Monday, November 05, 2007

Still Alive and Kickin' Some Balls

I'm back I'm back balakubak!

Matagal din pala akong nawala, nagbakasyon muna kasi ako at pinili kong i-isolate ang sarili ko sa media frenzy at mga technological hullabaloos. Nagbakasyon grande muna ang inyong lingkod para naman medyo ma-refresh, mag-recharge at makapag-relax-relax muna sa napakaraming stress na nakaka-reduce ng aking youthful glow. Kaya heto na ako nagbabalik na masiglang-masigla at aroused na aroused!

Nasaan nga ba si Billycoy nitong nakaraang linggo at tila naglaho muna sa paningin ng mga uzis at ng mga tsismosa?

Nagbakasyon kasi muna ako sa aming bahay bakasyunan. Hindi sa mansion namin sa Baguio, resthouse sa Tagaytay Highlands, beachhouse sa Bahamas o sa aming bubbledome sa ilalim ng Arctic Ocean. Bumisita muna ako dun sa aming pinapagawang vacation house sa planetang Pluto. Kung hindi niyo po nalalaman, binili ko na kasi ang Pluto last year kaya naman ang ginawa ng mga astronomers, scientists, astrologists, feng shui experts at ng mga mambabarang ay ginawa na lang itong asteroid. Kaya kasalanan ko kung bakit di na planeta ang Pluto ngayon.

Nag-chillax muna ako habang pinapanood ang aking bahay na ine-erect... este itinatayo... (bakit parang mahalay pa rin?) ng aking mga alipin sa lupa ng aking nabiling planeta. So far, almost halfway pa lang sila. Medyo mabagal ngang ang paggawa kasi ayokong madaliin nila ang pagtapos nito.

Medyo mayabang ba ang tono ko?

Hindi naman ako nagmamayabang. Well, kasi kaming mga nasa alta-sociedad, natural na may mga ganung bagay lang. In other words, hindi kami mayabang, MAYAMAN LANG.

Sa mga naghanap sa akin—kung meron man—sa mga nakalipas na araw, unawain niyo na lang sana ang pansamantala kong pagkawala. Nagparaos lang ako!

Regal shockers! Iba talaga ang epekto ng hangin ng Pluto sa akin.

12 comments:

Anonymous said...

hahaha nice self description. pareho tayo. nbsb ako at birhen pa pwede ialay sa mga dragon. nagbabasa din ako ng funny komiks noon. combatron nga ba? gusto ko yung babae nakapula ata yun but forgot the name hehe.

Anonymous said...

Uy, wala namang hangin sa pluto eh. Dahil sa sobrang below ganung kelvin ang temperature dun, halos lahat ng substances hindi na gumagalaw--even wind.

And why naman Pluto? Ang baba naman ng taste mo. Bwehehehehehe. You should have chosen Uranus or Venus (para mas malapit). Yun nga lang, medyo mahapdi sa balat yung Venus kasi acidic yung cloud formation. Tas yung sa Uranus, baka bumaligtad rin sikmura mo. Naka-tilt ba naman nang sobra. Hehehehe.

Billycoy said...

saminella > si metallica yung sinasabi mo, actually pink yun. ako ilang beses na akong naialay.

neil es2pido > fyi, napalagyan ko na ng airconditioning ang buong pluto. well, currently nakikipag-deal na ako kasi malapit ko ng mabili ang milky way... next na siguro ang universe.

Anonymous said...

eto namang si neil
umariba na naman
pagkahalimaw.
pati ba naman dito
sa blog ni billycoy?
einubeh
hahaha

parang wala naman talaga
akong nabalitaan mula
sa post mo
tungkol sa
bakasyon mo?

misleading.
tsk tsk

well
ganyan talaga yata
angkan natin diba?
we cant help it
that we are rich.
hindi naman kasalanan
ng dacuycuy clan
na maging mayaman.
hahaha

Faith said...

Welcome back! Haha. Buhay ka pa pala?!

dorkzter said...

nyay dapat nagpost ka din po ng pictures. :D

Billycoy said...

poytee > syempre naman, at sumisipa pa!

dorkzter > nakalimutan ko kasi ang digicam ko noon kaya wala ring pictures.

ardee sean said...

good for you..i'll be having vacation by the end of the year na lng..ei, exlinks tau :P

Anonymous said...

lagi naman ganyan excuse mo. nagparaos. hahaha

Anonymous said...

pero hindi na planeta ang pluto.

Billycoy said...

yeye > ngayon ko pa lang yati ginamit na excuse ang 'nagparaos' hehehe

paolomendoza > kasi nga nabili ko na, kaya di na siya planet.

Virginia said...

uy nagbabakasyon ka din pala! kala ko hindi kasi regular ka talaga mag-post..