha ng supply ng langis sa mga middle-eastern countries
  • Maganda ang ugnayan ng Pilipinas sa India at mga kalapit na bansa
  • Supplier tayo ng mga entertainers sa Japan
  • Tinatangkilik nating mga Pinoy ang mga Koreanovelas
  • Maganda pa rin ang relasyon natin sa mga drug traffickers sa South America
  • Nanggagaling ang mga ukay-ukay natin sa Hongkong
  • Nag-aral sa France si KC Concepcion
  • May dugong pinoy si Rob Schneider
  • Kasama sa nominees ng Top 99 Women in the World ng Askmen si Angel Locsin
  • Naiintindihan natin ang lenggwahe ng mga penguin
  • Nakatira sa bansa natin ang pinakamayamang tao sa mundo, si Eddie Gil
  • Kasalukuyang nananahan sa bansang ito ang katakam-takam at pinakagwapong virgin demigod na si Billycoy Dacuycuy
Isa lang naman ang alam kong dahilan kung bakit nagiging peligroso ang pagtira sa bansa natin...

SI JOBERT SUCALDITO.

Thursday, November 08, 2007

Math Attack


Who loves Math?

Sino nga ba ang may gusto ng Math? Malamang mangilan-ngilan lang ang mahilig sa math. Bukod sa chocolates at sa mga sizzling hot chikaboobs, isa rin sa aking weakness ang Math. Isa nga arithmetic sa mga pinaka-dislike kong subject noong elementary at highschool. Hindi ako mahusay sa mga math problems, ngunit di nangangahulugang kamote ako dito. Hindi ako magaling at hindi rin naman ako dakilang tanga sa Math, sinto-sinto lang.

Swerte ko nga nu'ng college kasi college algebra lang at yun lang ang natatanging isang Math buong college life ko. Kaya't konsultahin niyo na ako sa sex wag lang sa mga numbers dahil tiyak mapapatay ko gamit ng kuryente ng battery ng calculator kung sinuman ang magtatanong sa akin ng mga ganung bagay.

Though, kahit gaano man nating gustong isuka ang Mathematics, napakahalaga pa rin nito sa ating buhay. Tumutulong ito sa analytical thinking ng ating pag-iisip. Pero, ano naman ba ang dulot ng isang mangmang sa Math?

Advantages of a Math Stupid

  1. Hindi aasahang bigyan ng napakabigat na mga suliranin na may kaugnayan sa mga numbers.
  2. Sa ambagan, hindi papakialaman ng iba kung sakali mang may sumobra sa ambag nila.
  3. Walang problema sa pagbabudget.
  4. Hindi rin namomroblema sa mga presyo ng binibili kahit pa mura ito o mas mahal pa ito sa kanyang buhay at buhay ng kanyang mga kapitbahay.
  5. Masaya sa buhay at hindi naii-stress ng mga numero.
  6. Walang pakialam sa mga levels ng cholesterol, blood pressure, blood sugar, calories, fats, sodium at tindi ng baho ng mga singit, batok at kili-kili.
  7. Nananatiling bata at hindi tumatanda.
Disadvantages of a Math Stupid
  1. Madalas na nagno-nosebleed kapag nanonood ng "Numbers" at "Math-tinik"
  2. Nauubusan ng pera ng di namamalayan.
  3. Inaakalang isang race ng tao sa isang bansa ang SOH-CAH-TOA.
  4. Dependent sa mga daliri sa kamay at paa para mag-solve lang ng simpleng equation ng trigonometry.
  5. Hindi kayang bilangin ang mga bituin sa langit, hibla ng buhok at mga butil ng bigas sa isang tasa.
  6. Kinakasuhan ng pandarambong o plunder.
Sa math na lang din ang pinag-uusapan, how to get Billycoy with a Math equation?

Gwapo multiplied to sexiness to the nth power divided by the square root of charm add the cosine of a uber gorgeous looks times the cotangent of oozing sex appeal plus yumminess to the mouthwatering level which will be equal to Billycoy.

Ayan ang formula sa paggawa ng isang demigod na katulad ko. Paano naman ang equation niyo sa inyong sarili?

Monday, November 05, 2007

Still Alive and Kickin' Some Balls

I'm back I'm back balakubak!

Matagal din pala akong nawala, nagbakasyon muna kasi ako at pinili kong i-isolate ang sarili ko sa media frenzy at mga technological hullabaloos. Nagbakasyon grande muna ang inyong lingkod para naman medyo ma-refresh, mag-recharge at makapag-relax-relax muna sa napakaraming stress na nakaka-reduce ng aking youthful glow. Kaya heto na ako nagbabalik na masiglang-masigla at aroused na aroused!

Nasaan nga ba si Billycoy nitong nakaraang linggo at tila naglaho muna sa paningin ng mga uzis at ng mga tsismosa?

Nagbakasyon kasi muna ako sa aming bahay bakasyunan. Hindi sa mansion namin sa Baguio, resthouse sa Tagaytay Highlands, beachhouse sa Bahamas o sa aming bubbledome sa ilalim ng Arctic Ocean. Bumisita muna ako dun sa aming pinapagawang vacation house sa planetang Pluto. Kung hindi niyo po nalalaman, binili ko na kasi ang Pluto last year kaya naman ang ginawa ng mga astronomers, scientists, astrologists, feng shui experts at ng mga mambabarang ay ginawa na lang itong asteroid. Kaya kasalanan ko kung bakit di na planeta ang Pluto ngayon.

Nag-chillax muna ako habang pinapanood ang aking bahay na ine-erect... este itinatayo... (bakit parang mahalay pa rin?) ng aking mga alipin sa lupa ng aking nabiling planeta. So far, almost halfway pa lang sila. Medyo mabagal ngang ang paggawa kasi ayokong madaliin nila ang pagtapos nito.

Medyo mayabang ba ang tono ko?

Hindi naman ako nagmamayabang. Well, kasi kaming mga nasa alta-sociedad, natural na may mga ganung bagay lang. In other words, hindi kami mayabang, MAYAMAN LANG.

Sa mga naghanap sa akin—kung meron man—sa mga nakalipas na araw, unawain niyo na lang sana ang pansamantala kong pagkawala. Nagparaos lang ako!

Regal shockers! Iba talaga ang epekto ng hangin ng Pluto sa akin.

Tuesday, October 30, 2007

Wazzupenin'?

Sa mga di ako nakakausap ng personal, alam kong meron kayong nais itanong bukod sa mga kung paano tumatakbo ang makina ng utak ko o kung ano na naman ba ang susunod kong isusulat sa blog ko. Pero may isang tanong na madalas lang ma-overlook at dahil sa dalas ba namang itinatanong sa akin ito sa YM, sa text o sa mga taong di madalas makita ay hindi na ito tinatanong ulit. Minsan ang tanong na ito ang isa sa pinakamabigat na tanong na maibabato sa iba at maging sa ating mga sarili. Kamusta na?

Kamusta na nga ba si Billycoy Dacuycuy?

Kamusta na ako? Heto napakagwapo pa rin at sa bawat tanong na kamusta ay mas lalo pang gumagwapo. Kahit medyo nababangag sa opisina, nagiging haggard at lumalala ang global warming ay heto pa rin ako, patuloy na gumagwapo each day. At nang dahil nga sa mas lalo pa akong gumagwapo ay lalo namang pumapangit ang mga nasa paligid ko. Ganun pala kapag gumagwapo.

How do you do Billycoy Dacuycuy?

I'm doing well. Kahapon nilagyan na naman ng nail polish ang aking kuko sa kanang hintuturo. Indelible Ink daw ang tatak ng nail polish. Walang kwentang eleksyon, hindi man lang naging madugo. Nagdugo lang ang isang daliri ko sa paa sumabit kasi sa isang sasakyang pang-slapland (hampas-lupa) kaya heto nasugatan. Buti na lang gwapo ako kaya di ko masyadong pansin ang sakit.

Como esta Billycoy Dacuycuy?

Muy bien. Currently ginagawang tissue na pampunas ng pawis at sipon ang mga dolyares at salapi namin sa aming kabahayan. Pero sa labas ay nagpapanggap na ordinaryong empleyado para hindi pagtangkaan ang buhay. Kadalasan nga nai-stress na rin ako kung paano ko pa wawaldasin ang aking limpak-limpak na salapi. Kaya nga winawalis at ginagawa na lang naming pang-siga at pambalot ng tinapa kasi di na talaga magkasya sa vault namin at di na rin kayang itabi ng mga bangko namin.

Comment allez-vous Billycoy Dacuycuy?

Heto currently virgin at sobrang tigang na. Hirap naman kasing maghanap ng prospect saka di naman minamadali yun. Naniniwala akong malalaglag ang aking soulmate mula sa langit na sana lang ay masalo ko siya dahil kung hindi ay malamang sasalampak siya sa lupa, magkakalasog-lasog ang mga buto at kakalat ang lamanloob at dugo niya sa semento. Kaya habang wala pa siya kakanta na lang ako...

"Pangarap ka na lang ba? O magiging katotohanan pa?..."

Kayo naman dyan, kamusta naman kayo?

Friday, October 26, 2007

Explosive Theories

Isang linggo na ang makalipas pagkatapos noong pagsabog sa Glorietta 2. Ang imbestigasyon ay tuluy-tuloy at hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. Una, sinabi nilang LPG tank ang sumabog, tapos high explosive tapos naging methane gas na nahalo sa diesel fumes. Kung anu-ano na ang mga teorya nila. Kaya naman ang inyong lingkod ay nagsagawa na rin ng pag-aaral kung paano naganap ang pagsabog sa Glorye.

image brought to you by Heneroso's Multiply.

My fault?!

Kinausap ko kasi ang mga alipores ko earlier that week. Sabi ko kasi pupunta ako sa Glorietta by Friday kaya gusto ko sa pagpasok ko ng Glorye ay magkaroon ako ng "explosive" entrance. Ang mga galunggong... este mga gunggong hindi yata nakakaintindi ng figure of speech kaya ang ginawa nila ay naglagay nga ng mga pasabog. Tapos ang napaaga pa ang pagpapasabog nila kaya naganap nu'ng tanghali. Mabuti na lang wala ako doon, kung sakali ay hindi lang utak ang sasabog sa akin.

Currently, iniimbistegahan ko na rin ang mga alipin ko kaso magaling silang magtago at maglihim. Talagang in denial pa ayaw nilang amining mga engot sila. Kung sila nga ang may kagagawan nu'n ako pa ang mapapahamak. Pero mukhang tinamad yatang magtrabaho ang mga slaves ko noong araw na iyon kaya mukhang hindi rin sila ang may kagagawan.

All Cows

Ang mga baka kasi nagre-release ng methane nang dahil sa mga kinakain nilang damo. Kaya sa palagay ko ay mayroong mga baka sa basement nitong Glorietta 2. Maraming-maraming cows malamang ang nandoon sa ilalim ng Glorietta 2 kaya nag-accumulate at nakulob ito sa basement. Nagkaroon ng spark at yun... KABOOM! Nagkaroon na nga ng pagsabog.

Kung bakit wala ng natagpuang laman ng baka sa ground zero? Madali lang, maraming restaurant at fastfood sa loob ng Glorietta kaya hindi imposibleng kinuha na ito ng mga crews nila at ginawa ng steak o patty ng mga hamburgers.

New Level of Terrorism

Hindi ko isinasantabi na maaari ngang terorista ang may kagagawan ng pagsabog. Ngunit hindi sila mga ordinaryong terorista, sila ay kakaiba at may pambihirang talento. Hindi sila gumagamit ng mga ordinaryong pampasabog gaya ng C4 o TNT. Ang kanilang talento ay umutot ng umutot. Ang ginagawa ng mga teroristang ito ay kumain ng napakaraming kamote at gulay kaya kakabagin sila at maging dahilan ng pag-utot ng maraming beses. Siguro ay ganun ang ginawa nila sa basement, inipon at sinindihan kaya nagkaroon ng pagsabog. Wala nga namang maiiwang bakas ang pagsabog gawa ng utot.

Marami tuloy ang nasayang na buhay dahil sa naganap na pagsabog sa Glorietta 2. Sana bilisan naman ng awtoridad ang kanilang imbestigasyon at bigyan ng hustisya ang mga nasawi.

Pwede na akong imbestigador di ba?

Tuesday, October 23, 2007

Clean Water

Isa sa kadalasang karamdaman ngayon ay related sa stomach problems. Nariyan ang dysentheria, gastroentiritis, diarrhea, constipation, cholera, kabag at mga parasites sa bituka. Kadalasan ang mga yan ay sanhi ng unhealthy at maruming pamumuhay. Isa sa mga hindi tayo nakakasiguro ipinapasok natin sa ating mga bunganga ay ang tubig na iniinom natin. Kaya nga mas madalas ay bumibili na lang ng mga mineral water o umoorder ng purified/ionized water sa mga water station. Heto at may bago na naman kaming produkto.

From the makers of Tubig Baha™, here comes a new product to help you live a healthy lifestyle. Introducing Purritta™ Pure Water, ang tubig na siguradong malinis at naglilinis pa hanggang sa kaloob-looban. Sa sobrang kalinisan nga nito ay hindi na magdududa sa pag-inom nito. Natitiyak na puro dahil dumaan sa napakaraming proseso ang tubig na ito sa paglinis.

Ang tubig ng Purritta™ ay dumaan sa napakahabang proseso ng paglilinis para i-ensure na walang bacteria nilalaman ito. Dumaan sa napakabusising proseso ng purification at filtering. Pagkatapos ng filter ay binubuhusan ito ng bleach para patayin ang mga bacteria. Susundan naman ito ng paglalagay ng anti-bacterial detergents at anti-bacterial dishwashing liquid para tuluyang patayin na ang mga microbes. Nilagyan din ng 1/4 moisturizer para swabe ang pag-inom. Ang mga bote nito ay ini-sterilize gamit ng muriatic acid upang pati ang mga containers ay siguradong germ free.

Kaya naman inaanyayahan ko kayong bumili na ng Purrita™ Pure Water para malinis na ang inyong pamumuhay.

But wait, there's more... Kapag bumili kayo sa mismong oras na ito you'll get a free sterilized powdered gloves para siguradong hindi madadampian ng germs ang bote ng Purritta™ kapag uminom kayo.

Ano pang hinihintay niyo? Bili na!

Friday, October 19, 2007

Bombs Away

Yan ang Nagasaki Atomic Bomb

Yan naman si Miss Atomic Bomb.

Nayanig na naman ang bansa dahil sa bombahang naganap sa Makati ngayong hapong ito, 19th of October 2007. Hindi po ito yung bombahang nagaganap sa mga chipipay na clubs at mga napapanood sa pelikula, heto ay ang pagsabog ng bomba. Walo—as of this time I'm typing this—na ang nabawian ng buhay at mahigit 80 ang sugatan. Naganap ang sinasabing pagsabog sa Glorietta 2, na sa una ay inakalang pagsabog lamang ng isang LPG tank sa Luk Yuen, isang restaurant.

Bagamat ako ay nagtatrabaho sa Makati, malayo naman ako sa pinangyarihan ng pagsabog. Kung meron mang sumabog ay nagawa ko na yun kaninang umaga sa toilet bowl at nagpasabog ng napakabahong amoy. Higit pa yun sa bomba na napasabog sa Glorietta at lalong kaya pang talunin ang atomic bomb sa Hiroshima. Kung meron mang tatalo sa bomba ng puwet ko, iyon ay kapag naisipan na ni Madam Auring na magbomba.

Sa kaganapang bombahan na lang din, heto ang ilang reaksyon ng mga tao sa naganap na pagsabog.

Ayon kay Jehzeel sa Twitter:
sumabog daw glorietta 2? waaaaaaaaaa


Ayon sa dalawang residents ng isang building sa Makati:
Girl: Pinasabog daw ang Makati?!
Boy: Tanga! Kung sumabog ang Makati eh di kasama ka na dun!


---------------------------

Naiinis ako dahil lagi na lang akong napagkakamalan. Mabuti sana kung maayos na pagkakakilanlan, hindi naman. Gaya na lang ng mga ganitong sitwasyon:

Habang naghahanda sa pagpunta ng gym.

Pinsan: Gym ka?
Ako: Hindi, tao ako.


Habang papunta ng comfort room para umihi.

Kaibigan: CR ka?
Ako: Hindi, tao ako


Habang bumibili ng ginataang halu-halo sa isang tindahan.

Tindera (sinasabi sa co-tindera): Bilo-bilo daw si kuya.
Sa isip-isip ko: Hindi ako bilo-bilo, tao ako!
Hindi ba nakakainis na mapagkamalan na kung anu-ano, gym, CR at higit sa lahat bilo-bilo!? Sino ba ang matutuwa sa ganun?!

Sa lahat! Tao po ako, TAO. T-A-E.... TAO!

Wednesday, October 17, 2007

Pimp my Crib

Grabe, nahihirapan na talaga ako dito sa aming tahanan. Hindi ko na alam kung paano pa ako kikilos dito. Hindi naman siya masikip, sa halip sobrang luwag nga ng aming bahay. Kung pagmamasdan kasi ang bahay namin, simpleng apartment lang. Ngunit di alam ng marami na may basement ang bahay namin. Sa basement nga ng bahay namin hindi aakalaing ganito ang gugulantang sa kanila...


Oops, sorry wrong basement.




Ganyan kalaki ang basement namin. Nagpasadya kasi kaming magkaroon ng landscape at artificial skyline doon para kahit hindi na kami umibabaw para lang makalanghap at makatanaw ng magandang tanawin. Sa sobrang laki nga ng aming basement, kakailanganin pang sumakay ng tren para makarating pa sa mga kwarto namin. Nasa kabilang bundok pa ang pinakabahay namin sa basement.

Rooms Apart

Isipin mo naman, kailangan pa naming sumakay ng train para lang makarating sa susunod o kabilang kwarto. Kaya nga siguro ako kadalasang nale-late sa office dahil sa biyahe namin sa loob ng bahay.

My Bedroom

Siyempre favorite spot ko ang kwarto ko. Napakasimple lang naman kasi doon at relaxing pa. May mga anim lang naman na plasma TV's na nakasabit sa mga pader ng aking kwarto. Yung kama ko? Hindi ko na lang ide-describe kasi yung bedsheet, punda at kumot pwede ng tumayo mag-isa sa tigas. Hindi ko nga alam kung bakit ganun, pero meron makakapa dun na parang mga natuyong gawgaw, pero di yata gawgaw, kasi amoy clorox.

My wardrobe

Ang cabinet ko kapag binuksan, meron kagad na bubungad na mga subwoofers at speakers. Sa magkabilang pintuan naman ay mayroong mga LCD monitor na nakakabit doon na nagpe-play ng mga palabas sa MTV. Tapos sa pagitan ng mga speakers may susulpot na touch-screen monitor kung saan doon ko na lang pipiliin ang isusuot kong damit mula sa aking mala-department store na wardrobe.

Super Security

Syempre, kailangang pangalagaan namin ang tahanan namin. Matindi ang security sa bahay namin. Merong voice recognition, eye scan, fingerprint recognition, blood test, DNA test, interview, desanitation, password protection, signature recognition at kung anu-ano pa. Malapit na nga yata kaming maubusan ng dugo dahil sa dalas na blood test para lang makapasok sa bahay at mga kwarto namin. Umaabot din ng ilang oras bago pa makapasok, kaya kadalasan nga ay tinatamad na kaming pumasok sa basement house namin kaya nanatili na lang kami kadalasan sa surface.

Ganyan lang naman ang crib namin. Simple lang kung tutuusin. Mas malaki pa rin kasi ang heritage house namin. Makahanap na nga ng ibang bahay, okay na siguro yung kasing liit lang ng Mall of Asia para di na ako mahirapan. Ok na kaya yun?

Monday, October 15, 2007

Blog Action Day: Let's Clean Up Our Act


Modern na talaga ang panahon ngayon. Ang daming ipinagbago simula noong lumabas ako sa mundong ibabaw. Akala ko kasi noon hindi na magbabago ang damit noong 80's na may mga shoulder pads at ang sandamakmak na spraynet sa bangs ng mga kababaihan noon. Dumating ang 90's, nagbago ang lahat. Matapos akong magsawa kay Pong Pagong—na kamukha kapag may suot akong baseball cap—sa Batibot at sa kakalaro ng G.I. Joe, nauso naman ang mga loose shirts and pants, at pati ang mga nakamamatay na gel-infested spiked hair. Bukod sa pananamit at mga uso, marami ring nagbago, lalo na sa ating environment.

Laking Maynila ako, kaya naman sanay na akong lumanghap ng sariwang usok mula sa mga tambutso ng mga bunganga at sasakyan. Immune na rin akong makita ang nagtatambakang basura sa paligid at masuka sa nakakaduwal na amoy ng mga basura. Bagamat sanay na ako sa ganung kapaligiran, nasa-suffocate na rin ako. Hindi naman kasi ito katulad ng drugs, rugby o marijuana na kapag nalanghap ay nakaka-adik singhut-singhutin. Gusto kong mabago ang mundong ginagalawan ko.

Nakakatuwang pakinggan ang mga elderly kapag nakukwento nilang nakakapag-skinny dipping pa sila noon sa dating malinis na ilog. Ngunit ngayon, subukan lang maligo sa mga ilog na iyon ay hindi na nila magagawa. Makakasabay na rin sa paglangoy ang mga basura at taeng palutang-lutang dito. Baka nga sa sobrang dumi ng mga ilog na ito baka pati ang mga jerbaks ay bumara na lang ito sa mga butas ng ilong, ang masama pa ay may pumasok sa bunganga at mabulunan pa. Hindi na nga rin siguro nakakagulat kung maka-swimming ang mga bangkay o parte ng katawan ng mga chop-chop victims sa ating mga ilog. Ang pagsisid sa mga ilog ng Maynila ngayon ay katulad na rin ng paglangoy sa mga septic tanks.

Kung gaano katindi ang traffic sa Metro Manila, ganun din o higit pa kalala ang pollution na dulot na ito. Tanaw na tanaw nga sa langit, lalo na sa oras ng paglubog ng araw, ang tindi ng kapal ng smog sa langit. Aakalain ngang end of days na dahil sa kapal ng usok sa langit. Normal na yatang makitang brown ang kalangitan natin ngayon. Hindi na nga sorpresa ngayon kung bakit marami na yata ang mga batang ipinapanganak na may asthma or any lung-related disease. Pero bakit ganun, kahit ang mga adik na sanay na sa usok ng sigarilyo at droga ay ayaw din nila ang mga usok ng sasakyan at ng air pollution?

Ironic nga, marami na ang taong natututong maglinis ng mga katawan nila pero ang paligid naman ay palala ng palala ang sitwasyon. Heto nga lumalala na ang global warming. Kung ako ang gagawa ng solusyon dito, ipapasinghot ko sa lahat ang usok sa ere at kapag namatay sila sa pagsinghot sa smog ay gagawin kong fertilizers sa mga puno ang mga bangkay at pagpiyestahan na sila ng mga uod at bulate.

Hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa nating mabago ang sitwasyon ng ating mundo. Nararapat na tayong umaksyon ngayon din at muling baguhin na ang ating kinagawian. Kailangan pa ba nating makitang burak ang lumalabas sa mga gripo natin at makakain ng tae para lang malamang malala na ang sitwasyon ng ating mundo?

Friday, October 12, 2007

Save the Bacteria Movement

Kung sa inaakala nating lahat na ang ating mga magulang, tito, tita, ditse, ate, kuya, lolo, at lola lang ang ating mga kapamilya at kamag-anak, malaking pagkakamali iyan. Meron tayong long lost relative na matagal na nating di pinapansin kahit pakalat-kalat lang siya sa paligid. Kaya naman, ipinapakilala ko sa inyo ang inyong long lost relative.

Isama niyo ang picture na iyan sa inyong family album.

Yap, ang Bacteria nga ay kamag-anak nating lahat. Sa theory of evolution, sinasabi dito na ang buhay sa earth ay nagsimulang lahat sa microorganism, ang bacteria. Hanggang sa nagtagal, nagkaroon na ng mga halaman at kahayupan sa ibabaw ng kamunduhan... este mundo pala. Ang mga bacteria ay may buhay din at relative natin kaya naman nararapat rin silang pangalagaan.

At dahil ang inyong lingkod ay advocate ng buhay ay isinusulong ko ang Billycoy's Organization for Organisms and Bacteria Savers or BOOBS. Isinusulong ng BOOBS ang pagligtas ng buhay ng mga microorganisms at bacteria sa ating paligid at awareness program ukol sa kahalagahan at kung paano mapapangalagaan ang buhay ng mga munting kaawa-awang nilalang.

Heto ang ilan sa mga paalaala at advocacy ng BOOBS para mailigtas ang buhay ng mga bacteria at microorganisms.

  • Huwag ng maligo na gamit ang mga antibacterial soaps dahil pinapatay nito ang maraming germs sa ating pangangatawan. Kung may reklamo mang marami na ang namamaho ay mabuti na rin yun, dahil at least marami naman ang naililigtas na buhay.
  • Nire-remind din ng BOOBS na ang tae ay isang colony ng mga kamag-anak natin kaya naman dapat din silang pangalagaan. Handle with care, ika nga.
  • Nais din ng aking organization na ipagbawal na lahat ng mga anti-bacterial soaps, cleanser, detergents, etc. Masaya ang maduming buhay kasama ang mga munti nating kapamilya.
  • Kasagutan sa kalungkutan at depression ang mga bacteria. Nais naming iparating na hindi kayo nag-iisa sa mundo. Nariyan lamang ang mga bacteria para dumamay sa inyong mga problema.
  • Isa rin sa aming advocacy ang pagliligtas sa mga sperms. Marami kasi ang namamatay na sperm cells sa tuwing nagkakaroon ng "Happy Time" ang mga kalalakihan. Kaya naman ipapasa namin sa gobyerno na gawing krimen ang pagpuksa sa milyon-milyong sperm cells.

Marami pang mga paalaala ang aking organization sa mga darating pang araw. Nananawagan din ako sa marami na sumali sa BOOBS para na rin mailigtas ang napakaraming bacteria at microorganisms sa ating kamunduhan... este mundo.

Tandaan, Bacteria man, may buhay pa rin iyan.

Wednesday, October 10, 2007

Evolution of Me

Nabanggit ko na noon ang tungkol sa development ng aking katawan, kaso brief lang yun. Kaya naman, ishe-share ko kung paano ba ang aking evolution. Syempre naman malaki ang ipinagbago ko simula pagkabata, pero isa lang ang nag-stay, ang aking kagwapuhan.

Noong iniluwal ako ng aking ina sa mundong ibabaw na puno ng sandamakmak na gulo at problema, wala pa akong alam sa kamunduhan at di pa tinutubuan ng bulbul. C-Section nga ang mommy noon dahil grabe ako sa laki. Ang bigat ko nga rin daw at hirap na hirap sila sa pagbuhat sa akin. Tinubuan nga ng mga muscles ang mom at lola ko sa kakabuhat sa akin. Parang bola nga raw ako nu'ng baby ako. Kaya heto ang pic ko nu'ng baby ako.

Di ba ang cute ko ng baby ako? Mukha akong bola!

Noong medyo lumaki naman na ako, pumayat ako ng konti kumpara noon sa mala-bola kung hugis. Chubby, and as usual, uber cute and handsome with cheeks loved to be pinched by sexy sweet girls pa rin. Lumalabas na rin kasi siguro sa genes ko yung konting height kaya nabatak na ang mga baby fats ko sa katawan. Yun nga, hindi pa rin totally payat, chubby pa nga. Inverted pa nga ang utong ko dahil sa taba ko.

Hindi po ako yung kabayo, ako po yung nakasakay.

Lumipas ang mahabang panahon ng pakikipaglaro ng Monkey Monkey Anabelle, matuli at nagsimula na akong tubuan na ng mala-gubat na bulbul sa aking pagbibinata, grumabe naman ang ikinapayat ko. Sinagot naman kasi ang hiling ko during my puberty years sa pagnananais kong pumayat kasi madalas akong tuksuhin ng mga repakuls ko noon. Napaka-deadly nga ng aking mga siko at tuhod dahil nakakatusok sa kapayatan ko.

Iyan ako kasama ang aking mga repapips. Hindi po na-rape ang mga barkada ko, kasi natural na pixelated lang talaga ang mukha nila.

Tapos, dumating na nga ang panahon na matapalan ng laman ang aking buto. Nakakapagod kasi ang magdikit gamit ang superglue ng mga pandesal sa aking tiyan at cinnamon roll sa aking mga braso, kaya naisipan ko na lang na pumunta sa neighbor gym at sinimulang ngumata ng mga weight plates. Hayun nga nagkaroon ng improvement at marami ring nakapuna sa pagbabagong iyon. Ang laki ng ipinagbago ko sa aking payat na katawan, kaya lumaki ako hanggang ganito.

Masarap din yan sa hot choco.

Hindi naman ganyan, ayoko naman yata maging marshmallow man. Although cute, ayoko pa rin. Kailangan syempre sexy at muscular lang, di naman yung ganyan. Kasi kung ganyan ako kalaki baka hindi na ako makadaan sa mga pintuan or baka isama ako sa nightcamp, tuhugin sa stick at gawing roasted marshmallow. Ayoko namang maging ganun, kaya heto na talaga ako ngayon.

Mga gehls wag niyo akong paglawayan kapag naging ganyan na katawan ko.

Okay, hindi pa rin, pero wait niyo lang magiging ganyan din ako. Siguro in 5 to 10 years, magiging ganyan din ang katawan ko.

Napansin niyo ba na isa lang ang pose ko sa lahat ng aking picture? Yan kasi ang aking best angle.

Monday, October 08, 2007

Ad Infested Delayed Telecast Boxing Match

Nagfe-flex ng muscles po dyan si Manny, hindi po siya naje-jerbaks dyan.

October 7, 2007. Ang araw nang muling tumigil ang ikot ng mundo... ay hindi pala, sa Pilipinas at sa mga Pilipino lang. Natigil muli ang biyahe ng mga jeep at taxi dahil lahat nakatambay sa malapit na carinderia na may naka-display ng TV. Peace muna ang mga pulis at kriminal dahil kasabay nila ang mga drivers manood sa TV. Ano ba ang pinagkakaabalahan nila? Ang laban nila Pacquiao at Barrera sa ad-infested delayed telecast na local channel.

Iba talaga ang nagagawa ng laban ni Pacman para sa ating bansa, maraming advantages.

Decreased Crime Rate
Ang mga adik at mga kriminal ay nandun muna sa kanilang bahay or sa kapitbahay ng pinsan ng kanyang kaibigan para manood ng laban ni Manny. Kaya naman magandang lumabas sa pagkakataon na ito para ipagmayabang sa kalsada ang nagagandahang mga selepono, iPod, mp3 players, PSP, laptop at kung anu-ano pang gadgets dahil siguradong walang magnenenok nito sa kamay niyo dahil busy silang manood.

Decreased Traffic Congestion
Kapuna-puna rin sigurong konti ang nabiyaheng mga jeepney sa kalsada dahil nga halos masunog na ang mga mata nila sa tutok sa panonood sa laban sa TV. Magandang rumatsada ang mga sasakyan sa EDSA sa ganitong panahon dahil nga mga traffic enforcers at pulis ay nanonood din. Kahit nga mag-cartwheel, gumlong-gulong at maglaro ng patintero sa kalagitnaan ng EDSA ay magagawa sa ganitong oras. Medyo mahirap nga lang mag-commute dahil konti nga lang ang nabiyaheng mga PUV's.

Tranquility
Pwedeng ma-achieve ang orgasm... este nirvana sa mga oras ng laban ni Pacman. Tahimik kasi ang outdoors kaya pwedeng-pwede mag-yoga , mag-meditate at makipag-tantric sex. Ngunit tiyak na mabubulabog na lang kapag narining ang buong Pilipinas na naghihiyawan later that afternoon dahil isa lang ang ibig sabihin nun, nanalo na si Pacman.

Bukod sa advantages, meron lang akong isang napunang disadvantage habang nagaganap ang laban.

Proof of... something
Mapapatunayan sa laban ni Pacman na wala rin tayong pinagkaiba sa ibang nasyon na meron din tayong racist tendencies. Maririnig kasi sa mga remarks ng commentators ang mga nasty comments sa katunggali ni Pacman. Mabuti na lang sa wika natin nila sinabi ang mga iyon, pero kung english lang siguro yun malamang naakusahan na rin tayo sa pagiging mapang-alipusta. English man o hindi, panlalait pa rin yun. It's all for sports naman yun, pero sana maging sport din naman tayo kapag tayo na ang tinitira, tama ba? (Uy seryoso).

Iyan lang naman ang ilang kaganapan sa ating bansa sa tuwinang may laban si Manny Pacquiao. Kaya sa mga hindi interesadong manood sa susunod na laban ng "pambansang kamao", make use of the advantages. Sana lang dine-declare na holiday ang sumusunod na araw ng pagkapanalo niya para mas masaya!

--------------------------------



Ganyan yata ang gamit na brief ni Pacman, kaya siguro matibay at di nagbe-bacon!

Friday, October 05, 2007

Wishing you always the good looks and good luck!

Swerte. Iyan ang gusto ng marami na magkaroon. Hindi naman kasi lahat ng tao o pagkakataon ay nakakatsamba tayong swertehin. May mga panahon na kapag dumapo ang kamalasan ay sinusundan pa ito ng sunud-sunod na buhos, yung parang buhos ng waterfalls sa Daranak na pinagshu-shootingan ng mga pelikula dati. May mga tao naman kung kapitan ng suwerte na parang nilagyan ng Mighty Bond at hindi na maalis sa kanya.

Ganun talaga ang wheel of life. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba at nagugulungan pa ang tae at napapahalik sa patay na pusang nasagasaan ng jeep sa kalsada. Ganun kaganda at kabrutal ang buhay. Kung hindi man ito kasing ganda ni KC Concepcion, ay kasing sagwa naman ito ng pagmumukha ni Long Mejia.

Paano nga ba swertehin sa buhay?

  • Swerte raw ang makating kaliwang palad dahil ibig sabihin nito may papasok na pera. Kumuha ng higad sa malapit na puno at ilapat ito sa kaliwang palad. Maya-maya lang ay siguradong kakati na ang palad niyo at darating na nga ang swerte. Iwasang ipatong ang higad sa kanang palad dahil gastos naman ang ibig sabihin kapag nangati ito. Ang makating puday naman ay libog lang or hindi lang madalas maghugas pagkatapos mag-weewee.
  • Maswerte naman daw ang managinip o makaapak ng tae. Since hindi naman pwedeng pilitin managinip ng tae, sa next option na lang, ang makaapak. So kapag nakakakita ng tae ng aso o pusa sa kung saan man ay apakan ito at hilahurin ang talampakan dito para tiyak na lumapit ang swerte. Syempre dapat magmumukhang aksidente lang ang lahat para effective ang pagpasok ng swerte, kaya sambitin "Ay naapakan ko!" Pwede ring magbaon ng jebs ng alaga niyong aso, pusa, kambing, kabayo, elepante o dinosaur at ilagay ito sa napiling pwesto saka apakan na parang aksidente lang ang lahat.
  • Ang nagsusuot naman daw ng pula ay malapitin sa swerte. Bukod sa magsuot lang ng pulang damit, maglagay na rin ng pulang kyutiks, lipstick at magpasampal na rin sa magkabilang pisngi para mamula ito. Pahiran din ng asin ang mata para mamula rin ito. Kapag pulang pula na, tiyak na lapitin na ng swerte. Iwasan lang magsuot o maging pula sa birthday dahil madi-distinguish ng iba ang birthday at baka makantsawan lang, hindi swerte yun.
  • Kapag nakakita naman ng four-leaf clover ay suwerte rin daw. Mahirap maghanap ng four-leaf clover kaya mas mainam pumunta na lang sa tindahan at bumili ng Clover chips. Hindi man talaga ito suwerte pero kahit papaano ay maiibsan nito ang gutom. Medyo maghinay-hinay nga lang sa pagkain nito dahil mamalasin naman balang araw dahil sa sakit sa bato.
  • Saka para lubos-lubos ang swerte niyo, puntahan niyo ito.
Siguro naman kapag ginawa niyo ang mga lahat na yan ay abut-abot na ang swerte darating sa inyong buhay. Huwag niyo lang akong kalimutan ambunan ng grasya niyo kapag sinuwerte nga kayo.

Wednesday, October 03, 2007

Fecal Talk

Sa mundo ng banyo, maraming pagkakaiba ang tao. Iba-iba ang habit sa paggamit ng toilet bowl. Yung iba successful, yung iba mababakas sa kanilang mukha na hindi sila tagumpay sa kanilang misyon. Ngunit kung anuman iyon ay tiyak na mabaho pa rin ang kalalabasan.

TAELOGY 101

Ang tae, normal na bahagi yan ng ating buhay. Kung walang tae, malamang matagal ng nalason ang babaho na natin ngayon. Essential part of living ang pagdumi kahit gaano man ito nakakadiring pag-usapan.

Constipation. Malalaman ang isang tao kung constipated o hirap makadumi kapag nakikita ito sa mukha niya. Karaniwang makikita sa pagmumukha nila ang pagiging iritable at yung parang nakita si Jobert Sucaldito in the flesh. Obstipation naman na ito kapag naging kamukha na nila si Cristy Fermin.

Diarrhea. Contrary sa constipation, ito naman yung madalas na pagdumi. Mapupuna naman ang taong may diarrhea kung siya'y pinagpapawisan ng malamig, namumutla, tinitigasan... este naninigas, at tumatayo ang balahibo. Kapareho nito ang hitsura ng mga nakakakita kay Michael Jackson sa TV or higit lalo kung sa personal.

Styles. May iba't ibang klase ng pagdumi, yung iba yung normal na nakaupo lang, ang iba naman nakapatong ang paa sa ibabaw ng toilet bowl. Ang maaarte naman sanay na naka-squat sa mga public toilet kapag tumatae or may mga ritual na naglalagay pa ng tissue or spray pa ng disinfectant. Pero anu't anuman, mabaho pa rin naman ang mga tae nila. Paano ang style niyong tumae?

Insoluble fibers. Ang dietary fibers ay dalawang klase, soluble at insoluble. Ang mga soluble ay yung mga katulad ng cereals and oats, ang insoluble naman ay kahalintulad ng mga gulay. Kaya kung kumain kayo ng sinigang o ng mais kinagabihan, huwag kayong magtataka kung matatagpuan niyo ang kangkong at ang mais kasama sa tae kinaumagahan.

Luck. May mga paniniwala kapag nanaginip, naiputan or nakaapak ng tae ay may kapalit daw itong suwerteng darating. Ang swerte nga naman kung minsan ay dumarating sa napakabantot na paraan.

--------------------

Kung mapapansin niyo sa post kong ito ay direkta kong sinabi ang tae kaysa sa i-replace ito ng mga salitang jebs, jerbaks, jerbakuls o syet. Mas madadama kasi ang baho ng entry kong ito kapag ginamit ang salitang TAE.

Monday, October 01, 2007

Brain Dead


Heto ang mga panahong walang tumatakbo sa aking isip. Yung kahit anong piga, pagpag at pagsimot sa aking bungo ay walang makikitang leftover sa aking brain. Ewan ko ba, gawa yata ito ng buhos ng ulan, na-wash away siguro ang mga iniisip ko. Nasobrahan yata ako sa pagme-meditate kaya tuloy nag-reformat ang utak ko.

Nawasak na nga ang mga gamit dito sa opisina dahil inuumpog ko ang ulo ko para lang makapaglabas ng magandang idea. Kaso dugo lang ang lumalabas eh, ano ba ang problema? Ipinatong ko na nga sa bowl ang utak ko, kinusot-kusot at piniga, kaso wala talaga. Sinubukan ko na ring kumain ng encyclopedia, dyaryo at hard disk, wala rin. Tumae lang ako ng sangkaterbang papel sa inidoro.

Saan ba kasi napunta ang isipan ko? Nagliliwaliw na yata sa Never Neverland at hindi man lang nagpaalam sa akin. Kung may gimik man siya sana man lang niyaya ako hindi yung ganitong iniiwan akong blangko. Anong oras kaya babalik ang aking katinuan? Sana mamaya na, huwag namang tumagal hanggang bukas.

Ngayon ay tinatawagan ko na ang kapangyarihan ng dakilang Juday para mabalik na ang aking utak. Kaso kulang yata, kailangan pa yata ng alay. Kailangan pa yata ng dugo ng isang virgin. Wala naman akong kilalang iba pang virgin. Ako na lang yata ang natitirang virgin sa mundo. Hindi ko naman sigurong kailangang i-alay ang dugo ko kasi ako nga ang may kailangan ng tulong di ba?

Ah basta. Sobrang blangko ako ngayon. Hindi tumatakbo ang motor ng aking utak, kulang yata sa gasolina. Grabeng mental block ito, may humigop yata lahat ng nalalaman ko at idea ko for the day. sinong mga engkanto pa ba ang pwede kong tawagin para magkalaman na ulit 'tong utak ko.

Actually, marami na ring gumawa nito kaya siguro naman maraming makaka-figure out kung paano ito solusyunan.

Sorry blangko lang talaga ako ngayon. Wala tuloy akong maisulat.

Or yun ang akala niyo.

Friday, September 28, 2007

NBN Project: Speeding Up the System?


Nagkakagulo na naman ang gobyerno para dyan sa ZTE Broadband deal or yung National Broadband Network (NBN) project. Heto kasi yung pagpapagawa ng internal network para sa ating government offices. Very ambitious ang project na ito kaya naman marami ang tumutuligsa dito.

Na-pick up na rin ito ng media at ganun din nasa imbestigasyon na ito ng senado. Nagkaroon na naman kasi ng kung anong anomalya dito as usual. Sa hype na nagaganap sa NBN project na ito ay talaga namang nakagawa na ito ng gulo. Ano nga ba ang meron dito sa broadband deal na ito at talagang tinututukan ito ng media, masa at senado? Ano ba ang mangyayari kapag naayos na ang deal na ito? Bakit ba big deal ang sa gobyerno ang pagkakaroon ng broadband internet?

  • Makakapag download na sila ng mp3's at magiging updated na sa mga episodes ng Heroes, Prison Break, Lost, Desperate Housewives at Zaido sa pamamagitan ng Limewire at Torrent.
  • Instead na sa telepono dadaanin ang usapin tungkol sa dayaan sa susunod na eleksyon ay dadaanin na lang ito sa chat sa YM, AOL Messenger, Skype at kung ano pang IM softwares.
  • Pwede na ring makausap ang mga government officials sa mga conferences at sa mga chatroom gaya ng Metro Manila Barkada o sa chatrooms ng MIRC.
  • Pwedeng daanin ng gobyerno ang pakikipag-deal sa black market gamit ang Ebay.
  • Instead na National ID ang gagamitin para sa identities ng mga citizens ng bansa ay gagamitin na lang ang Friendster, Multiply, Myspace at Facebook para sa ating pagkakilanlan.
  • Makakapaglaro na sila ng mga online games na walang interruptions at mabilis ang connection.
  • Magiging updated na rin sila sa mga nangyayari sa iba't ibang panig ng mundo at sa mga tsismis sa Kim-Gerald loveteam.
  • Mabababasa na ng marami ang blog ng mga may katungkulan sa gobyerno.
  • Mapapasok ng virus ang mga computer ng gobyerno dahil marami sa kanila ang mae-engganyo sa mga pornsites.
  • Marami ng government workers ang mag-o-overtime dahil mawiwili sila sa mabilis na internet.
  • Mas lalong hindi na magtatrabaho ang mga politiko at mga government employees.
  • Mauuto sila ng mga SPAM sa e-mail.
  • Actually, kaya inaayos nila ang gusot ng project na ito para mahanting na nila si Boy Bastos.
Iba talaga ang power ng internet para sa ating mga politiko. No wonder kaya pala gustong gusto nilang ma-implement ang project na ito sa gobyerno. Kailangan nga ba talaga ng ating gobyerno ng broadband internet? Kung bibigyan nila ako ng 200 bakit hindi?!

Wednesday, September 26, 2007

Lured by a Beauty

Galing ang pic sa multiply page ni KC tapos dinagdagan ko na lang ng ibang kalandian. Feeling highschool lang.

"Masaya na akong tinutunghayan ang isang bituin sa langit dahil kapag ako'y lumapit mapapaso lang ako."
- Billycoy


Nitong Linggo ng gabi, napababad na naman ang mga mata ko sa TV. Halos masunog na nga ang mga eyes ko dahil hindi na yata ako pumipikit habang nanonood. Hindi ko na nga rin mapigilan ang laway ko sa patuloy na pagtulo habang nakatunganga sa harap ng telebisyon. Lumulutang na nga rin ako at di ko namamalayang hinahatak na ako papalapit sa TV. Paanong hindi ako mahahalina ng TV that night, docu kaya ng last days sa Paris ng aking supercrush to the ultimate level na si alluring luscious classy hearthrob na si KC Concepcion.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatutok sa TV talaga. Tuwing matatapos ang mga TV ad at babalik na sa programa ako'y mahu-hook muli sa TV, mapapabuntung-hininga, kumislap-kislap ang aking mga mata, mapapangiti na aabot sa bunbunan, magliliparan ang mga paru-paro, langaw, lamok at kuto at tutubo ang mga bulaklak ng calachuchi sa paligid. Ganun pala ang feeling ng in love, nagkakaroon ng maraming special effects.

Sa sobrang ganda kasi ng anak ng Megastar, hindi ko na mapigilang mahibang. Gusto kong maulul sa kinauupuan, umalulong na parang coyote at mangagat ng mga jologs para magkaroon na sila ng rabies. Ano ba kasi ang meron sa ganda niya at kay dami na tuloy ang mga lalaking nagkandarapa at nababaliw sa kanya? Dumadami na tuloy ang aking karibal at mas lalong bumababa tuloy ang aking probability rate na magkatuluyan kami.

Ngayon, nabigyan ko na rin ng linaw kung bakit hindi pa ako nagkaka-girlfriend until now. Si KC lang pala talaga ang napupusuan ko. Nabihag na ng kanyang kagandahan ang aking damdamin. Siguro we are destined to be together kaya wala pang ibang ipinagkakaloob sa akin. Siya lang pala ang babaeng hinihintay ko habang buhay. Bakit hindi ko alam yun?

Sayang nga lang dahil balita ko sila na raw ni Direk Lino Cayetano. Bigo ako. Ok lang yun, willing naman akong maghintay para kay KC. Kung hindi man ngayon, siguro in the future. Pero open din naman ako sa option na kahit maging kabit na lang ako.

Kung dumating man ang panahon na meron na akong ibiging iba, huwag mo na akong hintayin KC.

Monday, September 24, 2007

Soaps that Stink


Bago na ang panahon ngayon kaya naman lahat na lang ay nag-e-evolve na. Dati ang kahayupan at mga living things lang ang mga nag-a-undergo ng evolution pero ngayon pati mga soap dramas naapektuhan na rin.

Originally, ang demographics ng mga soap dramas ay ang mga female audiences na usually ay mga housewives. Noon kasi ang mga radio dramas ay sponsored ng mga soap manufacturers kaya naman nakilala nga itong mga soap opera. Habang tumagal ang panahon ay nabago na rin ang styles ng mga soap operas, kung noon ay tuwing siesta time lang ang mga ito ngayon ay namamayagpag na rin ito sa primetime block. Kaya nga humina na ang viewers ng PBA dahil dumami na rin ang mga ander de saya at nag-out.

Lumawak na rin kasi ang varieties ng mga soap dramas kaya naging broad din ang target market nito. Mga teenagers nga ay may angkop na ring mga soap dramas na rin para sa kanila at palagay ko nga pati mga toddlers at pre-schoolers ay gagawan na rin, baka yung Dora at Blues Clues ang unang gawan.

Ano nga ba mga evolutions ng mga Pinoy soap opera ngayon?

Sampalan
Kung noon ang sampalan sa mga soap operas ay nagiging cause lang ng iyakan pero ngayon ay iba na. Ang mga tinatamaan ngayon ng mga sampal ay tumitilapon na at humahambalos na sila sa pader.

Patayan
Mas maraming characters ang mga bagong soaps kaya mas maraming pwedeng patayin. Lalo yung mga sa first episodes lalabas dahil matataas ang mga talent fee nila at mga 'premyado'.

Airing
Noon ay umaabot ng ilang taon at halos isang dekada ang mga telenovela na gaya ng Mara Clara na umabot ng 7 years sa TV. Ngayon kapag na-realize na ng audiences na walang kwenta pala ang sinusubaybayan nila, mamadaliin na ng producers na tapusin ang palabas at papalitan ng mas basurang telenovela kahit isang buwan palang itong ineere.

Tauhan
Dati ang mga characters lang ay ang mga malditang bruhang laiterang kontrabando... este kontrabida at isang nakakaawang batang api na anak ng mayaman pala. Ngayon, pati ang isang karimarimarim, kasukla-suklam, kalait-lait at pagkapangit-pangit na alien ay nagiging bida na rin.

Actors
Mas marami ngayon ang puro pa-cute lang ang ginagawa sa mga teleserye at konti lang talaga ang marunong umarte. Kung nandun nga lang ako sa set nila ay i-che-chainsaw ko na lang sila at matira yung mga mas deserving na mabigyan ng magandang role. May matira pa nga kaya sa kanila?

Script
Kung noon ang mga script ay very stereotype at basura, ngayon ay ganun pa rin. Wala pa rin pinagbago ang mga kwento ng mga soaps, mga basura pa din. Bagay lang talaga silang maging soap, kasi laging sinasabon sa lait at sa istorya.

Off limits na talaga ako sa local TV kapag primetime na. Ayoko kasing ma-pollute ng drama at kabobohan ang utak. Minsan nga mas mabuti pang manood ng advertisements may kabuluhan pa. Kakanta na lang at sasayaw ako ng shigi-shigi-wa-wakere-ooma baka ma-enjoy ko pa. Napupunta pa ako sa Time Space Warp pagkatapos ng sing and dance number na iyon.

Time Space Warp ngayon din!

Hindi ko pino-promote ang Zaido, mas gusto ko pa rin ang original na Shaider kasi andun si Annie Putingpanty.

Thursday, September 20, 2007

So Sick

Kahapon ay sumabay ang aking katawan sa uso. In na in kasi kaya syempre hindi ako pwedeng magpahuli. Pwede ba naman hindi ako lagnatin iyon pa man din ang usong-uso ngayon. Ang hirap nga lang talagang magkasakit kasi pati panglasa ko apektado kaya hindi ko malasahan yung caviar at vodka na favorite ko.

Hindi rin tuloy ako nakapag-post sa sked ko. Nilunod kasi ng uhog ang utak ko at pati mga laman-loob ko ay nagkadikit-dikit na rin dahil sa tindi ng sipon ko. Kaya ang sakit ng ulo ko at nagdidikit na yata ang mga walls ng esophagus ko. Bakit nga ba ako nagkalagnat?

Theory # 1: Depression

Malaki kasi epekto ng takbo ng ating pag-iisip at damdamin sa ating health. Lalo't kung pessimistic or depressed madaling kapitan ng sakit. Nitong kamakailan kasi naging depressed ako kaya siguro nagkasakit ako. Paanong di ako made-depress, pinalayas na si Marimar sa Villa Santibañez at pinaglalayo na silang dalawa ni Sergio. Mas lalo akong na-depress nung paglipat ko sa kabilang istasyon at nakita ko ang pagmumukha ni Kokey. Labis-labis talaga akong nalungkot sa mga pangyayaring iyon kaya siguro nagkasakit ako.

Theory # 2: Superstition

Napakarami din kasing bumati sa akin the past days. So sa palagay ko nausog nila ako. Marami ang nagsabi sa aking lumalaki daw ako—nagiging macho—at ang gwapo ko raw lalo. Sa dami ng mga papuri ay di ko ito nakayanan kaya nag-overheat ang aking system at tumuloy sa fever at sipon. Of course, thankful pa rin ako sa mga pumuri sa aking kagwapuhan pero sa susunod siguro dapat ko ng padilaan ang talampakan ko para effective na di ako mausog.

Ang usog kasi ay overflow of compliments kaya nangyayari ito. So kung akong gwapo na at alam ko na iyon ay nauusog pa, ano pa kaya dun sa mga hindi 'blessed' kapag nabati? Baka ikamatay pa nila iyon.

Theory # 3: Virginity

Mas mahina raw ang immune system ng mga virgins. May mga studies kasi na ang frequent sex ay nakakatulong na ma-reduce ang risk ng sipon. Kaya naman siguro madalas akong sipunin dahil mahina nga ang aking immune system dahil sa kakulangan sa sex. Kailangan ko na palang ma-devirginated as soon as possible at gawing regular yun.

Mabuti na lang gumaling na kagad ako at hindi na ito nagtagal pa. Sa panahon ng krisis kasi bawal magkasakit lalo't kailangan pang magbenta ng katawan. Salamat sa Neozep at Bioflu at magaling na ako. Nagpapasalamat din ako sa mga taong nag-straw ng aking mga uhog sa aking ulo.