Monday, October 01, 2007

Brain Dead


Heto ang mga panahong walang tumatakbo sa aking isip. Yung kahit anong piga, pagpag at pagsimot sa aking bungo ay walang makikitang leftover sa aking brain. Ewan ko ba, gawa yata ito ng buhos ng ulan, na-wash away siguro ang mga iniisip ko. Nasobrahan yata ako sa pagme-meditate kaya tuloy nag-reformat ang utak ko.

Nawasak na nga ang mga gamit dito sa opisina dahil inuumpog ko ang ulo ko para lang makapaglabas ng magandang idea. Kaso dugo lang ang lumalabas eh, ano ba ang problema? Ipinatong ko na nga sa bowl ang utak ko, kinusot-kusot at piniga, kaso wala talaga. Sinubukan ko na ring kumain ng encyclopedia, dyaryo at hard disk, wala rin. Tumae lang ako ng sangkaterbang papel sa inidoro.

Saan ba kasi napunta ang isipan ko? Nagliliwaliw na yata sa Never Neverland at hindi man lang nagpaalam sa akin. Kung may gimik man siya sana man lang niyaya ako hindi yung ganitong iniiwan akong blangko. Anong oras kaya babalik ang aking katinuan? Sana mamaya na, huwag namang tumagal hanggang bukas.

Ngayon ay tinatawagan ko na ang kapangyarihan ng dakilang Juday para mabalik na ang aking utak. Kaso kulang yata, kailangan pa yata ng alay. Kailangan pa yata ng dugo ng isang virgin. Wala naman akong kilalang iba pang virgin. Ako na lang yata ang natitirang virgin sa mundo. Hindi ko naman sigurong kailangang i-alay ang dugo ko kasi ako nga ang may kailangan ng tulong di ba?

Ah basta. Sobrang blangko ako ngayon. Hindi tumatakbo ang motor ng aking utak, kulang yata sa gasolina. Grabeng mental block ito, may humigop yata lahat ng nalalaman ko at idea ko for the day. sinong mga engkanto pa ba ang pwede kong tawagin para magkalaman na ulit 'tong utak ko.

Actually, marami na ring gumawa nito kaya siguro naman maraming makaka-figure out kung paano ito solusyunan.

Sorry blangko lang talaga ako ngayon. Wala tuloy akong maisulat.

Or yun ang akala niyo.

19 comments:

Barry said...

ang cool ng pik hahha

Edden said...

Hi Billycoy! Tagal ko ng di nakabalik dito. If you have the time, baka gusto mong sagutan yung meme sa blog ko. Tagged you.
:)

zeus said...

ok lng yan

atleast buhay ka pa

sherma said...

tamang-tama ang naabutan ko... nahirapan akong magbasa dun, ah! =)

babasahin ko na lang ang mga nakaligtaan kong post mo...

Arlo said...

Hindi lang naman ikaw yata ang natitirang virgin pa sa mundo. Sabi nga nila, "Virginity is a state of mind." Well hindi din ako naniniwala sa kanila but then hayaan na lang natin sila. Hindi kaya state of mind mo lang 'yan? Kung kelangan mo talaga ng dugo ng virgin, sa may bandang pulso o leeg ka kumuha. Hindi pwede sa palad. Oki?

dorkzter said...

ahahaha :D
di bale. cute naman ung pic :D

Karlo.PinoyBlogero said...

Saw the hidden message right away. Hahaha.

the philosphical bastard said...

pati ba naman ang utak mo hawak na ng makapangyarihan at dakilang Juday!

Doubting Thomas said...

hehehe cool. ctrl+a did the trick of reading your mind. heehe

Billycoy said...

zeus > hindi na ako buhay, zombie na ako... awoooo!

arlo > brain juice na lang hihigupin ko

the philosophical bastard > hindi lang hawak, nakasubo pa

doubting thomas > ang dali lang naman di ba?

yeye said...

ung utak mo naging macaroni na.

Virginia said...

kala ko di ka nauubusan ng iniisip, yun pala pareho lang tayo. ok lang yan... mas malala pa nga yung akin eh.

Billycoy said...

yeye > lagyan mo lang ng mayo at chicken, pwede ng kainin

virginia > lumalala na rin ang kagwapuhan ko!

Agi said...

Hayuph! simpleng simple. Sana makaisip din ako ng ganyang klase ng Palusot

Idol me u.

yatot said...

mabuti't matalino ako at sadyang napakagaling at nakita ko ang nilalaman ng iyong utak...

uhmmm... uhmm... uhmm... tinatawagan ko ang dakilang Juday... *chants in latin* tulungan mo si billycoooooyyy!!! *thunders*

bonaks said...

ganda ng pic ha

Jed said...

love the pic! weee!

anyway. baka kailangan mo muna magreflect sa mga bagay bagay. or you know, take a break para mafreshen up ang iyong brain.

padre salvi said...

signal na yan. malapit ka nang.....

xienahgirl said...

pwede yung dugo ko.
haha.