Sunday, April 29, 2007

Liquors on Eyeballs

Naparusahan ko na naman ang aking kanang kamay nitong Sabado ng umaga. Umuwi ba naman ng sheng-sheng ng bahay. At nalaman ko na naman kung anong kalokohan at kasiraan ang ginawa niya, kung kaya’t ako ay degraded at demoralized na naman. Kaya ngayon, gine-grate ko ang mga palad at talampakan niya parusa sa mga ginawa niya.

Nagkaroon daw kasi ng blogger’s inuman session nitong nagdaang Friday night sa Dencio’s Metrowalk sa Ortigas. Dumalo sa nasabing inuman session sina Rens, Kevin, Jhed, Aaron, Joe, LA, Chris, Ate Apple, Doc Tess, Jay-jay, Darwin, Jeff, Pierre at ang mastermind ng supposed-to-be-sex-orgy-turned-inuman-session na si Shari. Going Dutch – kaya pala naghahanap ng Dutchmaid costume ang alipin ko - or KKB ang plano sa inuman, pero since mababait naman at galante ang mga matured bloggers kaya nagging sponsor na lang sila.

Nagkita-kita ang mga bloggers sa YooHoo bago tumuloy sa Dencio’s noong nakumpleto na. Nakakapanghinayang kasi walang naganap na sex orgy. Pero sa pagkakaalam ko meron dapat magshoshowdown dun na mala-Beyoncé vs. Shakira sa paggiling. Hindi rin daw naganap ang pagseduce at pagsayaw ni Shari ng Toxic ni Britney Spears sa ibabaw ng lamesa sa YooHoo. Ang kanang kamay ko naman nagbalak din daw magshow, kaso hindi niya na lang ginawa baka kasi magkaroon ng mass killing at makagawa pa ng trahedya sa masayang gabi sa Metrowalk.

Masaya ang naganap na inuman session sa Metrowalk. Pinag-usapan ang mga hot na hot na topic sa panahon ngayon; Sex at Politics. Sinusundutan rin ng mga topics tungkol sa medicine at ng braided umbilical cord na pinaiikot-ikot pa at ginawang fashion statement, tight-leathered outfits at BDSM. Maya-maya lang babalik na naman sa topic na sex. Hindi ko nga rin alam kung bakit pabalik-balik sa sex, gawa siguro ng pagtitipon ng mga sexually inclined na tao sa blogosphere na sina Shari, L.A. at ng aking alagad. Buti na nga lang dumating si Pierre at nandun si Jeff para kahit papaano napupunta sa politics ang usapan. Kung wala siguro sila, baka natuloy at nagkaroon ng malawakang sex party sa Dencio’s at sa buong Metrowalk.

Masayang natapos ang gabi… este umaga na pala. Wala namang nasheng-sheng ng sobra-sobra, tama lang. Pero talaga namang nag-wet at nag-water water sila sa mga nangyari nang gabing/umagang iyon. Kung nasheng-sheng siguro sila ng husto, baka dumiretso na sila sa Sogo o kaya umupa na ng kwarto sa Shangri-La para ituloy ang plano ng orgy. Kaso kulang pa talaga ang alcohol. Maraming nangyari, lalo na noong madaling araw. Wala nga lang torohang naganap sa lamesa ng YooHoo. Safe namang nakauwi lahat ng bloggers, so far wala naman daw na-molestiya ng kapwa bloggers at virgin pa ring umuwi ang aking alagad.

Kaya sa mga bloggers na dumalo ng Inuman Session na ito, a bitchslap to you all!

At sa mga di nakadalo… ma-dead kayo sa envy!

Sex party na raw ang susunod kaya naman i-prepare niyo na ang inyong mga BDSM costume.

Trackbacks get on the floor, trackbacks I want some more... and more stories:

29 comments:

sephthedreamer said...

kawawa naman yung alagad mo billycoy nilibre pa naman nya ko ng pamasahe nyahaha.

ano ibig sabihin ng BDSM!?

Jhed said...

Hay nako. Walang ginawa ang alagad mo kundi makipag-usap tungkol sa sex. Haha!

Andaming minors dun e. Tsk tsk.

utakGAGO said...

"Trackbacks get on the floor, trackbacks I want some more..."

Nice! Natawa ako dun ha. :))

Anyway. Buti naman at wala pang nagkakalat ng mga pangyayaring.. hmm. Nung madaling araw. Walang lalabas ha! Taena nyo!

:)) Daan!

Billycoy said...

joe > dapat lang sa alagad ko yun, masyado na akong sira sa kanya

jhed > nakakainis na talaga ang alagad ko, binababa niya ang aking morality

utakgago > baka nga napakanta ka pa... mga unbloggables ba?! actually yung akin, i-blog man o hindi wala namang mangyayari sa akin.

Heneroso said...

Konting kadyot nalang mapapaamin ko na tong si billycoy eh... grr

Billycoy said...

heneroso > utut... di mo ako mapapaamin... unless for a price

Dhea said...

need sum help.

mats said...

hmmmm... bakit di ako nakaJoin jan! HAHA!!!

cars said...

cool! ang saya! haha.
ano kaya itsura ng alagad ni billycoy? haha.

L.A said...

Ok sana hindi na dumating sina Jeff at Pierre para puro pala SEX100x ang nangyari at baka may nangyari pang-ORGY!!!! Nyahaha!

Sheet si Kevin masyadong defensive oh...bakit ba masama bang malaman nila na *tooooooooooooooooooot* ka? Ha? :)

Inosente nga ako that night eh...bakit parang center of sexness parin ako am being diiskreet na nga eh...Leche sayang ang acting ko!! HUHUHU

Billycoy said...

dhea > what help? wag lang sanang financial

mats > oo nga, para madagdagan naman ang girls para kung may sex orgy, fair lang.

cars > actually, nagkakalat na ang alagad ko sa internet.

l.a. > sinira yata ng alagad ko ang reputasyon mo... may natira pa ba sa iyo?

Darwin said...

Ngayon alam ko na kung bakit madalas mong parusahan yung alagad mo. Napakahalay pala niya. HIhihi

blueengreen said...
This comment has been removed by the author.
Billycoy said...

darwin > nasisira na nga image ko sa kanya, knowing may mga minor pa dun

blueengreen > baka amoy paa ka na rin... magagamit ka pa man din, pwede kang gawing buro

Talamasca said...

Who needs booze and orgy when I got myself some vibrating dildo lovin??? Oops I'm fucking busted! K bai. *skedaddles and explodes*

Micaela said...

Try ko nga ulit hehe

Next time naman sama naman kami.. bago ako bumalik sa aming probinsya hehehe


http://micamyx.i.ph

Jhed said...

Uy, i-trackback mo ako!

Billycoy said...

talamasca > woah! that's far more explosive than ours.

micaela > asan ba kasi kayo? tsk.

jhed > smack that! meron na

Mike said...

Ok fine. Sobrang saya ng happening. Fine.

Kasi naman, walang nag-invite sakin, no. Madali lang naman ako kausap. Tingnan mo, sex orgy. Eh di sana nandun nako the night before pa. Tsk.

Fine.

mats said...

ABA-BA-BA!!! ayos sa kin yan! sama naman ako next time... ;) at baka may orgy pa kamo? huwaw! HAHA! astigin kayo ah, meron pa talagang ganun!?
kaWindang yun! masaya! HAHA!

L.A said...

Oo meron pa namang natira sakin buti na lng tinago ko pa yung iba. Gusto mo bigyan pa kita ng reputasyon? Mukhang nawalan ka din dahil sa alipin mo eh Nyhaha!

Prudence said...

Hindi ako na naniniwala na virgin pa ang ibang tao sa inuman session natin hehehe. Sayang talaga I have to leave early :-( We should have played the game earlier. Dapat may round 2!

Billycoy said...

mike > inggit ka ano? belat belat, busy ka kasi that time

mats > sex party na nga raw kasunod nito

l.a. > baka kapag may kinaloob ka sa aking reputasyon mo may kapalit pa rin

prudence > ang hirap namang maging delicious, wala tuloy naniniwalang virgin pa ako

mats said...

huwaat?! :o sex party na?!
ayos yun ah! pano bang mangyayari dun?
HAHAHA!

Shari said...

Wala na, sirang-sira na ang reputasyon mo. Syet, di na ba yun sira sa una pa lang? Hehe.

Sabi na nga ba bitin ang lahat eh! Haha!

L.A said...

Naman! Ibigay ko na lahat lahat Nyahaha walang kapalit...may libre pang tootpaste :>

andianka said...

naks! inggitan blues nanaman sa blogosphere! ang dadaya nyo! (as if naman may magagawa ko eh ang layo ko!!!!!waaaaah!)

ApplesH said...

Anoooo?!?!? Sabi ni Tess may virgin pa sa mga naginuman na bloggers??? Sino? Umalis ako ng maaga so malamang di ako yung virgin na sinasabi nya. Hahahahaha. :)

Billycoy said...

mats > maraming pwedeng mangyari, harharhar

shari > wala ng natitira sa akin... virginity na lang

l.a. > kung ibibigay mo lahat, wala ng matitira sa iyo!

andianka > belatt!

applesh > meron! sobrang meron, sino nga ba yun? ay ako pala yun!