Thursday, November 16, 2006

Career of the Champ

Sa Linggo na ang laban ng ating pambansang champ na si Manny Pacquia. For sure, tatadtarin na naman ng advertisement at logos ang kanyang mga trunks at mga kasuotan. Kulang na lang yata lagyan ng TV ang trunks niya, o kaya gawing billboard na lang ang mga damit niya. Milyun-milyon na naman ang kikitain niya, manalo man o matalo. Pero sana manalo siya sa laban niya kay Morales. Ang dami na niyang nagawang pagbabago sa buhay nilang pamilya dahil sa pagboboksing niya. Aba, sa advertisements pa lang, sandamukal na, milyon na ang kinikita niya. Nariyan na ang McDo, Alaxan, No Fear, WOW magic sing, San Miguel Beer, Burlington ba o Darlington, ah basta ang dami na niyang produktong binebenta.

Pati nga pelikula pinasok na rin niya, tapos yung life story niya pa. Meron pa siyang album. "Para sa iyo, ang laban na ito..." Aba pati pagkanta kinakarir na, kaya kinuha rin siya ng WOW para mag-endorse, counterpart ni Regine. Kailan kaya sila magduduet? Kung may Paris Hilton sa Hollywood, may Manny Pacquiao naman sa 'Pinas. Overexposed celebrity na rin si Pacman. Isa na lang ang kulang sa kanya, sex scandal. Sana mapag-isipan niya ito, boost din yan sa career niya. Panahon na rin siguro para pasukin ni Manny ang Hollywood, o kaya agawin niya kay Daniel Craig yung role ni James Bond, anyway marunong naman na siyang mag-english ngayon.

"One San Mig, inalog, not hinalo"

Nakapagtayo na rin ng sabungan at sariling boxing training gym. Naghahandle na rin siya ng future champs sa boxing. Maganda rin ang pinapatayo niyang bahay. Malaki at malawak. Maraming karangalan na ang nagawa ni Manny di lang sa kanyang pamilya, kundi pati na rin sa bansa natin. Nitong kailan lamang nanganak na rin si Jinky, ang kanyang asawa, ng isang baby girl. Maganda ang kanilang baby, nagmana kasi sa ina. Mabuti nga't hindi naging kamukha ni Pacman kung sakali ganito hitsura niya paglaki:
Baka magkaroon pa silang mag-ama sa paglaki ng bata:
"Daddy, I have something to tell you." sabi ng bata. "What is the telling you?" tanong naman ni Pacman. "I wanna be a beauty queen!" ang excited at nangingislap na sagot naman ng bata. "@#*&$@*%#!!!! Ano ba yang pinagsasasabi mo bata ka!? Magboksing ka na lang. Hindi bagay sa iyo ang maging beauty queen. Sige kunin mo na ang gloves mo start na ng training mo ngayon!"

Oi Manny, joke lang. Boto at pusta pa rin ako sa iyo, anuman mangyari. Baka mamaya paglabas ko pabugbug mo na lang ako. Go Manny! Manalo ka dapat!!!

20 comments:

ikay the dancer said...

hahaha..sabay sagun eh noh .. hehehe! :P

bananas said...

ekstrem...ekstrem...magic seng.

nasusuka ako kay manny. potek!

lockedgrenade said...

ur entry made me laugh..good one..:)

the Whore said...

haha!

how i wish manalo nga siya. sana lang noh, lumiit ng konti ulo niya!

Mary said...

sana nga manalo si "Money" Pacquiao.. Iba na spelling ng pangalan niya sa dami ng endorsments niya! Ang di ko lang matanggap ay yung pag kanta niya..hihi...

hanaKZ said...

nice naman! idol na idol mo pala si pacquiao..hihihi..

kakatawa entry mo ah!

aaRoN said...

oh my grabe ung pic ni manny na naka duster T_T amf! hehe san mo naman pinagkukuha yang mga pic na yan T_T

anyway, lam mo pag natalo si Manny, iiyak si mayor lito atienza ng maynila wahaha! at speaking of atienza ewan ko lang kung manalo anak nya sa election! hehe..

hmm pacman pakyou! hehe tsaka natalo kapatid niya dhil dun sa over by 3 pounds ang weight nya...sayang.. hmm mananalo naman cguro sya :D

hehe nyc post haha ^_^

Ka Uro said...

pacquiao is the pinoy's modern day hero. sana huwag na siyang pumasok sa politics nang hindi masira image niya sa masa.

gerome! said...

wah, pakipalitan na 'yung URL ko. http://theredsideofme.blogspot.com salamat! :D

hehe. parang hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa pic ni manny. kung matatawa ba ako o matatae sa itsura niya. hehe.

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

ibang klase ka billycoy. idol kita, pero next to manny lang ha. ching!

adrian said...

hehe naalala ko nga nung nanalo siya last time - pagkapanalong-pagkapanalo, talon agad ang isang mcdo representative sa ring sabay hamapas nung mcdo cap sa ulo ni manny. =p

Natawa nmn ako dun sa father and daughter bonding na yan... haha! =p Pero alam nmn nating hindi gagawin ni manny yan. Kahit nga yung lalaki niyang anak ayaw niyang pagboksingin.

Hala - horror nmn yang picture =p

Sana nga manalo siya =) Pero magaling talaga si morales.

Loverboy said...

ang cool ng itsura ni manny haha.
gudlak sa kanya. :D

panghent said...

nakoww..minsan, gusto kong matalo pa si manny. para mauntog naman ang kamunduhan. napakaoverrated ng kanyang tagumpay..hmm..go alcano! ahaha..

potpot said...

lokah talaga 'to.. peo kahit na ang iyong kkatawang post ay hnd ako macheer.. T_T

paeng said...

haha,, natawa ako dun ah!

biglang bawi sa huli! hahahhah

Talamasca said...

Why are you making fun of him?

I'M FILIPINO! I'M BLOODY HURT!

Expect a gazillion of hate mails delivered right to your doorstep. Kthnxbye.

blacksoul said...

nanalo si pacquiao,astig maging pinoy/////yeah boy

Isaiah said...

gusto ko yung itsura ni pacqiao na gurl... hahah Seductive!

Neil said...

OMG. Now he swallowed Morales. I guess El Terrible would be pursuing his showbiz career since he's a hell lot more good-looking than our Pac-man.

Anyhoo, his song really sucks. What a dreck. Cojuangco, please stop spamming us with Pacquiao. He's a champ already. Else, I wanna throw a stone in front of your plantation.

Hermie said...

Nakakabaliw ang pickture ni "Ms. Paqui" hehe.