Ilang beses ko na ring napakilala sa inyo ang best friend kong nasa US na si Em-em. Currently nagwowork na siya doon. Pero malamang nagtataka kayo kung saan niya nakuha ang kanyang superpowers at kung anu-ano pang kaartehan. Very biological at genetics lang naman kasi yun, buong angkan yata nila may kakaibang taglay na kapangyarihan. Kaya naman ipapakilala ko sa inyo ang kanyang pamilya, ang pamilya Malabanan.
Em-em (aka Metroman) Malabanan
Powers: Uber strength. Uber Speed at kung anu-ano pang ka-uberan. Flight. Heat and x-ray vision. Fashion critique. Social hiker. Have a highly developed konyo language.
Status: Bunso sa magkakapatid na Malabanan. Nasa US upang makipagsapalaran sa mga Super Villains gaya ni Bush at Anna Wintour. Ang bagong Pinoy member ng JLA. Insecure kay Superman. Crush na crush naman ni Wonder Woman kaso ayaw niya naman dito. Hindi nagsusuot ng tights at spandex dahil against ito sa kanyang fashion sense. Madalas makipag-away din sa ibang members ng JLA. Siya rin ang dakilang pasaway sa office ng JLA. Kamakailan napasok sa eskandalo na kabilang si Enerva.
Gretta Malabanan
Powers: Uber daldal. Uber Ingay. Uber Palengkera. Uber hearing powers. Uber chismosa.
Status: Pangalawa sa magkakapatid na Malabanan. Kasalukuyang tindera sa palengke ng Nepa-Q Market. Sumasideline at sume-segue bilang Barker sa Quiapo at Baclaran. Madalas mapaaway dahil sa mga kinakalat na tsismis. Siya'y nag-aapply bilang gossip writer sa isang sikat na magazine, pero ok na rin daw sa kanya sa mga tabloids.
Onok Malabanan
Powers: Unknown or none
Status: Ang panganay sa magkakapatid. Umalis ng kanilang tahanan upang hanapin ang nawawalang ama. Napabalitang nagpunta ng Tibet upang magtanong sa Dalai Lama. Napadaan din daw sa Vatican para maghanap ng madreng madedevirginize. Mahilig sa kwek-kwek at nagpapalaman ng bagoong sa pandesal.
Mr. Malabanan
Powers: Unknown or none
Status: Ang padre de pamilya at haligi ng tahanan ng pamilya Malabanan. Sinasabing pumanaw na habang nagsasagawa ng research sa Himalayas. Tinutulan ng kanyang anak na si Onok ang balitang patay na nga si Mr. Malabanan kung kaya't hinanap niya ito sa iba't ibang panig ng mundo. Pero sabi sa mga tsismis ay buhay pa nga raw itong si Mr. Malabanan ngunit nag-ibang anyo na... babae na raw siya!?
Mariang Malabanan
Powers: Unlimited Multiple Orgasm. Eternal Youth and Beauty. Extremely Talented MILF¹.
Status: Anak ng kilalang bodabil² pornstar. Ang ilaw ng tahanan sa pamilya Malabanan. Hiwalay na kay Mr. Malabanan. Pumunta na rin ng US dahil napetisyon ng anak na si Em-em. Maligaya sa US dahil nae-experience niya raw ang iba't ibang sizes, mge estilo at posisyon doon. Yun nga lang daw, sumusuko ang mga nagiging lalaki niya dahil may quota siya na 50 rounds a day.
Billycoy Dacuycuy
Powers: Uber Gwapo. Uber Sex Appeal. Kumakapit sa pader gamit ang nguso. Nagkakaroon ng matitigas na scales kapag nababasa. Kumakain ng lumot.
Status: Kinakapatid at best friend ni Em-em. Dakilang fan ng pamilya Malabanan. Nakagat ng isang radioactive janitor fish na si Pokky kaya nagkaroon ng kakaibang taglay na powers. Kinikilalang USB at VSB. Masarap at malinamnam. Dakilang Bad Influence.
Hayan nakilala niyo na ang pamilya Malabanan at ilang tao sa paligid nila - ako lang yata yun. Masyadong kakaiba ang mga taong ito kaya naman naging fan na ako ng istorya ng kanilang pamilya. Marami pang pwedeng mangyari sa kanilang pamilya kaya naman umaantabay ako sa kanila.
Fan nga lang ba ako ng kanilang pamilya o sadyang usisero lang ako?
¹MILF - Hot Momma!
²Bodabil - variety show noong di pa masyado at wala pang TV
Wednesday, April 18, 2007
One Strange Family
Posted by Billycoy at 4/18/2007 09:24:00 AM
Labels: Bayanihan, Kabaliw-Balita, Karir
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
20 comments:
actually hindi uzi... bawang... bawang ang dapat na tawag sa iyo... kasi lagi kang nakasahog! bwahahahha... pamilyar ang pamilyang ito sa akin... dati ba sila sa siphoning business? bwahahhaha
kamusta naman si onok? kumakain ng bagoong bilang palaman sa tinapay!? baka may special power/s din sya. naisip ko, sa kinakain nya, di ba sya nagkakaroon ng matitigas na kaliskis kapag naaarawan? hahaha.
Powers: Unlimited Multiple Orgasm. Eternal Youth and Beauty.
I'd kill just to have those. Kind of like Heroes' resident villain, Sylar! LOL!
HAHA!
Parang Heroes nga. LOL. Sigurado, may powers si Mr. Malabanan at si Onok. C'mon, si Em-Em nga at si Gretta may powers.. si Onok pa kaya?
May theory na ganyan sa Heroes. If both parents are Heroes, most likely their offspring will become a Hero as well. Now, if Gretta and Em-Em are heroes, edi.. malamang, Hero din si Mr. Malabanan.
Kung Hero si Mr. Malabanan, hero din si Onok.
O diba? Talagang may theory chuvaness pa akong nalalaman. Haha!
eh bakit dun sa Sky High ng
disney, may genetic percentage na pwedeng magresult na mwalan ng power ang anak ng parehong super hero. waheheh! at talagang ginagawan ng theory and unknown or none.
ang dami namang nakapalibot na usisero... ang dami mo billycoy! hahaha!
di ko alam na kumakapit ka pala sa pader gamit ang nguso. hahah. saya siguro nun. :P
yatot > sahog ka diyan, i'm the main dish!
aaron james > naku di ko lang alam, kung nakakamutate ang bagoong, gagawin ko na rin yun
talamasca > sana nga ako rin meron ding unlimited multiple orgasm... parang unlimited nirvana yun
jhed > aba ayos sa theory ah... ikaw rin kasama sa Heroes, namumula kapag nakakainom... saan mo kaya pwedeng magamit yun?
andianka > nabasa kasi ako kaya hayan dumami ako
marchie > hindi rin masaya, mukha akong tanga!
main dish bawang... ewww... hoy gremlin, nangugulo lang ako sa comment board mo. at ganda ganda ng bagong profile pic... ahhaha!
sabi mo kay anka, nabasa ka, kaya ka dumami?! hala! :o
anu yun? gremlin? muahaha!!!
kumakain ng lumot?
kakaibang pamilya talaga! ikumusta mo na din ako kay em-em! haha!
@Andianka - Nu ka ba.. so yesterday na ang Sky High! LOL. Heroes na ngayon. Tsaka nagka-powers rin naman yung anak nung dalawang hero ah. :P
@Billycoy - Nakakapag-camouflage ako sa mga pulang bagay. :P
Ayun, HEROES mode na talaga! Lol.
Di ba parang powers na rin yung pagkain ng tinapay na pinalamanan ng bagoong?! Bihira lang ang may kaya nun!
lupit ng blog mo.. pwede mo na isama blogging powers sa'yo =)
parang kinawawa mo naman si mr. malabanan... parang napasama lang, ah... hehehe...
yung ilang taong nasa paligid... parang ikaw lang ang nakapaligid sa pamilyang ito... hahaha!
mats > di pa naman ako gremlin... may pagka-gremlins pa lang!
jhed > di ka ba nagpoproduce ng red dye mula sa iyong balat, baka kasi pwede ka na ring gawing pintura
tea > oo nga ano, pero siguro di pa full bloom ang powers
the philosophical bastard > oo nga, parang mas madalas pa akong magblog kaysa magtrabaho
sherma > actually, dati ako nga lang yata, pero nung naisulat ko na ito, dumami na ang nasa paligid nila.
Kailangan kong ma-meet ang pamilyang ito, lalo na si Maria.
mike > practice ka na! 50 rounds ang minimum per day niya.
@jhed: cenxa na 'ho, di maluma luma ang disney kung puro bata kasama mo sa bahay! nyahahha!
@billycoy: nanggugulo parin sa iyong comment board. wahehehe! anong may pagkagremlin? eh ang tagal mo na yang minemention ah! na gremlin ka... asus!
bakit kaya
hindi ako
at apo mo
ang kasama dito?
hmmm.
baby > kailangan ko kasing pangalagaan ang mga pagkakilanlan niyo
haha.. pwede ba ako makasama mo sa bahay ninyo.. papasayahin kita.. ;) haha..
Post a Comment