Saturday, December 01, 2007

Letter to Santa

Dear Santa Clause,

Hi! Hello! Kamusta na po kayo? Minarapat ko pong sumulat sa inyo dahil sa nalalapit na Pasko. Nitong nakalipas na taon ay naging "nice" naman po ako at naging wholesome. Nakapagpatayo na nga rin po ako ng mga punso para sa mga homeless na anay, langgam at mga nuno. Itinakwil ko na rin po ang aking malilibog na kaisipan at ipinamigay na ang aking mga porno sa mga higit na nangangailangan.

Pasensya na po pala kung sa wikang Pinoy ko po isinulat ang liham kong ito dahil hindi ko po alam ang salitang gamit niyo dyan sa North Pole, kung Russian, Polish o wikang Polar Bear ba ang gamit niyo. Maiintindihan niyo naman siguro ito dahil malamang na may Pinoy workers din kayo dyan sa factory niyo na pwedeng mag-translate ng sulat ko. Idinaan ko na rin po sa blog para mas mabilis niyong makita saka di ko naman ang snailmail or email address niyo.

Heto ang aking wishlist para sa darating na Pasko.

Apple Products
Hindi po yung washington o fuji ang tinutukoy ko dito. Marami namang mansanas sa palengke. Hindi rin po franchise ng motel na may kagat sa mansanas ang sinasabi ko. Matagal na pong wala ng Anito Hotel dahil pinalitan na po ito ng Kabayan. Ang sinasabi ko po ay yung Apple na gawa ni Steve Jobs. Heto yung Macbook na may Leopard OS X, iPod, iPhone at kung anu-ano pang gawa ng Apple. Kung pwede po, yung kumpanya na lang ng Apple ang ibigay niyo sa akin.

Magic 8 Ball
Sa tagal-tagal ko ng nililista ito tuwing may Christmas party kami ay wala pa ring nagbibigay sa akin nito. Kaya naman inaasahan kong kayo na lang magbibigay nito sa akin. Hindi po kasi alam ng iba kung ano itong Magic 8-ball. Baka pati kayo Santa hindi rin ito alam?

Sex toys
Walang nagseseryoso sa akin kapag hinihiling ko ito. Since gumagawa na lang din kayo ng laruan malamang meron din kayong section ng mga laruang pang-adults. Masaya na po ako kahit sa simpleng pocket pussy lang. Pero kung ang ireregalo niyo po sa akin ay yung vibrating pocket pussy na ay labis na akong maliligayahan at baka mapa-somersault pa ako sa tuwa.

Girlfriend
Santa naman, ilang taon ko na kaya itong hinihiling sa inyo pero hanggang ngayon di niyo pa rin ako binibigyan nito. Ilang taon na kaya akong tigang na tigang. As usual, gusto ko yung maganda at sizzling hot juwawhoopers wearing only a red ribbon and only that red ribbon. Basta make sure na di mo pa siya ginamit pagkabigay niyo sa akin. Gusto ko lagi ay fresh at brand new.

World Peace
Ang dami na kayang humihiling nito, pati nga mga beauty queens ay heto rin ang gusto. Kakasawa na kasi silang pakinggan kaya pwede bang ibigay niyo na po ito sa kanila. Bahala na po kayo kung paano niyo ito ibabalot sa giftwrapper, anyway problema naman na iyon ng elf workers niyo.

Iyan lang naman po ang mga gusto ko ngayong pasko. Sana naman bigyan mo naman na ng katuparan ang wishlist ko. Ibigay niyo po ito sa akin on or before December 24. Kapag hindi niyo po tinupad ang mga kagustuhan ko ay pangungunahan ko po ang pag-aaklas ng union sa inyong factory.

Hoping for you kind consideration.


Truly yours,
Billycoy Dacuycuy
XOXO

P.S.
Wala po kaming chimney sa Pinas dahil di naman po uso yun dito dahil nasa tropical country po kami. Kumatok na lang po kayo sa gate namin, pero don't worry magsusuot na lang ako ng blindfold para di ko po kayo makita.

10 comments:

P0ytee said...

Sus! Magic 8-ball lang pala katapat mo eh!

dorkzter said...

gusto ko yan lahat!! :D

the jester-in-exile said...

kay shari ka dapat humingi ng toys haha

irish_yeye said...

sana matupad lahat ni santa ang wishes mo para happy ka hehehe advanced merry christmas!!!

Billycoy said...

p0ytee > oo kaka-horny kasi yun eh. LOL.

the jester-in-exile > yoko naman nun, di ko kailangan ng dildo.

yarnhoj said...

uy, i like your christmas post last year than this year...ewan, maganda kasi pag may pictures ni santa.

anyhow, i tagged you sa blog ko:
http://emoyarnhoj.blogspot.com

salamat. I am waiting for your positive response...:)

Virginia said...

lol kahit kelan demanding ka talaga! hingin ba ang buong apple computer com. kay santa!

tannix said...

Ahay, mukhang naghihirap pa din ang Pinas dahil pati mga workers eh namasukan na kay Santa Claus. Yung mga Pinoy na dwende siguro ang namasukan dun hehe.

Magic 8-ball? Ngayon ko lang narinig yun! Pareho ba yun ng Dragon Ball?

Ikaw ba Billycoy, ano ba ang regalo mo sa sarili mo kung sakali?

yatot said...

maraming sex toys sa may avenida... sa loob ng mall sa ilalim yata ng nbi clearance office... wahahhahhaa... at dun din sa katapat na building sa kabilang daan.. not sure about the name of that mall... basta sa loob nun meron... sa españa overpass din meron!!! wahahahhaha... ikaw na lng ang bumili sa sarili mo... regalo mo for yourself this christmas!

Billycoy said...

virginia > sabi nga dream big ;)

tannix > regalo ko sa sarili ko? hmmm... hard question... DANGAL ang regalo ko sa sarili ko.

yatot > mukhang madalas kang bumili dun ah, saang tindahan ka ba bumibili baka makahingi ako ng discount?