Tuesday, October 30, 2007

Wazzupenin'?

Sa mga di ako nakakausap ng personal, alam kong meron kayong nais itanong bukod sa mga kung paano tumatakbo ang makina ng utak ko o kung ano na naman ba ang susunod kong isusulat sa blog ko. Pero may isang tanong na madalas lang ma-overlook at dahil sa dalas ba namang itinatanong sa akin ito sa YM, sa text o sa mga taong di madalas makita ay hindi na ito tinatanong ulit. Minsan ang tanong na ito ang isa sa pinakamabigat na tanong na maibabato sa iba at maging sa ating mga sarili. Kamusta na?

Kamusta na nga ba si Billycoy Dacuycuy?

Kamusta na ako? Heto napakagwapo pa rin at sa bawat tanong na kamusta ay mas lalo pang gumagwapo. Kahit medyo nababangag sa opisina, nagiging haggard at lumalala ang global warming ay heto pa rin ako, patuloy na gumagwapo each day. At nang dahil nga sa mas lalo pa akong gumagwapo ay lalo namang pumapangit ang mga nasa paligid ko. Ganun pala kapag gumagwapo.

How do you do Billycoy Dacuycuy?

I'm doing well. Kahapon nilagyan na naman ng nail polish ang aking kuko sa kanang hintuturo. Indelible Ink daw ang tatak ng nail polish. Walang kwentang eleksyon, hindi man lang naging madugo. Nagdugo lang ang isang daliri ko sa paa sumabit kasi sa isang sasakyang pang-slapland (hampas-lupa) kaya heto nasugatan. Buti na lang gwapo ako kaya di ko masyadong pansin ang sakit.

Como esta Billycoy Dacuycuy?

Muy bien. Currently ginagawang tissue na pampunas ng pawis at sipon ang mga dolyares at salapi namin sa aming kabahayan. Pero sa labas ay nagpapanggap na ordinaryong empleyado para hindi pagtangkaan ang buhay. Kadalasan nga nai-stress na rin ako kung paano ko pa wawaldasin ang aking limpak-limpak na salapi. Kaya nga winawalis at ginagawa na lang naming pang-siga at pambalot ng tinapa kasi di na talaga magkasya sa vault namin at di na rin kayang itabi ng mga bangko namin.

Comment allez-vous Billycoy Dacuycuy?

Heto currently virgin at sobrang tigang na. Hirap naman kasing maghanap ng prospect saka di naman minamadali yun. Naniniwala akong malalaglag ang aking soulmate mula sa langit na sana lang ay masalo ko siya dahil kung hindi ay malamang sasalampak siya sa lupa, magkakalasog-lasog ang mga buto at kakalat ang lamanloob at dugo niya sa semento. Kaya habang wala pa siya kakanta na lang ako...

"Pangarap ka na lang ba? O magiging katotohanan pa?..."

Kayo naman dyan, kamusta naman kayo?

20 comments:

ardee sean said...

Wahahah..astig yung post mo..napaka..tawang-tawa ako..pwede bang arborin..kumusta na ba ako? tag..hehehe...ayos...exlinks tau :P

xienahgirl said...

handa ka na bang
saluhin ako?
haha

arnel said...

okay naman ako.

pero ikaw? kahit nabasa ko ang entry mo? parang hindi. pahinga ka naman sa trabaho mo kahit pano. :)

mrs.j said...

sana nga ganun kadali..

babagsak lang sia ...hay..

tnx for d visit

kingdaddyrich said...

buti ka pa gumagwapo.. ako naman turning into some hot papa material na,,,

kawawa naman tayo..

yatot said...

ibabagsak daw si whitney tyson from a helicopter....! saluhin mo kaya? o_O

Billycoy said...

ardee sean > sige lang ok lang na gawin mong tag.

xienahgirl > make sure na magaan ka lang kasi, kapag mabigat ka tapos velocity mo pa from falling... mababali ang buto ko nun. siguro dapat mga 5 pounds lang dapat weight mo.

arnel > wow naman thanks... di pwedeng magpahinga, kasi nga trabaho


yatot > kung mapera pa siya, sasaluhin ko talaga siya.

Estupidong Neil said...

Hay naku. Hindi pa rin ako nagsasawa sa egomania mo. Ganun pa rin kataas ang level ng iyong paghanga sa iyong sarili. Kung gagawin lang pera ang iyong mga sinabi, malamang mababayaran mo na ang utang ng Pilipinas sa IMF.

Juste pour rire, m'sieur. Tres bon blog aujourd-hui, eh?

l.a said...

Ano naman yan Neil???

Amf ano pa gwapo na pa-gwapo? Tama na, masama mag sinungaling haha!

gyk said...

hahaha.. may nababalitaan ako sainyo ni xienahgirl. intrigera kasi ako eh..

astig post mo. link kta? k lang? wohoo

Darwin said...

Kamusta naman yang kamustahan na yan?!? International na pala yang kagwapuhan mong pagwapo ng pagwapo ah... puro ata gwapo na nasulat ko. Nakakahawa pala yang kagwapuhan mo.

prinsipe dilan said...

"At nang dahil nga sa mas lalo pa akong gumagwapo ay lalo namang pumapangit ang mga nasa paligid ko. Ganun pala kapag gumagwapo."

--- you really made my day!

"Nagdugo lang ang isang daliri ko sa paa sumabit kasi sa isang sasakyang pang-slapland (hampas-lupa) kaya heto nasugatan. Buti na lang gwapo ako kaya di ko masyadong pansin ang sakit."

--- sana magpost ka naman ng pic mo na kita ang mukha, puro si Combatron kasi ang nakikita ko eh - pero feeling ko gwapo ka nga.

--- well ako maayos ang lagay ko and i hope na forever na maging maayos din ang lagay mo - PS sana madevirginize ka na kung TOTOO ngang virgin ka - heaven ang feeling pare.

Billycoy said...

estupidong neil > actually, pwedeng currency talaga ang kagwapuhan ko!

l.a. > kailan ba ako nagsinungaling?

gyk > kami ni xienahgirl?! we're just fwends! sige link lang

prinsipe dilan > dapat i-wish mo rin ang specific time and date!

rv said...

gumagawapo daw? wahey!

haha at gusto mo pa na maging madugo ang eleksyon ah! hehe

nagbabalik! at naglilipat bahay.

manilenya said...

hehehe billy kakatuwa ka magpost lalo na kapag maikli lang gagap na gagap ko. sana makahingi man lang ng pera mo kahit konti para naman konti na lang masunog mo lol!!

yung kagwapuhan mo oks na yun..yokong maging gwapo e :)

dorkzter said...

wow its good to know that your always fine mr. billycoy. ako, im fine. kasi wala naman pnoproblema ngayon masyado dhil sembreak. hehe. ingat lagi.

Misyel said...

Dahil sa ilang ulit mong nasabi ang gwapo ka eh di na ata ako masyado naniniwala dun, hehe... Buti na lang mayaman ka at pwedeng utangan :D

Namasyal ulit, naglipat din :)

andianka said...

abah! mukhang tamang tama ang post na ito. kumusta naman ako? eto... nawawala sa sarili.. ay hindi pala yun bago. eways, cenxa sa madalang na pagdaan. medyo nag bibusyhan lang dahil sa sobrang katamaran. pagbalik ko manggugulo ulit ako. nyahahaha!

kevin cab. said...

kamusta ka, kapatid ni BJ?:> kilala mo pa ba ako?:P

kamusta ako? ok lang din. buhay.:D

tama ka, nasa taas lang ang tunay na soulmate. hintayin mo lang mahulog yun, matatalisod rin sa clouds yun.:P

cheers.:D

the jester-in-exile said...

adik ka talaga billycoy dacuycoy wahaha