Wednesday, September 12, 2007

Home Shopping

Kahapon ay may dumating na package mula sa Hongkong. Akala ko ipinadala ito nila Jet Li at Jackie Chan, nagkamali pala ako. Padala pala ito ng aking aunt na nagtatrabaho doon. Sobrang laki ng box, nakaangat na nga yung front wheels ng freight service na nagdala sa aming package. Inakala nga naming elepante o blue whale ang laman ng kahon.

Kumuha na ng cutter ang mga pinsan ko at sundot pa lang ay biglang nagsabugan ang mga nilalaman. Nagtalsikan sa lahat ng sulok ng bahay namin ang lahat ng mga damit na nilalaman nito kasama na ang hanger at mga pinagsasabitan ng mga damit. Naging instant wagwagan o ukay-ukay ang bahay namin. Tumalsik na nga rin yung mga tindera mula sa kahon ngunit sa kasamaang palad ay tumama sila sa aming industrial ceiling fan kaya hindi na sila nabuhay pa.

Napakarami talagang mga damit sa bahay namin ngayon. Samu't saring mga damit, pantalon, bra, panty, sabon, sweat pants, brief, at kung anu-ano pa. Sayang nga dahil walang mga tech gadgets o kahit sex toys man lang lalo na sana yung blow-up doll. Well, sa dami ba namang ipinadala ay napa-shopping na rin ako kagad sa sarili naming bahay. At dahil din amoy hongkong ang mga gamit ay nagpagulong-gulong na rin ako dun para kumapit sa aking balat ang amoy ng Hongkong.

Nagsususukat na kagad ako ng mga damit at pantalon na pwede kong idagdag sa aking wardrobe. Syempre habang naghahalungkat sa bulubundukin ng mga tela at damit hindi mawawalang may makitang kakaiba sa mga ipinadala.

Aakalain ba naman naming makakakita kami ng isang damit na medyo glossy ang dating. Rubber or leatherette yata yun na may animal print at talaga namang mainit kapag isinuot. Damit na perfect pang-sholbam. Sinubukan ko ngang isuot at instantly naging sholbam nga ako. Nasa bungad pa lang ako ng pintuan namin ay biglang nagsulputan ang mga matrona at mga badingger z habang iwinawagayway nila ang mga pera nila, isang daan at singkwenta. Syempre dahil mataas nga ang rate ko ay di ko sila pinatulan at tinanggal ko na kagad ang damit.

Sunod namang natagpuan namin ay yung mga panty na may bulsa. Yung mga bulsa pa man din ay naka-locate dun sa harapan mismo ng panty. Hindi nga namin alam kung ano purpose ng mga bulsa na yun dahil may zipper pa talaga. Naisip nga namin baka yun ang mga gamit ng mga babaeng shoplifters ng pakwan at 1-whole illustration board at dun nila nilalagay. Pero sa palagay ko ang tunay na silbi ng mga pockets na yun ay lalagyanan ng condom. Ganun pala ang mga babae sa Hongkong, laging prepared.

Marami-rami din akong nakuhang mga damit. Mapupuno na naman ang aking wardrobe kaya sa palagay ko kailangan ko ng magpatayo ng bagong mansyon para lang sa aking mga damit. Pero yung sholbam shirt ay iniisip ko pa kung kukunin ko ba o hindi. Pwede ko rin kasing gamitin yun kapag tumambay ako sa Quezon Circle or Timog Ave.

17 comments:

Micaela said...

Una ako!

Gusto ko i-post mo ang pic mo na suot mo yun LOL

Kamusta naman ang amoy ng HK? haha

sherma said...

damit lang talaga? as in wala nang iba? bakit? nasunugan ba kayo at kailangan nyo ng damit? =)

magpa-garage sale ka... tapos doon mo na rin umpisahan ang pagbibid mo sa sarili mo suot ang damit na perfect for sholbam (imbentong salita mo na naman ba ito?) hehehe...

kingdaddyrich said...

wala bang anthrax yan,,, ipagpag mo muna bago suot okay? o baka gusto mo isama mo ang alikabok ng Hong kong sa pag rampa mo sa timog..;)

Dos Ocampo said...

Suot mo naman mga damit! hehe...

Billycoy, the Drag Queen!

JOKE!

andianka said...

nagpapakainosente.. sholbam lang pag suot yung damit na yun? eh kahit la nun sholbam ka na eh... *sings, ehla-ehla-ehh-ehh...* (sasayaw na yan!)

pa-shopping naman sa mansion nyo... LOL!

Billycoy said...

micaela > alin dun? yung sholbam shirt o yung pocketed panty?

sherma > actually, gay lingo yung sholbam, natutunan ko lang nung kamakailan

kingdaddyrich > ay... kaya pala parang nangangati na ako ngayon

kahla said...

ala bang tskolate? hehe

enge?

P0ytee said...

Wala bang pics? Hehe. Pics pa na suot mo yung panty at shirt. Joke!

Cyberpunk said...

onga i-model mo naman para samin yung panty...curious kami kung ano itsura...

baka naman lalagyan ng pera yung bulsa...? test mo, isuot mo tapos magpakita ka sa mga matrona at bading sa inyo...tingnan mo kung may maglalagay ng pera :P

TanniX said...

Sagana talaga sa mga damit ang mga taga-HK. Di na magkasya sa kanila ang ubod nang dami na sinulid at naiisip pang gawan ng bulsa ang mga panty.

Sabihin mo sa tita mo eh bigyan din kame dito kahit isang maliit na kahon lang, kahit wala na ang mga katulong kasi makalat yun pag sumabit sa ceiling fan.

Dapat siguro isuot mo ang sholbam attire together with the bulsa-fied panty para malaman ng mga customer na adventurous ka.

Doubting Thomas said...

Huwaw! penge naman!

Billycoy said...

kahla > walang chocolate, at mabuti rin yun baka may lead content pa

p0ytee > baka mawalan ako ng audience kapag pinagsabay ko yun.

cyberpunk > di ko na kailangan yun, kasi by money transfer or paypal naman ang mode of payment sa akin.

tannix > kasama daw talaga sa package yung katulong, bundled na daw kasi yun

doubting thomas > sige bigay ko sa iyo yung sholbam shirt.

yatot said...

huwaw may package... matagal na din nung huli kaming nakatanggap ng package...

baka naman sa salvation army galing iyang mga damit na iyan... hindi kaya?

Nash said...

nyuahaha coycoy hala cge ako ang maghahanap ng kliyente mo! haha yun nga lang syempre may komisyon ako..

david.edward said...

yeess! my uniform pa pag tumambay sa circle at timog.. hahaha.. try mo din sa quezon ave.. hhehehehe.. Rampa na! labasan na ng damit sa cabinet... hahahaha

Billycoy said...

yatot > oo, salvacion nga pangalan ng tiyahin ko.

nash > actually i can manage, bugaw ako dati bago ako ma-demote maging sholbam

david.edward > naku mukhang kakumpetisyon talaga kita sa pagshosholbam

ikay the dancer said...

hahaha... sholbam sholbam.. wag na. wala ng damit damit.. rampa na lng. :) kering keri mo naman yan.. hala.! :P