Tuesday, November 27, 2007

Gym Rats

Kung wala kayong panahong mag-workout, isuot na lang ang costume na ito. Be buff in an instant.

Mapapansin sa mga panahong ito na biglaang nagsulputan ang napakaraming gyms sa bansa. Nag-umpisa na kasing maging conscious ang karamihan sa kanilang health at mga hugis. Lalo na sa karamihan ng kalalakihan, patok talaga ang mga gym sa kanila. Kaya nga umusbong na yang mga Slimmer's World, Fitness First at Gold's Gym.

Sa mahigit isang taon kong pagwo-workout sa neighborhood gym, napuna ko ang iba't ibang klaseng mga nilalang na pumupunta sa gym. Malamang napupuna na rin ng marami ang iba't ibang klase ng mga gym rats kahit nasa labas na. Sinu-sino nga ba ang mga kapuna-punang mga gym rats?

NooBs (Newbies)
Lahat ng gym rats nagsisimula dito. Kahit sinong maskulado at mga Mr. Olympia ay dito nagsisimula. Malalaman namang mga newbies sila kapag lagi pa silang nakabuntot sa mga trainers. Kapag busy naman ang kanilang mga trainers sa pag-aasikaso sa mga chikaboobs at mag-isa na lang sila, mapapansing hindi nila alam ang exercise na ginagawa nila. Gumagawa sila ng kanilang mga exercise. Medyo mag-ingat makatabi ang mga ito dahil magugulat na lang na durog na ang mga buto dahil nabagsakan na pala ng dumbell na hawak ng NooB kanina lamang.
How to correct this mistake?
Kapag baguhan, make sure to do your assignments first bago sumabak sa matinding buhatan. At dahil ang mga instructors naman mas busy sa pag-aasikaso sa mga chikaboobs ng gym, wag maging dependent sa kanila. Siguraduhing alam lagi ang ginagawa at laging mag-iingat.

Johnny Bravo

Heto na yata ang pinakamaraming makikita sa gym. Sila yung mga katulad ni Johnny Bravo, yung malalaki ang katawan pero ang papayat naman ng mga legs. Nakalimutan yata nilang may paa din sila. Kung may sariling isip lang siguro mga paa nila baka nasipa na nila ang nagmamay-ari sa kanila. Beach body lang ang habol ng mga ito. Naglalakihang pecs, braso at nag-uumbukang mga pandesal sa tyan na tinatawag ding abs. Yun nga lang, ang sagwa kasi chicken legs naman sila. Isang magandang halimbawa dito ay si Polo Ravales, sexy nga ang katawan, patpat naman ang binti.
How to correct this mistake?
Kapag nagwo-workout, hindi dapat focused lang sa isang part ng katawan o yung tinatawag na spot training. Later on life kasi hindi rin maganda ang pagkakaroon ng unbalanced na katawan. Higit sa lahat... ang sagwa!

M.U. (Machong Unano)
Dahil hindi naman lahat biniyayaan ng tangkad kaya nagkakaroon ng mga MU sa gym. Magaganda at matipuno ang katawan, yun nga lang medyo ipinagkait ng bathalumang Juday ang height sa kanila. Nakakatakot nga minsan ang laki ng kanilang mga muscles dahil siksik na siksik ang mga ito. Kulang na lang yata ay buhok sa paa at magmumukha na silang hobbit.
How to correct this mistake?
Wala naman ng itatama sa pagpapalaki ng katawan nila, kasi ok na nga, Yung height lang talaga. Siguro dapat habang bata pa ang mga potential MU ay lumaklak na sila ng galon-galong cherifer para tumangkad naman sila. Kung mapera naman sila ay pwede silang magpadugtong ng buto sa mga binti nila.

Monsters/Halimaw
Sila yung mukhang mga alalay ng kontrabida sa mga lumang Pinoy action films. Malalaking tao, malalaking katawan at may malalaking tyan din. Mga halimaw nga. At dahil mga halimaw, nakakatakot din sa bigat ang mga binubuhat nila. Nakakatakot talaga silang makasama sa gym.
How to correct this mistake?
Hinay-hinay lang sa paglaklak ng beer at sa pagkonsumo ng pagkain. Uminom ng xenical o bumisita sa mga surgeon para magpa-lyposuction para mahigop ang taba na pwede pang gamiting mayonnaise. Kung hindi uubra ang diet at tawagin lang ako. "They say you have monstah here... They say your gym is cursed... I am Billycoy and I will kill your Monstah!"

Sila ang kapuna-punang mga tao sa gym. Pero huwag mabahala at matakot sa kanila, mabababait at friendly naman sila. Kung meron mang nangangain ng tao sa gym na pinapasukan, malamang na hindi gym yun. Nasa tribu kayo at mga cannibals ang mga kasama niyo. Lagooot!

15 comments:

yatot said...

ay! nakakita na ako ng johnny bravo sa bora nung nagpunta kami dun last summer... ang pangit sa paningin! hahahhaha... parang anytime mabubuwal sya...

ang pangit talaga... hindi proportional ang body...

arnel said...

wahaha dame ako nakikita Mu dito sa gym sa men. di ko alam kung hahanga ako o hindi eh. pero sana ganun katawan ko since matangkad ako. palit na lang kami.

Virginia said...

aba't nagji-gym ka pala! akalain mo! sabagay god ka nga pala so you have to maintain your physique!

paolomendoza said...

bakit ba tinawag na gym rats?

Billycoy said...

arnel > saan kayo palit? sa height o sa weight?

virginia > of course!

paolomendoza > yung iba yata kasi mukhang daga?!

yarnhoj said...

hehehe

sabi sa akin ng friend ko na girl na pangit daw tingnan yung guys with big muscles...mas yummy daw sa kanila yung slim and may attitude...hindi ko alam anong ibig sabihin...

kung gayon...bakit di pa nya ako ina-approach...?

chillidobo said...

Salamat ng marami...andami kong natutunan sa post na ito. Ngayon ganado na kong mag-work-out dahil alam ko na ang gagawin ko Whoopee!!!!




...sakaling tamarin ako (which is often) saan ba nakakaorder ng costume na yan na parang upholtry ng sofa? LOLS

Billycoy said...

yarnhoj > baka naman kasi di ka niya nakikita sa kanipisan mo. LOL.

chillidobo > pagawa ka na lang siguro baka makamura ka pa.

Dan Hellbound said...

Sa totoo lang, may balak akong mag-gym next year. Syempre, dadaan muna ako sa NooBs level. Buti na lang at may mga payo kang na-share para di ako magaya sa iba pang klase ng gym rats. Ayoko kasing magkaroon ng magandang pangangatawan pero may beer belly naman.

JohnBailor said...

favorite ko pa naman si johnny bravo... hehehe...

exlink??

check out my blog
http://jabeh143.wordpress.com

andianka said...

nag-gi-gym ka billycoy? oh yeah buhay pa ko noh?! diba sabi nila, habang lumalaki katawan mo sa gym, lumiliit naman yung ano? alam mo na? kawawa ka naman kasi virgin ka pa diba? LOLS!

gyk said...

yoco naman yung parang kay carlos agassi.. ulk.

sherma said...

gym... ang naaalala ko dyan e si will devaughn kasi nung nakita namin sya ni virgie sa robinsons, sabi nya, galing daw syang gym... saan ba sya nabibilang? hmmmm...

ayoko ng taong maskulado... eeww! hahaha!

Billycoy said...

andianka > yung mga steroids users lang yun, di naman ako nagamit nun. walang katotohanan yun para sa nagwoworkout, alibi lang yun ng mga tamad. now you know.

sherma > ikaw na bahala sa kanya mag-categorize.

utakGAGO said...

Hindi naman halata kay Billycoy na nag-gygym siya eh. Lawlz.

jokejoke ^^