Thursday, December 21, 2006

Le Poseur en Misa de Gallo

Naiinis na ako sobra-sobra. Lalo't ngayong tumutulo ang aking uhog patungo sa aking mga lips. Kagabi nagkasinat pa ako. Pero ang mga kinaiinisan ko sa lahat ay yung mga nagkalat na mga posers kapag simbang gabi. Gusto ko silang singahan lahat. Though, hindi naman ako umaattend sa misa de gallo, nakakainis lang kasi kapag nakikita mo ang mga ito. Mabuti na nga lang walang mga orcs*, kasi nasa trabaho sila.

Nagmistulang audition para Starstruck ang simbang gabi. Pormadong pormado ang mga kabataang pumupunta ngayon dun. Hindi ko alam kung naghihintay lang ba sila ng talent scout para madiscover habang naghohomily ang pari. Kulang na nga lang yata sumayaw o kaya kumanta at magrap with matching tambling-tambling sa altar. Kung umaattend lang siguro ako ng misa de gallo, baka may naganap ng massacre. Heto pa ang mga nakakainis na ginagawa ng mga feeling, TH at posers:

  • Magwiwish na manalo sa lotto kapag nakumpleto ang siyam na gabi.
  • Ang simbang gabi ay ang hunting season para makakuha ng girlfriend/boyfriend.
  • Nagsusuot ng mga longsleeve at jackets or any kind of warmers kahit na mainit na dahil sa dami ng tao. Although, malamig naman talaga sa gabi at madaling araw, pero once na dumami na ang tao, hay naku, parang tumirik na rin ang araw.
  • Makakapal ang mga make-up ng mga babae.
  • Makakapal ang mga make-up ng mga binabae.
  • Nagmamadaling matapos ang misa para makakain ng putobumbong at bibingka.
  • May dalang banig, kumot at kulambo para matulog sa simbahan.
  • May dalang deadly weapon para abangan ang kaaway pagkatapos ng misa.
  • Naka-jogging pants at sweater at nagjo-jogging in place.
Hay naku, di ako makapag-isip ng matino ngayon. Lintek na uhog 'to, ang sarap-sarap grabe. Kukuha na nga ako ng straw ng masipsip ko na ang lahat. Sa kabuwisitan ko sa mga posers na yan nagkakasakit tuloy ako. Mga virus silang nagkalat, pati ba naman ang tradisyon ng bansa ay sinisira nila.

Pasensya na mga avid readers, kung meron man, hindi matino ang post kong ito. Grabe lang talaga itong sipon ko, parang waterfalls ayaw tumigil, kung pwede niyo lang sanang higupin ang lahat ng ito. Sa susunod na lang ako maglalagay ng matinong post.

*please refer to cofibean's blog

20 comments:

Tutubing said...

OKs lang yan, marami parin nmang jang uhuging batang gaya mo e! hindi ka nag iisa! nyahahha! pagaling kana!

blueengreen said...

pareho tayo.... may waterfalls din ako.... lahat naman ata e....
hay naku.... pag pinansin ko ang mga poser orcs mas lalo lang akong magkakasakit nyan.... bahala sila.... hehehehehe....

the Whore said...

may nakalimutan ka sa mga nakakainis sa mga nagsisimbang-gabi!

yung mga nagsisimbang-tabi..

ito yung mga magsisimba daw pero nakikipaglampungan sa tabi ng simbahan.

sankapa??

super xienah said...

ahoy.
nakup.
:)

kadire ka naman.
ano lasa ng uhog?
:)

actually yun ang mga napapansin ko.
yung mga kuntodo porma talaga.
parang party ang simbahan

pero naniniwala ako na sa simbahan ka dapat maghanap ng lalake.

juno said...

naku kaya nga kami di na kami nagsisimba ng december 24 dahil sa sobrang dami ng tao na karamihan naman ay mga di talaga nagsisimba (tambay, ligawan etc...)
ako naman may sinusitis (tama di ba?)ngayon, sakit ng ilong ko at dumudugo pa ata. nakita mo na ba ang pangalan mo sa links ko? ahehe

katrina said...

tama.. ginagamit lang nila yung simbang gabi para pumorma. tsk.

kawawa ka naman.. uhuging bata. nyahaha. >;)

magpagaling ka na para hindi maglasang sipon yung pagkain niyo sa noche buena. a merry Christmas to you! :)

Virginia said...

nakakatuwa ang mga post mo, ganito yung mga gusto kong basahin na blog!

naramdaman ko na yung feeling mo sa sipon na yan,sipunin din kasi ako.. ngayon wala, pero yung nakaraan, parang macapuno... ang lapot na maputi hehe..

ikay the dancer said...

hahahahaha!! totoo naman sa village namin na maraming gwapo na nagsisimbang gabi.. kaso xemrpe. mas importante parin sakin ang magsimba. bwahaha. anu ba.!

*orcs .. hehe cofibean. ^_^ wala lng.

Talamasca said...

To hell with these people. Why can't they all go to Church like normal people? Pfft.

Thank goodness that I don't really practice that tradition. It's very ancient and Hispanic. Puhlease!

And where the hell is my precious world peace bundled in a special wrapper? Gimme gimme gimme! LOL. *winks*

utakGAGO said...

"Lintek na uhog 'to, ang sarap-sarap grabe."

WAW! Uhog pa lang, SABAW Na!

Goodluck! Inom ka ng Neozep Forte na non-drowsy! Samahan mo na rin ng... Calpol!

Lolz.

jeniffer said...

kahit kelan talaga tong kaibigan kong toh utak tae talaga! hehehe.. ui invited ka sa bahy koh.. kainan na! tagayan na!!

Jhed said...

Uu nga. Puro mga naka-japorms ang mga kabataan tuwing misa de gallo. Hello? Pasko na ba?! Haha!

Kaasar minsan. Naiinsecure tuloy ako.

chino said...

di na ako nakakapagsimbang gabi..hehehe..sayang.. di tuloy magagrant wish ko!!..bwehehehehehe

sorrowful said...

hello...get well soon. Isa lang ang masasabi ko, masarap ang lugaw pag simbang gabi.

adrian said...

Aus lng yan... Bagamat hindi mo nagugustuhan, may karapatan ang mga posers na gawin ang kanilang nais sa kanilang sarili. Hindi ka nmn nila hinahalikan kya okei lang yan.. hehe =)

Maligayang pasko kay billycoy! =)

juno said...

magaling ka na? kung di pa inom ka ng neozep, hingi ka kay Lualhati, o kay Donya Guada(sabihan ka nya ng magaling magaling!)pag wala talaga kay ilong ranger ka na humingi.

Para sa isa sa pinaka aliw na mga blogistas, Merry Christmas to u and ur family! Aprub!



Ciao
juno

Estupidormitorian Neil said...

Kelan ka nga ba naging matino, billycoy? Hahaha.

Maayad-ayad nga Paskua

bananas said...

kalokohan lang ang lahat. komersyalismo. sekswalismo. desipsyon. panloloko. pantatanga.

dahil ito sa mga espanyon.

bananas said...

err...espanyol pala.

Dos Ocampo said...

may pa french -spanish ewan ka pa dyan. hehe. iuhog mo na yan! hehehe...

pero bat kaya galit si cofibean sa posers? ehhe...