Friday, October 12, 2007

Save the Bacteria Movement

Kung sa inaakala nating lahat na ang ating mga magulang, tito, tita, ditse, ate, kuya, lolo, at lola lang ang ating mga kapamilya at kamag-anak, malaking pagkakamali iyan. Meron tayong long lost relative na matagal na nating di pinapansin kahit pakalat-kalat lang siya sa paligid. Kaya naman, ipinapakilala ko sa inyo ang inyong long lost relative.

Isama niyo ang picture na iyan sa inyong family album.

Yap, ang Bacteria nga ay kamag-anak nating lahat. Sa theory of evolution, sinasabi dito na ang buhay sa earth ay nagsimulang lahat sa microorganism, ang bacteria. Hanggang sa nagtagal, nagkaroon na ng mga halaman at kahayupan sa ibabaw ng kamunduhan... este mundo pala. Ang mga bacteria ay may buhay din at relative natin kaya naman nararapat rin silang pangalagaan.

At dahil ang inyong lingkod ay advocate ng buhay ay isinusulong ko ang Billycoy's Organization for Organisms and Bacteria Savers or BOOBS. Isinusulong ng BOOBS ang pagligtas ng buhay ng mga microorganisms at bacteria sa ating paligid at awareness program ukol sa kahalagahan at kung paano mapapangalagaan ang buhay ng mga munting kaawa-awang nilalang.

Heto ang ilan sa mga paalaala at advocacy ng BOOBS para mailigtas ang buhay ng mga bacteria at microorganisms.

  • Huwag ng maligo na gamit ang mga antibacterial soaps dahil pinapatay nito ang maraming germs sa ating pangangatawan. Kung may reklamo mang marami na ang namamaho ay mabuti na rin yun, dahil at least marami naman ang naililigtas na buhay.
  • Nire-remind din ng BOOBS na ang tae ay isang colony ng mga kamag-anak natin kaya naman dapat din silang pangalagaan. Handle with care, ika nga.
  • Nais din ng aking organization na ipagbawal na lahat ng mga anti-bacterial soaps, cleanser, detergents, etc. Masaya ang maduming buhay kasama ang mga munti nating kapamilya.
  • Kasagutan sa kalungkutan at depression ang mga bacteria. Nais naming iparating na hindi kayo nag-iisa sa mundo. Nariyan lamang ang mga bacteria para dumamay sa inyong mga problema.
  • Isa rin sa aming advocacy ang pagliligtas sa mga sperms. Marami kasi ang namamatay na sperm cells sa tuwing nagkakaroon ng "Happy Time" ang mga kalalakihan. Kaya naman ipapasa namin sa gobyerno na gawing krimen ang pagpuksa sa milyon-milyong sperm cells.

Marami pang mga paalaala ang aking organization sa mga darating pang araw. Nananawagan din ako sa marami na sumali sa BOOBS para na rin mailigtas ang napakaraming bacteria at microorganisms sa ating kamunduhan... este mundo.

Tandaan, Bacteria man, may buhay pa rin iyan.

14 comments:

Jhed said...

Isulong ang BOOBS! LOL!

Grabe, kakaiba ang mga organization na tinatayo mo. Haha. Go go go lang!

Anonymous said...

nakalimutan ko na classification nyan. naaalala ko kai yan yung nirecite ko nung 2nd year hs sa biology

yung may kingdom, phylum hanggang genus at species.

icarus_05 said...

Grabe naman XD nakakadala itong organization na ito!

Go BOOBS!

Unknown said...

Paano ba sumali sa BOOBS? May free dental plan din ba to?

"Masaya ang maduming buhay kasama ang mga munti nating kapamilya." -HAHAHAHA!!!

Hey Billycoy, I was wondering kung pwede mo i-link yung blog ko sa blog mo, para lumakas naman yung traffic sa site ko haha. XD

Billycoy said...

padre salvi > kahit ako di ko na rin maalala

cris > ang dental plan namin dito ay dagdagan ang plaque at tartar sa mga ngipin. sali ka na ba?

Anonymous said...

panu na ang biogenic? lol


BOOBS talaga eh nuh hahaha

Anonymous said...

pinilit yung
letter S
sa BooBs.
haha.

pinagisipan ng maigi e.
sumakit ulo mo no?

e ako?
kapamilya ko ba ang bacteria?
:)

Billycoy said...

yeye > bawal na rin ang biogenic!

xienahgirl > hindi naman sumakit ulo ko, dumugo lang ilong ko pagkatapos, ewan ko nga kung bakit.

Anonymous said...

kamustahin naman ang samahang BOOBs. hahaha. so ano na ngayon ang nangyayari sa mundo wowowowow.

Jed said...

isulong ang BOOBS!
tulungan kita sa iyong advocacy campaign. kailangang malaman ng taongbayan ang advocacy na ito.

sigaw ng bayan! BOOBS!

Anonymous said...

GO BOOBS!

Shet naman, may org na rin pala si Billycoy. Hahahaha

At nako! Nung nakita ko yung pic ng bacteria - I can't help but smile. Naaalala ko Zoology ko! Grrr.

Billycoy said...

jed > tama! tulungan mo akong ipalaganap ang BOOBS ganun din sa paghahanap ng aking juwawhoopers!

utakgago > kakasimula lang ng sembreak napaalala ko kagad ang fave subject mo. LOL.

Anonymous said...

Haha. Peste. Naalala ko na naman ang Biology ko.

Anonymous said...

i cant help laughing..evrytime i read your blog..hehe..:-)
pano sumali sa BOOBS?hehe