Wednesday, October 10, 2007

Evolution of Me

Nabanggit ko na noon ang tungkol sa development ng aking katawan, kaso brief lang yun. Kaya naman, ishe-share ko kung paano ba ang aking evolution. Syempre naman malaki ang ipinagbago ko simula pagkabata, pero isa lang ang nag-stay, ang aking kagwapuhan.

Noong iniluwal ako ng aking ina sa mundong ibabaw na puno ng sandamakmak na gulo at problema, wala pa akong alam sa kamunduhan at di pa tinutubuan ng bulbul. C-Section nga ang mommy noon dahil grabe ako sa laki. Ang bigat ko nga rin daw at hirap na hirap sila sa pagbuhat sa akin. Tinubuan nga ng mga muscles ang mom at lola ko sa kakabuhat sa akin. Parang bola nga raw ako nu'ng baby ako. Kaya heto ang pic ko nu'ng baby ako.

Di ba ang cute ko ng baby ako? Mukha akong bola!

Noong medyo lumaki naman na ako, pumayat ako ng konti kumpara noon sa mala-bola kung hugis. Chubby, and as usual, uber cute and handsome with cheeks loved to be pinched by sexy sweet girls pa rin. Lumalabas na rin kasi siguro sa genes ko yung konting height kaya nabatak na ang mga baby fats ko sa katawan. Yun nga, hindi pa rin totally payat, chubby pa nga. Inverted pa nga ang utong ko dahil sa taba ko.

Hindi po ako yung kabayo, ako po yung nakasakay.

Lumipas ang mahabang panahon ng pakikipaglaro ng Monkey Monkey Anabelle, matuli at nagsimula na akong tubuan na ng mala-gubat na bulbul sa aking pagbibinata, grumabe naman ang ikinapayat ko. Sinagot naman kasi ang hiling ko during my puberty years sa pagnananais kong pumayat kasi madalas akong tuksuhin ng mga repakuls ko noon. Napaka-deadly nga ng aking mga siko at tuhod dahil nakakatusok sa kapayatan ko.

Iyan ako kasama ang aking mga repapips. Hindi po na-rape ang mga barkada ko, kasi natural na pixelated lang talaga ang mukha nila.

Tapos, dumating na nga ang panahon na matapalan ng laman ang aking buto. Nakakapagod kasi ang magdikit gamit ang superglue ng mga pandesal sa aking tiyan at cinnamon roll sa aking mga braso, kaya naisipan ko na lang na pumunta sa neighbor gym at sinimulang ngumata ng mga weight plates. Hayun nga nagkaroon ng improvement at marami ring nakapuna sa pagbabagong iyon. Ang laki ng ipinagbago ko sa aking payat na katawan, kaya lumaki ako hanggang ganito.

Masarap din yan sa hot choco.

Hindi naman ganyan, ayoko naman yata maging marshmallow man. Although cute, ayoko pa rin. Kailangan syempre sexy at muscular lang, di naman yung ganyan. Kasi kung ganyan ako kalaki baka hindi na ako makadaan sa mga pintuan or baka isama ako sa nightcamp, tuhugin sa stick at gawing roasted marshmallow. Ayoko namang maging ganun, kaya heto na talaga ako ngayon.

Mga gehls wag niyo akong paglawayan kapag naging ganyan na katawan ko.

Okay, hindi pa rin, pero wait niyo lang magiging ganyan din ako. Siguro in 5 to 10 years, magiging ganyan din ang katawan ko.

Napansin niyo ba na isa lang ang pose ko sa lahat ng aking picture? Yan kasi ang aking best angle.

6 comments:

prinsipe dilan said...

wow naman. hanep sa entry ah. nakakatuwa tong post nato. u mean billycoy, hindi ka pa nagpopost ng picture mo talaga (na kita ang face) dito sa blog mo? wow naman pa-effect yan ah!

pero pareho tayo ng dream sumday.

cars said...

hahaha! adik ka talaga eh nooo. lolzieee. xD

Jhed said...

OMG! Kung ikaw nga talaga yung nasa pics.. AMPAYAT MO PALA! OMG!

May pag-asa pa rin pala talaga ako na.. err, I was going to say na lumaki ang katawan, pero.. anyway, may pag-asa pa ako na TUMABA! Woohoo!

Micaela said...

nyahaha akala ko naman may nanakawin na ako na pics LOL :D

Di bale may picture ka naman sa amin hehe pero katulad nga ng promise ko sayo, hindi ko ilalabas ang iyong larawan.. ipapasilip ko lang :D

Prudence said...

Re: the last pic,

I just can't help but get drawn to the bulge in the short pants. Ganun din ba kalaki? Hahahaha!

Billycoy said...

jhed > pero kahit payat ako nun, gwapo pa rin, ngayon medyo lumaki na ako... lalo pang gumwapo.

micaela > aling pic ang papasilip mo? huwag! maeeskandalo sila!

prudence > i think may groin cap pa yun... yung sa akin? no comment na lang.