Thursday, December 20, 2007

I'm not lying

So medyo nilangaw ang huli kong post. Actually, nilangaw pala talaga. Hindi siguro mabaho ang nailabas kong jebs kaya iilang langaw lang ang dumapo. Kawawa naman ako. Well, ok lang yun. Pero as promised ako na lang ang sasagot sa mga sarili kong katanungan.

1. Ako ay isang dakilang demigod na mayroong katakam-takam na katawan at makalagas-bulbul na kagwapuhan.

True. Isa nga akong katakam-takam na demigod at pwede akong prituhin, ilaga, i-sauté, deep fry, ihawin, i-bake, i-poach o kahit i-refrigerate lang. Nakakalagas-bulbul din ang aking kagwapuhan dahil marami akong natatanggap na reklamo na nauubos ang mga PH nila kapag nakikita ako.

2. Pinakapaborito kong mga tao sina Cristy Fermin, Mahal, Jobert Sucaldito at Madam Auring.

False. Sino ba ang may gusto sa kanila?

3. Estudyante at mag-aaral ako sa isang kinikilalang university.

False.
Matagal na akong tapos mag-aral. Pero sa kasalukuyan ay nag-se-self-study ako ng KamaSutra. Naghihintay na lang ako ng mapaglalaanan ng application.

4. Napapakinggan ko ngayon—sa mga oras na tina-type ko ito—sa FM radio ang jingle ad ng UniversiTV.

False. Basta may ibang tugtug ang meron sa radyo nu'ng isinusulat ko ito.

5. Isa akong kilalang showbiz personality.

False. Hindi pa, pero malapit na.

6. Ang paborito kong puppet sa Sesame Street ay si Elmo.

False. Ang paborito ko si Oscar the Grouch.

7. Ako ay chinito, kumikislap sa kaputian at makinis ang aking kutis.

False. Isa akong moreno na may 6.25% dugong spanish, balbun at napakagwapo.

8. Tatlong CD lang ang porn ko sa bahay.

True. Pero meron din akong ilang porn video clips sa aking cellphone.

9. Nakatira ako sa Makati.

False. Doon lang ako nagtatrabaho.

10. Nakakuha na ako ng Starbucks 2008 planner.

False. Kaya kung sinumang may extra stickers dyan bigyan niyo naman ako. Hindi kasi ako tambay ng Starbs eh.

11. Si Suri ang baby nila Angelina Jolie at Brad Pitt.

False. Si Shiloh ang kanilang anak dahil si Suri ay kina Tom Cruise at Katie Holmes. Ang laking impluwensiya nila sa personal life ko di ba?

12. Ako ay hiphop.

False. In terms of music, meron akong ilang gustong hiphop songs. In terms sa personality at fashion, hindi ako hiphop, ayt?!

13. Gusto kong sawsawan ng fried chicken ay ketchup.

False. Sa gravy lang ako mahilig magsawsaw ng chicken. Gusto ko pa yung plain fried chicken lang saka yung buhay na manok.

14. Nagkaroon na ako ng girlfriend.

False. Hindi pa nangyayari yun, pero kung merong nais mag-apply ay siya ang aking kauna-unahan.

15. Ako ay certified tried and tested virgin.

True. Kahit subukan niyo pa.

Sana nabigyang linaw ko na ang lahat ng mga iyan. If you think I'm lying, gayahin niyo na lang ang sayaw ni John Lapuz.



----------------------------

Tulungan niyo pala ang kaibigan kong si Agent Grey na manalo ng Ruffbook PC. Kasalukuyan kasing nagloloko ang PC niya sa bahay at nangangailangan na yata ng kapalit. So please ako'y nagmamakaawa sa inyo. Panalunin niyo siya, mula sa akin ako'y magpapasalamat sa tulong niyo.

12 comments:

Culture Shiok! said...

Uy... parang yung blog ko. Nilalangaw din...

Neil Es2pido said...

S-S-ssss-sss----SINUNGALING!!!!

XD

Lol. :p

Batang Yagit said...

ako rin nilalangaw. huhuhuhu

utakGAGO said...

YUNG BLOG KO NILALANGAW NA RIN.

shit, the downfall of blogs has just begun. pati yung kay rens at jhed etc. hayyz. KULANG DAW SA BLOG EVENTS. hahaha!

5. Isa akong kilalang showbiz personality.

False. Hindi pa, pero malapit na.

ANO DAWWWW? Kapal ah.

jeniffer said...

haha.. natatawa talaga ako sa post mo.. naisip ko lang sa sobrang gwapo mo>? san ka kaya pinaglihi?

Virginia said...

lol uber gwapo talaga lang ha! bakit kaya di ako naniniwala kahit ilampung beses ko na 'tong nabasa sa'yo??? nyii balbon ka???

dorkzter said...

aku din nilalangaw waah huhuhuh. hehe. totoo b tlg lahat to?! prove it nga hahah :D

towr said...

Merry Christmas Billycoy!

sherma said...

hahaha! kung ikaw siguro ang sumalang sa don't lie to me ni sweet, baka super pagod na sya kakasayaw... hehehe...

2. Pinakapaborito kong mga tao sina Cristy Fermin, Mahal, Jobert Sucaldito at Madam Auring.

False. Sino ba ang may gusto sa kanila?


waaa!!! alam mo bang simula nung nag-OJT ako, super kelangan kong basahin ang column nina cristy at jobert kasi nagpru-proofread ako ng column nila... nawa'y habang binabasa ko ang articles nila, nababasa mo ang nababasa ko... hahaha!

Merry Christmas po! :D

ruff nurse-du-jour said...

Merry Christmas Billycoy!

From your friendly neighborhood nurse,
Ruff :-)

Saminella said...

heyhey!

changed my blog layout kaya nawala ang mga links. Pakipuntahan na lang po ang aking blog then meron dung widget na "add your site here". paki-add na lang po ang url mo.

salamat!

Billycoy said...

batang yagit > try mo kayang maligo kahit minsan.

utakgago > ganyan kasi sa showbiz, pakapalan ng mukha.

virginia > wait until you see it.

dorkzter > totoo lahat yan... yata

sherma > over my dead body, di ko babasahin ang mga yun, lalo't may mga pics pa sila sa masthead ng column nila!