Saturday, November 25, 2006

Time to Go?


Babala: Ang post na ito ay napaka-emo, at baka sa sobrang ka-emohan kayo na ang mag-emo at tuluyang magpatiwakal!


Maging sino ka man,

Paalam sa iyo malufet na daigdig, nang dahil sa iyo naging magulo na parang bulbul ang buhay ko. Paalam sa iyo aking cellphone dahil kadalasan kahit buong araw kitang iniiwan sa bahay ay wala akong narereceive na text galing sa mga kaibigan. Paalam na sa iyo Globe Advisory, dahil tanging ikaw lang ang nakakaalalang magtext sa akin. Paalam na Shirley 1.5, aking PC, kahit na ubod ng kupad ang iyong dial-up connection binibigyan mo pa rin akong makasilip sa mga porn sites. Paalam na sa aking kama lalo na sa aking bedsheet na halos tumatayo na parang nalagyan ng almirol sa sobrang tigas. Huwag mo ng itanong kung bakit, sabihin mo pa mahalay ako. Paalam na rin mga FHM mags ko, bagamat ang mga pahina mo ay nagdidikitan na at alam naman naming lahat kung gaano kalufet ng editing ng mga pictures sa loob nagagawa mo pa rin akong mapasaya sa tuwing ako'y nalulumbay.

Paalam na aming salamin dahil sa iyo ko lang nakikita ang napakagwapo at ubod ng lakas ng sex appeal ng aking mukha. Paalam safeguard sa patuloy na germ-killing action mo, na kahit sa kamatayan ko ay siguradong germ-free pa rin ako. Paalam na sa kunsensya ng aking ina na nag-uudyok na bumili ng Safeguard na pangsabon namin. Paalam Nivea Oil Control Facial Wash dahil pinapanatili mong oil-free ang aking mukha at naiiwasan na namin ang kolesterol sa aming hapag-kainan.

Paalam na sa mga naggagandahang mga binibini at dilag dahil hindi man lang kayo lumalapit sa akin kahit alam kong dead na dead kayo sa good looks ko. Paalam na sa mga inutangan ko kasi ngayon sure na akong di niyo na ako sisingilin. Paalam na sa inyo Red Horse, malamig na GranMa at Strong Ice na laging nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo sa paggising ko sa umaga.

Paalam Pilipinas dahil mahirap ka at mayaman ako! Paalam sa internet dahil sa iyo dumudugo na ang utak ko sa sandamakmak na impormasyong binibigay mo. Paalam Jolens, lalo na kitang naging crush ngayon dahil sa sobrang igsi ng buhok mo. Paalam na sa mga fans ko, kung meron man, dahil fans ko kayo.

Paalam masamang Earth DAHIL HANGGANG NGAYON DI MO PA RIN AKO BINIBIGYAN NG MALUFET NA GIRLFRIEND!

Paalam na, wawakasan ko na ang aking buhay gamit nitong bolpen na hawak ko o di kaya gamit ng laway ko. Hindi na lang ako magsasalita hanggang mapanis ang mga laway ko at malason ako. Kaso...





Hindi ko pa napapanood ang Happy Feet, baka sa IMAX kami manood so hindi ko muna wawakasan ang buhay ko saka na lang o hindi na lang...

Ang sarap kayang mabuhay lalo't masasarap ang ulam namin.

Hoping for your kind consideration.

Thank you.



Ang sawi,
Billycoy

25 comments:

Estupidormitorian Neil said...

Ganun ka ba kapanget at nais mo nang kitilin ang iyong sarili?

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

isama mo ako billycoy. gusto ko na ring mamatay. ching!

garytarugo said...

pag nawala ka, sino nang magbubugaw sa akin?

Cyberpunk said...

ang KJ mo naman billycoy...ituloy mo na...ako na lang manonood ng Happy Feet para sa iyo...

Loverboy said...

dude tara sabay tayo. :)

haha, na-ulul ako nung binasa ko yung post mo. XD

the Whore said...

hala. anubayan.

hahahahaha

irish said...

nakakatawa ung suicidal letter mo ha... heheh

syang di natuloy,, joke

Jasmin said...

ayos ayos

marya said...

waahh!! billycoy! sama mo na ko!!! sa panonood mo ng happy feet! wahehe.. isa lang sa mga dahilan kung bakit masarap mabuhay..

ikay the dancer said...

kapag nawala ka sino na lng magpapasaya ng buhay ko sa blog?.. naku.. napaka emo nga ng sulat mo. hahaha. :P

buti na lng narealize mo na hindi pa dapat mamatay dahil masarap ang ulam niyo.. hehe :P

Happy Sunday!!

~ikay

Donya Quixote said...

onga wag muna. sayang imax. haha

Manic Psycho said...

wahahha. panoorin mo muna ung Happy Feet bago mo ituloy yung watever suicide mo.. hehe.. :D

dxter said...

after mo b mapanuod ang happy feet mgppkmatay kn??

Sayote Queen said...

hehehe! ako din sasama pagkatapos ko mapanood ang happy feet hehehe :)

Gener said...

sama ako sa balak mo... huhu paalam na

aka ZORD said...

ganun tlaga ang buhay

atleast kaw mabebenta ka ata

ako indi

hahanapin ko na lang uli ang innflated instant gelpren ko...

hmmm

imax

isasama ko n lang ung inflatable gelpren ko sa imax. ,aglalaplapan kami dun

Jhed said...

Tama!

Panoorin mo muna ang Happy Feet para hindi ka na malumbay. ;)

bananas said...

drama. tse!

Tutubing said...

MAg hunus dili ka, bago ka mamaalam enge muna ako nung masarap mong ulam, nu ba un kare-kare?

rose said...

hehe..!! :P
wag,.. !! sayang ang ataul..este ang safeguard!

Billycoy said...

estupidormitorian > hindi pa naman siguro ako ganun kapangit kasi kung sakali man... tingin lang ako sa salamin dedo na ako

gary > oo nga pala, buti na lang di ko itinuloy!!! tuloy sa bugaw wonderland!

cyberpunk > di pwede yung kailangang mapanood ang happy feet

marya > salamat sa happy feet at nalaman ko ang kahalagahan ng aking buhay

ikay > yap sobrang sarap lagi ng luto ng mommy ko ngayon, masarap talaga ang ulam at ang buhay

dxter > so far di ko pa naman ginagawa, napanood ko na so pag-iisipan ko na

gener > sama ka rin? hmmm ano gusto mo clorox o domex?

zord > baka pwede mo sa akin ipahiram yang inflatable girlfriend mo... kaso baka magkabeke ako bago pa may mangyari sa amin

tikey > masarap ang ulam namin kagabi... lengguang chuvanes... eksperimento ng mommy. Lenggua - isang rason para mabuhay

rose > yun nga rin naisip ko, ayokong madumihan kapag nasa ilalim ako ng lupa

chino said...

HAPPY FEET!! kahit ang imposible nung ending e ang kyut parin nila.. j'adore penguins!! hehehe.. :)

nyhoo... pag magpapakamatay ka na.. wag kang magbibigti.. masakit yun e..hahahahahahaha.. :)

xoxiRiSH_29xox said...

pervert ka pala wahahahaha...



siyet...happy feet lng pala ang nakapigil sa suicide attempt mo..waaaaaaaa...



potsa wag ka muna umalis mawawala na si combatron mawawala na ang superhero ng funny comics..waaaaa

Rob Ruiz said...

ahehehe! sana wag ipalabas ang happy feet! lolz joke!

panghent said...

hahaha, happy feet. yun ang nagpawala ng pagkagusto mong mawala sa mundo? aba'y mabuhay ang mga penguin!!

yung mga penguin nlng kaya gawin mong girlfriendsss? sila pala ang nakakapagbago sayo sa mga life-changing (life ending) decisions mo eh! haha!