Friday, October 19, 2007

Bombs Away

Yan ang Nagasaki Atomic Bomb

Yan naman si Miss Atomic Bomb.

Nayanig na naman ang bansa dahil sa bombahang naganap sa Makati ngayong hapong ito, 19th of October 2007. Hindi po ito yung bombahang nagaganap sa mga chipipay na clubs at mga napapanood sa pelikula, heto ay ang pagsabog ng bomba. Walo—as of this time I'm typing this—na ang nabawian ng buhay at mahigit 80 ang sugatan. Naganap ang sinasabing pagsabog sa Glorietta 2, na sa una ay inakalang pagsabog lamang ng isang LPG tank sa Luk Yuen, isang restaurant.

Bagamat ako ay nagtatrabaho sa Makati, malayo naman ako sa pinangyarihan ng pagsabog. Kung meron mang sumabog ay nagawa ko na yun kaninang umaga sa toilet bowl at nagpasabog ng napakabahong amoy. Higit pa yun sa bomba na napasabog sa Glorietta at lalong kaya pang talunin ang atomic bomb sa Hiroshima. Kung meron mang tatalo sa bomba ng puwet ko, iyon ay kapag naisipan na ni Madam Auring na magbomba.

Sa kaganapang bombahan na lang din, heto ang ilang reaksyon ng mga tao sa naganap na pagsabog.

Ayon kay Jehzeel sa Twitter:
sumabog daw glorietta 2? waaaaaaaaaa


Ayon sa dalawang residents ng isang building sa Makati:
Girl: Pinasabog daw ang Makati?!
Boy: Tanga! Kung sumabog ang Makati eh di kasama ka na dun!


---------------------------

Naiinis ako dahil lagi na lang akong napagkakamalan. Mabuti sana kung maayos na pagkakakilanlan, hindi naman. Gaya na lang ng mga ganitong sitwasyon:

Habang naghahanda sa pagpunta ng gym.

Pinsan: Gym ka?
Ako: Hindi, tao ako.


Habang papunta ng comfort room para umihi.

Kaibigan: CR ka?
Ako: Hindi, tao ako


Habang bumibili ng ginataang halu-halo sa isang tindahan.

Tindera (sinasabi sa co-tindera): Bilo-bilo daw si kuya.
Sa isip-isip ko: Hindi ako bilo-bilo, tao ako!
Hindi ba nakakainis na mapagkamalan na kung anu-ano, gym, CR at higit sa lahat bilo-bilo!? Sino ba ang matutuwa sa ganun?!

Sa lahat! Tao po ako, TAO. T-A-E.... TAO!

14 comments:

Mike said...

Tangina, nagresurrect tuloy ako nang wala sa oras dahil sa pagsabog na Glorietta. Kung ano man or sino man ang may sanhi nyan, hmp, magbabayad sila. Feel the wrath of karma, hwahahaha!

xienahgirl said...

mabuti naman at ok ka.
:)
akalain mo kung sumabog makati
wala na kaming billycoy?
aww.

kung napagkakamalan ka naman
next time maganyong tao ka--
mukha ka kasing utak.

david.edward said...

sabi sa iyo eh. punta tayo ng G2, 90% off daw dun ngaun, maraming sale..

tapos libre mo ko sa luk yuen, kasi nagseserve daw sila ng fresh meat dun.. hahahha..

so pano?

gerome! said...

Buti nag-change plans kami. Hindi kami natuloy sa Glorietta. Whew.

Tao ka nga pala. Haha

Lemi said...

Kawawa yung mga namatay at mga nasugatan sa nangyari. Grabe. Wala na atang ligtas na lugar sa mundo. Kahit saan, pwede iplanta ng bomba.

Paolo Mendoza said...

medyo maypagka-weird ang mundo ngayon...

Jed said...

Ako, madalas napapagkamalang adik.
di naman di ba? di ba?

kawawa yung mga nadead sa g2. may justice be done upon the perpetrator, kung sino man siya.

Dan Hellbound said...

Surely, I'll be seeing those who are behind the bombing scheme in Hell. Curse be with them.

I pray for the those who are affected by this horrific incident, those who got wounded and those who have passed away.

yeye said...

hindi ka kasi mukhang tao hahaha joke.


nun sumabog ung G2, naalala kita. hahaha. gala ka pa naman dun buti di ka nasabugan. haha

mats said...

PAKSHET!! naWindang naman at nagExplode na naman ang senses ko sa post mo! Dinaig pa ang blast explosion ng Glorietta 2! LOL

*cracks up* CR ka? Muahahaha!!

MISYEL said...

Kakatuwa ka talaga, buti na lang di ka nagawi ng Glorietta that day... Kakalungkot isipin may mga napinsalang mga tao dahil dito.

melai said...

buti na lang hindi ka sa glorietta nagtatrabaho...nag pray ka ba after mo nalamang sumabog glorietta?

Caranijuan Renji said...

(my alternate version)

Q: GYM ka?
A: [deadma]

Q: GYM ka?
A: huh? akala ko si JIM kausap mo e.

---

Q: CR ka?
A: ako nga si 'R', bkt?

---

Q: [asan] ...si mark?
A: wala sa'ken ah

---

hay naku, matagal ng magulo ang mundo. kasing gulo siguro ng paliwanag ng PNP sa initial theory nila sa caused ng pagsabog.

1st, LPG gas daw ang cause;
next, substance like C4 bomb daw; then now, accumulated methane gas mula sa septic tank ignited by an electrical spark daw ang dahilan ng ganun kalakas na pagsabog.

---

kelan ko kaya mababalitaang sumabog ang nunal ni gloria..ta?

teka, ano naman kaya ang pwedeng cause, if possible?

zeus said...

hmmm

bomba?

asan?

malaki ba?

wakekeke

hmmmm
unfortunate sa iba pero buti d gaano mas marami pa napahanak

pero bakit nga ganun no?
parang

(sa jip)
ma bayad ho(abot benteng papel)

-ilan to

lam m n un