Monday, April 23, 2007

It's You I Crave

Nitong ilang araw kong pag-iisa, napagtanto ko na kailangan ko na talaga ng katuwang at kasama sa buhay. Hindi pa naman asawa kasi napakabata ko pa para doon, saka paano na lang na yung mga babae, halimaw at bumbay na naghahabol sa akin. Kailangang mapagbigyan sila, pwera lang yung bumbay at halimaw.

Ilang beses ko na rin nababanggit dito na naghahanap ako ng magiging juwawhoopers, kaso hindi ko pa naman pala nababanggit ang tipo ko ng girl. Yung dati kasi para sa virginity ko lang, yung female rapist, this time yung mamahalin ko na talaga. Ano nga ba ang standards ko para dun sa aking Sizzling Hot Beauty Queen Sadist girlfriend? Though, yung hinahanap ko namang standards ng isang babaeng aking mamahalin ay napaka-ideal at kung nag-eexist man siya, diyosa na yata yun. Sino ba ang hindi magkakagusto sa isang diyosa? Baka nga pati mga babae maging tibo kapag nakakita ng diyosa. Ano nga ba ang aking standards para sa aking ideal girl?

Obviously babaeng tao ang hanap ko
Age range from 18 to 25 years old (di pwedeng younger than 18 or minor baka kasi mapagkamalan pa akong pedophile, kaya kung meron mang nagkakagusto sa akin dyan na minor, reto ko na lang kayo sa magiging anak ko)
Single dapat kung taken naman dapat gawing querido niyo na lang ang current juwawhoopers niyo.
5'6" above ang height. Sige, 5'4" na nga lang para marami-rami ang qualified, di na ako payag below dun kasi baka mag-apply na sina Mahal at PGMA sa akin.
Dapat pasado sa mataas kong aesthetic taste.
Maliit ang beywang, gusto girls na may maliit na waistline, pero kung napuputol at humihiwalay kapag gabi, pwede na rin.
Hindi buto't balat lumilipad, di kasi ako marunong kumain ng bulalo.
Hindi rin mataba, mataas ang trans fat nun, unhealthy baka magkahighblood ako at tumaas cholesterol ko.
Yung tamang taba at laman lang, juicy ang hanap ko. Konting sundot lang kakatas na ang juice niya, hindi yung dry.
Medium rare para malambot-lambot pa, pag rare kasi lasang hilaw at medyo malansa pa, kung Well Done naman, masyado naman na yatang bihasa yun.
Masarap kapag mainit, lalo na kung sizzling.
Masarap din kapag may katernong mga side dishes.
Perfect din sa red wine.

Iyan ang requirements ko sa ideal girl ko. Malasang-malasa at masarap na masarap talaga. Nakapanglalaway at nakakapang-init talaga. Pero teka, girlfriend ba talaga hanap ko o pagkain? Nagugutom lang yata ako.

42 comments:

yatot said...

kumusta naman ang pakikipaglandian sa aso... hehehehe... karneng baka ba na iiihaw ang hanap mo?

naku sayang ipapakilala pa naman sana kita sa officemate ko... kaso ang mga requirements mo ay hindi nya nameet... less 5 feet sya, tapos 26 na... sayang taga-pasay pa man din! tsk tsk tsk...

o di ba... ibinubugaw ko yung officemate ko... bwahahahaha...

Billycoy said...

yatot > tbone steak nga yata ang hanap ko ngayon!

blueengreen said...
This comment has been removed by the author.
Billycoy said...

blueengreen > isa kang henyo!!! kaso, baka magsawa ako sa spag at ice cream niyan... mas gusto ko mga meat!

blueengreen said...
This comment has been removed by the author.
blueengreen said...
This comment has been removed by the author.
Jhed said...

Steak?! Haha.

Sama ka sa Friday, baka makilala mo ang future juwawhoopers mo dun. LOL.

Sa "Crave" (yun nga ba title nun?) yang line na yan ha! :P

speed dater said...

my compliments for the title.
so you want someone/something that when you poke comes out the juicy part.
not fat because you are health conscious,
medium rare etc...etc..
though, it seems to me that what you are looking for is a cross-breed between human female
and a chicken.
for one, chicken has low fat
if you eat the pure lean part without the skin compared to pork and beef.
you can have it in medium rare or well done too.

try going to andok's manok or kenny rogers.
they might have what your are exactly looking for.
life is full of "surprises".
we'll never know...

the philosphical bastard said...

ahehe. para kang namamalengke ng girlfriend

mats said...

ano bang steak ang gusto mo? ala pobre? muahaha! tenderloin ba o t-bone? kapatg t-bone, may katigasan. pero ang tenderloin, hmmm WAGI!
pero kung girfriend kamo, uhrmmm... hahanap tayo! astigin ka din ano? sabay mong hinahanap ang pagkain at juwawerz. di naman kaya magkapalit?
MAKAIN mo ang juwawerz?! nak ng teteng! HAHA!

maui pacquiao said...

ginutom ako a

super xienah said...

*ahem* *ahem*
ako na yan.
wahaha.

wag mo naman ako
masyado paringgan.
tayo lang
ang nagkakaalaman nun diba?
bakit kalangan pa ilantad?
:)

Doubting Thomas said...

hahaha! dapat sayo isang magandang kusinera! yan! tamang tama!

Billycoy said...

blueengreen > may steak mascot ba sa jollibee?

jhed > oo nga may inuman nga raw sa friday... yap lyrics nga ng Crave yun, endline ng bawat stanza

speed dater > cross breed of chicken and a girl?! hmm i'm having doubts, because i don't like girls with chicken skin!

philosophical bastard > oo nga eh, ano ba masarap na pang side dish at isahog sa kanya?

mats > yun nga hinahanap ko edible na babae

super xienah > oh my, ikaw ba ang nadedescribe ko? pasensya at nabuking ko ang iyong kasarapan

doubting thomas > makakain ko ba yung magandang kusinerang iyon? gusto ko siya ang lalapain ko.

potpot said...

hahaha.. sayang di ata ako pwede dahil minor ako at taken na... hahaha.. sayang... hahaha.. =)

gutom lang yan. o nakalulon ka ng isang kilong chongki. kaya imbes na gf, pagkain ang hinahanap mo... hahaha

Geexie said...

ehem! qualified ata ako??? hahahahaha... tc!

mats said...

EDIBLE na BABAE!? kawawa naman siya (if ever) - kasi matapos mo syang kainin, WALA NA!
muahaha! pagsabayin mo na lang, para, habang kumakain ka, may babae ka pa.
HAHA!
lapaan na raw! HEHE

DoMiNiQuE said...

nagutom tuloy ako!

anyway, kahit siguro nag-eexist yung ideal girl mo, hindi na yun magpapakita sayo kse lalapangin mo lang pala sya! ang babae, minamahal! hindi kinakain!

haha...pero minsan pwede rin daw! wahahahahah

hannah said...

ok ka rin ha.. grabe...

Mike said...

Maliban sa pagkain, naniniwala akong hindi tao yang hinahanap mo. At naniniwala rin ako na kabaligtaran ang mapapasaiyo. Balang araw.

Kumain ka na muna. Gutom lang yan.

Billycoy said...

potpot > di ako lumululon ng isang kilong chongki, mas mabuti kung ibenta na lang yun, laki pa ng kickback ko

geexie > sabi nga ng alagad ko katakam-takam ka nga raw!

mats > di pwede, mas gusto kong nilalapa ang babae.

dominique > di ba kapag isang pagkain love na love rin di mapigilang ubusin?

hannah > ok na ok talaga, at grabe sobra as in to the maximum level

mike > kabaligtaran ng pagkain?! huh!? tae ang mapupunta sa akin... yakk!!!

The King said...

Haha! Nang binabasa ko yung 'malasang-malasa at masarap na masarap', caramel mousse cake ang naiisip ko, hindi babae! hehe!

Grabe ah, bigtime ang magiging gelpren mo pag nagkataon! hehe!

Billycoy said...

the king > mukhang isa ka rin sa mga ginutom ko!

Doubting Thomas said...

@Billycoy: baka nga hindi mo sya pwedeng kainin... pero baka ikaw naman ang kainin nya. LOL. pwede mo rin lagyan ng sarsa ang pizza nya. LOL

mats said...

sana nga matagpuan mo na ang babaeng maaari mong lapain! HAHA!
magLapaan na lang kayo!
rawrrrr!

muahaha!

Billycoy said...

doubting thomas > sarsa? mang tomas sa pizza?! eww yata... pero kung sa kanya pwede siguro, mas masarap!

Darwin said...

Naku, mukang masarap at malinamnam yang ideal girl/steak na hinahanap mo. Pwede ba kaming makitikim pag nahanap na yan?

Billycoy said...

mats > sana nga makita ko na siya, gutom na gutom na kasi ako.

darwin > sure papatikim ko sa inyo, yun ay kung may matira pa sa kanya

[.MARCHiE.] said...

hahah. pantapat na kita kay hannibal, kuya. HANNI-BILLYCOY ka. waharhar. [ankooorni ko]

hmm. mukhang mahirap ata hanapin yang nakakagutom mong ideal girl. stick to the blueberry cheesecake na lang muna. hahah. [di talaga ako maka-move on]

sherma said...

ano ba ang height mo at 5'6 ang pinakastandard height mo? baka kasi magmukha kayong assunta- jules, eh... hehehe...

i must say na hindi babae ang hinahanap mo! meron ka pang nalalaman na "hilaw" at "malansa" hahaha!

good luck sa 'yo...

p.s.

teka... comment box ba ito o forums?! ahahaha!

Tea said...

Aysus, babae?!

Naghahanap ka pa, anjan naman si Xienah. Kaw talaga.

~~

Anong WEEEE?

Billycoy said...

marchie > iba na ang cravings ko ngayon

sherma > syempre iba pa rin yung may height kahit papaano... semi forum tong comment box ko

tea > oo nga si super x nga yata hanap ko. Weee parang weeee ng mga bata! Weee!

Geexie said...

hahaha... wow! kitam, witness pa ang alagad mo! hahahaha... sana ako ang makapawi ng iyong gutom... bwahahahaa...

andianka said...

(at nagbalik para makigulo sa kagutuman ng entry na ito)

so im guessing hindi lang isang babaeng ganitong statistics ang hanap mo dahil pag nakahanap ka ay malamang mawala syang parang bula kapag natikman mo't nalapa ng lahat...

ayos ka din magisip noh? pasimple, pero playboy din? nakow... dka pa nga nakakaisa nagpapahalata ka na...

bwahahhahaha!

Billycoy said...

geexie > paanong luto kaya ang gagawin ko sa iyo?

andianka > ako playboy? eh di sana andami ko ng nakwento tungkol sa mga kasiraan ng ex-juwawhoopers kung nagkataon.

Virginia said...

di ka naman talaga choosy niyan no?

Orange Alligator said...

parang pagkain ung dinescribe mo a. nagutom ako

katrina said...

porkchop??

gutom lang yan dude. :)

Gean said...

ikain mo na yan! :)

m_lost said...

tsk tsk.. patay, ndi pla pasado ung friend ko sa standards mo.. this would definitely break her heart... sayang.. hahaha... ngpprepare pa nman xa para makilala ka..

cge, dalaw n lng ulit ako sa blog mo.. hahahah

Billycoy said...

virginia > di naman ako choosy, mapili lang sa pagkain

orange alligator > di ko rin mawari kung ano nga talaga hanap ko.

katrina > porkchop?! hmm... sarap nun sa toyomansi with sili... yumm!!!

gean > kaso wala pa akong makain dito

m_lost > di ba siya pasado? sayang naman. gutom na kasi ako.

Geexie said...

kahit anong makakapagpaligaya sau... yeah! hahaha...