Wednesday, April 25, 2007

Fecal Dreams


Ang mga panaginip ay tunay na kakaiba. Ibang iba sa reyalidad na ating kinamulatan. Weird, ika nga. Isa ako sa mga biktima ng mga kakaibang mga panaginip na iyon. Pero ang mga dreams na ito ay mga pangitain o may kaugnayan sa subconscious nating kaisipan. Kung ang mga panaginip ay freakishly weird na, haluan mo pa ito ng ebs, jerbaks, jebs, poop, crap, syet, jerbakuls o mas kilala bilang tae, ano na ang meron sa dream na ito? Ubod na ng baho at ka-weirdohan ang aking dreamworld.

Nagkaroon ako ng ilang panaginip tungkol sa mga jebs. Hindi ko nga alam bakit naman sa lahat ng aking napanaginipan ay heto pa ang naaalala at talaga namang nilamutak at pinahid na itong jebs sa ulo ko at nabulok habang sumisingaw ang amoy nito sa mga neurons at sumiksik loob ng aking utak. Hindi naman siya recurring dream. Isa itong mabahong alaala bakit yun pa dapat kong matandaan? Pwede ko naman sigurong maalala yung mga sexcapades ko sa aking mga wetdreams pero bakit tungkol sa ebs pa!

Dream #1
Yung una kong panaginip, provincial setting. Maraming puno sa paligid, sariwa ang hangin at naaamoy ang mga dahon ng mga puno at halaman. Hindi sementado at lupa pa ang naapakan, yung talagang malagkit na putik ang kalalabasan kapag nababasa. May mga kawayang bakod pa nga ang mga kabahayan sa paligid. Very fresh, calming and soothing ang pakiramdam. Pero dahil probinsya nga, marami ding hayop sa paligid, at ang mga hayop sa paligid sa dream kong iyon ay mga kabayo pa.

Ewan kung bakit kabayo pa ang mga animal na 'to pwede namang mga cute na rabbit at hamster o kaya ang adorable na si Godzilla. Kaso kabayo talaga, since mga horse nga ang nag-exist sa dream kong yun, nagkalat din ang kanilang jerbaks sa paligid. At weird pa dun, tubol pa, yung tubol na korteng longganisa. Mukhang normal naman ang mala-longganisang tubol sa lupa, pero hindi pala sila ordinaryong jebs. Kapag naaapakan ang mga tubol na ito, may sumisirit na pagkataas-taas na likido sa magkabilang dulo ng mga ebs na ito. Kaya naman nagkaroon ng mga fountain of ebs juice sa unidentified province na napuntahan ko sa panaginip kong iyon. Hindi ko lang maalala kung nasiritan ako ng ebs juice noon, if ever... EWW!!!

Dream #2
Yung sumunod ko namang dream, naganap naman sa unibersidad na pinag-aralan ko sa Taft Ave. sa Maynila. Natatae daw ako sa dream kong yun, kaya naman pumunta ako sa isang CR sa taas ng unibersidad. Pagpasok ko sa cubicle, may dalawang toilet bowl. Isang cubicle with two bowl, weird na di ba? Yung isang bowl, maliit lang parang pambata, yung isa naman malaki pero gawa sa marmol ang seat nito. Since sosyal ako, dun ako sa malaki at may marmol na inidoro.

Success naman ang paglabas ng aking jebs. Di ko lang alam kung basa o tubol. Nung nai-flush ko na, nagflush naman ng maayos, pero kakaiba pagkatapos ng flush. Parang nag-growl yata yung tubig ng bowl, yung sound niya "grug-grug-grug-grugg-grug. Di ko pinansin, lumabas na ako ng CR. Di ako sure kung nagpawpaw* at kung naghugas ako ng kamay pagkatapos mag-jebs. Nung bumaba at nasa ground floor na ako, nagwawala at nagpapanic ang mga tao. Nagtatakbuhan, may gumugulong at nagmomoshpit sa kaguluhang nagaganap. Lumilindol ng malakas sa unibersidad at maririnig pa rin ang malakas na "grug-grug" ng inidoro. Maya-maya tumingin ako sa hagdanan, gusto ko ng magcartwheel dahil sa gulat sa aking nakita. May tubig na umaagos sa hagdanan. Ang tubig na iyon ay galing dun sa inidorong ginamit ko.

Hindi ko alam ibig sabihin ng mga panaginip kong iyon. Ang baho talaga ng dreams kong mga iyon, pati tuloy ang entry na ito mabaho na rin. Sabi nila kapag nakaapak daw ng ebs swerte raw, pero kung sa panaginip, ano kaya?

This post is dedicated to Mr.D

*Pawpaw - the act of paghuhugas ng pwet pagkatapos magjebs.

30 comments:

Happy Lizzette said...

Fecal dreams are related to financial matters and security. It also denotes release of negativity in ones life.

They said the more gross your dream gets, the more the financial reward would be. he he he :-D

Billycoy said...

happy lizzette > those dreams occured ages ago, but i didn't have that financial reward! i guess i should be dreaming more of those!!!

Jhed said...

EEEEEEEWWWWW!

Kadiri. Lalo na yung may mga sumisirit. Ick. Hindi ko ma-imagine. *pukes*

Super weird talaga yung mga panaginip mo. Baka naman na-poopoopoo ka lang nun kaya ganun.

yatot said...

recently ko lang nalaman ang meaning ng tubol... hahahha...

anyway, hindi pa yata ako nakakapanaginip ng tubol sa buong tanang buhay ko! hahahha

ang madalas kong mapanaginipan noong bata ako ay dagat kaya pagkagising ko basa ang kama sa hindi maipaliwanag na pangyayari... hahaha

mats said...

napaka-weirdo ng iyong panaginip. At isa pa, EEEww!!!
matapos ng isang masarap na entry, isang mabahong entry naman!
whooo!!! jerbakan na!
baka naman kasi naJejebs ka bago ka matulog at iniimagine mo na ikaw ay nasa isang nayon na may kasamang mga nimpha at sila'y naging mga kabayo! waaah! naguluhan na ako sa dami ng JERBAKS na nabasa ko dito! tutubol ka!

pahabol lang: baka kasi matigas jerbs mo kaya ganyan,

Mike said...

Nangangamoy hanggang dito. Ilang buwan na ba yan sa large intestines mo at pati sa panaginip lumabas? Pero natuwa ako sa sinabi ni Happy Lizette. How true, how true. Sana ako rin. Pero wag naman yung tipong sumisirit. Kakaiba yun eh.

Billycoy said...

jhed > di ako napoopoo nun, dapat najebs na ako sa kama pa lang pagkatapos

yatot > wow, mukhang nasarapan ka naman yata sa pagswimming mo sa 'dagat'

mats > matigas talaga lagi jerbakuls ko, tubol parati at malalaki pa... di ko nga alam kung paano nagkakasya yun sa rectum ko - wow rectum, sosyal.

mike > sabi nga ni happy lizette mas kadiri mas malaking pera... actually di pa ganun ka-gruesome panaginip ko kaya walang perang dumating... iniisip ko nga ngayon naliligo sa bathtub ng jebs, baka sakaling mapanaginipan ko yun at maging daan ng pagyaman ko.

hulihin si anna said...

ano ka ba? kaperahan ang ibig sabihin nun! kung meron ka ah, ok lang na i-share mo sa akin. tindi ng pangangailangan ngaun eh. hehe o_O

Billycoy said...

hulihin si anna > hayaan mo, expect mo pa ang mas nakakadiring mga panaginip para may maibigay ako sa iyo kapag yumaman ako dahil nga sa mga dream na yun.

andianka said...

palagay ko najejerbak ka lang talaga... ni minsan ba di ka nagising na may jerbak na sa kama? at yung unang tubol, sigurado ka bang tubol? parang matabang bulate o kung ano man na juicy ang nakita mo? o baka naman, subconsciously gusto mo mkakita ng tae? nyahahah! puro tae siguro utak mo noh?! kung puro tae, nak ng tipaklong blasted brains na tae! aalingasaw 'to miles away... hahahha!

baho ng entry na 'to!!!!!!! :D

-EDDEN- said...

bwahaha! this is weird. I had a dream two nights ago na ganito rin ang tema. haha, tungol din sa poo. weird kind of weird, pero kaaliw.haha.

alam mo ba na ang kabayo ay isang phallic symbol? haha. kaya nga dun sa "Equus" ni Dan Radcliffe e kabayo ang andun. hehe. naku...

sabi naman ng matatanda, ang jebs daw ay pera. ibig sabihin ba nito ay magkakapera/yayaman tayo? haha, sana nga.

:)

mats said...

wetpaks na lang para bagay sa jerbakuls mo! at grabeh naman ah kung TUBOL jerbz mo. baka kasya din jan ang ulo ng baby! muahaha!

uhrmmm... napaisip:
siguro bukod sa tubol may kuko din jerbz moh, kumakamot! kadiri ka na kung nag iigid pa yan! waaah!!

eewww na asteeg! amBangees!!!

Billycoy said...

andianka > jebs talaga nakita ko dun, ewan ko ba, siguro gawa sa ebs ang utak ko

edden > yun nga raw eh, yayaman daw... pero bakit ganun? ang tagal na ng panaginip kong ito di pa kami mayaman

mats > may kuko ang tubol ko?! that's cool!!!

andianka said...

waaaaah! kung utak mo ay ebak, eh di dapat ka nanamang magpalit ng header? blasted poo... nakow!!!!

i-flush na yan sa toilet! (kaso baka bumahang muli at dumaloy sa hagdan ang tubig...)

ROFL! (on second thought, TAKBO!!!!)

sephthedreamer said...

billycoy yung 2nd na dream mo nangyari sa akin sa totoong buhay.

yung tambayan kasi namin sa 1st floor. bigla kaming nakaamoy ng sobrang baho na amoy. pagkakita namin sa labas umuulan ng likido galing sa isang tubo sa taas. hindi na namin kailangang hulaan kung anong meron sa katas na yon amoy humpy dumpy na cheese kasi.

good morning billycoy.

M I C H E L L E said...

Eww!!! Yun lang billycoy! hehehe :D

potpot said...

*eew*

kadiri naman ur dreams.. hahaha.. :) i mean, ano nga ba ang ibig sabihin talaga ng ganitong ka weirdong panaginp??? what is the essence of these so called "DREAMS"???

hahaha

Billycoy said...

andianka > naku di pwede yun, una sa lahat baka mandiri na lalo ang mga pupunta dito... saka di ko pwedeng kumpetensiyahin ang idol kong si Mr.D

sephthedreamer > baka pangitain ko ang dream na iyon sa inyong school... pwede na akong psychic

michelle > kahit ako napapa-eww

potpot > di ko nga rin alam kung ano ibig sabihin nito, pero sabi ni happy lizzette, pera raw... sana nga managinip pa ako ng mas nakakadiri at mas malala pa dito.

mr_d said...

wow billycoy. im so tats. grabe. yon talaga ang mithiin ko sa buhay eh. ang maalala mo ako sa gitna ng iyong pagtae. Tubol man o bugris...

mats said...

oo may KUKO!!! kumakamot! wahahaha! :P

Billycoy said...

mr_d > actually di ka nawawala sa isipan ko kapag ako'y jumejerbaks... lalo kapag inatake ng LBM

mats > cool!!! tamang-tama kapag nangangati pagkatapos jumebs

Gretchen said...

Galing naman. Kapag nanaginip ako hindi ko maalala panaginip ko. Lalong kong nakakalimutan kapag lalo kong inaalala.

Billycoy said...

gretchen > kaya nga eh, sa lahat ng dreams ko, heto pa talaga ang dumikit sa alaala ko. madikit at mabantot talaga

dorkzter said...

wow!! gnun nmn pala un eh [sbi ni lizzette!] i dont usually dream at feal thingys.. pero ngayon at nalaman ko interpretation nun, gusto ko nrn managinip ng gnun!! hahaha kahit uber kadiri pa.. ok lang wag lang magktotoo in real life! hehe

mats said...

but ofkerz!!!
kaya jebz ka lang ng jebz!!!

andianka said...

ahahaha! kumpetensya na pala ang tae topic ngayon. oh well, pag ibayuhin ang pagkakalat. (at literal na kahindik hindik na kabahuan sa blogosphere)... nak ng ebaks! weeee!

TAKBO ULIT!!!!

Billycoy said...

dorkzter > wish ko rin na managinip tayo ng malala, nakakadiri at mabahong mga panaginip para sa pagyaman nating lahat. pangarap ko ang managinip kayo ng tae para sa kaunlaran

andianka > oo kumpetisyon na ang tae topic ngayon, baka balak mo na ring kumalaban?

andianka said...

sa latest entry ko, mukhang kakailanganin ko na magkaroon ng ganito karumi at kabahong dream ng matupad ang aking mga gustong bilhin. nyahahahah! nakow... alam ko nagkaroon na rin ako ng panaginip tungkol sa jerbaks, dko lang maalala at matagal ng panahon yun.

makipagkumpetensya sa tae topic, waaaaah! babantot talaga blogosphere nyan. dko carry pa... hahaha!

Billycoy said...

andianka > napepredict ko na ang isang napakabaho at pagkabantot-bantot blogosphere in the future... at ang ating hari, si mr.d!

sherma said...

alam ko nagkapag-comment na ako dito, eh... bakit nawala? o baka sa ibang comment box ko sya nailagay?! waaaa! ang shunga-shunga ko naman... hehehe...

baka naman may nakalimutan kang ikwento sa amin... baka naman pagkagising mo, nag-poo-poo ka talaga sa bed mo! eew!!! hahaha!

si billycoy, nagpoo-poo sa pants habang natutulog!

p.s.
saan kaya napunta yung comment ko? hmmm... nakakahiya naman!!!