Monday, November 13, 2006

The Hero's Arousal

The Bite
Nagkaroon ako ng weird experience nitong weekend. Habang nanonood ako ng Eat Bulaga at sinusubaybayan ang Bebot, nilalaro ko ang aquarium namin, nandun kasi yung paborito kong Janitor Fish na si Pokky. Maya-maya, naramdaman kong parang may kumurot sa mala-porselana kong hintuturo. Sa gulat ko naihagis ko tuloy ang alaga at minamahal kong si Pokky sa alaga naming pusa at kinain niya ito. Nalungkot ako sa mga pangyayari, bagamat may dugo sa aking hintuturo, nagawa ko pa ring tapusin ang Eat Bulaga at nanood pa ng Startalk.

Swelling
Nung medyo lumalim na ang hapon, napansin kong namaga ang aking hintuturo at napapadalas ang aking pagbahing. Parang pumuputok ang mga battery sa Corregidor ang aking pagbahing. Nababasag na nga ang mga salamin sa kakabahing ko. Nung kinagabihan, nasusunog na ang aking kama sa init ng aking lagnat. Halos maabo na ang aming kwarto. Naging mahimbing pa naman ang aking pagtulog at nagkaroon pa nga ng nocturnal emission.


The Symptoms
Pagkabangon ko mula sa aking kama, nakaramdam na ako ng kakaibang sigla at lakas na wala ako dati. Buong araw ng Linggo, nadiscover ko ang iba ko pang bagong talento:

Nagkaroon ng pouted lips. Hindi ko na kailangang bumisita kina Calayan o kaya kay Belo, kasi nagkaroon na ako ng nguso. Daig pa ang mga labi ni Angelina Jolie, mas malaki at mas malapad pa.

Dumidikit ako sa pader. Yap, dumidikit na nga rin ako sa mga pader katulad ni Spiderman. Hindi nga lang ang mga kamay ko ang ginagamit ko, kundi ang aking nguso.

Kumapal at kumunat na ang aking mga balat. Naramdaman ko na ako ay mas gwapo at ubod ng taas ng sex appeal. Hindi na rin ako gumagastos ngayon. Lagi na akong nagpapalibre ngayon.

Adiksyon sa mga lumot at iba pang dumi. Kapag nakakakita ako ng mga lumot at dumi parang gusto kong higupin at supsupin. Pati nga yung mga dumi sa mukha, yung mga tigidigs, gusto ko na ring supsupin.

Kapag nababasa nagkakaroon ng kaliskis at mga palikpik. Bumili na nga ako nung pangkaliskis yung katulad nung mga nasa palengke at yun na ang ginagamit kong panghilod. Yung mga palikpik ko binebenta ko na rin sa mga intsik, pwedeng pagkakitaan at isama sa mga lutuin.

The Theory
Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng ganitong potensyal. Siguro yung pagkakagat sa akin ni Pokky. Naging radioactive Janitor Fish siguro si Pokky dahil sa radiation ng mga cellphones saka ng TV. Minsan kasi naglalaro kami ng taguan, eh kadalasan siyang nagtatago sa Microwave. Sayang nga lang at kailangan pa niyang pumanaw upang ikaloob lang sa akin ang kakaibang potensyal na ito sa akin. Rest In Peace sa loob ng bituka ni Muning, Pokky. Nawa'y matahimik ka na dyan. Titirikan ko na lang ng kandila si Muning para sa iyo Pokky.

Dilemma Arises
Jusko, binigyan tuloy ako ng bagong problema ngayon. Tutulong na rin ako sa pagsagip sa mga nangangailangan. Ano ngayon ang pangalan ko sa aking alter-ego? Ano kaya ang costume ko? Hindi pa naman ako marunong magtahi. Anong kulay kaya nito? Pwede kayang ipang-model ang costume ko?

19 comments:

Tikey said...

Aba pouted na pala ang lips mo at pwede kanang ipartner ke angelina Joli, kakaiba na ang talent mo ngayon hindi kana ma reach.. nyahaha!!

the Whore said...

aba!

ayos!

may bago nang superhero! *basta ba magliligtas ka, ha* ligtas mo ako ha!

teka, ano nga palang maitutulong ng powers mo?

Donya Quixote said...

hahaha you kuh-reyzy! haha!

xoxiRiSH_29xox said...

susme...janitor fish ka na ngayon??haha...gudlak seo...sana sumikat ka..weeee

Heneroso said...

pareng billycoy! ako nalang ang iyong superside kick! ang pambansang sidekick! wahihihi

Rob Ruiz said...

OMG! hahaha. at naging Janitor-man si billycoy!

ano kaya ang powers mo? mahirap naman kung aakyat ka ng building gamit ang nguso mo at ngangasabin mo ang pader.

ikay the dancer said...

dang.. pouty lips.. you look sexier siguro. lol. :) naku tulungan mo lahat ng naapi.. gamitin mo ang iyong kakaibang powers. simula ngayon, ikaw na ang aming superhero.

Cyberpunk said...

masyado naman ako nata-touch sa istorya mo...na-sacrifice si Pokky para magkaroon ka ng superpowers...

dapat makaisip na rin ako kung saang hayop magpapakagat...di pwedeng ikaw lang ang bida :P

Sefree said...

mabuhay si billycoy at ang kanyang janitor fish na si pokky! buti na lang nakaligtas ka. isa ka ngang tunay na bayani.. ay mali. si pokky pala ang bayani lalo na't kahit na nakain siya ng iyong pusa ay ipinagkaloob niya naman sa iyo ang mga talentong kakaiba. wow! maaari ka nang pumalit kay super inggo. siguro pwede ka na ring mag-artista. ano sa tingin mo? aabangan ko ang una mong palabas. kailangan primetime ang palabas mo ha! ipagtitirik ko na lang ng kandila si pokky. walang habas ang kanyang kamatayan. kawawa naman. alalahanin mo na lang sa iyong mga panaginip ang masasaya ninyong alaala. tama na ito. naiiyak na ako. :(

gino said...

wahahahaha!!! the best!

manilenya said...

lanya kulet mo billycoy lol!!

Billycoy said...

tikey > di na talaga ako mareach nasa kisame na ako ngayon

the whore > may maitutulong pa ang powers ko, kung may mga lumot sa pader niyo pwede kong linisin, pwede rin sa mga pimples!

donya quixote > matagal na po akong baliw

irish > hayaan mo kapag sumikat ako, liliwanag ako

heneroso > sige, submit ka lang resume o kaya biodata

rob ruiz > di ko pa naman kayang magngasab ng pader, alisin lang ang mga lumot pwede pa!

ikay > salamat, sexier na talaga ako sa bago kung lips... sayang di nga lang pwedeng pangkiss, baka kasi masupsup ko yung hahalikan ko

cyberpunk & sefree > salamat sa pakikipagsimpatya sa pagkawala ni pokky... ako rin hanggang ngayon wala pang tulog at natutuyuan sa kakaiyak kasi naghihiwa ng sibuyas ang nanay ko sa kusina.

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

magaling din kaya sa bj ang janitor fish? nagtatanong lang po

bananas said...

peyborit ko ito. namatay ako sa katatawa.only that nagresurrect agad ako sa di ko alam na kadahilanan.

hay...salamat billycoy sa pagpapasaya ng buhay ko. mahal na yata kita.

Billycoy said...

mandaya moore > di ko alam, maliban siguro kung may lumot yung bini-BJ nila

bananas > diyus ka rin pala

blacksoul said...

nakakadiri tingnan yung jantior fish.

great power comes with great responsibility..

hala ka billy

tina said...

Pokky Monster? o PokkyMan? ahihi

abel said...

natuwa ako dito sa entry mo, hahahah

Jhed said...

Iniimagine ko ang itsura mo, habang nakadikit ka sa pader using lang your nguso. Haha!

Disturbing. LOL.