Ubervirgin pa talaga ako. Hindi lang naman ako sa popoy walang experience kundi sa napakarami pang bagay. Kung hindi niyo nalalaman isa po akong amazing home buddy. Hindi po ako homeboy dahil hindi naman po ako katulong at hindi rin si Boy Abunda, kaya ako ay isang home BUDDY. Nabasa niyo naman na siguro ang aking First Time, pero bukod dun, marami pa rin akong first time.
Nitong nagdaang weekend dalawang first time ang naranasan ko.
First Time sa Gig
Nagtatrabaho ako sa Makati so dapat El Gimikero ako, kaso hindi. Malls at sinehan lang mga alam ko sa Makati. Hindi ako nagba-barhopping o anuman. First time ko umattend ng gig, at sa mismong last night pa ng 6 Underground Bar sa Makati nitong nagdaang Friday. First time na nga sa gig, last night pa nila, syet naman. Ang daming bandang tumugtug nung gabing yun.
Nagperform ang Kapatid, ang galing, ang lufet. Nandun din ang The Dawn, kinanta nila ang “The Differences”, ang ever fave na “Envelope Ideas”, “Salamat” at “Isang Bangka”. Kahit veterans na ang The Dawn mataas pa rin ang energy nila. Tumugtug din ang Typecast at ang Paramita. Na-inlove na naman ako kay Ria Bautista ng Paramita. Ang saya talaga ng gabing yun. Yugyugan, headbangan, at sangkaterbang naggagandahang mga babae. Sayang hindi ako nadevirginize at walang madugong patayang naganap para mas memorable sana.
Isa lang masasabi ko, I LOVE YOU RIAA!!!
Unang Yapak sa UP
Hindi pa ako nakakapunta sa UP eversince, nitong Sabado ng hapon pinapunta ko na lang ang aking alipin dun gawa nung second day ng iBlog 3 Summit. Kahit mainit ang weather, pinasabak ko siya sa kalsada ng Edsa makapunta lang sa UP at sa iBlog 3. Sa pagbaba niya ng jeep sa pagdadausan ng event, gusto niya raw lumuhod at dila-dilaan ang lupa dahil nga first time niya nga sa UP. Hindi niya na lang ginawa dahil hindi niya trip ang lasa ng lupa at sayang naman ang getup ng aking alagad at mawawalan pa siya ng poise. Parusa na naman ang abot niya kapag ginawa niya yun dahil dadalhin niya na naman ako sa kahihiyan.
Pumasok na ang aking kanang kamay sa Auditorium at maya-maya pumasok na rin sina Jhed, Heneroso, Kevin, Irvin, Aaron James, at ang mga bagong salta sa barkada sina Ian at Mike. Nagkaroon ng pagkakataon na ipakilala ang mga kanya-kanyang blog, at ginawa din yun ng alagad ko. Aber, sira na naman ang pagkatao ko dahil sa mga sinabi niya. Tama ba naming i-describe niya ito na “Lahat ng topic na naiisip niyo haluan niyo lang ng sex at kababuyan ay nandito.” Nung makarating sa akin ang balitang ito, pinakaladkad ko siya sa tren ng PNR. Wala na akong reputasyon sa ginawa niyang iyon. Kung nung college nang dahil sa dalawang subjects ay nawalan ako ng Gender at nawalan ng Logic. Ano na lang natitira sa akin? Wala ng natitira sa akin, wala na akong reputasyon. Virginity na lang ang meron ako.
Pagkatapos ng iBlog 3, naglakas-loob ang kawatan papuntang Drew’s sa may Katipunan. Uminom daw sila ng Jerbaks at naghapunan ng pulutang sisig at mga squidballs, kikiam, etc. Naghapi-hapi at nagpakalango sa taeng inumin. Meron pa ngang nabuyo ang aking kanang kamay na uminom ng alak. Pero nung uwian na, wala o iilan lang pala ang may alam ng tamang sakayan pauwi. Mabuti kasama nila si Sarhento Magtanong kaya nakauwi naman sila ng maayos… ewan ko lang sa mga sikmura nila.
Masaya ako at naganap ang mga first time na ito sa buhay ko, bagamat yung UP experience ay sa alipin ko lang, masaya na akong marinig ang mga kagaguhang ginawa niya doon.
Nang dahil sa mga kaganapang ito, katunayan lamang na magandang halimbawa ng isang Rolemodel (rowwl-moww-dell) ng kagaguhan si Billycoy Dacuycuy.
24 comments:
hay billycoy. sabi ko na kasi sa'yo, kung isinama mo ako sa iBlog3, itu-tour pa kita sa UP. owel. ayan tuloy. alipin mo lang ang nakatuntong ng UP.
Nagpunta ka rin pala ng iblog3, masaya ba don at marami bang 'exclusive tips' na napiga sa mga speakers? Hehe. Di kasi ako nakapunta e, sayang.
tsangala.. nakakainggit naman talaga. wahaha.. pero oo.. roowwwlmoowwdell ka. nawa'y mapagpatuloy mo yang pagmoomoowwdell mo. :P
sa wakas at nakatuntong ka rin ng UP! congrats sa iyo! sayang nga at hindi ako nakasama dyan eh... hindi kasi ako nakapag-register agad ng maaga.. pramis na talaga sa susunod na blogging event pupunta na talaga ako! dapat magpunta ka din doon! bwehehehe...
nakuu.. alam na alam ko pa naman iyang UP... yabang no... e di sana nasamahan pa kita...
Unang yapak sa UP? Congrats! Haha. Bata pa ako nakapasok na akong UP Campus. :)) Malapit lang kasi kami sa UP eh. :)) Tsaka tuwing weekends dati parati kaming naglalaro sa Sunken Garden. Hahahaha.
darwin > ok yung iblog3 para sa mga probloggers, maraming matututunan. 2nd day na kasi ako umattend. pero sa mga katulad kong walang kakwenta-kwenta ang post, mas masaya pa maglaro ng snake sa cellphone.
ikay > matagal na akong mowwdell
nekenemen billycoy! ang gandang lalaki nga raw ng iyong kanang kamay!!! huwaaaa!!!
nga pala, kumusta naman si Sarhento Magtanong? muahahaha!
Sabi daw boring daw ang confab and it was intended for pro bloggers who would want to make cash in blogging.
Brr. Hindi lang kasi ako naka-attend. La pera. Stngnywa. ^_^
Parang ang tipid naman ng kwento.
Ano nga palang nangyari sa 'inuman' session nyo?
~~
BTW, pwede bang pakisagot, truthfully ang aking question?
Alam ko out of topic 'to pero kailangan ko lang malaman. Please?
XD
Kung may liligawan kang babae sa blogosphere, sino yun?
sadya bang may pagka schizo ka, o normal lang talaga yan? sabi ko pa naman you look like a normal human being. pero sige, hindi ko babawiin.
ang liit ng up no? bored na ko dun. pramis.
mats > clone ko lang yun, 0.01% pa lang siya ng aking kagwapuhan!
neil > tama ka dyan, mas makakarelate nga ang mga probloggers dun, kaya ok lang na di ka umattend, umattend lang ako dun para sa food at inuman afterwards
tea > mahirap i-describe ang inuman session, kakaiba... sa babaeng liligawan sa blogosphere, seriously, di ko pa alam, mas prefer ko kasi kung i know her personally.
mike > kunsabagay normal pa naman ako ng mga panahon na yun... imagine mo na lang kapag di na ako normal!
nakwento nga sakin ni kevin yong mga pinag gagawa nyo eh.sayang di ako nakasama. uber layo naman kasi para sakin taga kabite.
ahihihi! billycoy dacuycoy....... purket may nag papapic sayo! at ngayun kung may liligawan ka sa blogosphere!?
ahihi crush ng bayan........ BWAHAHAHA
waaaaah! na-dc ako habang nagcocomment... oh well mr. rowwwl mowwdel ika'y nakakalimot sa iyong comment.. nahilo ka ata. nakalimutan mong alalay mo ang nag attend at hindi ikaw. pero maiba ako: NAKAKAINGGIT NA NAKAKAHALUBILO KAYO PERSONALLY.. !!!
.... un lang... :P
haay sayang gusto ko sanang umatend dun sa iblog3.. tapos na po ba sya? kelan yun gnext event.. Mr. Billycoy sana po balitaan mu ako kapag may mga blog events.. para naman makilala kita ng personal or kahit yung alipin mu man lang ehehe.. sige yun lang.. punta din ako sa UP sa friday ehehe.. (^^,)
doubting thomas > sayang naman, pero sabi nga "if there's a will, there's a grace"
heneroso > sa'yo na nanggaling yan ha, di sa akin
lalon > sayang di ka nakapunta, ang sarap din ng pakiramdam to meet new peeps!
Hi! I just came by your site and I'm building up a link page and I'm looking for people to link exchange with me!
If you're interested in a link exchange, please let me know by commenting on my site! I shall link you from there! Thanks!
so ano naman itong iblog3 na ito? mukhang super volunteer ka, ah! hahaha...
weird... kasi ang akala ko pag sa Makati ka nag-work, super gimik ka na... o baka weird ka lang talaga... hehehe...
HUWAAAT?! Clone mo pa lang yun? muahaha!!! iba ka! at 0.01% pa lang huh... uhrmmm... cge, ipagpatuloy ang iyong pagiging rowwwll mowwwdelll owkey? HAHA
nakita ko yung alagad mo! tsk...cra na nga reputasyon mo..kung anu anu kse pnagsasabi nya dun tungkol sayo! sesantehin mo na kaya yung alagad mo? hehe
haha! ang gwapo ng alagad mo dude! pano ka pa? wahahah... sabi ni micamyx, bagay daw kami ( sa pic... ahha) ng alagad mo... bwahahah!
nakow lagot ka sa mga magulang ng mga batang yan na dinala mo sa inuman!
sherma > hindi ako volunteer... VIP lang... pa-VIP lang pala, hindi talaga ako palagimik... pramis!!!
dominique > sapat na yung parusahan ang alagad ko, masaya din kasi yung may tinotorture!
geexie > ingat ka lang sa alagad ko, at wag mong papakainin after midnight... nagiging halimaw yun. iwasan mo ring mabasa siya, dumadami kasi.
fire eye'd boy > sabi ng alagad ko, yung mga bata nagyakag sa kanya... napilitan nga lang siya at nabuyo. siya pa nga nagsuggest na umuwi na lang at magdasal sa kani-kanilang tahanan, kaso mapilit talaga ang mga bata.
wow asteeg nakapunta ka pala sa last night ng 6UG nung 13... sayang di na ka nakabalik dun ulit simula nung nanood ako ng gig dun last year..
swerte mo!
Post a Comment