Friday, December 29, 2006

Blasted Bang for the Boar's Year

Terible ang pagkawala ng internet ng ilang araw. Aba pati yung kapitbahay naming canteen hindi nakapagserve ng sandwich dahil sa pagkawala ng internet. Malay ko ba kung ano kuneksyon ng sandwich sa internet, baka dina-download pa nila ang mga pagkain through the net.

Malapit na ang bagong taon, kung noong pasko wishlist, ngayon ready na ang mga New Year's Resolution. At wala akong pakialam dun at hindi yan ang ilalagay ko ngayon. Heto na naman at mauuso na naman ang mga paputok, may putok at mga nagpapaputok sa mga motels at kwarto. Uso na rin ang torotot, baklang tumotorotot, asawang nanonorotot at mga lalaking umuutot. Ngayon din nauuso yung mga boga at bugawan sa kalye.

Kagabi ba naman, may nagpaputok ba naman sa loob ng bahay namin. Hinagis nung teenager yung paputok sa loob ng bahay. Syempre nagulat ang mga taong nasa loob ng bahay, at dahil sa lahi kami ng highblood hindi nila napigilang maging green at lumaki at habulin ng mga kasambahay ko ang batang nagpaputok. Buti na nga lang wala ako sa bahay ng naganap na iyon dahil ako'y nasa gym at kumakain ng weight plates para sa muscles ko nang mga sandaling iyon. Kung nasa bahay ako siguro sa kaganapang iyon aba humanda sa akin ang batang iyon dahil ako'y magkakakaripas ng takbo sa aming kwarto at magtatago sa ilalim ng aming kama. Nadatnan ko na lang ang mga kasama ko sa bahay at gumagawa ng eskandalo para turuan ng leksyon ang nahuling bata na nagpaputok. Syempre ako, di naman mahilig makigulo kaya diretso na lang ako sa bahay at nag-shower na lang samantalang sila nag-iingayan at nagbabalitaktakan sa labas.

Dahil sa paputok na iyon, nakapagdevice ako ng safer plans para sa bagong taon na magaganap. Kailangan siyempreng mag-ingay, at malamang na di niyo magagamit ang inyong mga kaldero para kalampagin dahil may mga lamang mga pagkain yun. Unless itatapon niyo muna ang nakalagay dun. Pero may iba pa namang way para talaga makagawa ng kakaibang at totoong ingay sa bagong taon.

  1. Ilang minuto bago sumapit ang bagong taon, asarin o gumawa ng nakakainis na bagay at kalokohan sa harap ng nagger na magulang o juwawhoopers niyo. For sure na bubungangaan kayo nila pagsapit ng bagong taon, di ba masaya ang maingay?
  2. Kumuha ng pardible, karayom o kaya toothpick at itusok sa mata ng katabi niyo. Mag-iingay yun sa kakangawa.
  3. Magpaputok sa loob ng kwarto. Siguro naman di ko na kailangan pang magdetalye. Basta gawin niyo na lang wild ang gabi niyo para maligayang ingay ang gagawin niyo. "Oh Yes, Who's Your Daddeh!?"
  4. Ano silbi ng putok kung mahinang ingay lang naman ang gagawin niyo. Magpasabog na lang di ba? Magpasabog kayo ng kotse o kaya gas station. Kung medyo realistic naman, bumili kayo ng LPG at ilagay sa gitna ng kalsada at pasingawin kasabay ng mga nagpapaputok sa labas. Malaking pasabog ang magagawa niyo lalo na sa media, dahil mababalita kayo. Exposure din yun!
  5. Kumain kayo ng kamote, papaya, mani at kung anu-ano pang rich in fiber pati na rin dairy products ilang oras bago ang bagong taon. Pagsapit ng bagong taon, gagawa din kayo ng ingay sa loob ng banyo.
Marami pang ibang paraan sa pagsalubong sa bagong taon. Pero sabi nila kung ano daw ang mga ginagawa mo sa bagong taon yun ang kapalaran mo the whole year. Kaya kung di ka pa naliligo bago ang alas-dose ng New Year ay buong taon kang hindi makakaligo at mangangamoy. Kapag may sipon ka sa bagong taon, babaha ng uhog saan ka man magpunta sa loob ng taong darating. Kung hindi masaya ang sex life mo sa New Year, expect mo na ring masalimuot ang kapalaran ng genitalia mo. Kaya kung anuman ang gagawin niyo sa Bagong Taon better be good, dahil kung hindi, baka kalunus-lunus at baka mabagsakan pa kayo ng meteor sa langit. We make our own path, theory lang naman yan ng dakilang Mang Tibur, wala namang masama ang maniwala kayo sa kanya, malay niyo... wala lang.

Basta, Maligo kayo sa Bagong Taon!

Wednesday, December 27, 2006

Alive Alert Awake Enthusiastic!!!

I'm alive alert awake enthusiastic
I'm alive alert awake enthusiastic
I'm alive alert awake I'm alive alert awake
I'm alive alert awake enthusiastic

Yes I'm back from the grave. Matagal din ang five days kong pagkawala sa mundong ibabaw. Almost hiatus din yun. Kahit hindi ako tao, may karapatan din naman akong mamahinga. Kung akala niyo ay na-stroke at inatake ako sa puso nitong nakaraang ilang araw dahil sa masasarap na putaheng hinanda ng aking ina ay nagkakamali kayo. Kung akala niyo nagkaroon ako ng hangover at nalunod sa nag-uumapawang mga alak, mali pa rin. Dahil nagdidiyeta ako. Bagamat ang daily meals ko ay Skyflakes at Water lang, sa Noche Buena ay special dahil BluSkies Onion Crackers at Green Tea ang kinain ko.

Nasaan nga ba ako nitong mga nakaraang araw at lalo na noong araw ng Pasko? Sinimulan ko lang namang hanapin ang mga ninong at ninang ko. Aba malaki na rin ang pagkakautang nila sa akin dahil ilang Pasko na ang napapalagpas nila. Kaya kailangan ko na silang singilin. Nagpunta ako sa iba't ibang kasuluk-sulukan ng mundo mahagilap ko lang ang mga nagtataguan ninong. I've been to different parts of the world, I've been in New York, in Gay Paree, and even London Town.

Nanggaling na nga rin ako ng North Pole para hanapin yung ninong ko dun. Sikat at kilala ang ninong kong yun at very galante sa regalo. Kaso ilang Pasko na niya akong hindi binibigyan ng regalo. But I was dismayed. Wala na siya dun. Nagpunta pa nga ako sa factory niya para lang hanapin siya kaso wala na siya dun. Ang laki ng pinagbago ng factory niya, ang gulo at ang dumi ng mga pader. Puro vandals na. Parang akala mo pinagsama-samang Katrina, Reming, Milenyo at Madam Auring ang dumaan sa factory. Hindi na maliwanag at masiglang-masigla sa kumukutitap na mga bumbilya ang factory niya na katulad ng pinapadala niyang mga postcard sa akin noon.

Nakaututang dila ko ang isa niyang tauhan. Nagkaroon daw ng rally at pagpoprotesta laban sa aking ninong. Tinuligsa nila ang pagbabago sa mga patakaran na mangyayari. Tinutulan din nila ang mababang pasweldo sa factory. Magulung-magulo ang lahat noong mga nakalipas na taon. Pati ang mga animal rights activist nakisalo na rin dahil daw sa pagpapahirap ng aking ninong sa kanyang mga alagang usa. Imposible raw kasing mapalipad ang mga usa at tanging matinding pagpapahirap daw ang makakagawa para mapalutang sila sa ere. Hindi na nagtrabaho ang mga empleyado at humina na nga ang productivity ng factory hanggang sa matuluyan na itong mapasarado.

Nabalitaan ko rin na nagpapayat na itong ninong ko dahil concerned na rin siya sa health niya. Madalas na rin daw siyang mag-Gold's Gym during his free days. malaki daw ang ipinayat ng ninong ko. Pati rin sa pananamit, hindi na niya isinusuot yung pula niyang suit, naging fashion conscious simula ng magkaroon siya ng TiVo at nakakanood na ng FTV. Pero kahit na wala na siyang factory at mga tauhan, pinilit niya pa ring gawin ang mga dati niyang ginagawa. Kilala ko ang aking ninong, kahit na nahihirapan at mawasak ang buhay niya, pipilitin niya pa rin ang bagay na mga ginagawa niya lalo't para sa ikakabuti at ikakasaya ng mas marami. Wala siyang pakialam kung sabihin mang si Lito Lapid ang mananalo sa Makati. Kaya nga yun, nung minsang ipapamahagi ang kanyang mga produkto, gumamit na siya ng eroplano para sa pagpunta sa iba't ibang bansa. Hindi na rin kasi niya magamit ang mga alaga niyang lumilipad na usa dahil pinagbawalan na siya ng mga mambababatas dahil sa reklamo ng mga animal rights activists. Gumamit ng disguise ang ninong ko para hindi siya makilala at pagkaguluhan ng mga paparazzi. Ngunit dahil sa disguise niya hinuli siya ng mga kinauukulan sa airport. Nang dahil sa pagdisguise niyang iyun nakakulong daw siya ngayon.


Nakakaawa ang mga nangyari kay ninong. Marami na tuloy siyang mga tao at batang hindi na napapasaya sa araw ng Pasko. Siguro pagbibigyan ko muna siya ngayon, saka ko na lang siya sisingilin kapag nakalabas na siya. Puntahan ko muna ang iba ko pang mga ninong at ninang na nagtatago sa akin, aba sumosobra na sila. Marami-rami din sila, kaya kailangang lumarga na. Anyway, hanggang 3 Gwapings... este ... 3 Kings pa naman ang Pasko nating mga Pilipino!

Thursday, December 21, 2006

Le Poseur en Misa de Gallo

Naiinis na ako sobra-sobra. Lalo't ngayong tumutulo ang aking uhog patungo sa aking mga lips. Kagabi nagkasinat pa ako. Pero ang mga kinaiinisan ko sa lahat ay yung mga nagkalat na mga posers kapag simbang gabi. Gusto ko silang singahan lahat. Though, hindi naman ako umaattend sa misa de gallo, nakakainis lang kasi kapag nakikita mo ang mga ito. Mabuti na nga lang walang mga orcs*, kasi nasa trabaho sila.

Nagmistulang audition para Starstruck ang simbang gabi. Pormadong pormado ang mga kabataang pumupunta ngayon dun. Hindi ko alam kung naghihintay lang ba sila ng talent scout para madiscover habang naghohomily ang pari. Kulang na nga lang yata sumayaw o kaya kumanta at magrap with matching tambling-tambling sa altar. Kung umaattend lang siguro ako ng misa de gallo, baka may naganap ng massacre. Heto pa ang mga nakakainis na ginagawa ng mga feeling, TH at posers:

  • Magwiwish na manalo sa lotto kapag nakumpleto ang siyam na gabi.
  • Ang simbang gabi ay ang hunting season para makakuha ng girlfriend/boyfriend.
  • Nagsusuot ng mga longsleeve at jackets or any kind of warmers kahit na mainit na dahil sa dami ng tao. Although, malamig naman talaga sa gabi at madaling araw, pero once na dumami na ang tao, hay naku, parang tumirik na rin ang araw.
  • Makakapal ang mga make-up ng mga babae.
  • Makakapal ang mga make-up ng mga binabae.
  • Nagmamadaling matapos ang misa para makakain ng putobumbong at bibingka.
  • May dalang banig, kumot at kulambo para matulog sa simbahan.
  • May dalang deadly weapon para abangan ang kaaway pagkatapos ng misa.
  • Naka-jogging pants at sweater at nagjo-jogging in place.
Hay naku, di ako makapag-isip ng matino ngayon. Lintek na uhog 'to, ang sarap-sarap grabe. Kukuha na nga ako ng straw ng masipsip ko na ang lahat. Sa kabuwisitan ko sa mga posers na yan nagkakasakit tuloy ako. Mga virus silang nagkalat, pati ba naman ang tradisyon ng bansa ay sinisira nila.

Pasensya na mga avid readers, kung meron man, hindi matino ang post kong ito. Grabe lang talaga itong sipon ko, parang waterfalls ayaw tumigil, kung pwede niyo lang sanang higupin ang lahat ng ito. Sa susunod na lang ako maglalagay ng matinong post.

*please refer to cofibean's blog

Tuesday, December 19, 2006

Scented Aura


Nakakainis talaga kapag may nakasama ka sa mga public thoroughfares na may kakaibang awra. Hindi ito yung awra na katulad nung nasa Maskman, yung natural na awra na lumalabas at sumisingaw sa balat ng tao o sa kilikili mo. Napakasalimuot ng magiging araw kapag nagsimula ka sa ganito. Noong college tuwing papasok ako, LRT ang sinasakyan ko. Confident at very fresh pa ako sa umaga. Plantsado ang mga damit at humahalimuyak ang bango ng Safeguard at ng pabangong ini-spray kong panakaw mula sa aparador ng dad ko. Pagdating sa LRT, hayun sangkaterba ang masang nagmamadaling pumasok sa kanya-kanyang school at trabaho. Kaya kapag pasok ko sa LRT ay laspag na ako. Walang silbi ang plantsa sa damit at pabango, sa sobrang siksikan at iba-ibang awra ng mga tao. May amoy pawis, amoy araw, amoy labanos, amoy papaya, amoy tae, amoy panis, amoy bulok, amoy cenaculo, at amoy na nangangain ng tao. Kung bulaklak kang papasok sa LRT, bulaklak ka pa ring lalabas naman, yun nga lang yung isang klase ng bulaklak na hindi nahuhugasan ng Lactacyd o pH5.

May aso naman kami, may breed siya. Nadala siya sa animal clinic, noong binalik na siya sa amin, meron na siyang kakaibang amoy. Kapag pinaliguan siya halimbawa ngayon, mabango siya, pagdating ng kinabukasan nag-iiba na, amoy daing na. After 2 days na di pinaliguan nangangamoy patis na, siguro kung isang linggo na siyang di napaliguan ay amoy bagoong na ang asong iyon. Kaya dati di ko maatim na ilabas o igala siya kasi nga sa amoy niya. Mabuti na nga lang nawala na ang amoy na iyun, salamat sa nabiling sabon ni Mommy sa Landmark. Ngayon nakikipaglaplapan na ako sa aso namin.

Heto naman, isang taon mahigit na ang nakakaraan. Nakamarka na ito sa history book ni Billycoy. Ang panahon na nagtatrabaho pa ako sa Madrigal Business Park sa Alabang. Yung una, papasok ako habang binabaybay ng jeep ang Alabang-Zapote Road may nakasabay akong kakaibang nilalang. Dalawa silang babae, umupo sila sa tabi ko. Lintek yung katabi ko ang sama ng BO. Jusmio, kababaeng tao pagkabantot-bantot. At talagang mukhang hindi naliligo, yung hitsura niya pa man din mukha ring primitibo, parang taong tabon. Grabe talaga, ewan ko ba kung bakit sa tabi ko pa umupo. Hindi ko kayang tiisin kaya napayuko na lang ako, pagtingin ko naman sa paa, hala, ano ba yung nakita ko sa paa niya. Pagkadilaw-dilaw ng mga kuko niya sa paa, at pwede kang matetano kapag nasugatan ka nun. Sa gilid ng hinlalaki niya sa paa niya, may nakita ako, tinitigan kong mabuti para malaman kung ano iyon, akala ko ingrown, hindi pala... Syet, may talbos ng kamote sa paa, tinutubuan na ng kamote ang paa niya!

Meron naman, pauwi naman na ako. Umupo ako doon sa upuan sa likod ng driver's seat, wala pa kasing driver noon kasi nasa station palang kami at nag-aabang na mapuno ang jeep. Nang mapuno na ang jeep, ready ng umalis. Pumuwesto na si Manong Driver, at syet, umalingasaw ang nakakaduwal niyang awra. Umandar na ang jeep, at regal shockers talaga, yung hangin ay sinasalubong ako, kaya naman lahat ng amoy ni manong ay nasagap ko na at kumapit na sa pagmumukha ko. Lumaganap na ang amoy ni manong sa buong jeep at lahat ng pasahero ay sumuka na, kaya ang buong jeep ay binaha na ng suka. Syempre, ako postura pa rin, kahit na ganun ang amoy tiniis ko na lang. Pero pagkauwi ko sa bahay, pagharap ko sa salamin, regal shockers, iba na ang mukha ko AAAAHHH! Nagbago na, kamukha ko na si Kuhol yung alalay ni Mr. Shooli sa Mongolian Barbecue. Kaya naghilamos na lang ako. Salamat sa Nive Facial Wash Oil Control for Men at bumalik ang dati kong nag-uumapaw sa sex appeal, at talaga namang kabigha-bighani kong mukha.

Kung makaka-encounter kayo ng mga ganitong sitwasyon, magtakip na lang kayo ng ilong o kaya ugaliing magdala ng ipit para sa inyong nose. Kung hindi niyo na talaga makayanan, magpatiwakal na lang kayo.

Friday, December 15, 2006

Season of Gifts

"Ngayong pasko, ngayong paskoooo
Mabuti na ang buhay niyoooo
Mangarap ka ngayong paskooo
Isipin mo na kaya niyooo"
Manny Pacquiao, pasyon nya para sa araw ng pasko

Ilang araw na lang at magpapasko na. Nagkalat na sa mga bars, resto, pools, at sa mga kalsada ang mga christmas parties, reunion at kung anupaman. Ngunit alam kong may problema kayo ngayong pasko. Nava-vibes ko yun, ganun kalakas ang powers ko. Oo alam kong pinansyal may problema kayo, pero di naman yun ang tinutukoy ko. Problema sa math, wala akong pakialam dyan, at kahit yan di ko kayang solusyunan at wag niyo kong tanungin ng tungkol sa arithmetic baka puksain ko kayo dyan sa kinakaupuan niyo.

Pinoproblema niyo this season ang mga ireregalo niyo. Aba, hindi biro ang pagreregalo, madugo sa ulo pati na sa bulsa ang pagbibigay nito. Isa sa rason ng pagkalat ng mga utak yan. Very stressful ang pag-iisip kung ano ang magandang pangregalo. Mabuti na lang nandito si Billycoy para mapadali ang pag-iisip niyo. I-ready niyo na ang lapis/bolpen at papel niyo, kung wala kayo nun, pwede na rin ang uling at spraypaint at isulat niyo na lang sa pader. Pwede ring isulat niyo na lang sa dugo. So get ready for my tips.
  • Magandang ibigay ito sa mga exchange gifts kasi may certain amount na kailangan. Let's say ang required price ng exchange gift ay P 300. Madali na lang yan, bumili kayo ng picture frame, seiko seiko wallet ang wallet na maswerte or kung anupaman na worth P 50. Heto ngayon ang trick dyan, Ipa-wrap or bumili ng gift wrap na worth P 250, for sure na maganda yun, since uso na ang magagandang gift wrap ngayon, dun na lang kayo bumawi, malas lang ng napagbigyan niyo kapag sinira niya ito!
  • Siyempre pinahirapan kang mag-isip ng pang regalo papayag ba kayong hindi makabawi. It's payback time. Magregalo ng isang sakong bigas, o di kaya mga weight plates, barbells or dumbells. Tingnan ko lang kung di ka matuwa sa hitsura nila kapag inuwi na nila yun.
  • Heto bagay naman sa mga nakakasulasok na mukha. For sure na matatawa ang pagbibigyan mo kapag binigay mo na ito. Magregalo ka ng mirror sa kanya at kapag nabuksan at nakita na niya ang sarili niya dito, matatawa siya sigurado. Pero mag-ingat lang, hindi lahat ng nakakarimarim ang hitsura ay nakakatawa, may iba kapag nakita nila ang sarili nila sa salamin ay mamamatay na lang bigla.
  • Kung galing ka namang abroad o kaya mga malalayong lugar gaya ng Baguio, Boracay or Manila Bay, magandang ibigay yung mga galing sa lugar na iyon. Para di ka na mahirapan, magregalo ka ng hangin mula sa lugar na iyon. Malas na lang ulit ng napagbigyan mo kapag binuksan at pinawalan ang sariwang hangin na regalo mo.
  • Pero wala ng mas magandang iregalo sa ating mga minamahal ang ating presence. Very worthy ang bawat segundong kasama natin sila lalo't kapag nasa malayong lugar sila. Kaya magandang i-regalo natin ang presence natin sa kanila ngayong panahon ng pasko. Kung gusto niyo silang pasiyahin at sorpresahin, ilagay niyo ang inyong sarili sa isang kahon at i-ship papunta sa kanila, via door-to-door or any package freighting. Basta wag niyong kalimutan ang mga pagkain at oxygen na isama sa box niyo. Good luck na lang sa biyahe lalo kung barubal ang mga kargador, sure na malalamog kayo. Kapag dumating na kayo, masusurprised talaga ang mapagbibigyan niyo. Dahil kung hindi kayo nangingisay na dumating dun, ay malamang na isa na kayong malamig na bangkay.
Sa mga nag-iisip at gustong magregalo sa akin hindi ko na kayo papahirapan pa, kasi masaya na ako sa cash. Bahala na kayo kung through banks, money transfer o kung anu man, basta huwag lang tseke baka kasi tumalbog pa at maiskandalo pa ako sa mga bangko. Magdonate na kayo para mabili ko na ang mga lupain ng Ayala.

Wednesday, December 13, 2006

Initiating to Entry

Nakakainis ang mga bagong youth natin ngayon. 12 years old or younger may mga fraternity na, kaya kapag may gulo damay na pati sila. As if naman, fraternity talaga yun. First and foremost, malaki pagkakaiba ng fraternity sa gang. Karamihan naman ng mga gumagawa ng gulo ay yung mga gang at hindi mga tunay na frat. Frat-fratan lang, para mas magandang pakinggan. Music to the ears nga naman ang mga words na ginagamit sa mga frat; sigma rho, alpha phi at kung anu-anu pa. Though, pareho silang organization but still they are not the same.

I have a friend kasi na sumali sa organization, though hindi ko ma-identify kung frat ba sila o gang. Masyado kasing kakaiba. Sila yung mga Jolina Fans Club slash JOLOGS (Jolina Organization and Groups System) na na-mention ko na dati. Buti na nga lang nakatakas siya at di niya natapos ang initiation nito, dahil kung hindi, ewan ko lang kung ano na nangyari sa kanya. na-brainwash nga yata, buti na nga lang nahimasmasan na. Sandamakmak na dagok, sampal, sapak, sipa, bugbog at ilang galong tubig ang naubus para lang matauhan. Not mentioning the electric torture pa para lang magising na siya sa kahibangan niya.

Nung naging maayos na siya, naikwento niya sa amin ang ginawang initiation sa kanila. At talagang kakapangilabot at katakut-takot ang mga pinaggagagawa sa kanila.

1st Stage. Kabisaduhin ang lahat ng likes/dislikes ni Jolina. Yung mga favorite niyang mga pagkain, mga naging ka-loveteam, biography, mga kadramahan niya sa buhay ay dapat masusing i-memorize. Hindi pa masama, pwede ka pang pumasa. Now go to the next.

2nd stage. Papatugtugin ang kantang "Chuvachuchu" the whole day. Kapag lalabas man, kailangang nakaheadset at heto pa rin ang pinapatugtug. Kapag maka-survive ka pa dito, proceed to the next stage.

3rd stage. Ibababad ka sa harap ng TV at papanoorin mo lahat ng movies at TV shows ni Julens hindi ka pwedeng lumingon kung saan-saan, kumakain o anuman ang ginagawa mo dapat nakatutok ka sa palabas na iyon. Hindi lang ito tumatagal ng isang araw, umaabot ang pagsubok na ito sa loob ng isang linggo.

4th stage. Ang nakakapangilabot at kahindik-hindik na pagsubok na gagawin sa iyo. Lalapit ka kay Julens, para magkiss, magpa-autograph at magpapicture. Kapag nagawa mo ito, then you'll go to the fifth and final stage.

Umabot ang kaibigan ko sa fifth stage, yun nga lang di niya na talaga makayanan kaya't tumakas na siya. Pinipilit namin siyang sagutin kung ano ang mga nangyari sa huling pagsubok, kaso hindi na niya talaga kaya pang sagutin. Matinding trauma ang pinagdaanan ng aking kaibigan kaya nag-undergo siya ngayon sa therapy. Kung anuman ang mga nangyari sa 5th stage, hindi na natin alam. What lies in the 5th stage of the test is still a mystery!

Monday, December 11, 2006

Letter of Love

Kung hindi niyo natatanong, at wala naman talagang nagtatanong, nag-attempt din akong mang-rape... este mangligaw. Yun nga lang medyo hindi ako pinalad kaya kahit isang girlfriend hindi pa ako nagkakaroon. Hindi naman ako bad ass na manliligaw, actually napakaromantic ko pa nga. Yung mga kaibigan, pinsan at kaklase ko noong highschool, nagpapatulong pang gumawa sa akin ng love letters. Oo, alam ko laos na yun, pero uso pa yun dati, gamit pa nga naming pangsulat mga gel pens at kung anu-anu pa.

Bagamat mga lalaki kami, marami din kaming alam na kalandian sa pagsulat ng love letters. Merong mga letters na nakasulat sa graphing paper, sa pinilas na notebook, sa label ng mga chocolates, sa tissue, sa tiket ng bus, sa butil ng bigas, tapos kanya-kanyang style din ng pagsulat, yung papahirapan pang magbasa yung mga babae/mambabasa, yung tipong kailangan pang iikot nila yung papel o kaya magsuot pa ng 3d glasses mabasa lang ang message. Baka nga ngayon meron ng sudoku style na love letter o kaya anagrams, paduguan na ng utak ngayon!

But anyway, heto yung love letter sa attempt kong panliligaw noong highschool:

Maging sino ka man,

Hi! Hello! Kamusta na? Ako hindi maayos ang pakiramdam ko. Ewan ko ba. Tuwing gabi, imbis na matulog na ako, hindi ko magawa. Merong bumabagabag sa aking damdamin at isipan. Tuwing naiisip ko yun laging bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ako mapakali at laging bumabalikwas sa aking kama. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero ikaw lang naman ang iniisip ko kapag gabi. Sakit na yata ito. Nagkakasakit na ako dahil sa pag-ibig ko sa iyo.

Ano bang meron sa iyo? Tuwing nakikita kita, hindi ko maintindihan ang feeling ko. Ang mga mata mo ay parang mga bituin sa langit na dumampi sa iyong mukha na nagbibigay ng liwanag sa madidilim na parte ng aking buhay. Ang iyong mga ngiti ay tila sakit na nakakahawa ngunit nagpapagaan sa mga mabibigat kong araw. Mga labi mo'y mapupula na gusto kong laplapin, lamutakin at lantakin. Mga boobs mong naglalakihan at nagtatalbugan sa tuwinang ika'y naglalakad at mas nakakatuwa kapag ika'y tumatakbo ngunit mas napapasaya ako kapag ikaw ay napapayuko. Ang mga makikinis mong mga binti na tila masarap himasin.

My world is getting crazy when you are around. I can't help my blood to run faster whenever I see you. I think I'm falling for you and I want to pump you. Pag-ibig na yata ito.

Hoping for your kind consideration.

Thank you.


I'm yours,
Billycoy


Binigay ko sa kanya ito, tapos kinabukasan bumalik siya sa akin. Hinampas niya sa aking mukha ang manila paper na pinagsulatan ko nito at umalis na lang bigla. I was clueless. Hindi ko alam kung bakit siya nagalit sa akin. Pinaghirapan ko pa man din yung pagsulat kong iyon. Lalo't tiniyak kong pantay-pantay lahat ng letra doon kasi ayaw kong pumunta sa langit o sa impiyerno ang mga sulat ko dun sa manila paper. May mali ba sa love letter ko noon? Dapat siguro sa susunod ang gamitin ko ng pentel pen ay yung fine point at di na yung broad.

Saturday, December 09, 2006

Santa Claus: A Tall Tale?

Malapit ng magpasko. Nariyan na naman ang mga nangangaroling at mga nagsosolicit. Heto rin ang mga panahon na ayaw ng mga ninong at ninang. Panahon na para magtago sa mga inaanak. Naka-ready na rin ang wishlists natin para sa mga magbibigay ng regalo.

Pero nakakapagtaka lang, tungkol na lang lagi sa pamilya ang mga kwento sa mga TV kapag Christmas season na. Bakit naman nung halloween puro multo, paranormal ang mga pinapakita? Hindi ba pwedeng gawin yun ngayong season. Aba, biased broadcasting yan! Aba marami din namang kababalaghang nagaganap kapag pasko, may putukan sa mga kwarto at motel, at mga nakakatindig balahibong pangyayari. Tulad ng mga sightings ni Santa Claus, hindi ba pwede yun? Akala niyo ba mga multo lang mahilig sa camera, aba si Santa Claus din kaya.


Si Santa Claus sa class picture

Santa Claus sa isang simbahan sa Pampanga...
good luck sa suot niya lalo't may El Niño dito sa 'Pinas


Santa Claus na dumaan sa harap ng kamera
Santa Claus: Syet, may camera pala, nakalimutan kong lagyan ng gel ang balbas ko!


Santa Claus sex scandal... akala niyo Paris at Britney kayo lang ha


Oh ano mga multo, palag ba kayo kay Santa Claus. Kaya niyo bang gawin yan? Aba, mahilig din yata si Santa Claus sa camera. Akala niyo kayo lang ha!!!

Thursday, December 07, 2006

The Golden Post: A Look at the Ball

"Gold, Always believe in your soul"
-Spandau Ballet na naging favorite ng late Princess Diana

Heto na pala ang tinagurian kong Golden Post, ika-50th post ko na kasi itong entry. Kaya't wala munang kokontra!

----------------------------------------------------------


Dito sa building na pinagtatrabahuhan namin, may isang office na very mysterious talaga. Madilim yung office, pero makikita naman from the corridor ang receiving room kasi clear naman ang mga salamin nito. Sa receiving area nito, merong mga sofa at coffee table, sa ibabaw ng coffee table, merong bolang kristal. Habang naglalakad ako sa corridor, napahinto ako sa harap ng opisinang ito. Napatingin ako dun sa bolang kristal, tapos habang tinititigan ko parang nagiging foggy ang loob ng crystal ball. Umiikot ang mga ulap sa loob nito, siyempre sa curiosity ko, lumapit ako tapos nagkaroon ng kakaibang pakiramdam sa aking dibdib, katulad nung nakasakay sa Rollercoaster na biglang bubulusok sa mataas na riles. Ganun ang pakiramdam. Nadeform ang aking katawan at hinigop ako papunta sa loob ng crystal ball.

Pagkamulat ko ng aking mata, mausok ang paligid. Akala ko may nagpa-pot session. Sa di kalayuan may naaninag akong anino. Hindi naman mukhang jamaican na nakadreadlocks. Nilapitan ko yung anino at sa aking gulat nakita ko ang hindi inaasahang nilalang...

Si Manang Bola nakaupo at mayroong lamesang may cover ng katulad nung sa mga manghuhula. Nagtanong ako "Nasaan po ako?" Pinagmamasdan ko ang paligid ng sumagot bigla itong si Bola "Obvious ba, nandito ka sa loob ng bolang kristal!" Natameme na lang ako. "Since nandito ka na lang din hijo, magtanong ka na lang" sabi niya. "Sige po... ano ang future ko after 50 years?" tanong ko naman. "Yun lang ba? teka kokunsultahin ko muna ang bolang kristal" ang tugon ni Bola habang humihithit ng yosi na parang DJ Mix yata kasi amoy Green Apple ang paligid, "Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, sabihin kaagad sa akin ang sagot, Baa, BeBi, BoBuuu!!!" Sa pagbanggit niya ng mga huling kataga, umikot muli ang usok na nakapalibot sa amin, parang ako'y nahihilo, naduduwal, nahahigh... hindi... orgasm!!!

Paghupa ng usok, lumiwanag ang paligid, nagulat ako kung nasaan ako. Nasa loob ako ng koral ng baboy!!! Yakk! Nakita ko mga anak ko, may batik, may brown, may itim at iba pang colors. May lumapit sa aking baboy, may batik sa mata, parang dalaga yata o esmi ko, nagsalita siya "Squeak, squeak, squeak squeak?" Sumagot naman ako in a husky tone "Squeak squeak, squeak squeak squeak!?" Tapos maya-maya pumatong na lang ako sa likod niya... di ko naman na siguro kailangan pang idetalye ang mga ginawa namin. Pero ang tagal ng aking orgasm, umabot sa 30 minutes, nakakahigh talaga. Napapikit at napasigaw na lang ako "SQUEEEAAAKKK!!!"

Bumalik ulit ang usok sa paligid sa pagmulat ng aking mata, may narinig akong nagmo-moan! Oh syet! Si Manang Bola, nag-aano gamit ang fenk glow-in-the-dark Dildo! Eww ang kakasulasok tingnan. Sinita ko siya "Ano ba manang Bola, nandito pa ako, ginagawa mo na yan, kadire ka!" "Ay, nandyan ka na pala hijo, pasensya na, na-arouse kasi ako habang pinapanood ko kayo" sagot at biglang tinago ang dildo. "Anyway, nagkamali pala ako, hindi mo pala future yun. Yun yung past life bago ka naging tao ngayon." patuloy niya. "Huh? Baboy ako nung past life ko?" ang reply ko. "Oo, pero wag kang mag-alala, mga 5 years ka lang naman nabuhay, kasi kinatay ka kagad. Pero, amazing ang orgasm ng baboy ano, 30 minutes!" sabi ni Bola. "Naging kuneho ka rin bago ka naging baboy, dinagit ka naman ng agila pagkatapos mong pumopoy sa esmi mo... pero heto, ipapakita ko na sa iyo future mo." "Buti naman, kaysa maubos ang oras ko dito." ang epal ko sa kanya. Nag-chant na ulit si Manang Bola "Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog... Ba bebi, bobuuu..."

Humupa muli ang mist sa paligid, nasa loob na ako ng isang malaking opisina. May malaking table sa aking harapan. Nakaupo na rin sa isang mataas at pang may posisyon na office chair. Abot-tanaw sa aking malaking bintana ang lupain ng Ayala. Presidente na ako ng isang malaking kumpanya ng bugawan na kinikilala di lang sa ating bansa pati na rin sa buong mundo. May mga plaque ako sa pader: "World's Known Pimp - Guinness" "Pimp Awards 6 times Hall of Famer" at kung anu-ano pa. Maya-maya may pumasok na seksi at kaakit-akit na babae, tinanong ko siya "Nasaan ang aking pamilya?" Sumagot siya na parang nagulat at halos atakihin sa puso "Sir? Pamilya!? Don't you remember? You're still a virgin!!!" Hindi ko kinaya ang mga sinabi niya, naramdaman kong gumuguho ang building, nababasag ang salamin, di ako makakilos. Nagbibitak-bitak na ang mga sahig pero di ko pa rin alintana. Gumuho ang building... nilamon ako ng kadiliman.

Minulat ko ang aking mata, maliwanag. Nandito na ako sa harap ng misteryosong opisina. Nandun pa rin ang bolang kristal, wala na ang fog sa loob. Bumalik na ako sa office at napaisip sa naranasan ko.

Ano mas pipiliin ko, isang past-life na baboy na may 30 minutes orgasm o future na asensado pero virgin pa rin? Buhay pa kaya ang mga descendants kong baboy o nakain ko na sila?

Monday, December 04, 2006

The Legend of Defecated Underwear

Babala: Ang post na ito ay napakahaba, kung kaya't bumili muna kayo ng popcorn at softdrinks. I-ready niyo na rin pala ang 3D glasses at isipin niyo na lang nasa IMAX kayo ngayon. Kapag tinatamad kayong magbasa, i-close niyo na lang ito at magsurf na lang sa mga pornsites o kaya ituloy niyo na lang ang trabaho niyo!

Nagwet dreams ako kaninang umaga. Hindi ko muna pinalitan ang brip ko. Naghilamos muna ako saka dumiretso sa lamesa upang mag-almusal. Pandesal ang tinapay tapos pinalamanan ko ng strawberry jam at peanut butter, peanut butter jelly sandwich. Sa pagkagat ko ng malutong na pandesal, matinding sakit sa aking ngalangala ang nadama ko. Syet, di pa rin nawawala ang burn ng kinain kong Lasagna sa French Baker kagabi. Habang tinitiis ko ang sakit ng malutong na crust ng pandesal, nagkaroon ng water effect ang paligid at bumalik ang aking alaala noong kabataan ko.

Tuwing tinatanong ako ng mga magulang ko kung ano ang gusto ko paglaki, lagi ko noong sagot "WAITER!" Tapos tatawa naman sila. Sa kamusmusan ko pa noon, naglalaro kami ng toy soldiers, syempre kailangan namin ng pebbles pambato para matumba yung mga tau-tauhan, pagdampot ko ng bato, may poopoong basa ang kasama, yakk talaga! Umuwi ako kagad, saktong tanghalian na, tinawag ako "Billycoy, kain na!" sabi ng aking ina. "Teka po, may tae sa kamay ko, hugas lang ng kamay." sagot ko naman. Nice timing di ba?

Hanggang sa mag-aral ako sa isang private pre-school dito sa amin, nagbago na ang pananaw ko. Ninais ko nang maging duktor. Ewan ko ba, biglang nagbago, parang nauntog yata ako at sinapian ni Dr. Doogie Howser, M.D. Hanggang dumating sa grade 1, nag-aral ako sa isang pribadong katolikong paaralan sa Maynila. Ayun ang panahong sumikat ang ADHD monster na si LA Lopez at kinakanta niya pa "Tandang-tanda ko pa noong maliit pa ako...Eh Kasi Bata" Syet, ayoko ng maalala yun, sumpain sana ang LA Lopez na yan. Mabalik ako, sariwang-sariwa pa sa akin ang baho ng taeng nabubulok sa aking salawal sa pag-aaral ko noon dun sa pribadong paaralang katoliko sa Maynila. Isang beses sa isang taon nangyayari sa akin ang ganoong phenomena na tumagal hanggang 2nd year highschool. Noong grade 4, nalipat ako sa creme section or kung sa ibang school ay section 1. Hindi ko nais, pero sadyang matalino talaga ako.

Doon din ako nag-highschool, doon ko naranasan ang JS na walang kasamang babae. Hiwalay kasi ang building ng girls sa boys, hiwalay din ang mga programs. Kaya nga siguro virgin pa ako hanggang ngayon. Kapag mayroong disco doon sa aming gym, hanggang 9pm lang at may mga nakabantay na madre sa aming pagsasayaw. Lintek! kaya nga disco, tapos hanggang 9pm. Kakasimula lang ng disco ng 6pm, tapos 9pm tapos na?! 3 oras?

Dumating ang kolehiyo sa aking harapan. Inalok pa nga ako ng aking uncle na mag-aral ng Medicine sa UP Diliman, kaso tinanggihan ko, ayokong mabulok ang virginity ko within 5 to 10 years na pag-aaral. Kaya nagtake ako ng Fine Arts major in Advertising somewhere sa Taft Ave. Naunang nagtapos ang mga kaklase ko ng ilang buwan kasi naman noong first year ako binagsak ako ng babaluga kong professor na nangingikil para lang pumasa sa subject niya. Buti na lang hinagis na siya palabas ng school. But the damage is done, nagkagiyera na ang mga subjects and schedules ko. Nahuli ako ng dalawang sem sa aking mga kaibigan at mga kaklase. Hindi na ako nagmartsa tinamad na kasi ako saka may trabaho naman na ako. Pero kasama pa rin ako sa yearbook na hanggang sa ngayon ay di pa rin napapublish at nakukuha.

Ngayon graphic artist na ako sa isang design studio dito sa Makati. Natuto na rin akong mag-strut ala Male Fashion Model. Ang kalsada ang aking catwalk, tapos kapag humihinto ako, kulang na lang ang camera para kuhanan ako. Nakalimutan ko na ang aking pangarap na maging waiter. Yun ang aking calling, nararamdaman ko. Dama ko kasi ang magsabi sa pintuan ng "Good morning/afternoon, sir/ma'am" saka ng "Thank you for coming, please come again!" Perfect ko ang mga katagang yun. Hanggang sa makilala ko si Mang Tibur sa ilalim ng LRT EDSA station. Siya ang nagsabi sa akin na "There is one thing more important than dreams, SEX!" Tama nga siya!

Natupad ko na rin ang aking pangarap na maging waiter, salamat sa Diner Dash 2, at natupad ko na ang aking calling. Nagawa ko na nga ang aking ultimate dream, ngunit di pa rin ako masaya kasi virgin pa rin ako.

Nagkaroon ulit ng water effect sa paligid at nandito ako muli sa dining table. Nakatatlong pandesal na pala ako at lintek masakit pa rin ang ngalangala ko, may kaong pa sa brip ko... at wala pa rin ang yearbook namin!

Friday, December 01, 2006

Unleashing the Poet

I am so inspired kung kaya't ako'y napasulat ng tula. Sobra talaga akong inspired kaya't kailangang i-share ko sa inyo. Very special person kasi ang pinanggalingan nitong inspirasyon. Kung sino ang special someone ko, syempre sino pa ba, kundi ako. Wala naman na akong pwede akong paghugutan ng ganitong inspirasyon kundi sa akin lang. So here it goes:


Katulad ni Billycoy
by: Billycoy

Katulad ka ng tae
Hindi mapigilang ilabas
Sa puwet nangingiliti
Hindi tuloy kami mapakale

Katulad ka ng ipis
Nagkakalat ng mikrobyo
Dulot ay sakit na labis
Ilan ba ang iyong puyo?

Katulad ka ng AIDS
Sakit na nakakahawa
Sickness from getting laid
Masarap naman yun di ba?

Katulad ka ng droga
Nakakaadik kapag sumobra
Ang isip ay nawawala
Nakakahigh ka na talaga

Katulad ka ng baboy
Tunay na ikaw ay mahalay
Kapag sa iyo lumalaboy
Utak ko'y nagiging high

Katulad ka ng sipon
Nakakainis at malagkit
Ilagay sa tissue at itapon
Pero sa isip ko ika'y kumakapit

Katulad ka ng utot
Kumakalat ang baho
Sobra ang iyong bantot
Tinitiis ang amoy mo

Katulad ka ng basura
Sa kalsada nakakalat
Napakasakit sa mata
May amoy na kumakapit sa balat

Katulad ka ng surot
Nangangagat, namemeste
Kami'y iyong hinaharot
Pero sa amin 'kaw ay swerte


Yan po ang aking obra maestra. Pinaghirapan ko ng husto yan at talagang kumalat ang utak ko sa paggawa ng tulang yan. Dapat magustuhan niyo yan dahil kung hindi lagot kayo sa akin!

Thursday, November 30, 2006

The Phenomena of Stench

Masamang balita, ang Pilipinas ay nakakaranas ng El Niño. Hindi pa sure kung aabot pa sa March ang reservoir ng Angat Dam. Kaya pala ganito kainit kahit December at halos magpapasko na. Pakiramdam ko nga summer pa rin parang gusto kong pumunta ng Boracay. Kaya kung sinuman ang may ginintuang puso na magdadala sa akin sa Boracay ikaloob niyo na... pero mas gugustuhin ko kung sa Amanpulo, Php 300,000 plus pocket money per person lang naman ang kailangan dun.

Sabi ng Maynilad, kailangan daw nating magtipid ng tubig. Bilang Pilipino at para makatulong sa ikabubuti ng bansa marapat nating sundin ang ganitong pagtitipid:

  • Bawasan ang pag-inom ng tubig, instead of 8 glasses a day, kahit 2 na lang.
  • Huwag ng maligo sa mga susunod na araw at darating na ilan pang buwan.
  • Huwag ng magluto ng mga may sabaw, magtiis na lang sa mga prito
  • Huwag na ring magflush ng toilet sa tuwing gagamit ng banyo
  • Tipirin ang pagpapawis at huwag ng umiyak upang hindi na madehydrate
  • Huwag na ring magdilig ng halaman
  • Iwasan na rin ang paglinis ng kung anuman gamit ng mga basang basahan
  • Mainam na ang isang beses kumain para maiwasan ang pagdumi
  • Upang wala ng hugasin, lahat ng gagamitin ay mga disposable na
The Aftermath: Sa loob ng ilang buwang pagtitipid ng tubig, makakaranas ng paggaan ng buhay dahil maraming mababawasan ng timbang, kung sakaling buhay pa kayo sa mga panahong ito. Magiging mabaho na ang paligid dahil wala ng naliligo at mangangamoy putok na ang lahat ng nilalang na apektado nitong water crisis. Ganun din sa mga kabahayan, dahil hindi na nga nafa-flush ang mga banyo at nagkalat na ang mga basura sa paligid kaya tiyak na mabaho na ang lahat.

Ang Good News, kapag nangyari ito, makakasama na naman ang Pilipinas sa Guinness World of Records dahil kikilalanin ang ating bansa na World's Stinkiest Country. Anyway, masaya naman tayo kapag natatala tayo dito, di ba?

------------------------------------------------------------------

Paparating na pala ang bagyong si Reming, baka heto na ang huli niyong paligo kaya samantalahin na bago pa tuluyang manalasa ang El Niño Phenomenon sa atin.

Tuesday, November 28, 2006

The Great Pretenders

"Why was I born handsome instead of rich?"
-galing sa T-shirt na mabibili sa Robinson's Department Store na hindi ko nabili kasi naubusan.


Ngayon ko lang na-realize na marami na talagang mapagpanggap sa panahong ito. Yung mga taong hindi mo inaakalang mga nilalang mayroon silang bagay na wala sa iyo. Kaya nga kataka-taka na sinasabi nating ang ating bansa ay mahirap pero halos lahat naman yata ng luho meron tayo, gaya ng cellphone at kung anu-anu pa. Meron pa ngang nakatira sa mga squatters area na naka-aircon. Pero meron talagang magugulantang ka kapag talagang di mo inakala na meron sila nung mga ganung bagay.

Ilang buwan na ang nakakaraan, sumakay ako ng dyip. Umupo ako sa harap kasi yun ang fave spot ko sa mga dyip, lalo't yun lang ang may part na may mirror. I love to strike-a-pose in front of mirrors, and that's my weak spot. Mabalik sa usapan, yun nga nakaupo ako sa harap ng jeep, may katabi akong girl, hindi ko naman siya gusto o ano, lalo't karimarimarim ang kanyang hitsura. Meron siyang Samsung na clamshell, nakita ko yun kasi katext niya yata ang boyfriend niya na sure akong kakasuklam din ang hitsura. Pagkatapos heto, maya-maya, may tumunog, MP3 ang ringtone. Akala ko dun sa katabi ko kaso hindi niya sinasagot o anuman. Maya-maya may kinuha si manong driver dun sa dashboard, may lalagyanan ng cellphone dun, at nilabas niya ang kanyang Nokia 7610!!! Yap, si Manong Driver naka-Nokia 7610, aba daig pa ako. Although, mas mura na siya ngayon, pero worth 8K pa rin yun. Wala naman sa hitsura ni manong na kaya niyang bumili nun.

Pero heto pa mas malufet. Kaso wala ako dito, yung pinsan ko ang nakakita. Noong Saturday, nagpunta sila ng mom ko sa Paco to buy a double-deck bed. May nakita si Kuya, buko vendor, meron siyang earphone, so inakala naman ng pinsan ko yung mga tsipipay na FM radio, Mp3 player or yung iPud (imits ng iPod). Maya-maya nilabas na nitong buko vendor, siguro maglilipat ng istasyon o skip ng kanta... Aba ang lintek, naka-PSP (Playstation Portable). Tinitigan ng pinsan ko at sinipat kung totoo ba yung nakita niya o baka nabagsakan lang siya ng kama, kaso PSP talaga. Walanghiya, Php 15,000 na PSP meron si buko vendor, ilang buwang sweldo ko rin yun bago ako magkaroon!!!

Hoy mga mayayamang nagpapanggap na mahirap, lumabas na kayo. Aminin niyo na lang na mayaman kayo!

Kaso ganun talaga, hindi lahat mae-expect mo sa hitsura nila. Ang dami na talagang mayamang nagpapanggap na mahirap, parang ako. Baka sa susunod heto pa ang makita ko:
  • Basurerong nagba-blog gamit ng kanyang MacBook Pro
  • Magboboteng naka-Havaianas na flip-flops
  • Pahinanteng may TechnoMarine watch
  • Labanderang may Bulgari na jewelries
  • Pulubing may LaCoste na shoes
  • Grease People na may iPod Video
  • Barker na merong Blackberry
  • Pulis na may malaking tyan
Ok, yung huli madalas na nating makita yan, walang duda at hindi na bago, bakit ba, gusto kong isulat! Pero heto lang ang ating tandaan, "Don't judge the book by it's cover because Joey Marquez is not a book." Ok?

Saturday, November 25, 2006

Time to Go?


Babala: Ang post na ito ay napaka-emo, at baka sa sobrang ka-emohan kayo na ang mag-emo at tuluyang magpatiwakal!


Maging sino ka man,

Paalam sa iyo malufet na daigdig, nang dahil sa iyo naging magulo na parang bulbul ang buhay ko. Paalam sa iyo aking cellphone dahil kadalasan kahit buong araw kitang iniiwan sa bahay ay wala akong narereceive na text galing sa mga kaibigan. Paalam na sa iyo Globe Advisory, dahil tanging ikaw lang ang nakakaalalang magtext sa akin. Paalam na Shirley 1.5, aking PC, kahit na ubod ng kupad ang iyong dial-up connection binibigyan mo pa rin akong makasilip sa mga porn sites. Paalam na sa aking kama lalo na sa aking bedsheet na halos tumatayo na parang nalagyan ng almirol sa sobrang tigas. Huwag mo ng itanong kung bakit, sabihin mo pa mahalay ako. Paalam na rin mga FHM mags ko, bagamat ang mga pahina mo ay nagdidikitan na at alam naman naming lahat kung gaano kalufet ng editing ng mga pictures sa loob nagagawa mo pa rin akong mapasaya sa tuwing ako'y nalulumbay.

Paalam na aming salamin dahil sa iyo ko lang nakikita ang napakagwapo at ubod ng lakas ng sex appeal ng aking mukha. Paalam safeguard sa patuloy na germ-killing action mo, na kahit sa kamatayan ko ay siguradong germ-free pa rin ako. Paalam na sa kunsensya ng aking ina na nag-uudyok na bumili ng Safeguard na pangsabon namin. Paalam Nivea Oil Control Facial Wash dahil pinapanatili mong oil-free ang aking mukha at naiiwasan na namin ang kolesterol sa aming hapag-kainan.

Paalam na sa mga naggagandahang mga binibini at dilag dahil hindi man lang kayo lumalapit sa akin kahit alam kong dead na dead kayo sa good looks ko. Paalam na sa mga inutangan ko kasi ngayon sure na akong di niyo na ako sisingilin. Paalam na sa inyo Red Horse, malamig na GranMa at Strong Ice na laging nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo sa paggising ko sa umaga.

Paalam Pilipinas dahil mahirap ka at mayaman ako! Paalam sa internet dahil sa iyo dumudugo na ang utak ko sa sandamakmak na impormasyong binibigay mo. Paalam Jolens, lalo na kitang naging crush ngayon dahil sa sobrang igsi ng buhok mo. Paalam na sa mga fans ko, kung meron man, dahil fans ko kayo.

Paalam masamang Earth DAHIL HANGGANG NGAYON DI MO PA RIN AKO BINIBIGYAN NG MALUFET NA GIRLFRIEND!

Paalam na, wawakasan ko na ang aking buhay gamit nitong bolpen na hawak ko o di kaya gamit ng laway ko. Hindi na lang ako magsasalita hanggang mapanis ang mga laway ko at malason ako. Kaso...





Hindi ko pa napapanood ang Happy Feet, baka sa IMAX kami manood so hindi ko muna wawakasan ang buhay ko saka na lang o hindi na lang...

Ang sarap kayang mabuhay lalo't masasarap ang ulam namin.

Hoping for your kind consideration.

Thank you.



Ang sawi,
Billycoy

Wednesday, November 22, 2006

Population Control: A Must for Our Country

Ang Pilipinas ay merong populasyong 89,468,677 (July 2006 est.) at may growth rate na 1.8%. Panahon na para sa mga birth control pills at kung anu-ano pang sina-suggest ng DoH. Kaso tutol naman ang ating simbahan sa mga ganitong paraan. Meron pa namang ibang paraan para makontrol ang ating populasyon. Heto nga at may nakita na akong another way para population control, hindi naman na siguro pagbabawalan ng simbahan ito. Saka for sure magiging mabenta ito, kasi ipapalabas pa sa TV. Akmang-akma pa sa panahon na uso ang gameshows at mga nangangailangan ng pera. Mga hapon ang nakaisip ng ideyang ito, at talaga namang pinapalakpakan ko sila sa ginawa nilang ito, malaking tulong ito sa ating bansa, lalo na sa pagkontrol ng paglobong populasyon ng mga Pilipino. Calling ABS-CBN, GMA-7, ABC 5, RPN 9, IBC 13, NBN 4 at Karera TV, bili din kayo ng rights nito para rin sa sambayanang Pilipino. Kaya niyo ngang bumili ng royalty ng Big Brother, Philippine Idol saka Philippine Next Top Model, heto pa kayang galing sa bansang japon, since uso na rin mga asianovelas.



Meron din namang pambata rito para malaman na nilang maaga ang tungkol sa kahalagahan ng safe sex at maaga pa lang ay makontrol na natin ang ating populasyon

A Very Pambata Ad

Dapat habang maaga pa lamang ay masolusyonan na natin ito, unless gusto natin sakupin ANG BUONG DAIGDIG!!!

Monday, November 20, 2006

The Climber Within



Nakakainis magpunta ngayon sa mga mall, specifically sa Glorietta 4 at Greenbelt 3. Bumabaha ng mga social climbers at mga TH's (trying hard). Kung may machine gun lang ako, baka minasaker ko na silang lahat, o kaya magpasabog ng biological bomb na target ang mga hikers na ito. Dinudumihan nila ang paningin ko kasi. To spot this social climbers, enlist these down.

  1. Gumagamit ng straw sa mainit na kape
  2. Umoorder ng tapsilog o kaya ng daing sa starbucks, seattles best at coffee bean.
  3. Nagkakamay sa sizzling plate.
  4. Nagsha-shoplift ng 1-whole illustration boards.
  5. Kinakain ang yosi kasi mas mabuti raw yun kaysa hithitin, saka nabubusog pa siya.
  6. Currency ng pera ang korte ng pupils ng mata niya.
  7. Laging dala ang kaha de yero pruweba na may pera siya.
  8. Musika sa tenga niya ang tunog ng cash register. "ka-ching"
  9. Lahat ng damit ay galing "UK".
  10. Nagreregalo ng relief goods sa mga kaibigan niyang elitista.
  11. Ginagawang kwintas ang kadena at collar ng aso.
  12. Five-star hotel ang sogo sa kanya at may discount card pa.
  13. Baranggay multicab ang luxury car niya.
  14. May nametag na malaking-malaki na nakasulat "I'm a social climber."
  15. May malaking arrow sa ulo at may mga bombilyang nagfoform ng salitang "social climber"

Yan ang mga katangian ng mga social climbers, nagkalat na sila, kaya mag-ingat.

Ako pa nga lang yata ang may mga ganyang katangian!



-------------------------------------------------------

I found the song of my loved one, siguro kung sinuman ang kumanta nito siya na ang dreamgirl ko. Malamang narinig niyo na rin ang kantang ito, kasi ako ngayon ko palang narinig.

The Song of the Beloved

Thursday, November 16, 2006

Career of the Champ

Sa Linggo na ang laban ng ating pambansang champ na si Manny Pacquia. For sure, tatadtarin na naman ng advertisement at logos ang kanyang mga trunks at mga kasuotan. Kulang na lang yata lagyan ng TV ang trunks niya, o kaya gawing billboard na lang ang mga damit niya. Milyun-milyon na naman ang kikitain niya, manalo man o matalo. Pero sana manalo siya sa laban niya kay Morales. Ang dami na niyang nagawang pagbabago sa buhay nilang pamilya dahil sa pagboboksing niya. Aba, sa advertisements pa lang, sandamukal na, milyon na ang kinikita niya. Nariyan na ang McDo, Alaxan, No Fear, WOW magic sing, San Miguel Beer, Burlington ba o Darlington, ah basta ang dami na niyang produktong binebenta.

Pati nga pelikula pinasok na rin niya, tapos yung life story niya pa. Meron pa siyang album. "Para sa iyo, ang laban na ito..." Aba pati pagkanta kinakarir na, kaya kinuha rin siya ng WOW para mag-endorse, counterpart ni Regine. Kailan kaya sila magduduet? Kung may Paris Hilton sa Hollywood, may Manny Pacquiao naman sa 'Pinas. Overexposed celebrity na rin si Pacman. Isa na lang ang kulang sa kanya, sex scandal. Sana mapag-isipan niya ito, boost din yan sa career niya. Panahon na rin siguro para pasukin ni Manny ang Hollywood, o kaya agawin niya kay Daniel Craig yung role ni James Bond, anyway marunong naman na siyang mag-english ngayon.

"One San Mig, inalog, not hinalo"

Nakapagtayo na rin ng sabungan at sariling boxing training gym. Naghahandle na rin siya ng future champs sa boxing. Maganda rin ang pinapatayo niyang bahay. Malaki at malawak. Maraming karangalan na ang nagawa ni Manny di lang sa kanyang pamilya, kundi pati na rin sa bansa natin. Nitong kailan lamang nanganak na rin si Jinky, ang kanyang asawa, ng isang baby girl. Maganda ang kanilang baby, nagmana kasi sa ina. Mabuti nga't hindi naging kamukha ni Pacman kung sakali ganito hitsura niya paglaki:
Baka magkaroon pa silang mag-ama sa paglaki ng bata:
"Daddy, I have something to tell you." sabi ng bata. "What is the telling you?" tanong naman ni Pacman. "I wanna be a beauty queen!" ang excited at nangingislap na sagot naman ng bata. "@#*&$@*%#!!!! Ano ba yang pinagsasasabi mo bata ka!? Magboksing ka na lang. Hindi bagay sa iyo ang maging beauty queen. Sige kunin mo na ang gloves mo start na ng training mo ngayon!"

Oi Manny, joke lang. Boto at pusta pa rin ako sa iyo, anuman mangyari. Baka mamaya paglabas ko pabugbug mo na lang ako. Go Manny! Manalo ka dapat!!!

Monday, November 13, 2006

The Hero's Arousal

The Bite
Nagkaroon ako ng weird experience nitong weekend. Habang nanonood ako ng Eat Bulaga at sinusubaybayan ang Bebot, nilalaro ko ang aquarium namin, nandun kasi yung paborito kong Janitor Fish na si Pokky. Maya-maya, naramdaman kong parang may kumurot sa mala-porselana kong hintuturo. Sa gulat ko naihagis ko tuloy ang alaga at minamahal kong si Pokky sa alaga naming pusa at kinain niya ito. Nalungkot ako sa mga pangyayari, bagamat may dugo sa aking hintuturo, nagawa ko pa ring tapusin ang Eat Bulaga at nanood pa ng Startalk.

Swelling
Nung medyo lumalim na ang hapon, napansin kong namaga ang aking hintuturo at napapadalas ang aking pagbahing. Parang pumuputok ang mga battery sa Corregidor ang aking pagbahing. Nababasag na nga ang mga salamin sa kakabahing ko. Nung kinagabihan, nasusunog na ang aking kama sa init ng aking lagnat. Halos maabo na ang aming kwarto. Naging mahimbing pa naman ang aking pagtulog at nagkaroon pa nga ng nocturnal emission.


The Symptoms
Pagkabangon ko mula sa aking kama, nakaramdam na ako ng kakaibang sigla at lakas na wala ako dati. Buong araw ng Linggo, nadiscover ko ang iba ko pang bagong talento:

Nagkaroon ng pouted lips. Hindi ko na kailangang bumisita kina Calayan o kaya kay Belo, kasi nagkaroon na ako ng nguso. Daig pa ang mga labi ni Angelina Jolie, mas malaki at mas malapad pa.

Dumidikit ako sa pader. Yap, dumidikit na nga rin ako sa mga pader katulad ni Spiderman. Hindi nga lang ang mga kamay ko ang ginagamit ko, kundi ang aking nguso.

Kumapal at kumunat na ang aking mga balat. Naramdaman ko na ako ay mas gwapo at ubod ng taas ng sex appeal. Hindi na rin ako gumagastos ngayon. Lagi na akong nagpapalibre ngayon.

Adiksyon sa mga lumot at iba pang dumi. Kapag nakakakita ako ng mga lumot at dumi parang gusto kong higupin at supsupin. Pati nga yung mga dumi sa mukha, yung mga tigidigs, gusto ko na ring supsupin.

Kapag nababasa nagkakaroon ng kaliskis at mga palikpik. Bumili na nga ako nung pangkaliskis yung katulad nung mga nasa palengke at yun na ang ginagamit kong panghilod. Yung mga palikpik ko binebenta ko na rin sa mga intsik, pwedeng pagkakitaan at isama sa mga lutuin.

The Theory
Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng ganitong potensyal. Siguro yung pagkakagat sa akin ni Pokky. Naging radioactive Janitor Fish siguro si Pokky dahil sa radiation ng mga cellphones saka ng TV. Minsan kasi naglalaro kami ng taguan, eh kadalasan siyang nagtatago sa Microwave. Sayang nga lang at kailangan pa niyang pumanaw upang ikaloob lang sa akin ang kakaibang potensyal na ito sa akin. Rest In Peace sa loob ng bituka ni Muning, Pokky. Nawa'y matahimik ka na dyan. Titirikan ko na lang ng kandila si Muning para sa iyo Pokky.

Dilemma Arises
Jusko, binigyan tuloy ako ng bagong problema ngayon. Tutulong na rin ako sa pagsagip sa mga nangangailangan. Ano ngayon ang pangalan ko sa aking alter-ego? Ano kaya ang costume ko? Hindi pa naman ako marunong magtahi. Anong kulay kaya nito? Pwede kayang ipang-model ang costume ko?

Friday, November 10, 2006

The Hot Seat


Hindi ko akalain na mayroon na rin pala akong mga tagasubaybay. Meron na kasing nag-interview sa para sa isang spreadsheet. Aba! Hindi ko akalain may mag-iinteres sa walang kong kwentang buhay. May nag-set ng appointment na babae sa akin for interview, since maluwag naman ang oras ko, i let her. Heto pala ang mga nangyari sa interview:

Q: Hi Billycoy, natagpuan ka na rin namin. Bakit ba ang hirap mong hagilapin?
A: Ay ganun po ba? Hindi ko alam na mahirap pala akong hanapin... kasi nagkakalat lang naman po ako dyan sa mga kanto-kanto, sulok-sulok, tabi-tabi, at mga kalsa-kalsada. May pagka-gremlins po kasi ako, kapag nababasa, dumadami.

Q: Willing ka daw magbold sa pelikula?
A: Yap, willing naman talaga akong maghubad, wala akong kiyeme dun. Kaso hindi willing ang mga producers na maghubad ako, kasi hindi na raw magiging porn or sexy movie ang lalabas, baka maging horror movie pa daw.

Q: Aba uso naman ngayon ang horror movies, ini-export pa nga mga asian horror movies sa hollywood di ba?
A: Hmm, I never thought of that. Sige suggest ko yan kay Mr. Vic. I like how you think!

Q: Kung bibigyan ka ng chance na maging kuneho, ano ang gagawin mo?
A: Siyempre popoy to the max na ako. Aba, ang mga kuneho kaya ay mga malilibog na hayop, itabi mo lang ang male rabbit sa female na kuneho, popoy na kaagad yan. Kaya nga rabbit ang symbol ng playboy eh.

Q: Siguro kailangan ko munang dumistansya ng konti sa iyo.
A: Naku huwag kang mag-alala, hindi naman ako nalilibugan sa hitsura mo.

Q: (Medyo nakasimangot) So... ano pala mga pinagkakaabalahan mo sa mga panahong ito?
A: Of course, dedicated pa rin ako sa trabaho ko. Bukod sa pangungulangot ngayon, wala na... ay meron pala itong interview mo.

Q: Napag-alaman namin na mahusay ka raw magluto?
A: Yap, totoo yan. Nag-aral din kasi ako sa culinary school, dun ako natutong maging mahusay na cook. Lahat nga ng mga napagbigyan ko walang masabi sa mga lutuin ko. Sayang nga hindi sila makapagbigay ng testimony sa mga luto ko, kasi lahat ng napagbibigyan ko, kung hindi nasa coma ngayon ay misteryosong namamatay.

Q: Paano ka pumatay ng ipis?
A: Kapag nakikita ko sila sa lababo, binubuhusan ko sila ng domex o kaya ng joy. Nakakatuwa kasi kapag tinitingnan silang kumakawag-kawag at nahihirapan, hanggang sa maglabas sila ng kakaibang fluid sa pwetan nila at yun mamamatay na.

Q: Ang mga bulate sa lupa sumasayaw kapag binuhusan mo ng asin, ang bulate ba sa puwet ganun din?
A: Ah, depende naman yan sa mga taong pinaglalagyan nila, kapag yung tao mahilig pumapak at kumain ng asin, hindi na yan mangingisay o sasayaw, pero kung hindi naman, maaari silang mangisay kapag nilagyan mo ng asin.

Q: Ganun pala yun. Ang mga langgam, paano mo malalaman kung lalake o babae?
A: Sus, hindi mo ba alam yun? Ang mga langgam kasi may mga anim na paa, pero ang di alam ng karamihan yung may mga anim na paa, babae ang mga yun. Ang mga lalaking langgam naman may pitong paa, ang ikapitong paa, nakalagay dun sa gitna ng mga huling paa.

Q: Bakit ba tungkol sa mga insekto ang mga tanong ko sa iyo?
A: Mukha ka kasing insekto kaya ganun yun (laughs), joke lang yun, kasi ang totoo, mas malala pa ang hitsura mo dun!


Binato niya sa akin itong notepad niya at umalis na lang bigla. Sayang at hindi ko naitanong kung anung spreadsheet lalabas ang interview na ito. Hindi ko rin tuloy naipakain sa kanya ang mga luto ko, siguro papadala ko na lang ito sa bahay nila.

Wednesday, November 08, 2006

Proof of Change

Sobrang epektibo talaga ng BB System, mayroon na nga kaming mga clients na kayang magpatunay sa kahusayan ng aming produkto. Kaya nga't meron na kaming BB Book na libre kapag bumili kayo ng aming BB System. Heto nga ang ilan sa kanila.

"Malaki ang nabago sa buhay ko simula nang gumamit ako ng BB System. Dati kasi, napakagulo ng yugto ng aking buhay. Isa po akong addict. Lulong po ako sa iba't ibang bisyo. Lulong po ako sa drugs, alak, sigarilyo, casino, sakla, pusoy dos, tong-its, babae, lalake, Ragnarok, DoTA at Solitaire. Dumating na rin ako sa puntong nagsha-shoplift ng one-whole illustration board sa National Bookstore at manood ng Maging Sino Ka Man. Labas-masok na rin ako sa kulungan. Napakagulo ng buhay ko noon, halos di ko na alam ang mga ginagawa ko. Hanggang sa matagpuan ko nga itong BB System, sa una doubtful ako, pero nang nasubukan ko nga, unti-unti ng nababago ang buhay ko. Muli kong nakita ang liwanag sa dulo ng madilim na kweba. Malaki ang pagbabago sa aking buhay. Kaya nga't hinihikayat ko kayong gumamit nito. Bukas nga pala magsisimula na ako sa seminaryo."
Ben Bubot
(BB System User)

"The BB System is a wonderful product. This has not just changed my life but the entire family. Sobra. Noon kasi ang buhay naming pamilya, it's so terrible. Our house was like a warzone before. Me and my husband used to fight in daily basis. We couldn't get along with each other. Ang laki ng epekto sa aking mga anak ng pag-aaway naming mag-asawa. Halos maguho na nga ang aming bahay. Nagbabatuhan kami ng sofa, minsan nga muntikan pang mamatay ang aking minamahal na asawa kasi hinagis ko sa kanya ang fridge namin. Mabuti na nga lang at maraming pagkaing sa loob kaya he is still alive right now. Isang araw, I saw this BB System. Skeptic ako sa una, pero I still decided to try. I bought the BB System Plus and I was amazed with the results. My husband told me 'You're glowing!' In four years of marriage, he never told me that. I love the BB System Plus, this product is great."
Mrs. Ma. Lilly Voughan
(Housewife, BB System Plus User)

"BB System Advantage? Hayup! Tangina! Sobra! Grabe to the Tangina Level! Paksyet kasi ako noon. Oo, sobrang paksyet ako. Grabe ang putanginang katabaan ko noon. As in bullsyet sa katabaan talaga. Wala na nga akong tanginang bilib sa sarili ko noon. Pagkatapos, isang araw, naknamputsa, nakita ko itong bwakananginang BB System. Umorder ako ng putang BB System Advantage. Noong sinubukan ko na, nakanamputsa, naramdaman ko kagad ang putanginang pagbabago. Bwakanangina talaga pagkalipas ng ilang linggo. Syet pumayat ako ng sobra. Bumaba ang tanginang timbang ko ng 50 lbs. Tangina yun di ba? Paksyet talaga, iba talaga ito. Grabe to the Paksyet Level ang produktong ito!"
Dabby Dayana
(MTRCB Employee, BB System Advantage User)

Ilan pa lang sila na nakasubok ng BB System. Kung gusto mong tuklasin ang epekto ng BB System. Kakainspire ng kanilang mga karanasan. Ngayon kung interesado kayo bumili na.

Monday, November 06, 2006

The System That Will Change Your Life

Ikaw ba ay nadedepress? Nalulungkot? Walang magawa at naguguluhan na sa pesteng kahirapan na dinaranas mo? Magulo ba ang buhay mo na parang bulbul? Malamang yun na nga ang problema mo, ang iyong bulbul. Ayon sa mga pag-aaral ng ilang siyentipiko, ang magulong bulbul ay sanhi ng magulong buhay. Kung kaya't ako ay pinapakilala sa inyo ang isang bagong produkto na aayos ng inyong napakagulong at napakabulbul na buhay.

INTRODUCING THE NEW BB SYSTEM. We will not introduce to you just one product but three exciting packages of the BB SYSTEM. First, the original BB SYSTEM, the BB SYSTEM PLUS and the BB SYSTEM ADVANTAGE.


BB SYSTEM includes:

The BB Cutter. Ang inyong PH (Pubic Hair) ba ay umaabot na sa sahig sa sobrang haba? Lumalabas na ba ang inyong bulbul sa inyong pantalon at umuumbok na sa inyong mga salawal kapag pilit na itinatago? Kayong mga lalaki, nagi-split na ba ang inyong weewee dahil may nakasabit na PH sa butas ng inyong ari? Naliligaw ba ang inyong mga nguso at mga daliri dahil sa kapal kapag kayo ay sumisisid ang perlas ng inyong minamahal? Heto na ang solusyon, ang BB Cutter. Gawa sa metal alloy from Germany na gugupit sa mga makukunat at mga kulot niyong bulbul. Tiyak aayus na ang inyong magulong buhay. Ngunit umpisa pa lamang iyan.

The BB Shaver. Nagugulat ka ba na kapag ikaw ay mag-aahit ng inyong bigote o balbas may nakasabit na kulot na buhok sa inyong shave? Malamang ginagamit yan sa ibaba ng hindi mo nalalaman. Heto ngayon ang shaver na pangbulbul lamang. Meron siyang matitibay na 5 blades para sa makukunat at makakapal na PH. Sure na closer ang shave at very smooth na ang inyong bikini line at tiyak na walang sabit.


BB SYSTEM PLUS includes The BB Cutter, The BB Shaver and two new products:

The BB Colorer. Tired of the same old color of your bulbul? I now introduce The BB Colorer. Gawing Pink, Fuschia, Lavender, Sky Blue or Mauve ang kulay ng inyong bulbul. Pwede ring gawing camouflage o kahit anong kulay na iteterno sa inyong damit. Di ka na ngayong mahihiyang ilabas sa mga low-rise jeans mo ang iyong BB colored PH.

The BB Treatment. Hindi lang ang buhok niyo sa itaas ang dapat niyong alagaan, dapat pati rin ang inyong bulbul. The BB Treatment treats your PH just like in the parlor. I-Hot oil, Relax, Rebond or Spa ang inyong bulbul at the comfort of your own home. Magugustuhan mo ang feeling afterwards, ang gaan-gaan ng feeling!


BB SYSTEM ADVANTAGE includes The BB Cutter, The BB Shaver, The BB Colorer, The BB Treatment and three more exciting products exclusive to this package:

The BB Style Wax. Boring ba ang bulbul niyo. Gusto mong magpasikat. Heto ang BB Style Wax, perfect kung ikaw ay fashionista. Gawin mong spikes, faux hawk or yung bed head look ang inyong bulbul. Gawing exciting ang inyong buhay with BB Style Wax.

The BB Stencil. Artistic ka at you wanna express in a very unique way. The BB Stencil is what you need. Gawing heart, diamond, star, flower, butterfly o kahit si tweety bird ang inyong bulbul. Pwede ring tribal, ethnic, gothic or native symbols for a funkier modern look. Ikorte ang mga letters ng name ng inyong minamahal for those intimate people. Kahit ano pwede mong gawin with The BB Stencil, Express youself!

The BB Styler. Preparing for an occasion and you want your bulbul to be perfect. Heto ang bagay sa iyo. Gawing straight or curly, pwede ring braid or dreadlocks. Gawing mohawk ang inyong bulbul. Kahit anong style pwede at madali lang ang pag-aayos ng inyong PH. Di mo na kailangang magpaparlor para lamang maayos ang inyong bulbul.


But wait, there's more... If you'll buy any of our packages now we will include this BB Style Video para sa instructions on how to make your PH stunning and standout. And also the BB Book, inspiring stories ng mga previous clients how the BB System changed their life. All that for free if you'll order now.

Kung magulo ang buhay mo ito ang kailangan mo. Buy it now and explore the wonders of the NEW BB SYSTEM.

Friday, November 03, 2006

Quickie Meals

Ngayon, siguro kailangan ko namang i-share ang mga natutunan kong mga recipe sa culinary school nitong nakaraan. Masyado kasing kaengga-engganyo ang mga natutunan ko kaya I can't wait to share it. Mga pwede mong ihanda kapag may mga biglaang bisita sa inyong tahanan sa maigsing panahon lamang. So let's start cooking, doc.

Crunchy Omelette

Ingredients:
2 big eggs (pwede na ang 1 ostrich egg or 1 itlog ng dinosaur kung may makita kayo)
1 onion
1 tomato
1/2 cup of evaporated milk
oil (mineral oil, coconut oil, olive oil, sesame oil, baby oil, oil of olay, efficascent oil, o kahit ano pang oil)
salt (iodized salt, rock salt, kung wala shabu na lang ang ilagay)
Surprise ingredient (basahin niyo na lang sa instructions kung ano ito)

Instruction:
  1. Batiin ang itlog, say hello to your egg. Ihalo na rin ang evaporated milk Lagyan ng asin para magkalasa.
  2. Ilagay ang mantika sa mainit na pan, para malaman kung mainit na ang frying pan, maaaring dilaan para sigurado. Kapag namanhid ang dila mo, mainit na iyun!
  3. I-tsek kung mainit na ang mantika, ibuhos sa katawan, kung nalapnos ang balat mo, mainit na nga yun.
  4. Ilagay mo na ang binating itlog.
  5. Ilagay mo na ang sibuyas at kamatis habang di pa tuluyang nabubuo ang itlog. Kung tinatamad kang maggayat ng gulay, ilagay na lang sila ng buo kasama ang balat.
  6. Heto na ang surprise ingredient natin; ihalo mo ang dinurog na eggshell sa inyong omelette. Yan ang magpapalutong sa inyong masterpiece. Kung di kayo makuntento sa lutong ng inyong omelette, maaari kayong maghalo ng dinurog na salamin o ng graba sa inyong itlog.
  7. Maaari mo ng ihain sa hapag-kainan with matching presentation pagkaluto, enjoy habang mainit pa!

Ol'n noin (Ol-in-won) Shake

Ingredients:
Appetizer Meal (Soup or Salad of your choice)
Main Course Meal (Kung anumang ulam meron kayo pwede na)
Dessert (Mga minatamis at panghimagas)
Cup of rice
Beverage (juics, softdrinks, bahala na kayo)
Ice Cubes or Tubes

Instructions:
  1. Ihalo lahat ng ingredients sa isang blender. I-blend hanggang sa maging likido ang lahat. Sumayaw at kumanta ka muna ng "Careless Whisper" habang di pa tapos ang inyong pagbleblend.
  2. Ilagay sa mataas na baso at Walla!!! May kanin-baboy... er... Ol'n Noin Shake ka na. Mainam ito kapag ikaw ay laging nagmamadali, mabilis na lang ang mga meals mo. Enjoy your shake!

Ayan ang mga pagkaing masarap ipanghanda sa inyong mga bisitang pabigla-bigla. Walang kahassle-hassle sa pagluluto at mabilis lang lahat. Kung ano lasa, it's for you to know.





Monday, October 30, 2006

Now Salivate!!!




Sa mga nakatira sa US malamang nakita niyo na ang ad na yan during the Superbowl Season,.Galing ng TV ad ng Burger King sa US. Siguro kung pinalabas yan dito tataas ang bumababang sales ng Burger King dito sa 'Pinas. Artistic and creative ang ad. Pero every work of art may meaning, subliminally. Kung artist ka or enthusiast ka, alam mo dapat yan. At isa nga ako sa kanila, so I have an analysis of this TV ad. Heto ang investigative analysis ko sa TV ad ng Burger King na Whopperettes:

Burger Patties. Masarap ang patties nila, juicy and grilled to perfection. As the TV ad suggest, ang patties nila ay gawa sa karne ng tao. Yup. giniling and grilled to perfection. Sarap ng Double Whopper!

Mayonnaise. Isang ingredient na nagpapalinamnam ng Whopper. Yun nga lang mataas ang calories at fat content, you know why? Gawa lang naman siya sa mga taba ng tao, or yung adipose tissue. Mmmm yummy. Extra Mayo sir?

Ketchup. Siguro di ko na kailangang pahabain pa kung saan gawa ito, kulay pa lang alam niyo na kung saan gawa ito. Dugo! Dugong nilagyan lang ng suka at asukal para lumasa at mawala ang lansa.

Cheese. Isa sa addictive content ng mga burgers, optional naman ito sa Whopper. Ang cheese gawa sa cow's milk, pero sa Burger King, hindi, gawa yan sa mammary gland ng tao!

Veggies (onions, tomatoes, lettuce). Fiber sa burger. Pampahealthy kuno. Fresh naman yan, nothing to worry about the veggies' freshness. Yung mga fertilizers lang naman ng mga gulay niyan ay gawa sa mga lamanloob ng mga tao. Hindi naman kasi pwedeng isama sa burger patty kaya, ilagay na lang sa fertilizers.

Burger Buns. Ang mga tinapay gawa yan sa wheat and plants alike. Well, ang mga taniman lang naman ng mga yan ay ginagawa ring tambakan ng mga bangkay ng kung anu-anong krimen; salvage, rape atbp. Minsan nga naaagnas na mga cadavers dyan kasi di na makita gawa ng matataas na halaman.

Yan lang naman ang sangkap ng masarap na Whopper ng Burger King. Nakakapanglaway di ba? Kakagutom. Kain na. Ako oorder na nga ako ng Double Whopper plus cheese with extra mayo!

Friday, October 27, 2006

Who is the Chosen One?

Nitong kailan lamang ay sinugod ako ng mga mananampalataya ni Juday o mga member ng Judayismo. Laking gulat ko kasi may dalawang dilag ang kumatok sa aming pintuan at ako raw ang sugo ng kanilang panginoong si Juday. Sa una nga akala ko, mga aplikante para sa pagiging housemaid namin, papalayasin ko na nga sana kasi sa hitsura pa lang, siguradong di na sila papasa. Syempre, nagulat ako, kasi kahit minsan hindi ako naging fan ni Juday. Ako pa nga raw ang magliligtas sa mga tagasunod ni Judy Ann. Tinanong ko sila kung paano ako naging chosen one ng nasabing pananampalataya. Ang sagot naman nila, kinunsulta nila ang mga starsigns at ng mga manghuhula sa Quiapo. Nagpatawas na nga rin daw sila para ikompirma at ako nga raw ang lumabas. Pero para daw ma-assure nila na ako nga ang kanilang sugo, kailangan matapos ko raw ang mga misyon na ito:


  1. Paghiwalayin sina Juday at Ryan.
  2. Ibalik ang tambalang Wowie at Juday.
  3. Gawing National Anthem ang Esperanza o di kaya ang Mara Clara.
  4. Ipalaganap ang Judayismo at ito lang ang kikilalaning relihiyon sa buong mundo.
  5. Gawan ng rebulto at simbahan sa ngalan ni Juday.
  6. Mapatalsik ang Santo Papa sa Vatican at ibigay ang upuan kay Juday.
  7. Ang Vatican ay gagawing bansa ni Juday at papangalanang Judaia.
  8. Puksain si Julens at ang mga miyembro ng organisasyon niya.

Nangyari na sa akin ito noon, mga miyembro naman ng JOLOGS (JOLina Organization ang Groups System) ang lumapit sa akin at gagawin naman daw akong Presidente ng nasabing orgy... org pala. I declined the offer, kasi naging mag-un sina Marvin at Julens noon although inaamin ko na naging krash ko talaga si Julens noong Grade 4 ako. Tapos nga nun nawala na ang paghanga ko sa tinatangi kong si Julens. Pero ngayon, parang krash ko na ulit siya, kasi bago na ang hairdo niya, short hair na ngayon. Tawagan ko na nga yung mga oposisyon sa loob ng JOLOGS para ma-impeach na yung current president nila at ako na ang pumalit dun.

Ano ba ang meron sa akin at ako ang kanilang napipisil sa mga samahan nila? Ordinaryong mamamayan lang naman ako sa patapong lugar ng makasalanang bayan ng Pasay. Baka malakas lang talaga ang sex appeal!!!

Warning: Ang mga sumusunod na videos ay pawang nakamamatay. Mag-ingat!!!


Thursday, October 26, 2006

Clear Your Eyes

Para sa mga minamahal nating mga kababaihan, siguraduhing malinaw ang inyong mga mata para sa ikaliligaya ng lahat.

Monday, October 23, 2006

Wanted Housemaid

Umalis na pala yung Degree-Holder Housemaid namin. Napag-alaman kasi namin na hindi pala HRM ang tinapos niya, Accountancy pala at may license na. Kaya pala lasang numero lahat ng mga hinahain niya sa aming kainan. Medyo strict na ang paghahanap namin ngayon, para ma-assure namin ang quality ng kanyang ginagawa. Kaya ngayon, naghahanap na kami ng papalit sa kanya.

22-35 years of age Graduate of a Bachelor's Degree or Masteral Courses
STRICTLY FEMALE

Must be single (not engaged, married, commited, no kids, or complicated)
Must be sexy not skinny or juba. Vital Statistics of 36-24-36
Must have an IQ above 110.
Must know French, American, Italian, Thai, Indonesian, Chinese, Japanese, Korean, Pekingese, Chuvanese, Mongrel, Shitzu, Dalmatian cuisines
Knowledge with Washing Machines, Laundry nets, Palo-palo, Washboard, Palanggana, Mops, Clorox, Sabong panlaba, Dusters, Brooms, Rags, Floor polishers, Floorwax

Qualifications:
Hardworking at maaasahan.
Sumusunod sa mga amo ng walang reklamo.
Hindi mukhang katulong, mas mukha pang amo sa mga amo.
Laging mabango at di nangangamoy pawis.
Magaling sa kama... er... mag-ayos ng kama.
May alam sa mga brands ng damit at fashionista.
Nakakapagsuot din ng tight leather suits.
Marunong magmasahe na parang sa mga Physical Therapist.
Naghahain ng fine dining.
Class A Professional Driver.
Magaling sa strip dancing.
Hindi humihilik na parang pabo o tambutso ng jeep.
Walang bisyo sa yosi o alak, drugs pwede pa.
*Experience as a sous chef with Mario Batali, Wolfgang Puck or Bobby Flay is not required but is a plus-plus


To all interested applicants please email your Resumé, Portfolio, 1x1 Full Body, 3R, 5R pictures, NBI Clearance, Birth Certificate, Baptismal Certificate, Transcript of Records, Mayor's Permit, Working Visa (if an alien), 3 Valid ID's, Recommendation Letter and of course, yourself with plastic cover. Please prepare a five-page essay about yourself. Please also include your Demo CD and prepare two (2) songs; one ballad and one upbeat within application. All applicants will be screened and be judged accordingly. First come, first serve basis.

Dapat ipo-post ko ito sa Jobstreet o kaya sa JobsDB, pero I prefer dito na lang sa blog ko makakatipid pa. Wala naman dapat ipag-alala ang mga aplikante, hindi naman kami malufet na amo. Mababait nga kami, samakatuwid, latigo lang ang ginagamit bilang parusa samantalang ang iba pinapatapon na lamang sa ilog ang mga katawan nila.

Friday, October 20, 2006

Spilling My Beans

Siguro maraming nagtataka kung paano ako mag-isip. Panahon na siguro para ipaalam ko sa inyo ang sikreto sa napakahenyo kong utak. Alam kong wala namang nagtatanong o nag-iisip nun, pero bakit ba? Eh sa gusto kong i-share ang mga sikreto ko kaya walang pakialamanan.

Mental Exercises
Stretching. Nilalapag ko muna sa lamesa ang utak ko at binabanat-banat para ma-stretch. Warm up niya yun kasi maghapon na naman siyang kikilos para sa akin.

Massage. Normal na kapag nag-iisip yung nilalagay sa sintido ang ating hintuturo, pero merong mas effective dun. Kapag nag-iisip ako, nilalagay ko sa loob ng ilong ko yung index finger ko, mas malapit kasi sa utak yun at mamamasahe mo pa. Mahaba kasi ang fingers ko kaya naaabot yung utak ko. Pwede naman kayong gumamit ng tungkod o kaya payong para maabot ang brain niyo kung sakaling maigsi ang fingers niyo.

Swimming. Malaking tulong ang swimming, nakakarelaks ng isipan. Nagtake pa nga ako ng swimming lessons sa Malabanan para lang maging bihasa ako dito. Kung gusto niyo ring magtake ng free swimming lessons, please contact the nearest Malabanan in your place.

Relaxation. Kapag sleeping time na, kailangang magpahinga ang utak. Kaya ang ginagawa ko, tinatanggal ko muna siya sa aking ulo at nilalagay sa isang bowl para makapagrest na rin siya. Nagpapatugtug din ako ng mga classical at trance music para makatulog siya kaagad. Hindi ko siya kinakantahan baka kasi sumabog, ang hirap kayang magpulot at maghanap ng mga piraso ng utak.

Nutrition
Glucose. Simple sugar. Nakukuha sa kahit anong sweets, kagaya ko. Nakakapagpatalas din ng memorya kaya nga mainam ang hard kendi (hindi hed kandi!) habang nag-eexam. Daily intake ko ang asukal, pero di ko siya kinakain, hinihithit ko siya, mas matindi ang tama. Mas mura kumpara sa shabu, pareho lang din naman silang puti.

Iodine. Mayaman seafoods nito. Kailangan para makaiwas sa goiter. Pwede ring makuha sa iodized salt. Magpapak ng iodized salt para makonsumo ang iodine nito. Alternatibo ko, kapag wala ng asukal. Maaari ding hithitin, mas mura din kumpara sa shabu at kagaya ng asukal, pareho ring puti, mas pino nga lang ito.

Zinc. Ang mga pagkaing mayaman sa zinc ay kinikilalang aphrodisiac o ang dahilan sa pagiging malibog. Masagana ang zinc sa gatas at oysters. Madalas akong kumain ng oysters at uminom ng gatas, kung kaya't nagiging malibog ako.

Omega fatty acids. Mainam na nutrition para sa ating mga puso at ganun din sa utak. Mayaman ang fishes, gaya ng mackerel, salmon at sardines at ganun din ang itlog (hindi po betlog). Maraming mantika na labelled na "rich in omega-3/6/9" kaya laklakin na lang ito. Laklakin din ang Omega Pain Killer, lufet din ng epekto.

So hayan, nai-share ko na ang ilan sa mga secrets para magkaroon ng brilyanteng utak. Kung gusto niyong subukan, wala na akong pakialam dun, basta namamahagi lang ako ng ilang piraso ng aking utak. Para sa mga di nakakaalam, ang bituka ko ang nag-iisip para sa akin hindi ang utak ko.

Siya nga pala, nagbebenta rin ako ng mga piraso ng utak ko, baka gusto niyo lang bumili. Sariwang-sariwa at murang-mura pa. Delivery rates do apply.

Monday, October 16, 2006

Hero of the Metro

I've got an email from an old-time friend, Em-em. Matagal na rin kaming hindi nagkikita nito because he migrated to the United States. He's needed daw kasi dun lalo sa field of work niya. We only contacted through emails, but the latest email he sent was quite disturbing. He has sentiments kasi with his work and I don't know how to answer it. Kaya I wanna share it with you and kahit papaano maparating sa marami ang sentimiyento niya.

My best friend Billycoy,

Hi! Kamusta na? I hope you're doing well there. I'm currently here in an internet café, because back in the station, we haven't subscribe for a broadband connection pa kasi. I'm not doing fine here. I'm really dissed with my work. My co-workers are really an asshole. They won't make me save other people. Lagi nila akong inuunahan sa pagligtas ng ibang tao, kaya lahat ng credits napupunta na lang sa kanila. I know you know what I'm talking about here, the JLA!

Like that Superman, he is sooo mayabang! He always take the lead. But as everyone knows, he is not that super compared to my powers. His powers is just like my kulangot, a worthless dumi in the galaxy. And one thing, he has a weakness kaya with those kryptonites, while I don't have one, i have two, zits and bad hair days. And his tights are so ugly kaya, it's even passé. He is giving me one nga, but i refuse to have it kasi naman, it's a big EWWW! I'm not wearing those tights because I'm not going to an aerobics class. My clothes are maganda na kaya. Coutures from Michael Kors and Tom Ford na kaya ang mga suot ko. I don't even wear the same clothes over and over again. And another, as if he stand the chance with his Lois Lane, eh obvious naman na Lois is just using Kal-el just to be closer to his cousin Kara-el, Supergirl. Yes, Lois Lane is a lesbo. I could read it from her mind using my uber cool telephatic powers.

Have I told you that Wonder Woman is salivating a waterfalls over me? Yes, she's going gaga over my good looks. In her dreams ha. She's not my type kaya, and she won't pass because she's not even fashionable to display. She's wearing a star-spangled aerobic tights knowing that she's an amazon from Greece. Ewww, I don't like amazona beauties. Kaya nga these days she ignores me and making those lame parinigs because I dumped her. And I don't care I have charms and good looks more than anybody have. I can have a googol of girls.

And these freaks are blaming for the 9/11 incident, kasi that's the moment they told me if I could prove to them that I am reliable from their team. But I can't go that moment, because I'm in a spa in Beverly Hills that time. If they called hours ago maybe I can go, kaso it was just a short notice, 5 minutes before the planes get bangga to those towers. 5 minutes, like hello!? I need to prepare myself pa, I need to go back to my home in New York to get my couture clothes and have my hair styled pa in a salon. I don't go on a rescue kaya looking wasted and haggard, kailangan lagi akong disente and proper to be a good rolemodel sa people.

And the media freaks! I really hate them. They named me ba naman METROMAN! Big EWWW kaya yun. The name is totally hideous! Para naman akong taxi driver niyan or yung mga taong may dalang metric tape who makes sukat the cadavers in the morgues and hospitals. I could give them my real identity if they will be asking me nicely, kaso I know the media here, they may even bringing paparazzi's to intrude my abode and privacy in New York.

O sige na. Next e-mail na lang. I need to go to the asteroid belt pa to do my morning exercises pa. You know me naman, I need to pound some asteroids and do my bench press with those meteors pa.

Ciao.


Your best friend,
MM


P.S. Please tell my regards to Mang Tibur and to his daughter Polay for graduating B.S. Embalsamatory. Thanks.


Nalungkot tuloy ako sa nangyayari sa best friend kong iyon. Nakakaawa. Masyado siyang inaapi ng mga kasamahan niya. Hindi ko alam kung anong tulong ang mabibigay ko. Ano ba ang magagawa ko para sa kanya?

Friday, October 13, 2006

My Life: True to Life?

Nakipagmeeting pala ako kay Mr. Vic nitong nakaraang araw. Tinawagan niya ako through my cellphone, nagulat nga ako kung paano niya nakuha ang number ko. Sabi niya from a reliable source daw. So nagpunta na nga ako sa office niya that afternoon.

Sinalubong niya ako sa office niya with a smile na aabot na sa bunbunan niya. So nginitian ko rin siya na aabot naman na sa aking noo. We sat down na sa table niya. "Ah Mr. Vic, tungkol saan po ba ang meeting natin ngayon? Tungkol po ba ito sa draft ng script na pinadala ko po sa inyo?" nauna na akong magtanong sa kanya. "Hindi ito tungkol dun... we are planning to make a movie of your story?" sagot ng head ng Viva, "But I do like your script, maybe if we finalized that, we could start on it. But let's not talk about it yet, let's talk about the YOUR MOVIE, YOUR STORY." patuloy niya. Nagulat ako syempre, natameme at di ko malaman kung tatambling ba ako o makakapatay ako ng tao, hindi ko alam na meron din pala na magkakainteres sa walang kwenta kong buhay. "Mr. Vic, I'm overwhelmed. Pero bakit ang buhay ko pa ang gagawin nating movie... walang kwenta ang buhay ko, ano makukuha mong istorya sa isang taong halos magkakalyo sa puwet sa maghapong kakaupo sa harap ng computer?" sagot ko sa kanya, "ang tanging adventure ko lang naman sa buhay ko ay ang pag-upo ko sa trono sa aming banyo... at kapag nag-iisa ako sa kwarto habang nagbabasa ng FHM." "Oo nga alam ko naman yun, pero alam mo naman sa mundo ng takilya, nagkakaroon ng konting pagbabago." sagot ni Mr. Vic. "Magkakaroon ng konting pagbabago?" tanong ko sa kanya. "Oo, konti lang naman, bababa ka sa helicopter ladder, tatalon ka mula sa tuktok ng Daranak Falls pababa, car chase sa kalsada ng Valle Verde, tatambling habang kinukuha mo yung baril sa sahig, at magsasakalan kayo ng kalaban niyo sa gilid ng bangin." ang galak na galak na sagot ni Mr. Vic. "At kailan ko naman ginawa yun sa tanang buhay ko?" ang tanong ko uli sa nahihibang na producer ng Viva. "Ayun nga yung konting pagbabago na nangyayari sa pelikula." ang biglang sagot ng producer.

So magiging maaksyon pala ang buhay ko, akala ko pa man din komedya o kaya drama na ang kwento ng movie ko, kung porno nga siguro laking tuwa ko pa. "So what do you think Billycoy? You know I won't take no for an answer" ang sabi ni Mr. Vic habang ang kaluluwa ko ay naglalakbay sa astral plane at malapit ng maabot ang nirvana ng wet dreams. "Ah ok, sige, yan ang sabi mo eh" napilitang sagot ko, "but for one condition..." patuloy ko. "Ok, what's that?" sagot ng producer. "Sa akin manggagaling ang title, whether you like it or not." confident na sagot ko. "Ok, what do you have in mind?" tanong ulit ng makulet na produ. "The Arousal of Billycoy!" ang uber confident na reply ko sa question niya. "Baka naman pagalitan tayo niyan ni Laguardia, mahalay yata yung title mo" ang sabi ni Mr. Vic. "Mabuti na yun, kaysa naman sa 'The Erection of Billycoy'" sagot ko muli. "Ok, so we have a movie then" galak na sambit niya. Nag-shake hands kami at he expected another meeting soon para sa casting and story conference.

I also made drafts na rin para sa movie poster ng movie ko.

I chose the layout horizontally, but some say it looks better vertically.