Monday, December 04, 2006

The Legend of Defecated Underwear

Babala: Ang post na ito ay napakahaba, kung kaya't bumili muna kayo ng popcorn at softdrinks. I-ready niyo na rin pala ang 3D glasses at isipin niyo na lang nasa IMAX kayo ngayon. Kapag tinatamad kayong magbasa, i-close niyo na lang ito at magsurf na lang sa mga pornsites o kaya ituloy niyo na lang ang trabaho niyo!

Nagwet dreams ako kaninang umaga. Hindi ko muna pinalitan ang brip ko. Naghilamos muna ako saka dumiretso sa lamesa upang mag-almusal. Pandesal ang tinapay tapos pinalamanan ko ng strawberry jam at peanut butter, peanut butter jelly sandwich. Sa pagkagat ko ng malutong na pandesal, matinding sakit sa aking ngalangala ang nadama ko. Syet, di pa rin nawawala ang burn ng kinain kong Lasagna sa French Baker kagabi. Habang tinitiis ko ang sakit ng malutong na crust ng pandesal, nagkaroon ng water effect ang paligid at bumalik ang aking alaala noong kabataan ko.

Tuwing tinatanong ako ng mga magulang ko kung ano ang gusto ko paglaki, lagi ko noong sagot "WAITER!" Tapos tatawa naman sila. Sa kamusmusan ko pa noon, naglalaro kami ng toy soldiers, syempre kailangan namin ng pebbles pambato para matumba yung mga tau-tauhan, pagdampot ko ng bato, may poopoong basa ang kasama, yakk talaga! Umuwi ako kagad, saktong tanghalian na, tinawag ako "Billycoy, kain na!" sabi ng aking ina. "Teka po, may tae sa kamay ko, hugas lang ng kamay." sagot ko naman. Nice timing di ba?

Hanggang sa mag-aral ako sa isang private pre-school dito sa amin, nagbago na ang pananaw ko. Ninais ko nang maging duktor. Ewan ko ba, biglang nagbago, parang nauntog yata ako at sinapian ni Dr. Doogie Howser, M.D. Hanggang dumating sa grade 1, nag-aral ako sa isang pribadong katolikong paaralan sa Maynila. Ayun ang panahong sumikat ang ADHD monster na si LA Lopez at kinakanta niya pa "Tandang-tanda ko pa noong maliit pa ako...Eh Kasi Bata" Syet, ayoko ng maalala yun, sumpain sana ang LA Lopez na yan. Mabalik ako, sariwang-sariwa pa sa akin ang baho ng taeng nabubulok sa aking salawal sa pag-aaral ko noon dun sa pribadong paaralang katoliko sa Maynila. Isang beses sa isang taon nangyayari sa akin ang ganoong phenomena na tumagal hanggang 2nd year highschool. Noong grade 4, nalipat ako sa creme section or kung sa ibang school ay section 1. Hindi ko nais, pero sadyang matalino talaga ako.

Doon din ako nag-highschool, doon ko naranasan ang JS na walang kasamang babae. Hiwalay kasi ang building ng girls sa boys, hiwalay din ang mga programs. Kaya nga siguro virgin pa ako hanggang ngayon. Kapag mayroong disco doon sa aming gym, hanggang 9pm lang at may mga nakabantay na madre sa aming pagsasayaw. Lintek! kaya nga disco, tapos hanggang 9pm. Kakasimula lang ng disco ng 6pm, tapos 9pm tapos na?! 3 oras?

Dumating ang kolehiyo sa aking harapan. Inalok pa nga ako ng aking uncle na mag-aral ng Medicine sa UP Diliman, kaso tinanggihan ko, ayokong mabulok ang virginity ko within 5 to 10 years na pag-aaral. Kaya nagtake ako ng Fine Arts major in Advertising somewhere sa Taft Ave. Naunang nagtapos ang mga kaklase ko ng ilang buwan kasi naman noong first year ako binagsak ako ng babaluga kong professor na nangingikil para lang pumasa sa subject niya. Buti na lang hinagis na siya palabas ng school. But the damage is done, nagkagiyera na ang mga subjects and schedules ko. Nahuli ako ng dalawang sem sa aking mga kaibigan at mga kaklase. Hindi na ako nagmartsa tinamad na kasi ako saka may trabaho naman na ako. Pero kasama pa rin ako sa yearbook na hanggang sa ngayon ay di pa rin napapublish at nakukuha.

Ngayon graphic artist na ako sa isang design studio dito sa Makati. Natuto na rin akong mag-strut ala Male Fashion Model. Ang kalsada ang aking catwalk, tapos kapag humihinto ako, kulang na lang ang camera para kuhanan ako. Nakalimutan ko na ang aking pangarap na maging waiter. Yun ang aking calling, nararamdaman ko. Dama ko kasi ang magsabi sa pintuan ng "Good morning/afternoon, sir/ma'am" saka ng "Thank you for coming, please come again!" Perfect ko ang mga katagang yun. Hanggang sa makilala ko si Mang Tibur sa ilalim ng LRT EDSA station. Siya ang nagsabi sa akin na "There is one thing more important than dreams, SEX!" Tama nga siya!

Natupad ko na rin ang aking pangarap na maging waiter, salamat sa Diner Dash 2, at natupad ko na ang aking calling. Nagawa ko na nga ang aking ultimate dream, ngunit di pa rin ako masaya kasi virgin pa rin ako.

Nagkaroon ulit ng water effect sa paligid at nandito ako muli sa dining table. Nakatatlong pandesal na pala ako at lintek masakit pa rin ang ngalangala ko, may kaong pa sa brip ko... at wala pa rin ang yearbook namin!

25 comments:

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

a ewan.

chino said...

tangena..hahahahahahahahaha.. :))

pota..tawa ako ng tawa dun a..ewan ko ba..hahahahahahahaha...


magpalit ka na oy!!..hahahahaha.. magkaka.fungi yan!..hahahahahahaha!! :)

Isaiah said...

teka bili mun ako ng popcorn!

ikay the dancer said...

hahahahahaha!! taena kababuyan.. wahahaha wet dreams!! wahahahaha!!! yakkkkk!!!

manilenya said...

kung nagwater effect di ba pwede mong baguhin yung naging karanasan mo?
like noong nakahawak ka ng poo poo, maghuhugas ka kamo ng kamay diba dapat noon pa lang inisip mo ng magweyter para di ka na napagod mag-isip kung magdodoktor ka ba o magmomodelo pa

yatot said...

palitan na ang brip at baka maging nata de coco na ang kung anu mang laman meron ang karsulsilyong iyan...

mang tibur is full of wisdom... go, go, go... keep it up!

magwater este waiter ka na lang... bwehehehe

bananas said...

This reminded me of a story about a girl who has her thing for this super hot priest.

Girl: Aba, si father. Talagang ang gwapo niya. Ano kaya ang gagawin ko para mapansin niya ako?

Nag-isip ang girl.

Girl: Tama! Ipapatong ko itong aking panty sa may mesa.

Nang makita ng gwapong at maumbok sa harapan na pari ang panty ng girl sa table ay medyo nagulat ito.

Pari: (Pasigaw) Kaninong panty ito? Kanino ito?

Girl: Ahmm...akin po father.

Pari: Ah ganun ba?

Girl: Opo. Bakit po?

Pari: May tae kasi konte.


--

bow.

utakGAGO said...

...kumakain ako ng hamburger habang binabasa ang post mo.

wet dreams pala ha.

hihihih. 'WATER' EFFECT! katawa naman... daan lang.

SAN KA BA KASI NAG-ARAL NG KOLEHIYO! somwhere sa taft... if i know, sa la salle ka.

the Whore said...

sta. isabel?

wala lang. yun lang ang naisip kong college sa taft..haha..!

pero, akalain mo, sobrang higpit sa school mo dati? kaasar naman yung ganon..kung ako estudyante dun..baka..

waha!

sorrowful said...

sorry po kung hindi ko nalagyan ng maayos na citation ung ninakaw kong picture...nakalimutan ko na pong dito ko ninakaw...hihihi...palitan niyo na undies niyo, baka tubuan na yan ng kamote (non-sense).

Loverboy said...

anak ng.. natawa ako dun ah nyahaha..

wag mong sabihing habang ginagawa ko ang comment na to eh di ka pairn nagpapalit?! nyahaha.

Dos Ocampo said...

wet dream? ikaw? baka di ka nag you know, M. hehehe...

kakaamuse naman ang iyong post haah! Tama ka doon, there is one more thing important than dreams! sex! heeheheheh

isa ka palang graphic artist! wow! turuan mo naman ako isa akong frustrated GA eh... tenks!

panghent said...

siya pala si mang tibur! (mula sa post mo dati pa, nalimutan ko kung ano)

ang strikto ng hs mo! (parang samin!) kakarelate ako. pero, all girl naman yung samin..at mga madre din..hah!!

natupad naman pala pangarap mo eh. congrats! astig fine arts pala tinapos mo, parang ang saya saya ng kursong yan. sana may talento din ako sa larangang yan!

lalaine said...

ahahaha... bago plit ng, ligo muna kasi malagkit ata yan! hihihi...

atlis graduate ka na ng college... kahit vrgin ok lng yan.. hehe

Talamasca said...

Ok that didn't explain why your organ is still virginal. So answer us! Haha.

xoxiRiSH_29xox said...

water effect ha....haha...


pag nadeviriginized ka na hindi na yan matatwag na water effect LOL

dx_ter said...

haay parehas tayo.. 3 years n kong graduate from highschool wala parin ung yearbook nmin!! ggrr.. nice post.. hihihi

Ang-ang said...

sana maging model ka in the future

irish said...

preho tau ng experience sa JS ha and some disco sa school na may mga madreng gwardya sa lahat ng kilos mo pti syaw papansinin !! haler?! san ka ba ng high school??

naglalaro ka rin ng diner dash,, me rin kaso di ko ntpos hirap ng pinaka last challenge..

Jhed said...

Kamusta naman ang wet dreams mo?! Hahahaha! Patawa ka talaga!

Alma Ritchel said...

hi, blog hopping!

Tracy said...

yuck

Kironobu said...

Ayy di pa pala ako nakacomment... but anyway
hahaha wet dreams at di naghugas EWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW
pero and sarap ng almusal waw HAHAHAHA

Virginia said...

congrats dahil natupad ang pangarap mo sa pamamagitan ng diner dash 2! naglalaro din ako nun, kaya lang di na masyado ngayon... anong level ka na??

Rice said...

I haven't even reached the second paragraph and i'm already laughing my head off haha couldn't help dropping a comment sorry:)