Swerte. Iyan ang gusto ng marami na magkaroon. Hindi naman kasi lahat ng tao o pagkakataon ay nakakatsamba tayong swertehin. May mga panahon na kapag dumapo ang kamalasan ay sinusundan pa ito ng sunud-sunod na buhos, yung parang buhos ng waterfalls sa Daranak na pinagshu-shootingan ng mga pelikula dati. May mga tao naman kung kapitan ng suwerte na parang nilagyan ng Mighty Bond at hindi na maalis sa kanya.
Ganun talaga ang wheel of life. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba at nagugulungan pa ang tae at napapahalik sa patay na pusang nasagasaan ng jeep sa kalsada. Ganun kaganda at kabrutal ang buhay. Kung hindi man ito kasing ganda ni KC Concepcion, ay kasing sagwa naman ito ng pagmumukha ni Long Mejia.
Paano nga ba swertehin sa buhay?
- Swerte raw ang makating kaliwang palad dahil ibig sabihin nito may papasok na pera. Kumuha ng higad sa malapit na puno at ilapat ito sa kaliwang palad. Maya-maya lang ay siguradong kakati na ang palad niyo at darating na nga ang swerte. Iwasang ipatong ang higad sa kanang palad dahil gastos naman ang ibig sabihin kapag nangati ito. Ang makating puday naman ay libog lang or hindi lang madalas maghugas pagkatapos mag-weewee.
- Maswerte naman daw ang managinip o makaapak ng tae. Since hindi naman pwedeng pilitin managinip ng tae, sa next option na lang, ang makaapak. So kapag nakakakita ng tae ng aso o pusa sa kung saan man ay apakan ito at hilahurin ang talampakan dito para tiyak na lumapit ang swerte. Syempre dapat magmumukhang aksidente lang ang lahat para effective ang pagpasok ng swerte, kaya sambitin "Ay naapakan ko!" Pwede ring magbaon ng jebs ng alaga niyong aso, pusa, kambing, kabayo, elepante o dinosaur at ilagay ito sa napiling pwesto saka apakan na parang aksidente lang ang lahat.
- Ang nagsusuot naman daw ng pula ay malapitin sa swerte. Bukod sa magsuot lang ng pulang damit, maglagay na rin ng pulang kyutiks, lipstick at magpasampal na rin sa magkabilang pisngi para mamula ito. Pahiran din ng asin ang mata para mamula rin ito. Kapag pulang pula na, tiyak na lapitin na ng swerte. Iwasan lang magsuot o maging pula sa birthday dahil madi-distinguish ng iba ang birthday at baka makantsawan lang, hindi swerte yun.
- Kapag nakakita naman ng four-leaf clover ay suwerte rin daw. Mahirap maghanap ng four-leaf clover kaya mas mainam pumunta na lang sa tindahan at bumili ng Clover chips. Hindi man talaga ito suwerte pero kahit papaano ay maiibsan nito ang gutom. Medyo maghinay-hinay nga lang sa pagkain nito dahil mamalasin naman balang araw dahil sa sakit sa bato.
- Saka para lubos-lubos ang swerte niyo, puntahan niyo ito.
8 comments:
swerte ako
kasi may billycoy ako.
issue.
haha
waaa.
fountain of youth?
owkamon.
nagulat naman ako
doon sa article na yun.
"increased brain cell development, when ingested by females."
"If orally ingested with no exposure to air, the benefits are preserved and maximum effects are experienced by recipients in 100% of the lab results."
kapow.
haha.
OMG! o_O... this can't be happening? is there a "no therapeutic claim" here?
xienahgirl > ssshhh... baka may magalit na iba dyan.
yatot > interesado ka? LOL
Mami Xienah: ANO DAW!?!
Anyway, makabili nga ng fountain of youth na yan para bumata man lang ang itsura kong mukhang 25!!!
nyahahaha! magkano ba yang fountain of youth na yan hane? ng makapg-istak na.
anong holy wow! i want that! hahaha.
Billycoy, nasakop mo na rin pala ang mundo ng siyensya. Wahahahaha.
Post a Comment