Friday, December 29, 2006

Blasted Bang for the Boar's Year

Terible ang pagkawala ng internet ng ilang araw. Aba pati yung kapitbahay naming canteen hindi nakapagserve ng sandwich dahil sa pagkawala ng internet. Malay ko ba kung ano kuneksyon ng sandwich sa internet, baka dina-download pa nila ang mga pagkain through the net.

Malapit na ang bagong taon, kung noong pasko wishlist, ngayon ready na ang mga New Year's Resolution. At wala akong pakialam dun at hindi yan ang ilalagay ko ngayon. Heto na naman at mauuso na naman ang mga paputok, may putok at mga nagpapaputok sa mga motels at kwarto. Uso na rin ang torotot, baklang tumotorotot, asawang nanonorotot at mga lalaking umuutot. Ngayon din nauuso yung mga boga at bugawan sa kalye.

Kagabi ba naman, may nagpaputok ba naman sa loob ng bahay namin. Hinagis nung teenager yung paputok sa loob ng bahay. Syempre nagulat ang mga taong nasa loob ng bahay, at dahil sa lahi kami ng highblood hindi nila napigilang maging green at lumaki at habulin ng mga kasambahay ko ang batang nagpaputok. Buti na nga lang wala ako sa bahay ng naganap na iyon dahil ako'y nasa gym at kumakain ng weight plates para sa muscles ko nang mga sandaling iyon. Kung nasa bahay ako siguro sa kaganapang iyon aba humanda sa akin ang batang iyon dahil ako'y magkakakaripas ng takbo sa aming kwarto at magtatago sa ilalim ng aming kama. Nadatnan ko na lang ang mga kasama ko sa bahay at gumagawa ng eskandalo para turuan ng leksyon ang nahuling bata na nagpaputok. Syempre ako, di naman mahilig makigulo kaya diretso na lang ako sa bahay at nag-shower na lang samantalang sila nag-iingayan at nagbabalitaktakan sa labas.

Dahil sa paputok na iyon, nakapagdevice ako ng safer plans para sa bagong taon na magaganap. Kailangan siyempreng mag-ingay, at malamang na di niyo magagamit ang inyong mga kaldero para kalampagin dahil may mga lamang mga pagkain yun. Unless itatapon niyo muna ang nakalagay dun. Pero may iba pa namang way para talaga makagawa ng kakaibang at totoong ingay sa bagong taon.

  1. Ilang minuto bago sumapit ang bagong taon, asarin o gumawa ng nakakainis na bagay at kalokohan sa harap ng nagger na magulang o juwawhoopers niyo. For sure na bubungangaan kayo nila pagsapit ng bagong taon, di ba masaya ang maingay?
  2. Kumuha ng pardible, karayom o kaya toothpick at itusok sa mata ng katabi niyo. Mag-iingay yun sa kakangawa.
  3. Magpaputok sa loob ng kwarto. Siguro naman di ko na kailangan pang magdetalye. Basta gawin niyo na lang wild ang gabi niyo para maligayang ingay ang gagawin niyo. "Oh Yes, Who's Your Daddeh!?"
  4. Ano silbi ng putok kung mahinang ingay lang naman ang gagawin niyo. Magpasabog na lang di ba? Magpasabog kayo ng kotse o kaya gas station. Kung medyo realistic naman, bumili kayo ng LPG at ilagay sa gitna ng kalsada at pasingawin kasabay ng mga nagpapaputok sa labas. Malaking pasabog ang magagawa niyo lalo na sa media, dahil mababalita kayo. Exposure din yun!
  5. Kumain kayo ng kamote, papaya, mani at kung anu-ano pang rich in fiber pati na rin dairy products ilang oras bago ang bagong taon. Pagsapit ng bagong taon, gagawa din kayo ng ingay sa loob ng banyo.
Marami pang ibang paraan sa pagsalubong sa bagong taon. Pero sabi nila kung ano daw ang mga ginagawa mo sa bagong taon yun ang kapalaran mo the whole year. Kaya kung di ka pa naliligo bago ang alas-dose ng New Year ay buong taon kang hindi makakaligo at mangangamoy. Kapag may sipon ka sa bagong taon, babaha ng uhog saan ka man magpunta sa loob ng taong darating. Kung hindi masaya ang sex life mo sa New Year, expect mo na ring masalimuot ang kapalaran ng genitalia mo. Kaya kung anuman ang gagawin niyo sa Bagong Taon better be good, dahil kung hindi, baka kalunus-lunus at baka mabagsakan pa kayo ng meteor sa langit. We make our own path, theory lang naman yan ng dakilang Mang Tibur, wala namang masama ang maniwala kayo sa kanya, malay niyo... wala lang.

Basta, Maligo kayo sa Bagong Taon!

Wednesday, December 27, 2006

Alive Alert Awake Enthusiastic!!!

I'm alive alert awake enthusiastic
I'm alive alert awake enthusiastic
I'm alive alert awake I'm alive alert awake
I'm alive alert awake enthusiastic

Yes I'm back from the grave. Matagal din ang five days kong pagkawala sa mundong ibabaw. Almost hiatus din yun. Kahit hindi ako tao, may karapatan din naman akong mamahinga. Kung akala niyo ay na-stroke at inatake ako sa puso nitong nakaraang ilang araw dahil sa masasarap na putaheng hinanda ng aking ina ay nagkakamali kayo. Kung akala niyo nagkaroon ako ng hangover at nalunod sa nag-uumapawang mga alak, mali pa rin. Dahil nagdidiyeta ako. Bagamat ang daily meals ko ay Skyflakes at Water lang, sa Noche Buena ay special dahil BluSkies Onion Crackers at Green Tea ang kinain ko.

Nasaan nga ba ako nitong mga nakaraang araw at lalo na noong araw ng Pasko? Sinimulan ko lang namang hanapin ang mga ninong at ninang ko. Aba malaki na rin ang pagkakautang nila sa akin dahil ilang Pasko na ang napapalagpas nila. Kaya kailangan ko na silang singilin. Nagpunta ako sa iba't ibang kasuluk-sulukan ng mundo mahagilap ko lang ang mga nagtataguan ninong. I've been to different parts of the world, I've been in New York, in Gay Paree, and even London Town.

Nanggaling na nga rin ako ng North Pole para hanapin yung ninong ko dun. Sikat at kilala ang ninong kong yun at very galante sa regalo. Kaso ilang Pasko na niya akong hindi binibigyan ng regalo. But I was dismayed. Wala na siya dun. Nagpunta pa nga ako sa factory niya para lang hanapin siya kaso wala na siya dun. Ang laki ng pinagbago ng factory niya, ang gulo at ang dumi ng mga pader. Puro vandals na. Parang akala mo pinagsama-samang Katrina, Reming, Milenyo at Madam Auring ang dumaan sa factory. Hindi na maliwanag at masiglang-masigla sa kumukutitap na mga bumbilya ang factory niya na katulad ng pinapadala niyang mga postcard sa akin noon.

Nakaututang dila ko ang isa niyang tauhan. Nagkaroon daw ng rally at pagpoprotesta laban sa aking ninong. Tinuligsa nila ang pagbabago sa mga patakaran na mangyayari. Tinutulan din nila ang mababang pasweldo sa factory. Magulung-magulo ang lahat noong mga nakalipas na taon. Pati ang mga animal rights activist nakisalo na rin dahil daw sa pagpapahirap ng aking ninong sa kanyang mga alagang usa. Imposible raw kasing mapalipad ang mga usa at tanging matinding pagpapahirap daw ang makakagawa para mapalutang sila sa ere. Hindi na nagtrabaho ang mga empleyado at humina na nga ang productivity ng factory hanggang sa matuluyan na itong mapasarado.

Nabalitaan ko rin na nagpapayat na itong ninong ko dahil concerned na rin siya sa health niya. Madalas na rin daw siyang mag-Gold's Gym during his free days. malaki daw ang ipinayat ng ninong ko. Pati rin sa pananamit, hindi na niya isinusuot yung pula niyang suit, naging fashion conscious simula ng magkaroon siya ng TiVo at nakakanood na ng FTV. Pero kahit na wala na siyang factory at mga tauhan, pinilit niya pa ring gawin ang mga dati niyang ginagawa. Kilala ko ang aking ninong, kahit na nahihirapan at mawasak ang buhay niya, pipilitin niya pa rin ang bagay na mga ginagawa niya lalo't para sa ikakabuti at ikakasaya ng mas marami. Wala siyang pakialam kung sabihin mang si Lito Lapid ang mananalo sa Makati. Kaya nga yun, nung minsang ipapamahagi ang kanyang mga produkto, gumamit na siya ng eroplano para sa pagpunta sa iba't ibang bansa. Hindi na rin kasi niya magamit ang mga alaga niyang lumilipad na usa dahil pinagbawalan na siya ng mga mambababatas dahil sa reklamo ng mga animal rights activists. Gumamit ng disguise ang ninong ko para hindi siya makilala at pagkaguluhan ng mga paparazzi. Ngunit dahil sa disguise niya hinuli siya ng mga kinauukulan sa airport. Nang dahil sa pagdisguise niyang iyun nakakulong daw siya ngayon.


Nakakaawa ang mga nangyari kay ninong. Marami na tuloy siyang mga tao at batang hindi na napapasaya sa araw ng Pasko. Siguro pagbibigyan ko muna siya ngayon, saka ko na lang siya sisingilin kapag nakalabas na siya. Puntahan ko muna ang iba ko pang mga ninong at ninang na nagtatago sa akin, aba sumosobra na sila. Marami-rami din sila, kaya kailangang lumarga na. Anyway, hanggang 3 Gwapings... este ... 3 Kings pa naman ang Pasko nating mga Pilipino!

Thursday, December 21, 2006

Le Poseur en Misa de Gallo

Naiinis na ako sobra-sobra. Lalo't ngayong tumutulo ang aking uhog patungo sa aking mga lips. Kagabi nagkasinat pa ako. Pero ang mga kinaiinisan ko sa lahat ay yung mga nagkalat na mga posers kapag simbang gabi. Gusto ko silang singahan lahat. Though, hindi naman ako umaattend sa misa de gallo, nakakainis lang kasi kapag nakikita mo ang mga ito. Mabuti na nga lang walang mga orcs*, kasi nasa trabaho sila.

Nagmistulang audition para Starstruck ang simbang gabi. Pormadong pormado ang mga kabataang pumupunta ngayon dun. Hindi ko alam kung naghihintay lang ba sila ng talent scout para madiscover habang naghohomily ang pari. Kulang na nga lang yata sumayaw o kaya kumanta at magrap with matching tambling-tambling sa altar. Kung umaattend lang siguro ako ng misa de gallo, baka may naganap ng massacre. Heto pa ang mga nakakainis na ginagawa ng mga feeling, TH at posers:

  • Magwiwish na manalo sa lotto kapag nakumpleto ang siyam na gabi.
  • Ang simbang gabi ay ang hunting season para makakuha ng girlfriend/boyfriend.
  • Nagsusuot ng mga longsleeve at jackets or any kind of warmers kahit na mainit na dahil sa dami ng tao. Although, malamig naman talaga sa gabi at madaling araw, pero once na dumami na ang tao, hay naku, parang tumirik na rin ang araw.
  • Makakapal ang mga make-up ng mga babae.
  • Makakapal ang mga make-up ng mga binabae.
  • Nagmamadaling matapos ang misa para makakain ng putobumbong at bibingka.
  • May dalang banig, kumot at kulambo para matulog sa simbahan.
  • May dalang deadly weapon para abangan ang kaaway pagkatapos ng misa.
  • Naka-jogging pants at sweater at nagjo-jogging in place.
Hay naku, di ako makapag-isip ng matino ngayon. Lintek na uhog 'to, ang sarap-sarap grabe. Kukuha na nga ako ng straw ng masipsip ko na ang lahat. Sa kabuwisitan ko sa mga posers na yan nagkakasakit tuloy ako. Mga virus silang nagkalat, pati ba naman ang tradisyon ng bansa ay sinisira nila.

Pasensya na mga avid readers, kung meron man, hindi matino ang post kong ito. Grabe lang talaga itong sipon ko, parang waterfalls ayaw tumigil, kung pwede niyo lang sanang higupin ang lahat ng ito. Sa susunod na lang ako maglalagay ng matinong post.

*please refer to cofibean's blog

Tuesday, December 19, 2006

Scented Aura


Nakakainis talaga kapag may nakasama ka sa mga public thoroughfares na may kakaibang awra. Hindi ito yung awra na katulad nung nasa Maskman, yung natural na awra na lumalabas at sumisingaw sa balat ng tao o sa kilikili mo. Napakasalimuot ng magiging araw kapag nagsimula ka sa ganito. Noong college tuwing papasok ako, LRT ang sinasakyan ko. Confident at very fresh pa ako sa umaga. Plantsado ang mga damit at humahalimuyak ang bango ng Safeguard at ng pabangong ini-spray kong panakaw mula sa aparador ng dad ko. Pagdating sa LRT, hayun sangkaterba ang masang nagmamadaling pumasok sa kanya-kanyang school at trabaho. Kaya kapag pasok ko sa LRT ay laspag na ako. Walang silbi ang plantsa sa damit at pabango, sa sobrang siksikan at iba-ibang awra ng mga tao. May amoy pawis, amoy araw, amoy labanos, amoy papaya, amoy tae, amoy panis, amoy bulok, amoy cenaculo, at amoy na nangangain ng tao. Kung bulaklak kang papasok sa LRT, bulaklak ka pa ring lalabas naman, yun nga lang yung isang klase ng bulaklak na hindi nahuhugasan ng Lactacyd o pH5.

May aso naman kami, may breed siya. Nadala siya sa animal clinic, noong binalik na siya sa amin, meron na siyang kakaibang amoy. Kapag pinaliguan siya halimbawa ngayon, mabango siya, pagdating ng kinabukasan nag-iiba na, amoy daing na. After 2 days na di pinaliguan nangangamoy patis na, siguro kung isang linggo na siyang di napaliguan ay amoy bagoong na ang asong iyon. Kaya dati di ko maatim na ilabas o igala siya kasi nga sa amoy niya. Mabuti na nga lang nawala na ang amoy na iyun, salamat sa nabiling sabon ni Mommy sa Landmark. Ngayon nakikipaglaplapan na ako sa aso namin.

Heto naman, isang taon mahigit na ang nakakaraan. Nakamarka na ito sa history book ni Billycoy. Ang panahon na nagtatrabaho pa ako sa Madrigal Business Park sa Alabang. Yung una, papasok ako habang binabaybay ng jeep ang Alabang-Zapote Road may nakasabay akong kakaibang nilalang. Dalawa silang babae, umupo sila sa tabi ko. Lintek yung katabi ko ang sama ng BO. Jusmio, kababaeng tao pagkabantot-bantot. At talagang mukhang hindi naliligo, yung hitsura niya pa man din mukha ring primitibo, parang taong tabon. Grabe talaga, ewan ko ba kung bakit sa tabi ko pa umupo. Hindi ko kayang tiisin kaya napayuko na lang ako, pagtingin ko naman sa paa, hala, ano ba yung nakita ko sa paa niya. Pagkadilaw-dilaw ng mga kuko niya sa paa, at pwede kang matetano kapag nasugatan ka nun. Sa gilid ng hinlalaki niya sa paa niya, may nakita ako, tinitigan kong mabuti para malaman kung ano iyon, akala ko ingrown, hindi pala... Syet, may talbos ng kamote sa paa, tinutubuan na ng kamote ang paa niya!

Meron naman, pauwi naman na ako. Umupo ako doon sa upuan sa likod ng driver's seat, wala pa kasing driver noon kasi nasa station palang kami at nag-aabang na mapuno ang jeep. Nang mapuno na ang jeep, ready ng umalis. Pumuwesto na si Manong Driver, at syet, umalingasaw ang nakakaduwal niyang awra. Umandar na ang jeep, at regal shockers talaga, yung hangin ay sinasalubong ako, kaya naman lahat ng amoy ni manong ay nasagap ko na at kumapit na sa pagmumukha ko. Lumaganap na ang amoy ni manong sa buong jeep at lahat ng pasahero ay sumuka na, kaya ang buong jeep ay binaha na ng suka. Syempre, ako postura pa rin, kahit na ganun ang amoy tiniis ko na lang. Pero pagkauwi ko sa bahay, pagharap ko sa salamin, regal shockers, iba na ang mukha ko AAAAHHH! Nagbago na, kamukha ko na si Kuhol yung alalay ni Mr. Shooli sa Mongolian Barbecue. Kaya naghilamos na lang ako. Salamat sa Nive Facial Wash Oil Control for Men at bumalik ang dati kong nag-uumapaw sa sex appeal, at talaga namang kabigha-bighani kong mukha.

Kung makaka-encounter kayo ng mga ganitong sitwasyon, magtakip na lang kayo ng ilong o kaya ugaliing magdala ng ipit para sa inyong nose. Kung hindi niyo na talaga makayanan, magpatiwakal na lang kayo.

Friday, December 15, 2006

Season of Gifts

"Ngayong pasko, ngayong paskoooo
Mabuti na ang buhay niyoooo
Mangarap ka ngayong paskooo
Isipin mo na kaya niyooo"
Manny Pacquiao, pasyon nya para sa araw ng pasko

Ilang araw na lang at magpapasko na. Nagkalat na sa mga bars, resto, pools, at sa mga kalsada ang mga christmas parties, reunion at kung anupaman. Ngunit alam kong may problema kayo ngayong pasko. Nava-vibes ko yun, ganun kalakas ang powers ko. Oo alam kong pinansyal may problema kayo, pero di naman yun ang tinutukoy ko. Problema sa math, wala akong pakialam dyan, at kahit yan di ko kayang solusyunan at wag niyo kong tanungin ng tungkol sa arithmetic baka puksain ko kayo dyan sa kinakaupuan niyo.

Pinoproblema niyo this season ang mga ireregalo niyo. Aba, hindi biro ang pagreregalo, madugo sa ulo pati na sa bulsa ang pagbibigay nito. Isa sa rason ng pagkalat ng mga utak yan. Very stressful ang pag-iisip kung ano ang magandang pangregalo. Mabuti na lang nandito si Billycoy para mapadali ang pag-iisip niyo. I-ready niyo na ang lapis/bolpen at papel niyo, kung wala kayo nun, pwede na rin ang uling at spraypaint at isulat niyo na lang sa pader. Pwede ring isulat niyo na lang sa dugo. So get ready for my tips.
  • Magandang ibigay ito sa mga exchange gifts kasi may certain amount na kailangan. Let's say ang required price ng exchange gift ay P 300. Madali na lang yan, bumili kayo ng picture frame, seiko seiko wallet ang wallet na maswerte or kung anupaman na worth P 50. Heto ngayon ang trick dyan, Ipa-wrap or bumili ng gift wrap na worth P 250, for sure na maganda yun, since uso na ang magagandang gift wrap ngayon, dun na lang kayo bumawi, malas lang ng napagbigyan niyo kapag sinira niya ito!
  • Siyempre pinahirapan kang mag-isip ng pang regalo papayag ba kayong hindi makabawi. It's payback time. Magregalo ng isang sakong bigas, o di kaya mga weight plates, barbells or dumbells. Tingnan ko lang kung di ka matuwa sa hitsura nila kapag inuwi na nila yun.
  • Heto bagay naman sa mga nakakasulasok na mukha. For sure na matatawa ang pagbibigyan mo kapag binigay mo na ito. Magregalo ka ng mirror sa kanya at kapag nabuksan at nakita na niya ang sarili niya dito, matatawa siya sigurado. Pero mag-ingat lang, hindi lahat ng nakakarimarim ang hitsura ay nakakatawa, may iba kapag nakita nila ang sarili nila sa salamin ay mamamatay na lang bigla.
  • Kung galing ka namang abroad o kaya mga malalayong lugar gaya ng Baguio, Boracay or Manila Bay, magandang ibigay yung mga galing sa lugar na iyon. Para di ka na mahirapan, magregalo ka ng hangin mula sa lugar na iyon. Malas na lang ulit ng napagbigyan mo kapag binuksan at pinawalan ang sariwang hangin na regalo mo.
  • Pero wala ng mas magandang iregalo sa ating mga minamahal ang ating presence. Very worthy ang bawat segundong kasama natin sila lalo't kapag nasa malayong lugar sila. Kaya magandang i-regalo natin ang presence natin sa kanila ngayong panahon ng pasko. Kung gusto niyo silang pasiyahin at sorpresahin, ilagay niyo ang inyong sarili sa isang kahon at i-ship papunta sa kanila, via door-to-door or any package freighting. Basta wag niyong kalimutan ang mga pagkain at oxygen na isama sa box niyo. Good luck na lang sa biyahe lalo kung barubal ang mga kargador, sure na malalamog kayo. Kapag dumating na kayo, masusurprised talaga ang mapagbibigyan niyo. Dahil kung hindi kayo nangingisay na dumating dun, ay malamang na isa na kayong malamig na bangkay.
Sa mga nag-iisip at gustong magregalo sa akin hindi ko na kayo papahirapan pa, kasi masaya na ako sa cash. Bahala na kayo kung through banks, money transfer o kung anu man, basta huwag lang tseke baka kasi tumalbog pa at maiskandalo pa ako sa mga bangko. Magdonate na kayo para mabili ko na ang mga lupain ng Ayala.

Wednesday, December 13, 2006

Initiating to Entry

Nakakainis ang mga bagong youth natin ngayon. 12 years old or younger may mga fraternity na, kaya kapag may gulo damay na pati sila. As if naman, fraternity talaga yun. First and foremost, malaki pagkakaiba ng fraternity sa gang. Karamihan naman ng mga gumagawa ng gulo ay yung mga gang at hindi mga tunay na frat. Frat-fratan lang, para mas magandang pakinggan. Music to the ears nga naman ang mga words na ginagamit sa mga frat; sigma rho, alpha phi at kung anu-anu pa. Though, pareho silang organization but still they are not the same.

I have a friend kasi na sumali sa organization, though hindi ko ma-identify kung frat ba sila o gang. Masyado kasing kakaiba. Sila yung mga Jolina Fans Club slash JOLOGS (Jolina Organization and Groups System) na na-mention ko na dati. Buti na nga lang nakatakas siya at di niya natapos ang initiation nito, dahil kung hindi, ewan ko lang kung ano na nangyari sa kanya. na-brainwash nga yata, buti na nga lang nahimasmasan na. Sandamakmak na dagok, sampal, sapak, sipa, bugbog at ilang galong tubig ang naubus para lang matauhan. Not mentioning the electric torture pa para lang magising na siya sa kahibangan niya.

Nung naging maayos na siya, naikwento niya sa amin ang ginawang initiation sa kanila. At talagang kakapangilabot at katakut-takot ang mga pinaggagagawa sa kanila.

1st Stage. Kabisaduhin ang lahat ng likes/dislikes ni Jolina. Yung mga favorite niyang mga pagkain, mga naging ka-loveteam, biography, mga kadramahan niya sa buhay ay dapat masusing i-memorize. Hindi pa masama, pwede ka pang pumasa. Now go to the next.

2nd stage. Papatugtugin ang kantang "Chuvachuchu" the whole day. Kapag lalabas man, kailangang nakaheadset at heto pa rin ang pinapatugtug. Kapag maka-survive ka pa dito, proceed to the next stage.

3rd stage. Ibababad ka sa harap ng TV at papanoorin mo lahat ng movies at TV shows ni Julens hindi ka pwedeng lumingon kung saan-saan, kumakain o anuman ang ginagawa mo dapat nakatutok ka sa palabas na iyon. Hindi lang ito tumatagal ng isang araw, umaabot ang pagsubok na ito sa loob ng isang linggo.

4th stage. Ang nakakapangilabot at kahindik-hindik na pagsubok na gagawin sa iyo. Lalapit ka kay Julens, para magkiss, magpa-autograph at magpapicture. Kapag nagawa mo ito, then you'll go to the fifth and final stage.

Umabot ang kaibigan ko sa fifth stage, yun nga lang di niya na talaga makayanan kaya't tumakas na siya. Pinipilit namin siyang sagutin kung ano ang mga nangyari sa huling pagsubok, kaso hindi na niya talaga kaya pang sagutin. Matinding trauma ang pinagdaanan ng aking kaibigan kaya nag-undergo siya ngayon sa therapy. Kung anuman ang mga nangyari sa 5th stage, hindi na natin alam. What lies in the 5th stage of the test is still a mystery!

Monday, December 11, 2006

Letter of Love

Kung hindi niyo natatanong, at wala naman talagang nagtatanong, nag-attempt din akong mang-rape... este mangligaw. Yun nga lang medyo hindi ako pinalad kaya kahit isang girlfriend hindi pa ako nagkakaroon. Hindi naman ako bad ass na manliligaw, actually napakaromantic ko pa nga. Yung mga kaibigan, pinsan at kaklase ko noong highschool, nagpapatulong pang gumawa sa akin ng love letters. Oo, alam ko laos na yun, pero uso pa yun dati, gamit pa nga naming pangsulat mga gel pens at kung anu-anu pa.

Bagamat mga lalaki kami, marami din kaming alam na kalandian sa pagsulat ng love letters. Merong mga letters na nakasulat sa graphing paper, sa pinilas na notebook, sa label ng mga chocolates, sa tissue, sa tiket ng bus, sa butil ng bigas, tapos kanya-kanyang style din ng pagsulat, yung papahirapan pang magbasa yung mga babae/mambabasa, yung tipong kailangan pang iikot nila yung papel o kaya magsuot pa ng 3d glasses mabasa lang ang message. Baka nga ngayon meron ng sudoku style na love letter o kaya anagrams, paduguan na ng utak ngayon!

But anyway, heto yung love letter sa attempt kong panliligaw noong highschool:

Maging sino ka man,

Hi! Hello! Kamusta na? Ako hindi maayos ang pakiramdam ko. Ewan ko ba. Tuwing gabi, imbis na matulog na ako, hindi ko magawa. Merong bumabagabag sa aking damdamin at isipan. Tuwing naiisip ko yun laging bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ako mapakali at laging bumabalikwas sa aking kama. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero ikaw lang naman ang iniisip ko kapag gabi. Sakit na yata ito. Nagkakasakit na ako dahil sa pag-ibig ko sa iyo.

Ano bang meron sa iyo? Tuwing nakikita kita, hindi ko maintindihan ang feeling ko. Ang mga mata mo ay parang mga bituin sa langit na dumampi sa iyong mukha na nagbibigay ng liwanag sa madidilim na parte ng aking buhay. Ang iyong mga ngiti ay tila sakit na nakakahawa ngunit nagpapagaan sa mga mabibigat kong araw. Mga labi mo'y mapupula na gusto kong laplapin, lamutakin at lantakin. Mga boobs mong naglalakihan at nagtatalbugan sa tuwinang ika'y naglalakad at mas nakakatuwa kapag ika'y tumatakbo ngunit mas napapasaya ako kapag ikaw ay napapayuko. Ang mga makikinis mong mga binti na tila masarap himasin.

My world is getting crazy when you are around. I can't help my blood to run faster whenever I see you. I think I'm falling for you and I want to pump you. Pag-ibig na yata ito.

Hoping for your kind consideration.

Thank you.


I'm yours,
Billycoy


Binigay ko sa kanya ito, tapos kinabukasan bumalik siya sa akin. Hinampas niya sa aking mukha ang manila paper na pinagsulatan ko nito at umalis na lang bigla. I was clueless. Hindi ko alam kung bakit siya nagalit sa akin. Pinaghirapan ko pa man din yung pagsulat kong iyon. Lalo't tiniyak kong pantay-pantay lahat ng letra doon kasi ayaw kong pumunta sa langit o sa impiyerno ang mga sulat ko dun sa manila paper. May mali ba sa love letter ko noon? Dapat siguro sa susunod ang gamitin ko ng pentel pen ay yung fine point at di na yung broad.

Saturday, December 09, 2006

Santa Claus: A Tall Tale?

Malapit ng magpasko. Nariyan na naman ang mga nangangaroling at mga nagsosolicit. Heto rin ang mga panahon na ayaw ng mga ninong at ninang. Panahon na para magtago sa mga inaanak. Naka-ready na rin ang wishlists natin para sa mga magbibigay ng regalo.

Pero nakakapagtaka lang, tungkol na lang lagi sa pamilya ang mga kwento sa mga TV kapag Christmas season na. Bakit naman nung halloween puro multo, paranormal ang mga pinapakita? Hindi ba pwedeng gawin yun ngayong season. Aba, biased broadcasting yan! Aba marami din namang kababalaghang nagaganap kapag pasko, may putukan sa mga kwarto at motel, at mga nakakatindig balahibong pangyayari. Tulad ng mga sightings ni Santa Claus, hindi ba pwede yun? Akala niyo ba mga multo lang mahilig sa camera, aba si Santa Claus din kaya.


Si Santa Claus sa class picture

Santa Claus sa isang simbahan sa Pampanga...
good luck sa suot niya lalo't may El Niño dito sa 'Pinas


Santa Claus na dumaan sa harap ng kamera
Santa Claus: Syet, may camera pala, nakalimutan kong lagyan ng gel ang balbas ko!


Santa Claus sex scandal... akala niyo Paris at Britney kayo lang ha


Oh ano mga multo, palag ba kayo kay Santa Claus. Kaya niyo bang gawin yan? Aba, mahilig din yata si Santa Claus sa camera. Akala niyo kayo lang ha!!!

Thursday, December 07, 2006

The Golden Post: A Look at the Ball

"Gold, Always believe in your soul"
-Spandau Ballet na naging favorite ng late Princess Diana

Heto na pala ang tinagurian kong Golden Post, ika-50th post ko na kasi itong entry. Kaya't wala munang kokontra!

----------------------------------------------------------


Dito sa building na pinagtatrabahuhan namin, may isang office na very mysterious talaga. Madilim yung office, pero makikita naman from the corridor ang receiving room kasi clear naman ang mga salamin nito. Sa receiving area nito, merong mga sofa at coffee table, sa ibabaw ng coffee table, merong bolang kristal. Habang naglalakad ako sa corridor, napahinto ako sa harap ng opisinang ito. Napatingin ako dun sa bolang kristal, tapos habang tinititigan ko parang nagiging foggy ang loob ng crystal ball. Umiikot ang mga ulap sa loob nito, siyempre sa curiosity ko, lumapit ako tapos nagkaroon ng kakaibang pakiramdam sa aking dibdib, katulad nung nakasakay sa Rollercoaster na biglang bubulusok sa mataas na riles. Ganun ang pakiramdam. Nadeform ang aking katawan at hinigop ako papunta sa loob ng crystal ball.

Pagkamulat ko ng aking mata, mausok ang paligid. Akala ko may nagpa-pot session. Sa di kalayuan may naaninag akong anino. Hindi naman mukhang jamaican na nakadreadlocks. Nilapitan ko yung anino at sa aking gulat nakita ko ang hindi inaasahang nilalang...

Si Manang Bola nakaupo at mayroong lamesang may cover ng katulad nung sa mga manghuhula. Nagtanong ako "Nasaan po ako?" Pinagmamasdan ko ang paligid ng sumagot bigla itong si Bola "Obvious ba, nandito ka sa loob ng bolang kristal!" Natameme na lang ako. "Since nandito ka na lang din hijo, magtanong ka na lang" sabi niya. "Sige po... ano ang future ko after 50 years?" tanong ko naman. "Yun lang ba? teka kokunsultahin ko muna ang bolang kristal" ang tugon ni Bola habang humihithit ng yosi na parang DJ Mix yata kasi amoy Green Apple ang paligid, "Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, sabihin kaagad sa akin ang sagot, Baa, BeBi, BoBuuu!!!" Sa pagbanggit niya ng mga huling kataga, umikot muli ang usok na nakapalibot sa amin, parang ako'y nahihilo, naduduwal, nahahigh... hindi... orgasm!!!

Paghupa ng usok, lumiwanag ang paligid, nagulat ako kung nasaan ako. Nasa loob ako ng koral ng baboy!!! Yakk! Nakita ko mga anak ko, may batik, may brown, may itim at iba pang colors. May lumapit sa aking baboy, may batik sa mata, parang dalaga yata o esmi ko, nagsalita siya "Squeak, squeak, squeak squeak?" Sumagot naman ako in a husky tone "Squeak squeak, squeak squeak squeak!?" Tapos maya-maya pumatong na lang ako sa likod niya... di ko naman na siguro kailangan pang idetalye ang mga ginawa namin. Pero ang tagal ng aking orgasm, umabot sa 30 minutes, nakakahigh talaga. Napapikit at napasigaw na lang ako "SQUEEEAAAKKK!!!"

Bumalik ulit ang usok sa paligid sa pagmulat ng aking mata, may narinig akong nagmo-moan! Oh syet! Si Manang Bola, nag-aano gamit ang fenk glow-in-the-dark Dildo! Eww ang kakasulasok tingnan. Sinita ko siya "Ano ba manang Bola, nandito pa ako, ginagawa mo na yan, kadire ka!" "Ay, nandyan ka na pala hijo, pasensya na, na-arouse kasi ako habang pinapanood ko kayo" sagot at biglang tinago ang dildo. "Anyway, nagkamali pala ako, hindi mo pala future yun. Yun yung past life bago ka naging tao ngayon." patuloy niya. "Huh? Baboy ako nung past life ko?" ang reply ko. "Oo, pero wag kang mag-alala, mga 5 years ka lang naman nabuhay, kasi kinatay ka kagad. Pero, amazing ang orgasm ng baboy ano, 30 minutes!" sabi ni Bola. "Naging kuneho ka rin bago ka naging baboy, dinagit ka naman ng agila pagkatapos mong pumopoy sa esmi mo... pero heto, ipapakita ko na sa iyo future mo." "Buti naman, kaysa maubos ang oras ko dito." ang epal ko sa kanya. Nag-chant na ulit si Manang Bola "Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog... Ba bebi, bobuuu..."

Humupa muli ang mist sa paligid, nasa loob na ako ng isang malaking opisina. May malaking table sa aking harapan. Nakaupo na rin sa isang mataas at pang may posisyon na office chair. Abot-tanaw sa aking malaking bintana ang lupain ng Ayala. Presidente na ako ng isang malaking kumpanya ng bugawan na kinikilala di lang sa ating bansa pati na rin sa buong mundo. May mga plaque ako sa pader: "World's Known Pimp - Guinness" "Pimp Awards 6 times Hall of Famer" at kung anu-ano pa. Maya-maya may pumasok na seksi at kaakit-akit na babae, tinanong ko siya "Nasaan ang aking pamilya?" Sumagot siya na parang nagulat at halos atakihin sa puso "Sir? Pamilya!? Don't you remember? You're still a virgin!!!" Hindi ko kinaya ang mga sinabi niya, naramdaman kong gumuguho ang building, nababasag ang salamin, di ako makakilos. Nagbibitak-bitak na ang mga sahig pero di ko pa rin alintana. Gumuho ang building... nilamon ako ng kadiliman.

Minulat ko ang aking mata, maliwanag. Nandito na ako sa harap ng misteryosong opisina. Nandun pa rin ang bolang kristal, wala na ang fog sa loob. Bumalik na ako sa office at napaisip sa naranasan ko.

Ano mas pipiliin ko, isang past-life na baboy na may 30 minutes orgasm o future na asensado pero virgin pa rin? Buhay pa kaya ang mga descendants kong baboy o nakain ko na sila?

Monday, December 04, 2006

The Legend of Defecated Underwear

Babala: Ang post na ito ay napakahaba, kung kaya't bumili muna kayo ng popcorn at softdrinks. I-ready niyo na rin pala ang 3D glasses at isipin niyo na lang nasa IMAX kayo ngayon. Kapag tinatamad kayong magbasa, i-close niyo na lang ito at magsurf na lang sa mga pornsites o kaya ituloy niyo na lang ang trabaho niyo!

Nagwet dreams ako kaninang umaga. Hindi ko muna pinalitan ang brip ko. Naghilamos muna ako saka dumiretso sa lamesa upang mag-almusal. Pandesal ang tinapay tapos pinalamanan ko ng strawberry jam at peanut butter, peanut butter jelly sandwich. Sa pagkagat ko ng malutong na pandesal, matinding sakit sa aking ngalangala ang nadama ko. Syet, di pa rin nawawala ang burn ng kinain kong Lasagna sa French Baker kagabi. Habang tinitiis ko ang sakit ng malutong na crust ng pandesal, nagkaroon ng water effect ang paligid at bumalik ang aking alaala noong kabataan ko.

Tuwing tinatanong ako ng mga magulang ko kung ano ang gusto ko paglaki, lagi ko noong sagot "WAITER!" Tapos tatawa naman sila. Sa kamusmusan ko pa noon, naglalaro kami ng toy soldiers, syempre kailangan namin ng pebbles pambato para matumba yung mga tau-tauhan, pagdampot ko ng bato, may poopoong basa ang kasama, yakk talaga! Umuwi ako kagad, saktong tanghalian na, tinawag ako "Billycoy, kain na!" sabi ng aking ina. "Teka po, may tae sa kamay ko, hugas lang ng kamay." sagot ko naman. Nice timing di ba?

Hanggang sa mag-aral ako sa isang private pre-school dito sa amin, nagbago na ang pananaw ko. Ninais ko nang maging duktor. Ewan ko ba, biglang nagbago, parang nauntog yata ako at sinapian ni Dr. Doogie Howser, M.D. Hanggang dumating sa grade 1, nag-aral ako sa isang pribadong katolikong paaralan sa Maynila. Ayun ang panahong sumikat ang ADHD monster na si LA Lopez at kinakanta niya pa "Tandang-tanda ko pa noong maliit pa ako...Eh Kasi Bata" Syet, ayoko ng maalala yun, sumpain sana ang LA Lopez na yan. Mabalik ako, sariwang-sariwa pa sa akin ang baho ng taeng nabubulok sa aking salawal sa pag-aaral ko noon dun sa pribadong paaralang katoliko sa Maynila. Isang beses sa isang taon nangyayari sa akin ang ganoong phenomena na tumagal hanggang 2nd year highschool. Noong grade 4, nalipat ako sa creme section or kung sa ibang school ay section 1. Hindi ko nais, pero sadyang matalino talaga ako.

Doon din ako nag-highschool, doon ko naranasan ang JS na walang kasamang babae. Hiwalay kasi ang building ng girls sa boys, hiwalay din ang mga programs. Kaya nga siguro virgin pa ako hanggang ngayon. Kapag mayroong disco doon sa aming gym, hanggang 9pm lang at may mga nakabantay na madre sa aming pagsasayaw. Lintek! kaya nga disco, tapos hanggang 9pm. Kakasimula lang ng disco ng 6pm, tapos 9pm tapos na?! 3 oras?

Dumating ang kolehiyo sa aking harapan. Inalok pa nga ako ng aking uncle na mag-aral ng Medicine sa UP Diliman, kaso tinanggihan ko, ayokong mabulok ang virginity ko within 5 to 10 years na pag-aaral. Kaya nagtake ako ng Fine Arts major in Advertising somewhere sa Taft Ave. Naunang nagtapos ang mga kaklase ko ng ilang buwan kasi naman noong first year ako binagsak ako ng babaluga kong professor na nangingikil para lang pumasa sa subject niya. Buti na lang hinagis na siya palabas ng school. But the damage is done, nagkagiyera na ang mga subjects and schedules ko. Nahuli ako ng dalawang sem sa aking mga kaibigan at mga kaklase. Hindi na ako nagmartsa tinamad na kasi ako saka may trabaho naman na ako. Pero kasama pa rin ako sa yearbook na hanggang sa ngayon ay di pa rin napapublish at nakukuha.

Ngayon graphic artist na ako sa isang design studio dito sa Makati. Natuto na rin akong mag-strut ala Male Fashion Model. Ang kalsada ang aking catwalk, tapos kapag humihinto ako, kulang na lang ang camera para kuhanan ako. Nakalimutan ko na ang aking pangarap na maging waiter. Yun ang aking calling, nararamdaman ko. Dama ko kasi ang magsabi sa pintuan ng "Good morning/afternoon, sir/ma'am" saka ng "Thank you for coming, please come again!" Perfect ko ang mga katagang yun. Hanggang sa makilala ko si Mang Tibur sa ilalim ng LRT EDSA station. Siya ang nagsabi sa akin na "There is one thing more important than dreams, SEX!" Tama nga siya!

Natupad ko na rin ang aking pangarap na maging waiter, salamat sa Diner Dash 2, at natupad ko na ang aking calling. Nagawa ko na nga ang aking ultimate dream, ngunit di pa rin ako masaya kasi virgin pa rin ako.

Nagkaroon ulit ng water effect sa paligid at nandito ako muli sa dining table. Nakatatlong pandesal na pala ako at lintek masakit pa rin ang ngalangala ko, may kaong pa sa brip ko... at wala pa rin ang yearbook namin!

Friday, December 01, 2006

Unleashing the Poet

I am so inspired kung kaya't ako'y napasulat ng tula. Sobra talaga akong inspired kaya't kailangang i-share ko sa inyo. Very special person kasi ang pinanggalingan nitong inspirasyon. Kung sino ang special someone ko, syempre sino pa ba, kundi ako. Wala naman na akong pwede akong paghugutan ng ganitong inspirasyon kundi sa akin lang. So here it goes:


Katulad ni Billycoy
by: Billycoy

Katulad ka ng tae
Hindi mapigilang ilabas
Sa puwet nangingiliti
Hindi tuloy kami mapakale

Katulad ka ng ipis
Nagkakalat ng mikrobyo
Dulot ay sakit na labis
Ilan ba ang iyong puyo?

Katulad ka ng AIDS
Sakit na nakakahawa
Sickness from getting laid
Masarap naman yun di ba?

Katulad ka ng droga
Nakakaadik kapag sumobra
Ang isip ay nawawala
Nakakahigh ka na talaga

Katulad ka ng baboy
Tunay na ikaw ay mahalay
Kapag sa iyo lumalaboy
Utak ko'y nagiging high

Katulad ka ng sipon
Nakakainis at malagkit
Ilagay sa tissue at itapon
Pero sa isip ko ika'y kumakapit

Katulad ka ng utot
Kumakalat ang baho
Sobra ang iyong bantot
Tinitiis ang amoy mo

Katulad ka ng basura
Sa kalsada nakakalat
Napakasakit sa mata
May amoy na kumakapit sa balat

Katulad ka ng surot
Nangangagat, namemeste
Kami'y iyong hinaharot
Pero sa amin 'kaw ay swerte


Yan po ang aking obra maestra. Pinaghirapan ko ng husto yan at talagang kumalat ang utak ko sa paggawa ng tulang yan. Dapat magustuhan niyo yan dahil kung hindi lagot kayo sa akin!