Friday, October 26, 2007

Explosive Theories

Isang linggo na ang makalipas pagkatapos noong pagsabog sa Glorietta 2. Ang imbestigasyon ay tuluy-tuloy at hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. Una, sinabi nilang LPG tank ang sumabog, tapos high explosive tapos naging methane gas na nahalo sa diesel fumes. Kung anu-ano na ang mga teorya nila. Kaya naman ang inyong lingkod ay nagsagawa na rin ng pag-aaral kung paano naganap ang pagsabog sa Glorye.

image brought to you by Heneroso's Multiply.

My fault?!

Kinausap ko kasi ang mga alipores ko earlier that week. Sabi ko kasi pupunta ako sa Glorietta by Friday kaya gusto ko sa pagpasok ko ng Glorye ay magkaroon ako ng "explosive" entrance. Ang mga galunggong... este mga gunggong hindi yata nakakaintindi ng figure of speech kaya ang ginawa nila ay naglagay nga ng mga pasabog. Tapos ang napaaga pa ang pagpapasabog nila kaya naganap nu'ng tanghali. Mabuti na lang wala ako doon, kung sakali ay hindi lang utak ang sasabog sa akin.

Currently, iniimbistegahan ko na rin ang mga alipin ko kaso magaling silang magtago at maglihim. Talagang in denial pa ayaw nilang amining mga engot sila. Kung sila nga ang may kagagawan nu'n ako pa ang mapapahamak. Pero mukhang tinamad yatang magtrabaho ang mga slaves ko noong araw na iyon kaya mukhang hindi rin sila ang may kagagawan.

All Cows

Ang mga baka kasi nagre-release ng methane nang dahil sa mga kinakain nilang damo. Kaya sa palagay ko ay mayroong mga baka sa basement nitong Glorietta 2. Maraming-maraming cows malamang ang nandoon sa ilalim ng Glorietta 2 kaya nag-accumulate at nakulob ito sa basement. Nagkaroon ng spark at yun... KABOOM! Nagkaroon na nga ng pagsabog.

Kung bakit wala ng natagpuang laman ng baka sa ground zero? Madali lang, maraming restaurant at fastfood sa loob ng Glorietta kaya hindi imposibleng kinuha na ito ng mga crews nila at ginawa ng steak o patty ng mga hamburgers.

New Level of Terrorism

Hindi ko isinasantabi na maaari ngang terorista ang may kagagawan ng pagsabog. Ngunit hindi sila mga ordinaryong terorista, sila ay kakaiba at may pambihirang talento. Hindi sila gumagamit ng mga ordinaryong pampasabog gaya ng C4 o TNT. Ang kanilang talento ay umutot ng umutot. Ang ginagawa ng mga teroristang ito ay kumain ng napakaraming kamote at gulay kaya kakabagin sila at maging dahilan ng pag-utot ng maraming beses. Siguro ay ganun ang ginawa nila sa basement, inipon at sinindihan kaya nagkaroon ng pagsabog. Wala nga namang maiiwang bakas ang pagsabog gawa ng utot.

Marami tuloy ang nasayang na buhay dahil sa naganap na pagsabog sa Glorietta 2. Sana bilisan naman ng awtoridad ang kanilang imbestigasyon at bigyan ng hustisya ang mga nasawi.

Pwede na akong imbestigador di ba?

12 comments:

xienahgirl said...

ako nagsabi
sa mga alipin mo
na pasabugin glorye
pagdating mo
para sa akin na mapunta
yaman ng pamilya naten.
bwahaha.

sayang--
di nagtagumpay plano ko.
tsk tsk.

padre salvi said...

buti na lang

wala ako sa glorye nun.

kung mga alipin mo sana yung mga nagpasabog, edi sikat na kayo sa pilipinas. pati kina osama bin laden. mag-aagawan pa silang magrecruit sa inyo

Virginia said...

hello, namiss ko 'to! sagabal talaga ang pag-aaral sa mga ganitong bagay bwiset!

when we heard about the blast, kala naisip ka namin ni sherma kasi di'ba you go there frequently, buti na lang wala ka dun!

dorkzter said...

hahaha.. pang Nobel Prize for Peace un ah :D

Billycoy said...

xienahgirl > mabuti na lang loyal pa rin ang mga alipin ko sa akin

padre salvi > magiging karibal pa ako ng mga terorista kung sakali

virginia > wow naman naisip niyo pala ako nun, di nga ako nasabugan, natapyasan naman dila ko.

kingdaddyrich said...

sabi na nga ba ikaw ang may sala!!!

caranijuan said...

sinusupotahan na ng mga di pa rin makalap na ebidensya gamit ang makabagong pamamaraan upang mapatibay pa ang teoryang ....
WALA DAW TALAGANG SUMABOG.

"it's all accident." — glor--yatta!

paolomendoza said...

malamang yan.. utot nga. kutob ko rin eh.

Jed said...

may bago na palang weapon ang mga terorista. hindi na pala anthrax, nuclear bombs etc. ang gamit nila.

gumagamit na sila ng Super Kamote.Nakakapag induce ito ng sobrang toxic, flammable na hangin. Siguro wala na sila pambili ng mga bomba.

Dan Hellbound said...

So... 'Di pala gawa ng mga kawal ko sa Impyerno ang pambobomba. I smell a war. LOL.

sherma said...

waaaaa! billycoy, akala ko kasama ka sa mga nasabugan... seryoso to, pare... magkatext kami ni virg nun... tapos naisip ka namin... akalain mo yun...

kaya lang... malay ba namin kung nasabugan ka, e hindi naman billycoy dacuycuy ang talagang pangalan mo... hehehe...

Billycoy said...

paolomendoza > great people think alike

dan hellbound > bulok lang na utot ang naaamoy mo

sherma > muntikan na talagang maubos ang dila ko ng araw na yun