Wednesday, September 26, 2007

Lured by a Beauty

Galing ang pic sa multiply page ni KC tapos dinagdagan ko na lang ng ibang kalandian. Feeling highschool lang.

"Masaya na akong tinutunghayan ang isang bituin sa langit dahil kapag ako'y lumapit mapapaso lang ako."
- Billycoy


Nitong Linggo ng gabi, napababad na naman ang mga mata ko sa TV. Halos masunog na nga ang mga eyes ko dahil hindi na yata ako pumipikit habang nanonood. Hindi ko na nga rin mapigilan ang laway ko sa patuloy na pagtulo habang nakatunganga sa harap ng telebisyon. Lumulutang na nga rin ako at di ko namamalayang hinahatak na ako papalapit sa TV. Paanong hindi ako mahahalina ng TV that night, docu kaya ng last days sa Paris ng aking supercrush to the ultimate level na si alluring luscious classy hearthrob na si KC Concepcion.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatutok sa TV talaga. Tuwing matatapos ang mga TV ad at babalik na sa programa ako'y mahu-hook muli sa TV, mapapabuntung-hininga, kumislap-kislap ang aking mga mata, mapapangiti na aabot sa bunbunan, magliliparan ang mga paru-paro, langaw, lamok at kuto at tutubo ang mga bulaklak ng calachuchi sa paligid. Ganun pala ang feeling ng in love, nagkakaroon ng maraming special effects.

Sa sobrang ganda kasi ng anak ng Megastar, hindi ko na mapigilang mahibang. Gusto kong maulul sa kinauupuan, umalulong na parang coyote at mangagat ng mga jologs para magkaroon na sila ng rabies. Ano ba kasi ang meron sa ganda niya at kay dami na tuloy ang mga lalaking nagkandarapa at nababaliw sa kanya? Dumadami na tuloy ang aking karibal at mas lalong bumababa tuloy ang aking probability rate na magkatuluyan kami.

Ngayon, nabigyan ko na rin ng linaw kung bakit hindi pa ako nagkaka-girlfriend until now. Si KC lang pala talaga ang napupusuan ko. Nabihag na ng kanyang kagandahan ang aking damdamin. Siguro we are destined to be together kaya wala pang ibang ipinagkakaloob sa akin. Siya lang pala ang babaeng hinihintay ko habang buhay. Bakit hindi ko alam yun?

Sayang nga lang dahil balita ko sila na raw ni Direk Lino Cayetano. Bigo ako. Ok lang yun, willing naman akong maghintay para kay KC. Kung hindi man ngayon, siguro in the future. Pero open din naman ako sa option na kahit maging kabit na lang ako.

Kung dumating man ang panahon na meron na akong ibiging iba, huwag mo na akong hintayin KC.

23 comments:

Anonymous said...

hehehe! huwag kang mawalan ng pag-asa katoto. di hamak namang mas magandang lalaki ka kay direk

Talamasca said...

Everybody say:

Aaaaaaaawwwwwww!!111

*gives Billycoy a virtual pat on the back*

david.edward said...

talaga namang pinagpuyatan ang TV special! wahahaha..
sabagay nung Monday maaga akong umuwi para manood ng Zaido.. nakita ko ulit si Le-ar kaya lang ang liit na ng mukha! bwahahaha.. iba ang feeling,,

Arlo said...

Hindi ko inaasahang magkakalaban tayo balang araw. Oh well, sa'yo na Pare. We're long over. O_o ???

Arlo said...

I left her with good memories naman. 'Yun nga lang talaga, tapos na kami. O_O !!!

Micaela said...

Awwwww :)

Napaka-romantic mo pala Billycoy Dacuycuy, ang future son-in-law ni Megastar!

Sayang hindi ko napanood yung TV Special niya.

Billycoy said...

anonymous > tama ka dyan kumpadre, yun nga lang di ako kasing yaman ni direk.

david.edward > mas mukha pang Le-ar si Tiya Pusit

arlo > sure kayo long over na kayo, buti naman!

Anonymous said...

paano naman ako? akala ko ba nasa akin yang puso mo? sayang!!!!



joke lang....



go for it!!!

irel said...

hello interested to have your name on my subdomain? you can have your own subdomain for free!! all u have to do is sali sa pakontest s ablog ko! simple lang i ask a question and first 5 people who will answer will be on the poll people will vote and who ever have the highest vote will win the smart award and a subdomain that u can use for as long as I own my domain! interested? please visit lang pod dito http://bytheway.kyira.org/2007/09/smart-award.html sorry if mataas to ha:)

yatot said...

aaaaw-ness to you billycoy!!! parang high school ang dating! hahahha

utakGAGO said...

PUCHA. Nanood din ako nyan nung SUNDAY and I hafta say... SHET. Super KRAS ko na yang si KC Concepcion..

Tas natutuwa pa ko sa mga french words. "Plaz de la Concorde." Haha. Ang kyut.

:) Basta kras ko siya. :-x

Dan Hellbound said...

Marami talagang nagaagawan kay KC Concepcion, parang mga batang nagtatalunan sa kendi. Tsk. Tsk.

Anyway, I'm sure na makukuha mo ang puso niya, pero kung ayaw niya eh malas niya. Haha.

Billycoy said...

anonymous > katawan ko pa lang ang nasa sa iyo, di pa ang puso ko. LOL.

utakgago > kaso masyado ka pang bata para sa kanya, kaya sorry di ka uubra.

dan hellbound > di ko kukunin ang puso niya, gusto kong buhay siya kapag naging kami.

prinsipe dilan said...

billycoy tinag kita sa Desktop Free View. game na game na. hehehe

Virginia said...

pinanood ko din kasi tulad niyong lahat, gusto ko din makapunta ng paris!

obsessed ka na ata eh, adik! at utang na loob pa ni kc kapag may iba ka na...

pero malay mo... dreams come true di'ba...? goodluck!

kc concepcion said...

flattered naman ako! ;)

Jehzeel Laurente said...

wahahahaah! syet.. (ahmmmm)

la lang.. ngayon ko lang napansin cute pala si Kasi Cool! waaaaaaaa KC.. Kasi Cool :P

utakGAGO said...

MAS LALO NAMANG DI BAGAY SAYO SI KC! Hindi siya mahilig sa mga DOM na tulad mo mwahaha

Billycoy said...

utakgago > uy she's just two years younger than I do, kaya match kami.

Nash said...

ahaha go lang ng go Coycoy :p maabot mo din ang pangarap mong bituin nyehehe

Mr_Ilham said...

LINK EXCHANGE WITH ME

tingtingz said...

astigin, na kaya mo pa yong sabihin? haaaaaaaaa!!!!!c KC kaya yon... okeeeeeeeeey'zzzz!!!!

tingtingz said...

astigin, nasabi mo pa un?
lakas ''' c KC kaya un...
okeeeey'zzzzz!!!!!!!!!
helllleeer,,,,,