Thursday, September 20, 2007

So Sick

Kahapon ay sumabay ang aking katawan sa uso. In na in kasi kaya syempre hindi ako pwedeng magpahuli. Pwede ba naman hindi ako lagnatin iyon pa man din ang usong-uso ngayon. Ang hirap nga lang talagang magkasakit kasi pati panglasa ko apektado kaya hindi ko malasahan yung caviar at vodka na favorite ko.

Hindi rin tuloy ako nakapag-post sa sked ko. Nilunod kasi ng uhog ang utak ko at pati mga laman-loob ko ay nagkadikit-dikit na rin dahil sa tindi ng sipon ko. Kaya ang sakit ng ulo ko at nagdidikit na yata ang mga walls ng esophagus ko. Bakit nga ba ako nagkalagnat?

Theory # 1: Depression

Malaki kasi epekto ng takbo ng ating pag-iisip at damdamin sa ating health. Lalo't kung pessimistic or depressed madaling kapitan ng sakit. Nitong kamakailan kasi naging depressed ako kaya siguro nagkasakit ako. Paanong di ako made-depress, pinalayas na si Marimar sa Villa SantibaƱez at pinaglalayo na silang dalawa ni Sergio. Mas lalo akong na-depress nung paglipat ko sa kabilang istasyon at nakita ko ang pagmumukha ni Kokey. Labis-labis talaga akong nalungkot sa mga pangyayaring iyon kaya siguro nagkasakit ako.

Theory # 2: Superstition

Napakarami din kasing bumati sa akin the past days. So sa palagay ko nausog nila ako. Marami ang nagsabi sa aking lumalaki daw ako—nagiging macho—at ang gwapo ko raw lalo. Sa dami ng mga papuri ay di ko ito nakayanan kaya nag-overheat ang aking system at tumuloy sa fever at sipon. Of course, thankful pa rin ako sa mga pumuri sa aking kagwapuhan pero sa susunod siguro dapat ko ng padilaan ang talampakan ko para effective na di ako mausog.

Ang usog kasi ay overflow of compliments kaya nangyayari ito. So kung akong gwapo na at alam ko na iyon ay nauusog pa, ano pa kaya dun sa mga hindi 'blessed' kapag nabati? Baka ikamatay pa nila iyon.

Theory # 3: Virginity

Mas mahina raw ang immune system ng mga virgins. May mga studies kasi na ang frequent sex ay nakakatulong na ma-reduce ang risk ng sipon. Kaya naman siguro madalas akong sipunin dahil mahina nga ang aking immune system dahil sa kakulangan sa sex. Kailangan ko na palang ma-devirginated as soon as possible at gawing regular yun.

Mabuti na lang gumaling na kagad ako at hindi na ito nagtagal pa. Sa panahon ng krisis kasi bawal magkasakit lalo't kailangan pang magbenta ng katawan. Salamat sa Neozep at Bioflu at magaling na ako. Nagpapasalamat din ako sa mga taong nag-straw ng aking mga uhog sa aking ulo.

20 comments:

prinsipe dilan said...

hainaku billycoy. ala ka talagang KUPAS!

yatot said...

kaya naman pala walang entry kahapon... kasi absent sa work...

kadire ka, nanonood ka ng marimar! aaaaw! yuck... low class kaya yung palabas na iyon! ung kokey wala ka ng magagawa dun kasi mukhang tubol naman na talaga ung looks nya... pero nanonood ako ng kokey!

ako nga din may sipon.. super kapit sa ilong at lalamunan... feeling ko nga manipis na yung wall ng inside of my nostrils kasi kakasinga!

tere said...

marimar! aww!!

astig ka talaga!!!!

salamat sa pagdaan!

Billycoy said...

yatot > actually kaya nga ako nagkasakit kasi napasilip ako sa mga teledrama.

Batang Yagit said...

kaya ba masakitin rin ang mga babies kasi virgin pa sila? eh ang mga bata rin? hmmm...(*.*)

mr_d said...

1. oist wala namang ganyanan. alang alang kay richard gomez suportahan niyo yung marimar. tingnan niyo ngang kahit ang role pa ay tatay ni dingdongdang pinapatulan... ganon na lang ang effort niya.

2. kung makakaiwas ka sa sipon dahil sa sex, maari mo bang ituring na healthworkers ang mga prostitute dahil sa kanilang effort na pugsain ang sipon sa ating lipunan?

yuriki.kun said...

"Mas mahina raw ang immune system ng mga virgins."

-seryoso? hahah edi ok.

natuwa ako sa icon mo kaya napadpad ako. dumadapo lang.

andianka said...

kokey is poop! LOL! i love saying that. wahahhahah! nilagnat.. buti nga! ilabas na kasi yang namumuong init ng katawan. sabagay, wala ka talaga choice. mag pa-devirginated (wtf!) ka na nga... now na! ROFL! hay naku.. kakahawa ka! Achooo!

Billycoy said...

batang yagit > ganun nga yata yun, kaya isa sa criteria ng paghahanap ng babaeng virgin ay yung mga sakitin

mr_d > dapat naman talaga, kasi nagsisilbi rin silang warmer sa malalamig na gabi

xienahgirl said...

malaking parte yung superstition at virginity. it explains everything sabuhay mo. it affects us too. wahahaha.

sherma said...

kalokohan yung sa virginity. malakas ang resistensya ko... :D

waaaa!!! nanonood ng Marimar! Nalulungkot nga ako kasi magwawakas na ngayon ang Impostora, eh... :D

pagaling ka!

jojitah said...

nakakadepress naman talaga ang mukha ni kokey. korekorekorekorekok??

yeye said...

haynaku sayo ata ako nahawa eh. hmmmpf

Virginia said...

get well soon! nasira tuloy yung record mo ng posts...

bryant said...

haha. andaming theories!

Dan Hellbound said...

I don't watch Marimar, bro, but I can say she's smokin' hot. :P

So, kaya pala nagkakasipon ako palagi. Uber-virgin rin ako eh. Wahahaha.

Dos Ocampo said...

Have sex to avoid colds? NYEKS!!! MAGANDANG IDEYA!!!

Mga mister, sabihin kay misis, "Hon, uso sipon ngayon... Let's make love para di tayo mahawa!!!"

utakGAGO said...

BAT SAKITIN AKO! so that means.. that means, I am so virgin.

*bow*

grabe tong blog na to, ang discrimination sa mga virgin at hinde - talamak na talamak! HAHAHA. lol

Billycoy said...

xienahgirl > marami na pala talagang apektado ng virginity ko

dan hellbound > kailangan na nga yata natin magpalakas ng immune system

utakgago > kahit may discrimination, may balanse pa rin naman.

TanniX said...

Aba, talagang usong-uso ang sakit sa paligid. Kakagaling ko lang sa sipon, sinisipon nanaman ako. Nakakaasar.

Talaga nga namang iba ang aura ni Kokey at nakakapagdulot ng karamdaman.

Kaya patibayin mo na ang resistensya mo Billycoy! Popoy away!