Monday, April 02, 2007

And the Award Goes to...

Bigo na naman ang aking alipin upang makamit ang pinakaaasam kong iPod Video sa gabi ng Philippine Blog Awards 2007. Kaya naman pagkadusa-dusang torture ang inabot ng kanang kamay kong ito sa kanyang kabiguan. Sinigurado kong pati ang mga retina niya ay may latay gamit ng aking latigo. Sabi ko naman sa kanya na kahit suhulan niya ng milyun-milyon ang mga organizers gawin niya makuha ko lang ang most desired iPod Video, kaso hindi niya ginawa, kaya parusa na lang.

Almost 1am na nga dumating itong aking alipin at hinintay ko pa talaga siya para lang dun sa iPod kaso wala siyang inuwi. Kaya pinakinggan ko na lang ang balita niya sa event. Nanalo daw si Utakgago ng Nokia 3230, gumawa na nga ng plano ang aking alipin upang inenok ang cellphone na yun upang kahit papaano ma-please ako, kaso nabigo siya. Maraming naganap, sayang nga lang walang nangyaring sex orgy sa awards' night lalo't nandun din si Bryanboy at ang kanyang dakilang yaya, maka-iskor lang sa yaya niya masaya na ako para sa alalay ko.

May afterparty sa Hula-Hula Bar sa Shangri-La, yun nga lang walang nakakaalam sa kanila kung saang Shangri-La, kung Edsa o sa Hotel. Nagdecide na pumunta muna sa Shangri-La Hotel sa Makati. Since ang alagad ko lang daw ang nakakaalam ng paikot-ikot sa Makati siya ang naging slave slash model turned yaya slash tour guide ng mga kasama niyang bloggista na sina Aaron, Franco, Kevin, Jhed at ang malantod na si Heneroso, sayang nga at hindi nakasama si Arnel. Walang Hula-Hula bar sa hotel kaya namalakaya na naman ang mga nomad sa Makati para makarating sa MRT para makadiretso na sa Shangri-La Edsa.

Pagdating sa Hula-Hula bar, dun nakita na nila sina L.A., Philippine Blog Award 2007 Winner Shari, Jomar, Pierre, Chris, A.J., Jeff, at the rest ng mga bloggers. Bumaha ng alak at iced tea saka nagkaroon ng stampede ng Maki. Halos malunod na nga si Jomar sa iced tea. At akalain mo ba naman pati ang underaged teeny-bopper incoming UPLB freshmeat na si Utakgago ay nakiinom at sinasaway na nga dahil underage pa at may curfew pa siya. Natapos ng maayos ang gabi sayang nga at walang gulo at gangwar na naganap, dahil mas enjoy sana ang gabi kung magiging madugo at may magkakalat na body parts.

Bibigyang linaw ko lang:

  • Hindi po ako ang nagpunta sa Blog Awards, alipin ko lamang ang pinapapunta ko sa mga ganyang kaganapan. Baka sa lakas ng aking makamandag na alindog at nakakatakam na sex-appeal ay mawala ang atensyon sa event at mapunta na lang sa akin.
  • Alam kong gwapo ang aking representative, pero di hamak naman na mas magandang lalaki ako sa kanya at wala ng dadaig pa sa akin.
  • Ako ang mismong gumawa ng aking alagad. Ginawa ko siya in the image and likeness of me. Parang clone pero 0.01% lang ng aking kagwapuhan.
  • Hindi o minsan lang nagpapakuha ng litrato ang aking alipin dahil ayaw niyang magkaroon ng misconception at mapagkamalang ako siya.
  • Huwag niyo po siyang mapagkakamalang tahimik, ang totoo po niyan, may switch lang na nakatago sa loob ng kanyang ilong. Kung gusto niyo lamang siyang magdadaldal ng walang katapusan at wakasan na ang inyong buhay sa kanyang pagsasalita, i-on lamang ang switch na ito.
Pagpasensyahan niyo na po kung alipin ko lang ang nakakahalubilo niyo ng madalas. Pero don't worry trained naman yan na kumilos at magsalita na kagaya ko. Ingat lang kasi may self-destruct mechanism yan.

26 comments:

yatot said...

tsk tsk tsk... naiinis ako... hindi ako nabigyan ng tiket! waaahh... kainis talaga... hanggang 3pm ng sabado naghihintay ako ng email galing sa PBA na yan walang dumating... hindi nila ako napansin... waaahhh... di bale sa susunod na event aagahan ko na lang ang pagcomment sa kanila.. kagaya mo na number 2 sa pila! wakekek...

kabisado ko pa naman din ang makati! sayang talaga... PBA, u missed me! waaahhh....

L.A said...

Saludo ako sa yaya ni Bryanboy, mukhang masmayaman pa kaysa kay Bryanboy kasi feel na feel yung pag dadala ng bag nyahahaha...

Nga pala yung yung kanang kamay mo slash alipin, paulit-ulit na sinasabing WHOLESOME daw sya paki-sabing hindi...Puro porno laman ng cell pinakita pa sakin...sus banal pa naman akong tao tapos pinakita sakin yun. Nakitang "Lord Art" name ko...masayado akong nabagabag sa mga video na nakita ko....hindi ako sanay sa ganyan berhen pa ako...

juice said...

swerte ng alalay mo!! make me ur alalay next time! who who knows i can get to meet bryanboy my idol since 2004 hahahaha :P

hannah said...

alalay ha... ayus ha... mayaman ka siguro noh... mahal ang clone eh... toink...

karlee said...

naks naman billycoy =))=))

galing mooo, its an honor to be invited XD Dpaat next year manalo ka na! at hindi na ang clone mo ang ppunta,ikaw na talaga malay mo makuha mo pa yung IPOD video XD lols :P

salamat nga pala sa pagdalaw sa blog ko kahit walang post :D wheeeeee! Imback in blogging na :->

padre salvi said...

picture naman ng alalay mo oh!

hehe. sana nakapunta rin ako kahit nagtransform lang ako into an ant tapos makagat ko lang ang paa ni bryanboy. hehe.

Micaela said...

request ko lang i-feature mo naman yung alalay mo hehehe

utakGAGO said...

chura ng alalay mo! wahaha. grabe, talagang naglider-lideran pa sa makati. palibhasa matanda kasi yang alalay mo.

at grabe, ang hilig ng alalay mo sa SEX. as in, puro SEX ang bukambibig. :) mag-oopen ng topic - SEX lagi!

nu ba yang alalay na yan.

:P may pic ako ng alalay mo. kaso ayoko ipakita. wahahaha!

HOY WALA AKONG CURFEW. uhh, limit lang. lol.

Billycoy said...

LA > naku nasira tuloy ang image ko dahil sa kanang kamay kong yan... wala na akong reputasyon... virginity na lang

juice > naku baka marape mo lang ako kapag ako naging amo mo

hannah > madali lang namang gumawa ng clone at hindi magastos, mabasa lang ng tubig meron na kagad, yun nga lang dami nila

padre salvi > very private kasi kami ng alalay ko kaya talagang iwas kami sa cam

micaela > mahal kasi ang royalty ng alalay ko

utakgago > aligned talaga pag-uutak namin ng alipin ko!

cha said...

ang galing naman ng alalay, heheh,,

Loverboy said...

aba swerte ko na't nakamayan ko ang alalay mo hehehe. napakabait niya, mala-anghel wahaha.

aka ZORD said...

hmmmm...

alalay?

d ko naman nakita e, hmmm

kung sabi mo uber puge ang iyung alalay edi may posibility na dyos ka na?

wakekeke

Estupidormitorian Neil said...

Kahit kailan makapal pa rin feys ng amo mo, alipin ni Billycoy. Sabihin mo lang kung di ka na makatiis at tutulungan kitang mag-aklas.

Talamasca said...

Mwahahaha! ;-p

Anyhoo.... Sheesh! Wala pa akong nakikitang blogger na seryoso na nagpahayag ng kanilang saloobin regarding sa PBA night na yan. Can't help but think that everyone who went there kind of falls under either the "sex-starved maniac," or "bitter bitch," or "raving lunatic," or "fresh from rehab" category. LOL.

atomicgirl said...

hay billycoy. buti ka nga, kahit alipin, meron nakapunta. eh ako, kahit tiket, walang natanggap. kainis. kainis talaga. (pero hindi rin naman ako makakapunta.)

hmmm... oks lang kung wala ka pang ipod. hayaan mo, malay mo, next time, entertainment showcase na ang ipa-raffle nila yuga at nila jayvee. hehe...

Shari said...

If only someone was stupid enough to visit my blog, s/he'd see na nagooffer ako ng isang ticket since wala naman akong inimbitahang guest ko. :p

Kumusta naman, milyun-milyon ang isusuhol mo, eh di bumili ka na lang ng maraming iPod Video. o_O

Nice to have met you, este, your alalay pala, there. Mali pala yung blog entries ko, dapat pala talaga "alagad/alalay ni Billycoy" bwahaha

Tala - And you know on which category I fall, lol!

fionixe said...

hehe. sana next time makapunta narin sa PBA.

andianka/jadiebrat said...

naku poh! i agree...wala pa kong matinong nabasa about the event. kung sabagay, may matino nga bang blogger. hay! kainggit naman. parang sarap ng bonding moments nila dun ah. huh! nagpapaka-private gremlin pala....

lateralus said...

Inaamin ko maangas ako, pero grabe pare... Taob ako sa yabang mo. hahaha

atomicgirl said...

anek yan shari! when i was reading your blog, i thought you were saying that you had one extra ticket at nagninilay-nilay ka pa kung sino ang iyong isasama. my gas! pamasahe na lang sana kulang ko papunta diyan.

at billycoy, in my very own honest conclusion, tinalo mo pa si bryanboy. kung ikaw alipin mo ang sumalo ng lahat ng pagod sa PBA, si bryanboy, nagsama lang ng yaya in full costume. o da vah?

Billycoy said...

zord > di pa naman, semi-god pa lang... hala blasphemy na yata ito

neil > di yan magagawa ng alagad ko, utu-uto sa akin yun

talamasca > hmm... dapat nga meron na ganyang categories, i may have a chance with that

atomicgirl > kahit di na entertainment showcase, kahit entertainer na lang!

shari > ayaw ko kasing gumastos sa pagbili ng ipod, ok lang na gumastos sa suhol

andianka > huli mo! may pagkagremlin nga ako

lateralus > humble pa ako sa lagay na yan

atomicgirl > dapat lang na mapagod ang alipin kong yun, sayang naman preparasyon namin para sa kanya... pinabasbasan pa nga namin sa quiapo at mga mambabarang para swertehin at pina-fengshui din namin, kaso palpak talaga yang alagad kong yan!

the jester-in-exile said...

sus, billycoy...

yung alalay mo na lang kaya ang referee para sa shari/sorsi standoff at tignan mo nga namang pareho kayong tatlo ng primary interest?

hahaha

bikoy said...

halos magkatunog pangalan natin ah. hehe. see you sa susunod na bloggers' gathering!

reyna juana said...

kung ang iyong alipin ay 0.1% lang ang kagwapuhan na napunta sa clone mo. ano pa kayang itsura mo? hehe.

wa. *drool*

nga pala, link ex po?

joy said...

hay... nakakainggit naman ang mga pumunta sa pba..

Lalon said...

hmmm sana andun ako para nakita ko alalay mu and fellow bloggers as well.. hehe next year punta na ako promise haha.. ^_^