Friday, April 20, 2007

Home Alone

Mahirap pala talaga ang maging mag-isa sa buhay. Paano ba naman mag-isa ako ngayon sa bahay ngayon at apat araw akong makukulong mag-isa sa loob ng bahay. Tanging si Olympus, ang aming minpin, lang ang makakausap ko. Sana nga naman nagsasalita siya para di naman ako mukhang baliw na nakikipag-usap sa kanya. Pwede naman akong lumabas ng bahay, yun nga lang kasi masyadong metikuloso ang security ng aming tahanan. Merong fingerprint scan, eye scan, blood test, voice recognition, password encoding, desanitation, interview at secret handshake bago makapasok ng bahay. Aabutin lang naman ng 12 hours sa security lock ng aming bahay.

Feeling ko nasa bahay ako ni Big Brother ngayon. Yun nga lang walang nakapalibot na cam dito, pwera lang sa webcam kung sakaling maisipang kong mag-'show'. Buti na nga lang nagagamit ko pa naman ang mga TV, PC at nakakapagpatugtug pa ako ng ubod ng lakas sa aming component. Kaya nga heto nagdidisco ako mag-isa dito sa aming house. Talagang hataw, giling, headbang at nagmoshpit sa mga unan habang pumuputok na ang mga eardrums sa lakas ng mga tugtug. Pumasok na nga rin sa isip ko na maglakad-lakad sa buong kabahayan in the nude habang kumakanta ng "Ting-a-ling-a-ling-ding-dong!"

Heto pa man din dapat ang panahon na masarap... este masayang kasama ang juwawhoopers. Yung talagang bonding time sa lahat ng parte ng bahay, sa salas, sa dining table, sa kusina at habang nagpapagulong-gulong sa ilalim ng kumot at mga unan. Kaso wala talaga, tanging unan lang mga kayakap ko. Hindi ko naman pwedeng patulan ang aso naman, dahil una sa lahat lalaki yun, kung babae sana siya baka maisipan ko na rin.

Pero dahil nga mag-isa ako nakapag-meditate at nakapag-recollection din ako. At sa aking pagninilay-nilay at pag-iisa marami akong natutunan.

  • Marunong pala akong maglaba. Salamat sa Surf Gold at napapabilis ang aking paglalaba. Pwede na talaga akong maging sex slave ng aking magiging Sizzling Hot Sadist Beauty Queen Girlfriend.
  • Hindi pa pala ako marunong magluto ng adobo, muntikan na siyang maging kilawing manok sa asim.
  • Hindi naman pala nakakalason ang panis na laway, mabaho lang talaga.
  • Mainam naman pala talaga sa halaman ang kausapin ito, yun nga lang nagmumukha akong tanga kapag ginagawa ko yun.
  • Ubod ng init ng panahon and I'm getting hotter and hotter.
  • Madalas ang pagiging mahalay kapag mag-isa.
  • Hindi ko kakayanin maging malibog sa loob ng apat na araw. Baka dugo na ang lumabas sa akin kung magpapadala ako sa mga temptations ng porn at internet.
  • Higit sa lahat, ang gwapo ko pa rin kahit ako lang mag-isa sa bahay.
Kakailanganin ko ang inyong suporta. May ilang araw pa ako dito sa bahay, kayanin ko pa kaya? Mag-abstinence kaya ako sa mga mahahalay at maruming pag-iisip, kayanin ko kaya yun? Magiging banal pagkatapos ng apat na araw na pag-iisa? Ano ang masarap na sawsawan ng squidball, sweet and spicy sauce o choco hot fudge?

39 comments:

yatot said...

oi oi oi... mag-isa ka lang pala sa inyong bahay huh? gawin na ang dapat gawin! pumopoy na este paypay pala dahil mainit ang panahon...

madali lang ang pagluluto ng adobo! manood k ng PBB2 baka sakaling ituro ni Bruce sa mga slovenian housemates ang pagluluto nun! bwehehehe...

para ka sigurong pringles... once you "POP" you can't stop! yun nga lang baka sa bandang huli ay dugo na ang lumabaas sa iyo kung ano man iyang dapat lumabas sa iyo! hahaha

may pinadala ako sa gmail mo na link... bagay sa iyo yun! hahahah

Billycoy said...

yatot > naku tama ka dyan, baka nga dugo na lumabas, kaya nga kontrol at abstinence muna sa mahalay na kaisipan. ililigo ko lang siguro ito... kung ligo nga lang gagawin ko.

liz said...

mukang ayos and choco hut fudge, susubukan ko iyon minsan promise. andito ako at sumusuporta sa iyo, billycoy. punta ka na lang sa blog ko tapos dun ka manggulo para masaya hindi ba? ^_^

speed dater said...

hmm.i am not certain if too much whacking off will make your patotoy bleed.

but too much of THAT will make your:
1.head hurt if nothing comes out anymore
2.you'll get muscular pains most especially in the hands, arms and abdominal area
3.and due to heat, you'll probably faint and you might never know when you will wake up.
just wish that you are wide awake by the time your parents come home.
coz if not, i can imagine that it's not gonna be a good sight. hehe...

Billycoy said...

liz > sige, kwento mo sa amin kung ano lasa. salamat sa pagsuporta, magpyramid ka para dagdag din sa moral boost ko

speed dater > what? sagwa nga naman nun, imagine macomatose because of too much whacking off. baka maheadline ako sa mga balita dahil dun... hmm, pwede kong gamitin yun para sumikat ako!

andianka said...

nakow...pagkakitaan ba ang sight na yun? waaaaah! ang saya siguro ng balita nun, Combatron comatosed sa sobrang sarap (kung sarap nga ba) dahil naiwang magisa sa bahay nila...

gawa ka na lang ng video clip mo. masaya yun! lahat ng ginawa mo sa apat na araw na confinement. pero kung ako sayo, gimik na!!!!! :D

Billycoy said...

andianka > hindi nga rin ako makalabas sa pamamahay ko, mahigpit ang security system sa bahay namin. magpapacomatose na lang ako, baka kumita pa ako!

speed dater said...

here's an idea.
for sure there are a lot of twisted minds out there who wants to see men whack off on the net.
why not advertise for a "whack off marathon".
baka nga kumita ka.
and let's see if you'll get comatose.
and if that happens,
sisikat ka nga.
oh my, we are taking this far...

Billycoy said...

speed dater > naku, di pa ako ready magshow!!! ok na sa aking malagay lang sa tabloid! baka kasi maging curse pa ang liveshow kong yun!

Loverboy said...

hm, naku. shit, ibig sabihin pag babae nga yung aso niyo titirahin mo rin? mahirap pala mag-isa. hehe.

libangin mo ang sarili mo. at si junior na rin. barhop kayo ahihi.

sawsawan ng squidball? barbecue sauce na lang.

potpot said...

buti ka pa marunong maglaba.. ako pinanganak ata akong retarded.. mula noon hanggang ngaun. 17 years old na ko.. wala padin. hahaha. hindi talaga ko pwede mag asawa

init no?? parang hell...

mats said...

anak ng teteng na tahanan naman yan! muahaha!

mahirap talaga mapag-isa at tanging olympus lang ang makakasama mo... wag ka mag-alala, kakausapin kita! ;)

muahaha!

Fire Eye'd Boy said...

alalay sa zoophilia, napanod ko sa net geo kanina, may mga hayop na nangangain ng mates nila after sex. yikes

ninong said...

kailangan mo talaga magpigil at baka mamaga ang mga ugat mo... haha...

di ako expert sa mga sawsawan pero sweet and spicy na lang.

Billycoy said...

loverboy > sobrang hirap talagang maging mag-isa kung anu-ano papasok na pwede mong gawin

potpot > ok lang yun, 17 ka pa lang naman, baka kasi kapag natuto ka ng maglaba, mag-asawa ka na rin

mats > sige usap tayo. marunong ka bang kumahol?

fire eye'd boy > naku dapat palang mag-ingat ako, baka masarapan sila sa akin, simutin pa ako ng husto.

ninong > baka nga pumutok ugat ko kapag nagpigil ako

Super xienaH said...

ako laging magisa.
punta ka sa bahay.
wahaha.
:)
sanay na ako magisa.
malungkot na masaya na mahalay.
:)

magunli ka kaya tapos itext mo ako?
wahaha.
suggestion lang naman.
:)

sherma said...

Hindi ko naman pwedeng patulan ang aso naman, dahil una sa lahat lalaki yun, kung babae sana siya baka maisipan ko na rin.

oh my gosh! super desperado?! hahaha! pag ako naiiwan ng mag-isa sa bahay, natutulog lang ako... pero hindi pa naman ako naiiwan ng ganyang katagal...

maglaba ka na lang... lahat ng damit mo! maski malinis, labhan mo... maski suot mo, labhan mo na rin... tapos bahala kang maglibot sa bahay mo na walang damit... wag ka nga lang masyadong lalapit sa aso nyo... mahirap na... hahaha!

GeeXie said...

aw, mag-isa ka lang jan? sana anjan ako! hahaha...

anyway, sumusuporta din ako sau... goodluck sa ilan pang mga araw na anjan ka lang sa house mo... hehe... tc!

mats said...

kumahol? muahaha! kahol ka muna ;)

L.A said...

Naku sabi ko na nga ba hindi karin talaga inosente!!! "Madalas ang pagiging mahalay kapag mag-isa."

I tot ur malinis, ur not na pala...Mahalay ka! Hahaha! Nakakainis kayo hindi nyo ako sinama sa Iblog 3 nyahaha ok lng naki-party na lang ako kay Ederlyn my picture pa ako nila haha!!

http://lordartworks.com

Billycoy said...

super x > oo nga, dapat nga yata mag-unli na rin ako at magtext tayo maghapon hanggang magdamag. ano ba sakayan papunta sa inyo?

sherma > masayang maglaba, bagay sa panahong mainit... so far wala pang nangyayari sa amin ng aso ko

geexie > ok lang bang makita mo kong naka-burles?

mats > rawrr!!!

l.a. > malinis pa rin ako... lalo na mga damit na nilabhan ko

Darwin said...

Masaya maging home alone, pwede mong gawin lahat ng gusto mo. Kung may oras ka pang natira. Hehe

Ingat lang sa mga magnanakaw, baka may magtangkang pumasok dyan galingan mo nlang ang pagbugaw.

GeeXie said...

ok na ok! basta ikaw! hahahaha....

andianka said...

tinatawagan po lahat ng mga akyat bahay jan.. kasalukuyan pong nag-iisa si billycoy sa kanilang bahay. mag-ingat po lamang dahil may aso syang kasama.

nyahahahha!

mats said...

rawrrrr!!!

muahaha! magkakahulan na lang ba tayo? ;)

the philosphical bastard said...

totoong nagiging mahalay ang tao pag magisa. suggestion, mag-aral ka mag-bake. astig din daw yun lalo na pag nakaka-gawa ka ng mga kung cakes at pastries na may anu-anong pangalan. pwede mo ring pakinabangan pagna-master mo na (o di ba entrepreneur), at higit sa lahat magugustuhan yun ni Sizzling Hot Sadist Beauty Queen Girlfriend habang...

Billycoy said...

darwin > gaya ng nasabi ko, mahigpit ang security ng bahay namin, actually may landmines nga kami sa paligid!

andianka > basta make sure na hindi sila sizzling hot girlfriend material na magnanakaw dahil baka sila nakawan ko ng halik at puri

mats > woof woof hubba hubba slurp slurp

philosophical bastard > bake? wala kaming oven... saka ang gastos sa kuryente or gas nun kung sakali, lagot ako sa parents ko kapag dumating sila, matikman pa nila mga uling na gawa ko

tin said...

isa lang ang msasabi ko masarap ang squidball kung walang sauce.

utakGAGO said...

ay grabe.

:) talagang lalabasan ng dugo. tss.

haha, yun lang. dami mo nang comments eh! wahahha, lahaht na nasabi nila.

teka, maasim ba adobo nyo? samin maalat eh. pinipirito pa kasi namin yun ulit sa bawang, tapos soy sauce, tas bawang ulit.

mas masarap diba.

:)

Billycoy said...

tin > lagi din akong nakain ng squidball na walang sauce noon, pero masarap din daw isawsaw sa strawberry jam ang squidball and the likes.

utakgago > oo maasim nung una, mabuti na lang nasolusyunan naman namin yung asim... ginawa na lang naming burong manok!

Billycoy said...

teka, bakit walang nag-react dun sa huli kong realization na gwapo pa rin ako kahiot mag-isa?

mats said...

sa tindi ng init napaSlurp slurp kna! sa gabi mag ALAK ka! mas ayos!

gwapo ka pa rin kahit nag-iisa? eh paano wala ka ng ibang kasama at wala ng ibang gagwapo pa sa iyo! muahaha! wala kang kakompitensya eh!

Billycoy said...

mats > mas lalong lumilitaw kagwapuhan ko kapag may kasama ako.

Arlo said...

Gwapo si Billycoy! Yay! Gwapo si Billycoy! Yay! Gwa.. *nasamid*

mats said...

aba! ganun ba? mamaya may kasama ka na... dama ko! muahaha!

joy said...

Hindi pa pala ako marunong magluto ng adobo, muntikan na siyang maging kilawing manok sa asim. -> ako, wala akong ibang alam lutuin kundi... instant noodles na minicrowave.. bwahaha...

yatot said...

kumusta naman ang forum dito? bwehehehe...

Billycoy said...

arlo > nakakasamid pala ang kagwapuhan ko!

mats > mamaya meron na talaga, darating na pinsan ko... goodbye chores!!!

joy > hala, instant na nga microwave pa... anyway di ka pa naman mag-aasawa, kapag nag-asawa ka na saka ka na mag-aral magluto

yatot > wow ang saya ng forum!!!

Virginia said...

masarap mag-isa sa bahay no, kitams kung anu-ano nagagawa mo ng malaya, at naiisip na rin..