Sunday, April 29, 2007

Liquors on Eyeballs

Naparusahan ko na naman ang aking kanang kamay nitong Sabado ng umaga. Umuwi ba naman ng sheng-sheng ng bahay. At nalaman ko na naman kung anong kalokohan at kasiraan ang ginawa niya, kung kaya’t ako ay degraded at demoralized na naman. Kaya ngayon, gine-grate ko ang mga palad at talampakan niya parusa sa mga ginawa niya.

Nagkaroon daw kasi ng blogger’s inuman session nitong nagdaang Friday night sa Dencio’s Metrowalk sa Ortigas. Dumalo sa nasabing inuman session sina Rens, Kevin, Jhed, Aaron, Joe, LA, Chris, Ate Apple, Doc Tess, Jay-jay, Darwin, Jeff, Pierre at ang mastermind ng supposed-to-be-sex-orgy-turned-inuman-session na si Shari. Going Dutch – kaya pala naghahanap ng Dutchmaid costume ang alipin ko - or KKB ang plano sa inuman, pero since mababait naman at galante ang mga matured bloggers kaya nagging sponsor na lang sila.

Nagkita-kita ang mga bloggers sa YooHoo bago tumuloy sa Dencio’s noong nakumpleto na. Nakakapanghinayang kasi walang naganap na sex orgy. Pero sa pagkakaalam ko meron dapat magshoshowdown dun na mala-Beyoncé vs. Shakira sa paggiling. Hindi rin daw naganap ang pagseduce at pagsayaw ni Shari ng Toxic ni Britney Spears sa ibabaw ng lamesa sa YooHoo. Ang kanang kamay ko naman nagbalak din daw magshow, kaso hindi niya na lang ginawa baka kasi magkaroon ng mass killing at makagawa pa ng trahedya sa masayang gabi sa Metrowalk.

Masaya ang naganap na inuman session sa Metrowalk. Pinag-usapan ang mga hot na hot na topic sa panahon ngayon; Sex at Politics. Sinusundutan rin ng mga topics tungkol sa medicine at ng braided umbilical cord na pinaiikot-ikot pa at ginawang fashion statement, tight-leathered outfits at BDSM. Maya-maya lang babalik na naman sa topic na sex. Hindi ko nga rin alam kung bakit pabalik-balik sa sex, gawa siguro ng pagtitipon ng mga sexually inclined na tao sa blogosphere na sina Shari, L.A. at ng aking alagad. Buti na nga lang dumating si Pierre at nandun si Jeff para kahit papaano napupunta sa politics ang usapan. Kung wala siguro sila, baka natuloy at nagkaroon ng malawakang sex party sa Dencio’s at sa buong Metrowalk.

Masayang natapos ang gabi… este umaga na pala. Wala namang nasheng-sheng ng sobra-sobra, tama lang. Pero talaga namang nag-wet at nag-water water sila sa mga nangyari nang gabing/umagang iyon. Kung nasheng-sheng siguro sila ng husto, baka dumiretso na sila sa Sogo o kaya umupa na ng kwarto sa Shangri-La para ituloy ang plano ng orgy. Kaso kulang pa talaga ang alcohol. Maraming nangyari, lalo na noong madaling araw. Wala nga lang torohang naganap sa lamesa ng YooHoo. Safe namang nakauwi lahat ng bloggers, so far wala naman daw na-molestiya ng kapwa bloggers at virgin pa ring umuwi ang aking alagad.

Kaya sa mga bloggers na dumalo ng Inuman Session na ito, a bitchslap to you all!

At sa mga di nakadalo… ma-dead kayo sa envy!

Sex party na raw ang susunod kaya naman i-prepare niyo na ang inyong mga BDSM costume.

Trackbacks get on the floor, trackbacks I want some more... and more stories:

Friday, April 27, 2007

Getting Stranded

Ilang beses na ba kayo nakakain na may natatagpuang buhok sa inyong pinagkainan? Nakakainis na sitwasyon di ba? Kung sa bahay kahit papaano mapapalampas niyo pa dahil kilala niyo kung kanino nanggaling ang buhok na nasa inyong kainan. Alam niyo na kung ang may split-ends, kulot o unat na buhok na kasama ng pagkain niyo. Kung sa labas galing o sa labas kayo kumain, yun talaga ang nakakainis at talagang nakakaeskandalo. Hindi niyo pa alam kung saang parteng buhok nanggaling yung nakain niyo, kung sa ulo, sa kilikili, sa singit o sa puwet. Nakakawalang gana talaga.

Kapag sa ganitong sitwasyon ano ang madalas niyong gawin? Tawagin ang manager ng food chain at resto, magngangangawa, magwala, magdrama, mag-iiyak at gumawa ng eksenang mala-telenobela sa pinagkakainan. Marami pa namang pwedeng gawin bukod sa gumawa ng eskandalo. Mga alternatibo kapag nakakita ng buhok sa food niyo.

  • Itabi ang mga natagpuang buhok at ibenta sa mga gumagawa ng peluka.
  • Kolektahin upang gawing hair barometer. Ginagamit din kasi ang buhok sa pagmeasure ng humidity.
  • Dalhin sa Quiapo ang at ipakulam ang may-ari ng buhok.
  • Isama sa mga idodonate sa oilspill.
  • Ilagay ang buhok niya sa mga pinagkakaganapan ng mga crime scene, para kapag natagpuan, yari ang may-ari ng buhok sa SOCO.
  • Maaaring gawing fake eyelashes or hair extension.
  • Kung mahaba ang buhok at matibay dahil ginagamitan ng Pantene, ipangsakal sa manager at iba pang staff ng pinagkainan. O kaya ipangbigti sa kanila.
  • Kung nagkaroon ng stubborn at malaking tinga, maaari ding gawing floss ang natagpuang buhok.

Iyan ang mga pwedeng gawin sa mga buhok na nakita niyo sa pagkain. Kaya kung ayaw niyong magreklamo at gusting maiba iyan na lang ang gawin niyo. Kaysa magngangangawa at masira ang magandang Next Top Model poise niyo, gumawa na lang ng assertive way para di naman nakakahiya. Pero kung gagawa ng eksenang pang pelikula, siguraduhin lang na di na kakain ulit doon. Reklamo ng reklamo pero pabalik-balik pa rin at sarap na sarap pa rin sa mabuhok at balbuning pagkain, walang kwenta di ba?

Teka, may natagpuan pala akong bulbul sa kinain kong bulburon. Tamang-tama may tinga ako, meron na akong dental floss.

Wednesday, April 25, 2007

Fecal Dreams


Ang mga panaginip ay tunay na kakaiba. Ibang iba sa reyalidad na ating kinamulatan. Weird, ika nga. Isa ako sa mga biktima ng mga kakaibang mga panaginip na iyon. Pero ang mga dreams na ito ay mga pangitain o may kaugnayan sa subconscious nating kaisipan. Kung ang mga panaginip ay freakishly weird na, haluan mo pa ito ng ebs, jerbaks, jebs, poop, crap, syet, jerbakuls o mas kilala bilang tae, ano na ang meron sa dream na ito? Ubod na ng baho at ka-weirdohan ang aking dreamworld.

Nagkaroon ako ng ilang panaginip tungkol sa mga jebs. Hindi ko nga alam bakit naman sa lahat ng aking napanaginipan ay heto pa ang naaalala at talaga namang nilamutak at pinahid na itong jebs sa ulo ko at nabulok habang sumisingaw ang amoy nito sa mga neurons at sumiksik loob ng aking utak. Hindi naman siya recurring dream. Isa itong mabahong alaala bakit yun pa dapat kong matandaan? Pwede ko naman sigurong maalala yung mga sexcapades ko sa aking mga wetdreams pero bakit tungkol sa ebs pa!

Dream #1
Yung una kong panaginip, provincial setting. Maraming puno sa paligid, sariwa ang hangin at naaamoy ang mga dahon ng mga puno at halaman. Hindi sementado at lupa pa ang naapakan, yung talagang malagkit na putik ang kalalabasan kapag nababasa. May mga kawayang bakod pa nga ang mga kabahayan sa paligid. Very fresh, calming and soothing ang pakiramdam. Pero dahil probinsya nga, marami ding hayop sa paligid, at ang mga hayop sa paligid sa dream kong iyon ay mga kabayo pa.

Ewan kung bakit kabayo pa ang mga animal na 'to pwede namang mga cute na rabbit at hamster o kaya ang adorable na si Godzilla. Kaso kabayo talaga, since mga horse nga ang nag-exist sa dream kong yun, nagkalat din ang kanilang jerbaks sa paligid. At weird pa dun, tubol pa, yung tubol na korteng longganisa. Mukhang normal naman ang mala-longganisang tubol sa lupa, pero hindi pala sila ordinaryong jebs. Kapag naaapakan ang mga tubol na ito, may sumisirit na pagkataas-taas na likido sa magkabilang dulo ng mga ebs na ito. Kaya naman nagkaroon ng mga fountain of ebs juice sa unidentified province na napuntahan ko sa panaginip kong iyon. Hindi ko lang maalala kung nasiritan ako ng ebs juice noon, if ever... EWW!!!

Dream #2
Yung sumunod ko namang dream, naganap naman sa unibersidad na pinag-aralan ko sa Taft Ave. sa Maynila. Natatae daw ako sa dream kong yun, kaya naman pumunta ako sa isang CR sa taas ng unibersidad. Pagpasok ko sa cubicle, may dalawang toilet bowl. Isang cubicle with two bowl, weird na di ba? Yung isang bowl, maliit lang parang pambata, yung isa naman malaki pero gawa sa marmol ang seat nito. Since sosyal ako, dun ako sa malaki at may marmol na inidoro.

Success naman ang paglabas ng aking jebs. Di ko lang alam kung basa o tubol. Nung nai-flush ko na, nagflush naman ng maayos, pero kakaiba pagkatapos ng flush. Parang nag-growl yata yung tubig ng bowl, yung sound niya "grug-grug-grug-grugg-grug. Di ko pinansin, lumabas na ako ng CR. Di ako sure kung nagpawpaw* at kung naghugas ako ng kamay pagkatapos mag-jebs. Nung bumaba at nasa ground floor na ako, nagwawala at nagpapanic ang mga tao. Nagtatakbuhan, may gumugulong at nagmomoshpit sa kaguluhang nagaganap. Lumilindol ng malakas sa unibersidad at maririnig pa rin ang malakas na "grug-grug" ng inidoro. Maya-maya tumingin ako sa hagdanan, gusto ko ng magcartwheel dahil sa gulat sa aking nakita. May tubig na umaagos sa hagdanan. Ang tubig na iyon ay galing dun sa inidorong ginamit ko.

Hindi ko alam ibig sabihin ng mga panaginip kong iyon. Ang baho talaga ng dreams kong mga iyon, pati tuloy ang entry na ito mabaho na rin. Sabi nila kapag nakaapak daw ng ebs swerte raw, pero kung sa panaginip, ano kaya?

This post is dedicated to Mr.D

*Pawpaw - the act of paghuhugas ng pwet pagkatapos magjebs.

Monday, April 23, 2007

It's You I Crave

Nitong ilang araw kong pag-iisa, napagtanto ko na kailangan ko na talaga ng katuwang at kasama sa buhay. Hindi pa naman asawa kasi napakabata ko pa para doon, saka paano na lang na yung mga babae, halimaw at bumbay na naghahabol sa akin. Kailangang mapagbigyan sila, pwera lang yung bumbay at halimaw.

Ilang beses ko na rin nababanggit dito na naghahanap ako ng magiging juwawhoopers, kaso hindi ko pa naman pala nababanggit ang tipo ko ng girl. Yung dati kasi para sa virginity ko lang, yung female rapist, this time yung mamahalin ko na talaga. Ano nga ba ang standards ko para dun sa aking Sizzling Hot Beauty Queen Sadist girlfriend? Though, yung hinahanap ko namang standards ng isang babaeng aking mamahalin ay napaka-ideal at kung nag-eexist man siya, diyosa na yata yun. Sino ba ang hindi magkakagusto sa isang diyosa? Baka nga pati mga babae maging tibo kapag nakakita ng diyosa. Ano nga ba ang aking standards para sa aking ideal girl?

Obviously babaeng tao ang hanap ko
Age range from 18 to 25 years old (di pwedeng younger than 18 or minor baka kasi mapagkamalan pa akong pedophile, kaya kung meron mang nagkakagusto sa akin dyan na minor, reto ko na lang kayo sa magiging anak ko)
Single dapat kung taken naman dapat gawing querido niyo na lang ang current juwawhoopers niyo.
5'6" above ang height. Sige, 5'4" na nga lang para marami-rami ang qualified, di na ako payag below dun kasi baka mag-apply na sina Mahal at PGMA sa akin.
Dapat pasado sa mataas kong aesthetic taste.
Maliit ang beywang, gusto girls na may maliit na waistline, pero kung napuputol at humihiwalay kapag gabi, pwede na rin.
Hindi buto't balat lumilipad, di kasi ako marunong kumain ng bulalo.
Hindi rin mataba, mataas ang trans fat nun, unhealthy baka magkahighblood ako at tumaas cholesterol ko.
Yung tamang taba at laman lang, juicy ang hanap ko. Konting sundot lang kakatas na ang juice niya, hindi yung dry.
Medium rare para malambot-lambot pa, pag rare kasi lasang hilaw at medyo malansa pa, kung Well Done naman, masyado naman na yatang bihasa yun.
Masarap kapag mainit, lalo na kung sizzling.
Masarap din kapag may katernong mga side dishes.
Perfect din sa red wine.

Iyan ang requirements ko sa ideal girl ko. Malasang-malasa at masarap na masarap talaga. Nakapanglalaway at nakakapang-init talaga. Pero teka, girlfriend ba talaga hanap ko o pagkain? Nagugutom lang yata ako.

Friday, April 20, 2007

Home Alone

Mahirap pala talaga ang maging mag-isa sa buhay. Paano ba naman mag-isa ako ngayon sa bahay ngayon at apat araw akong makukulong mag-isa sa loob ng bahay. Tanging si Olympus, ang aming minpin, lang ang makakausap ko. Sana nga naman nagsasalita siya para di naman ako mukhang baliw na nakikipag-usap sa kanya. Pwede naman akong lumabas ng bahay, yun nga lang kasi masyadong metikuloso ang security ng aming tahanan. Merong fingerprint scan, eye scan, blood test, voice recognition, password encoding, desanitation, interview at secret handshake bago makapasok ng bahay. Aabutin lang naman ng 12 hours sa security lock ng aming bahay.

Feeling ko nasa bahay ako ni Big Brother ngayon. Yun nga lang walang nakapalibot na cam dito, pwera lang sa webcam kung sakaling maisipang kong mag-'show'. Buti na nga lang nagagamit ko pa naman ang mga TV, PC at nakakapagpatugtug pa ako ng ubod ng lakas sa aming component. Kaya nga heto nagdidisco ako mag-isa dito sa aming house. Talagang hataw, giling, headbang at nagmoshpit sa mga unan habang pumuputok na ang mga eardrums sa lakas ng mga tugtug. Pumasok na nga rin sa isip ko na maglakad-lakad sa buong kabahayan in the nude habang kumakanta ng "Ting-a-ling-a-ling-ding-dong!"

Heto pa man din dapat ang panahon na masarap... este masayang kasama ang juwawhoopers. Yung talagang bonding time sa lahat ng parte ng bahay, sa salas, sa dining table, sa kusina at habang nagpapagulong-gulong sa ilalim ng kumot at mga unan. Kaso wala talaga, tanging unan lang mga kayakap ko. Hindi ko naman pwedeng patulan ang aso naman, dahil una sa lahat lalaki yun, kung babae sana siya baka maisipan ko na rin.

Pero dahil nga mag-isa ako nakapag-meditate at nakapag-recollection din ako. At sa aking pagninilay-nilay at pag-iisa marami akong natutunan.

  • Marunong pala akong maglaba. Salamat sa Surf Gold at napapabilis ang aking paglalaba. Pwede na talaga akong maging sex slave ng aking magiging Sizzling Hot Sadist Beauty Queen Girlfriend.
  • Hindi pa pala ako marunong magluto ng adobo, muntikan na siyang maging kilawing manok sa asim.
  • Hindi naman pala nakakalason ang panis na laway, mabaho lang talaga.
  • Mainam naman pala talaga sa halaman ang kausapin ito, yun nga lang nagmumukha akong tanga kapag ginagawa ko yun.
  • Ubod ng init ng panahon and I'm getting hotter and hotter.
  • Madalas ang pagiging mahalay kapag mag-isa.
  • Hindi ko kakayanin maging malibog sa loob ng apat na araw. Baka dugo na ang lumabas sa akin kung magpapadala ako sa mga temptations ng porn at internet.
  • Higit sa lahat, ang gwapo ko pa rin kahit ako lang mag-isa sa bahay.
Kakailanganin ko ang inyong suporta. May ilang araw pa ako dito sa bahay, kayanin ko pa kaya? Mag-abstinence kaya ako sa mga mahahalay at maruming pag-iisip, kayanin ko kaya yun? Magiging banal pagkatapos ng apat na araw na pag-iisa? Ano ang masarap na sawsawan ng squidball, sweet and spicy sauce o choco hot fudge?

Wednesday, April 18, 2007

One Strange Family

Ilang beses ko na ring napakilala sa inyo ang best friend kong nasa US na si Em-em. Currently nagwowork na siya doon. Pero malamang nagtataka kayo kung saan niya nakuha ang kanyang superpowers at kung anu-ano pang kaartehan. Very biological at genetics lang naman kasi yun, buong angkan yata nila may kakaibang taglay na kapangyarihan. Kaya naman ipapakilala ko sa inyo ang kanyang pamilya, ang pamilya Malabanan.

Em-em (aka Metroman) Malabanan
Powers: Uber strength. Uber Speed at kung anu-ano pang ka-uberan. Flight. Heat and x-ray vision. Fashion critique. Social hiker. Have a highly developed konyo language.
Status: Bunso sa magkakapatid na Malabanan. Nasa US upang makipagsapalaran sa mga Super Villains gaya ni Bush at Anna Wintour. Ang bagong Pinoy member ng JLA. Insecure kay Superman. Crush na crush naman ni Wonder Woman kaso ayaw niya naman dito. Hindi nagsusuot ng tights at spandex dahil against ito sa kanyang fashion sense. Madalas makipag-away din sa ibang members ng JLA. Siya rin ang dakilang pasaway sa office ng JLA. Kamakailan napasok sa eskandalo na kabilang si Enerva.

Gretta Malabanan
Powers: Uber daldal. Uber Ingay. Uber Palengkera. Uber hearing powers. Uber chismosa.
Status: Pangalawa sa magkakapatid na Malabanan. Kasalukuyang tindera sa palengke ng Nepa-Q Market. Sumasideline at sume-segue bilang Barker sa Quiapo at Baclaran. Madalas mapaaway dahil sa mga kinakalat na tsismis. Siya'y nag-aapply bilang gossip writer sa isang sikat na magazine, pero ok na rin daw sa kanya sa mga tabloids.

Onok Malabanan
Powers: Unknown or none
Status: Ang panganay sa magkakapatid. Umalis ng kanilang tahanan upang hanapin ang nawawalang ama. Napabalitang nagpunta ng Tibet upang magtanong sa Dalai Lama. Napadaan din daw sa Vatican para maghanap ng madreng madedevirginize. Mahilig sa kwek-kwek at nagpapalaman ng bagoong sa pandesal.

Mr. Malabanan
Powers: Unknown or none
Status: Ang padre de pamilya at haligi ng tahanan ng pamilya Malabanan. Sinasabing pumanaw na habang nagsasagawa ng research sa Himalayas. Tinutulan ng kanyang anak na si Onok ang balitang patay na nga si Mr. Malabanan kung kaya't hinanap niya ito sa iba't ibang panig ng mundo. Pero sabi sa mga tsismis ay buhay pa nga raw itong si Mr. Malabanan ngunit nag-ibang anyo na... babae na raw siya!?

Mariang Malabanan
Powers: Unlimited Multiple Orgasm. Eternal Youth and Beauty. Extremely Talented MILF¹.
Status: Anak ng kilalang bodabil² pornstar. Ang ilaw ng tahanan sa pamilya Malabanan. Hiwalay na kay Mr. Malabanan. Pumunta na rin ng US dahil napetisyon ng anak na si Em-em. Maligaya sa US dahil nae-experience niya raw ang iba't ibang sizes, mge estilo at posisyon doon. Yun nga lang daw, sumusuko ang mga nagiging lalaki niya dahil may quota siya na 50 rounds a day.

Billycoy Dacuycuy
Powers: Uber Gwapo. Uber Sex Appeal. Kumakapit sa pader gamit ang nguso. Nagkakaroon ng matitigas na scales kapag nababasa. Kumakain ng lumot.
Status: Kinakapatid at best friend ni Em-em. Dakilang fan ng pamilya Malabanan. Nakagat ng isang radioactive janitor fish na si Pokky kaya nagkaroon ng kakaibang taglay na powers. Kinikilalang USB at VSB. Masarap at malinamnam. Dakilang Bad Influence.

Hayan nakilala niyo na ang pamilya Malabanan at ilang tao sa paligid nila - ako lang yata yun. Masyadong kakaiba ang mga taong ito kaya naman naging fan na ako ng istorya ng kanilang pamilya. Marami pang pwedeng mangyari sa kanilang pamilya kaya naman umaantabay ako sa kanila.

Fan nga lang ba ako ng kanilang pamilya o sadyang usisero lang ako?

¹MILF - Hot Momma!
²Bodabil - variety show noong di pa masyado at wala pang TV

Monday, April 16, 2007

Firsts in 24 Hours

Ubervirgin pa talaga ako. Hindi lang naman ako sa popoy walang experience kundi sa napakarami pang bagay. Kung hindi niyo nalalaman isa po akong amazing home buddy. Hindi po ako homeboy dahil hindi naman po ako katulong at hindi rin si Boy Abunda, kaya ako ay isang home BUDDY. Nabasa niyo naman na siguro ang aking First Time, pero bukod dun, marami pa rin akong first time.

Nitong nagdaang weekend dalawang first time ang naranasan ko.

First Time sa Gig
Nagtatrabaho ako sa Makati so dapat El Gimikero ako, kaso hindi. Malls at sinehan lang mga alam ko sa Makati. Hindi ako nagba-barhopping o anuman. First time ko umattend ng gig, at sa mismong last night pa ng 6 Underground Bar sa Makati nitong nagdaang Friday. First time na nga sa gig, last night pa nila, syet naman. Ang daming bandang tumugtug nung gabing yun.

Nagperform ang Kapatid, ang galing, ang lufet. Nandun din ang The Dawn, kinanta nila ang “The Differences”, ang ever fave na “Envelope Ideas”, “Salamat” at “Isang Bangka”. Kahit veterans na ang The Dawn mataas pa rin ang energy nila. Tumugtug din ang Typecast at ang Paramita. Na-inlove na naman ako kay Ria Bautista ng Paramita. Ang saya talaga ng gabing yun. Yugyugan, headbangan, at sangkaterbang naggagandahang mga babae. Sayang hindi ako nadevirginize at walang madugong patayang naganap para mas memorable sana.

Isa lang masasabi ko, I LOVE YOU RIAA!!!

Unang Yapak sa UP
Hindi pa ako nakakapunta sa UP eversince, nitong Sabado ng hapon pinapunta ko na lang ang aking alipin dun gawa nung second day ng iBlog 3 Summit. Kahit mainit ang weather, pinasabak ko siya sa kalsada ng Edsa makapunta lang sa UP at sa iBlog 3. Sa pagbaba niya ng jeep sa pagdadausan ng event, gusto niya raw lumuhod at dila-dilaan ang lupa dahil nga first time niya nga sa UP. Hindi niya na lang ginawa dahil hindi niya trip ang lasa ng lupa at sayang naman ang getup ng aking alagad at mawawalan pa siya ng poise. Parusa na naman ang abot niya kapag ginawa niya yun dahil dadalhin niya na naman ako sa kahihiyan.

Pumasok na ang aking kanang kamay sa Auditorium at maya-maya pumasok na rin sina Jhed, Heneroso, Kevin, Irvin, Aaron James, at ang mga bagong salta sa barkada sina Ian at Mike. Nagkaroon ng pagkakataon na ipakilala ang mga kanya-kanyang blog, at ginawa din yun ng alagad ko. Aber, sira na naman ang pagkatao ko dahil sa mga sinabi niya. Tama ba naming i-describe niya ito na “Lahat ng topic na naiisip niyo haluan niyo lang ng sex at kababuyan ay nandito.” Nung makarating sa akin ang balitang ito, pinakaladkad ko siya sa tren ng PNR. Wala na akong reputasyon sa ginawa niyang iyon. Kung nung college nang dahil sa dalawang subjects ay nawalan ako ng Gender at nawalan ng Logic. Ano na lang natitira sa akin? Wala ng natitira sa akin, wala na akong reputasyon. Virginity na lang ang meron ako.

Pagkatapos ng iBlog 3, naglakas-loob ang kawatan papuntang Drew’s sa may Katipunan. Uminom daw sila ng Jerbaks at naghapunan ng pulutang sisig at mga squidballs, kikiam, etc. Naghapi-hapi at nagpakalango sa taeng inumin. Meron pa ngang nabuyo ang aking kanang kamay na uminom ng alak. Pero nung uwian na, wala o iilan lang pala ang may alam ng tamang sakayan pauwi. Mabuti kasama nila si Sarhento Magtanong kaya nakauwi naman sila ng maayos… ewan ko lang sa mga sikmura nila.

Masaya ako at naganap ang mga first time na ito sa buhay ko, bagamat yung UP experience ay sa alipin ko lang, masaya na akong marinig ang mga kagaguhang ginawa niya doon.

Nang dahil sa mga kaganapang ito, katunayan lamang na magandang halimbawa ng isang Rolemodel (rowwl-moww-dell) ng kagaguhan si Billycoy Dacuycuy.

Friday, April 13, 2007

Desired Positions in...

Kapag tapos na sa pag-aaral o college, siyempre kailangan ng maghanap ng trabaho. Unless, mas gustong tumunganga sa loob ng bahay, maging palamunin at magpakamatay sa panonood ng mga teleseryes sa harap ng TV. Maraming job openings ngayon lalo't summer dahil maraming mga graduates. Kaso karamihan naman opening ngayon ay para dun sa call centers. Of course, lahat naman tayo gusto umupo sa posisyong hinahangad at related sa tinapos natin. Hindi yung makipagtelebabad sa mga eng-eng at mga inaamag na utak na mga kliyente habang nagpapakamatay sa pagpupuyat habang nakatuhog sa magkabilang tenga ang headset. Though, marangal at malaki kita ang maging ahente sa call center, nakakahinayang lang kung di magagamit ang natapos at magawa ang pinakaaasam na trabaho.

Syempre ako masaya ako sa trabaho at ginagawa ko, kasi ito ang tinapos ko. Hindi rin naman mawawala na meron pa akong ibang jobs na inaasam. Kaso hetong mga inaasam kong trabaho wala sa mga pages ng classified ads, o kahit man lang sa mga dahon at mga nakapaskil sa mga poste katabi ng mga "Wanted: Bed Spacer" at "Bawal Umehi Dito."

Position Desired: President/CEO of Multinational Company
Sarap ng feeling maging President/CEO. Nakaupo na lang sa isang malaking upuan sa loob ng isang malaking kwarto habang tanaw sa bintana ang magandang view ng syudad. Papirma-pirma na lang ng mga papers at nakikinig sa balitaktakan at nagpapatayang mga board members. Pipindot lang sa speakerphone at sasabihing "Hoy babae, bigyan mo ako ng kape dito!" o kaya "Hey sexy, let's have a dictation in my office!"

Position Desired: Nawawalang Anak ni Bill Gates
Laking tuwa ko kung isa ako sa nawawalang anak ni Bill Gates. Kapag pumanaw kasi si Bill Gates, 0.01% lang ang ipapamana niya sa kanyang mga anak at the rest sa charity na ibibigay. Ang 0.01% na mana ay nagkakahalaga lang naman ng $10 million. Syempre mas gusto ko mas malaki makukuha o kaya lahat ng pera niya, gagayahin ko na lang ang mga ginagawa ng mga kontrabida sa teleserye para makuha ang yaman na yun.

Position Desired: Sex Slave ni Rhian Ramos or ng Sadistang Beauty Queen
Napanood ko minsan sa TV na mahilig si Rhian Ramos mangolekta ng feathered handcuffs. Kinky di ba? Kaya willing akong mag-apply bilang maging sex slave ng magandang dilag na ito. Kahit abut-abot na peklat sa likod at sakit mararanasan ko basta si Rhian Ramos o isang Sadistang Beauty Queen ang aking dominatrix, abot-langit na ligaya na yun.

Iyan ay ilan sa mga desired careers ko. Sayang wala ang mga yan sa classified ads ng dyaryo dahil agad-agad akong mag-aapply sa mga posisyon na iyan. Since wala naman ang mga posisyon na yan sa mga ads, posisyon na lang sa kamasutra ang aalamin ko.

---------------------------------
Mababasa niyo pa rin ang kakaibang Billycoy at ang aking First Time sa blog ni Chico.

Wednesday, April 11, 2007

Indulge Me and Be Satisfied

"Everything in this room is edible, the floor, the walls even I am edible, but that my dear children is called cannibalism and is frowned upon in most cultures"
- Willy Wonka, Charlie and the Chocolate Factory (2005)

Nitong nakaraang araw, inatake at sinugod ng mga kawal na langgam ang aking cabinet. Kung kaya naman karamihan sa aking damit ay may mga langgam. Kaya't nung sinuot ko na ang mga damit, lalo na yung boxer brief ko ay anong sarap ng pagkagat nila sa aking patotoy at balls. Baka dahil sa aking sweetness kaya pati mga langgam hindi maresist ang appeal ko.

Kaya't napatunayan kong isa akong masarap na nilalang. Kadalasan nga walang masarap na ulam sa canteen, ako lang! Kaso wala pang nakakatikim sa akin tanging mga langgam at aso pa lang ang nakatikim sa aking pinagnanasaang mouth-watering oozing body.

Meat. Tama lang ang halo ng taba at ng karne. Kasi kung lean meat lang hindi rin masyadong nakakatakam yun, kaya naman meron konting taba para di naman masyadong bland ang panlasa. Tamang protein at cholesterol lang.

Seasoned. Mahilig akong kumain ng maalat, matamis, maasim at kung anu-ano pa. Pati rin mga chichirya at mga processed foods, kaya naman siguradong malasang-malasa lahat ng laman ko. Marinated na ako para talagang masarap na masarap.

Bone Marrow. Malinamnam talaga ako kahit sa kasuluk-sulukan ng mga buto ko. Lalo na yung mga bone marrow ko, masarap at talagang malinamnam. Kaya nga pwedeng-pwedeng supain* ang aking mga buto.

Brain. Hindi kayo magsasawa dahil punung-puno at malaman na malaman. Malinamnam din at talagang nakakatakam ang sarap. Medyo nakakadiri lang kasi may pagka-moss green ang kulay ng utak ko, pero kapag natikman naman tiyak na hahanap-hanapin niyo.

The Very Private Part. Ito ang very mysterious part ng katawan ko, better left undefined.

Masarap talaga akong nilalang. Sayang nga lang wala pang nakakatikim sa akin. Masuwerte ang unang makakatikim sa aking alindog. Yun nga lang, kailangan ko ring mag-ingat kasi baka machop-chop ako.

*Supa - the action of sucking the bone marrow from the buto. Just like the act of sucking in Bulalo

-------------------------------------------------
Siyangapala, nag-guestblog pala ako. Kung gusto niyong magbasa ng kakaibang Billycoy pumunta at magbasa kayo sa aking pag-guestblog ko sa blog ni Chico. Basahin at alamin ang aking First Time.

Monday, April 09, 2007

Temperature is Rising

Summer na talaga. Damang dama ko na ang lagkit at lapot ng aking mga pawis sa tuwinang lalabas at di ako matatapat sa electric fan o di mapunta sa kwartong aircon. Kapag hinuhubad ko nga ang damit ko sumasama na ang balat ko sa aking damit dahil sa kalagkitan ng panahon ngayon.

Kaya naman ang sarap mag-outing at magbeach-beach ngayon. Malakas na rin ang mga halu-halo, saging con yelo, mais con yelo at kung anu-ano pang ka-yelohan. Balik uso na naman ang mga flip-flops at summer clothes para fresh ang feeling. Kaya kung anu-ano gimik ngayong panahon para maibsan ang init ng kalamnan… este panahon.

Ano pa ba ibang paraan para ma-freshen up nating ang init ng panahon na sinasabayan din ng El Niño?

  • Kung mapera at mahaba naman ang bakasyon, bakit sa Boracay pa pupunta para magpalamig? Pumunta na lang sa Siberia o kaya sa Antarctica at samahan ang mga penguins at seals para magpalamig doon.
  • Alisin lahat ng laman sa refrigerator at isiksik ang sarili sa loob para malamigan.
  • Kung kaya magpa-centralize ng bahay, gawin na lang freezer ang inyong kabahayan para malamig na talaga. Hindi na rin kakailanganin ang fridge kung ganito kalamig ang inyong bahay.
  • Huwag kainin ang halu-halo at any frozen delights, ibuhos na lang ito sa katawan para talagang malamigan.
  • Pasabugin ang araw, dahil ito ang dahilan ng mainit na panahon natin.
  • Higit sa lahat, ugaliing regular makipagpopoy o kahit anong pagrerelease dahil nakakadagdag ng init sa ating katawan ang kalibugan.

Mainit na talaga ang panahon ngayon. Kaya gawan na ng paraan para maibsan ang pag-iinit na ito. Marami ding nagkakasakit dahil sa init na ito, kaya kailangang magpa-cool down din pa minsan-minsan para maiwasan ang ating pag-overheat.

Grabe na talaga ang init, I’m so hot and the girls are getting wet!

Wednesday, April 04, 2007

The Centennial Post: The Seat is Burning!

Ngayon ang ika-100 kong post kaya naman pinagbigyan ko ang aking mambabasa. Minsan lang itong mangyari kaya naman inabuso at para akong ni-rape sa mga katanungan nila. Kaya ngayon laspag na ako… pero virgin pa rin.

from Atomic Girl: Tanong lang, bakit billycoy?
Obvious naman na Billy ang nickname ko, pero sa kabahayan namin, kapag binubulyaw ng nanay at ng iba pa naming kasambahay ang pangalan ko, Billycoy lagi. Idagdag ko na rin pala, kaya Dacuycuy apelyido ko kasi anak ako nina Mr. & Mrs. Dacuycuy, mga conservative sila, ang nanay ko ay madre at tatay ko ay pari kaya heto ang kinalabasan ng anak nila, isang konserbatibong nagngangalang Billycoy Dacuycuy.

from Juice: If you were to adopt one child from any nationality, which nationality would it be?
This is becoming fad in the US lalo na sa mga hollywood celebrity. Ka-level ko na talaga si Brad Pitt! Kung may aampunin ako from any nationality, pipiliin ko martian na lang, wala pa kasing nang-aampon ng alien sa ating planeta.

from Jhed: Kung ikaw ay magiging babae for a day, what will you do?
Malamang na di ako makalabas ng kwarto namin dahil baka mapagkamalan pa akong magnanakaw. Kung magiging babae ako, syempre hahawakan ko na ang dapat hawakan, gagalawin ko na ang dapat galawin, at lalaruin ko na ang dapat laruin. Lalayo lang siguro ako sa salamin dahil baka marape ko pa ang mirror namin!

from Hener: ANo ang masasabi mo sa itsura ko, moses, at jhed? alam mo ba ang common name ng scientific name na Drosophila melanogaster??
Ayun sa aking kanang kamay, magkakamukha lang daw kayong tatlo. Pare-pareho kayong may dalawang mata, isang ilong na may dalawang butas, isang bibig at dalawang tenga. Malayong malayo daw sa kagwapuhan ko.

Yung isa mong tanong, langaw yan di ba? Anu bang tanong yan? Dali naman, ganun kaya ang lahi namin!

from deejay: if you are going to die tomorrow, why not today? you are stucked in an island. what shampoo will you use? what have you learned after posting a hundred entries?
I'm going to die tomorrow because it's not today, and today is not tomorrow or yesterday, so tomorrow na lang. Shampoo? siguro yung Gee Your Hair Smells Terrific, pero pwede na siguro laway ko, pwede na nga ring panghugas ng pinagkainan ang laway ko! I have learned na 100 na pala ang post ko after posting a hundred entries.

from Hermie: kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng kahit anong bagay na hindi ka papagalitan o makukulong, ano ang gagawin mo?
Pumopoy!!! Hindi pa kasi ako nakakaranas nun, mapapagalitan lang naman siguro ako kapag di maganda performance ko at di ko napaabot sa rurok ang kapartner ko.

from LA: Anong tingin mo sa ganda ni L.A? (Your naughy Alipin's point of view and yours) Bakit merong sa "U" sa ulo mo sa picture? Hindi ka ba tatakbo bilang meyor sa inyong lungsod? Presidente kaya? Bakit ka WHOLESOME at ang iyong alipin naman ay HINDI? Whats your motto? Describe yourself?
Ayun sa aking alipin, ikaw raw ay isang diyosa, nagniningning ka raw sa kagandahan. Yan ang sabi niya at palagay ko rin, dahil ayokong masumpa balang araw! Yung U? Ibig sabihin kasi niyan Uber, Uber gwapo, uber cool, uber virgin at kung ano-ano pang ka-uberan. Hindi ko nais maging mayor, kasi ngayon pa lang I rule the world na! Nagkataon lang siguro na mali ang naiprogram ko sa aking alagad, teletubbies ang pinoprogram ko sa kanya, di ko akalain na sex scandal ng teletubbies ang naprogram sa aking kanang kamay. Ang aking motto ay "Learn to live the life you live because the life you live is the life you are living". Describe myself... hmm it's irresistably undescribable.

from Neil: Bakla ka ba? Kaya hanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka-popoy? O gusto mo ikaw ang mapopoy?
Hindi po ako bakla, kaya lang naman ako hindi pa nakakapopoy dahil hindi pa ikinakaloob sa akin ng tadhana. At mas pipiliin ko pang makipagpopoyan sa ipis kaysa makatikim din ng kapareho ko ng sandata. Bakit mo pala natanong? Tipo mo ba ako? Sorry pare, straight ako.

from Aaron James: bakit naman USB ang term mo kung gelpren lang ang dahilan?
Unloved Since Birth, dahil hindi naman ito yung love in general na tinutukoy ko. Love as affection to opposite sex ang tinutukoy ko dito. Saka mainam ang USB para unisex, kung NBSB or NGSB, ang hirap banggitin, nakakapagod at bumubuhol ang dila ko sa ngipin.

from Redg: What is love? Who is your crush? Most unforgettable moment? Most embarassing moment? Where? When? What? Who? Dedication?
Love, wala pa akong alam dyan. Crush? Marami kaso kadalasan one in a thousand faces that pass by lang. Unforgettable, marami, basahin mo iba ko pang post. Most embarrassing, lahat na yata ng kahihiyan ko nandito na sa blog ko. Dedication to all my fans, remember to keep off the grass!

from Geexie: paano mo mapapatunayan sa amin na gwapo ka?
Ang tunay na gwapo wala yan sa hitsura, nasa personality yan, lalong lalo na sa confidence… at kahalayan! Yan ang kagwapuhan sa pananaw ko. Kung paano ko mapapatunayan? Actually, kahit ako nahihirapan akong patunayan na gwapo ako kasi everytime na tumitingin ako sa salamin, nahihirapan akong tumingin, nasisilaw ako. Nakakasilaw ang aking kagwapuhan.

from Michelle: what does blogging means to you?
Blogging means writing. Writing means blogging. Therefore Blogging is Writing to me. But whatever that means, blogging is wala lang!

from Padre Salvi: anu ba talaga itsura mo? maaari ka bang magbigay ng mga celebrities na maaaring mapagbasehan kung anung istura mo? bukod sa iyong pagiging vsb, uber gwapo at lakas ng sex appeal, anu pa ang iyong mga assets?
Hitsura ko? Sa mga celebrities, pwede mo kong ikumpara sa mga hitsura ni Invader Zim, ET, Yoda, Chewbacca, Nightcrawler at Brad Pitt. Pagsama-samahin mo lang hitsura nila and you get the picture. Isa ko pang asset ay ang pagiging mahalay ko!

from baby: ano ang maipapayo mo sa akin tungkol sa aking buhay pagibig? kung magsyota tayo saan ang unang date natin? ano ang dahilan at nagblog ka? ano ginagawa mo sa opisina bukod sa magtrabaho magblog at makipaglandian sa chat? kaninong blogistang babae ka natutuwa? ano ang ginagawa mo para iparamdam sa kanya na natutuwa ka sa kanya?
Ang maipapayo ko sa iyong buhay pag-ibig, kumunsulta ka kay Joe D’ Mango, hustler siya sa ganyang larangan. Kung magsyota tayo, ang unang date natin sa high chair mo, ako magpapakain ng Gerber sa iyo, since ikaw ang baby ko. Ang dahilan ng aking pagbablog ay pagiging stagnant ng aking pathetic boring life. Bukod sa blogging, magtrabaho at makipaglandian sa chat, nanonood din ako ng porn! Sa babaeng bloggistang kinatutuwaan at kinahuhumalingan ko ngayon, actually marami sila, ayokong magmention ng name baka maintriga pa ako. Saka maraming nahuhumaling sa akin, kaya minamabuti kong manahimik baka kasi may magselos at magkaroon pa ng giyera ng mga kababaihan dahil sa akin. Pero para malaman niyang natutuwa ako sa kanya, nilalandi ko siya na parang 12 years old pa lang ako, minsan malanding pang 7 years old!

from Marchie: seryoso bang vsb ka?
Oo seryosong VSB ako, hindi ba halata? Napakawholesome nga ng mga post ko dito! Kung sakaling madevirginize na ako ibabalita ko naman dito, kaso baka masira ang wholesome image ko.

from Dorkzter: ano ung crost? anu din ung number 22??
Ang crost po ay nanggaling sa paborito kong movie noon na “The Last Don”. Name siya ng bida don. Yung number sa lahat after ng crost, corresponding po siya ng age ko kung ilang taon ako ng binuo ko ang account na iyon.

Lubos akong nagpapasalamat sa mga nagpauto sa akin at mga gumugol ng kanilang oras para sa pagtatanong. Sumabog na naman ang aking utak dahil sa mga katanungang ito. Kasalukuyang hinahanap pa sa ibang parte ng kabahayan ang mga piraso ng aking brain. Hindi ko nga rin alam kung may neurons pang natira sa akin.

Sana’y nabigyan ko ng kalinawan ang lahat ng bumabagabag sa loob ng inyong utak. Kung nalalabuan pa rin kayo sa mga kasagutan ko, mabuting komunsulta na kayo sa optometrist o kaya sa ophthalmologist, pero kung wala silang silbi at di naayos ang inyong problema, lumaklak lang kayo ng Domex at mauunawaan niyo lahat ng kasagutan ko.

Be Prepared It's Approaching Fast!


One month mahigit sa araw na ito ay ipagdidiwang ko na ang aking 17... este 24th birthday. Kaya ngayon pa lang hinahanda ko na ang aking wishlist para sa araw na iyon. Syempre una sa listahan kong yun ay ang world peace wrapped in an elegant packaging. Bukod sa world peace, may mga tangible objects and experience din naman akong gusto para sa parating na kaarawan ko.

Trip to Amanpulo. Kilala ang Amanpulo sa pagiging exclusive beach dito sa 'Pinas. Some hollywood celebrities (e.g. Robert de Niro) are going there without the notice of the pinoy media. A whopping 300,000 pesos or more lang naman ang budget dapat dito. Ginto kasi ang buhangin at pwedeng isangla sa mga pawnshop. Kaya naman talagang gustong-gusto kong magpunta sa lugar na ito para mag-uwi ng buhangin mula sa lugar na ito.

Luxury ship. Isa sa mga gusto kong gawin ang mag-cruising gamit ang sarili kong barko. Kaya naman ikaloob niyo na sa akin ang luxury ship. Ang sarap yatang mag-relax at mag-unwind habang bumabiyahe ang barko. Ang magiging problema ko lang kung saan ko ito ipa-park.

Boeing 747. Hindi ko pa naranasang sumakay sa isang lumilipad na eroplano, kaya gusto ko magkaroon na lang ako ng sarili kong private plane na Boeing 747. Kahit saan man pumunta, gaya ng sari-sari store ni Aling Tekla dyan sa kanto, mabilis at madali na lang akong makakapunta.

Bentley. Ano panama ng mga Lambourghini, Porsche, Ferrari at Sarao sa Bentley? Laking tuwa ko kung magkakaroon ako niyan. Pero malamang hindi ko rin ito magagamit dahil sa hindi pa ako marunong magdrive at baka pagawan ko na lang ito ng museo at ilagay sa airlock container para mapreserve ang treasured Bentley na ito.

Sizzling Hot Girlfriend. Ayos ito, lalo na kung mamahalin niya ako ng lubusan at gagawin niya akong sex slave. Gusto ko na rin kasing matigil ang aking reklamo sa pagiging USB at VSB (Virgin Since Birth, thanks to AaronJ). Pero siyempre dapat pasado sa standards ko ito, baka kasi hipon, sugpo at alimango kasi ang ibigay niyo, sayang lang effort niyo kapag ganun dahil ipapapapak lang namin sila sa mga leon at buwaya.

Sex Toys and boxes of porn movies. Lubos na lubos siguro ang aking ligaya kapag nakatanggap nito. Basta siguraduhin niyo lang na sex toys na panlalaki at hindi yung mga dildo! Huwag na rin siguro yung love/sex doll baka kasi magkabeke naman ako sa kakaihip bago ko pa magamit yun. Mabigyan lang siguro ako nito, kahit kalimutan niyo na yung trip to Amanpulo, luxury ship, Boeing 747 at Bentley masaya na at maligaya na ang birthday ko.

Simple lang naman ang mga wishlist ko para sa aking birthday. Abot-kamay nga kung tutuusin. Pero wag niyo pa ring kalimutan, tumatanggap pa rin naman ako ng cash donations and bank cheques.

--------------------------------------------------
Ito na ang aking 99th post, kaya naman next post ko ay ika-100th post ko na. Kaya naman, special offer na ito sa inyong mga minamahal kong mambababasa. Binibigay ko na sa inyo ang pagkakataon na tanungin ang inyong abang-lingkod. At ang mga kasagutan naman ay ilalagay ko sa ika-100 kong post. Kahit anong tanong, personal, science, sex, literature, sex, arts, health, politics, sex at kung anu-ano pa basta wag lang math, trigonometry at physics. Sinumang magtanong ng mga pinagbabawal na topics ay tutubuan ng garapata sa ilong. Questions lang at hindi requests, minsan lang ito kaya naman i-grab niyo na ang opportunity na ito.

Para sa mga questions niyo pwedeng e-mail dito crost22@gmail.com kung sosyalin kayo, or sa comment box kapag tinatamad kayong magbukas ng e-mail niyo.

Monday, April 02, 2007

And the Award Goes to...

Bigo na naman ang aking alipin upang makamit ang pinakaaasam kong iPod Video sa gabi ng Philippine Blog Awards 2007. Kaya naman pagkadusa-dusang torture ang inabot ng kanang kamay kong ito sa kanyang kabiguan. Sinigurado kong pati ang mga retina niya ay may latay gamit ng aking latigo. Sabi ko naman sa kanya na kahit suhulan niya ng milyun-milyon ang mga organizers gawin niya makuha ko lang ang most desired iPod Video, kaso hindi niya ginawa, kaya parusa na lang.

Almost 1am na nga dumating itong aking alipin at hinintay ko pa talaga siya para lang dun sa iPod kaso wala siyang inuwi. Kaya pinakinggan ko na lang ang balita niya sa event. Nanalo daw si Utakgago ng Nokia 3230, gumawa na nga ng plano ang aking alipin upang inenok ang cellphone na yun upang kahit papaano ma-please ako, kaso nabigo siya. Maraming naganap, sayang nga lang walang nangyaring sex orgy sa awards' night lalo't nandun din si Bryanboy at ang kanyang dakilang yaya, maka-iskor lang sa yaya niya masaya na ako para sa alalay ko.

May afterparty sa Hula-Hula Bar sa Shangri-La, yun nga lang walang nakakaalam sa kanila kung saang Shangri-La, kung Edsa o sa Hotel. Nagdecide na pumunta muna sa Shangri-La Hotel sa Makati. Since ang alagad ko lang daw ang nakakaalam ng paikot-ikot sa Makati siya ang naging slave slash model turned yaya slash tour guide ng mga kasama niyang bloggista na sina Aaron, Franco, Kevin, Jhed at ang malantod na si Heneroso, sayang nga at hindi nakasama si Arnel. Walang Hula-Hula bar sa hotel kaya namalakaya na naman ang mga nomad sa Makati para makarating sa MRT para makadiretso na sa Shangri-La Edsa.

Pagdating sa Hula-Hula bar, dun nakita na nila sina L.A., Philippine Blog Award 2007 Winner Shari, Jomar, Pierre, Chris, A.J., Jeff, at the rest ng mga bloggers. Bumaha ng alak at iced tea saka nagkaroon ng stampede ng Maki. Halos malunod na nga si Jomar sa iced tea. At akalain mo ba naman pati ang underaged teeny-bopper incoming UPLB freshmeat na si Utakgago ay nakiinom at sinasaway na nga dahil underage pa at may curfew pa siya. Natapos ng maayos ang gabi sayang nga at walang gulo at gangwar na naganap, dahil mas enjoy sana ang gabi kung magiging madugo at may magkakalat na body parts.

Bibigyang linaw ko lang:

  • Hindi po ako ang nagpunta sa Blog Awards, alipin ko lamang ang pinapapunta ko sa mga ganyang kaganapan. Baka sa lakas ng aking makamandag na alindog at nakakatakam na sex-appeal ay mawala ang atensyon sa event at mapunta na lang sa akin.
  • Alam kong gwapo ang aking representative, pero di hamak naman na mas magandang lalaki ako sa kanya at wala ng dadaig pa sa akin.
  • Ako ang mismong gumawa ng aking alagad. Ginawa ko siya in the image and likeness of me. Parang clone pero 0.01% lang ng aking kagwapuhan.
  • Hindi o minsan lang nagpapakuha ng litrato ang aking alipin dahil ayaw niyang magkaroon ng misconception at mapagkamalang ako siya.
  • Huwag niyo po siyang mapagkakamalang tahimik, ang totoo po niyan, may switch lang na nakatago sa loob ng kanyang ilong. Kung gusto niyo lamang siyang magdadaldal ng walang katapusan at wakasan na ang inyong buhay sa kanyang pagsasalita, i-on lamang ang switch na ito.
Pagpasensyahan niyo na po kung alipin ko lang ang nakakahalubilo niyo ng madalas. Pero don't worry trained naman yan na kumilos at magsalita na kagaya ko. Ingat lang kasi may self-destruct mechanism yan.