Wednesday, October 17, 2007

Pimp my Crib

Grabe, nahihirapan na talaga ako dito sa aming tahanan. Hindi ko na alam kung paano pa ako kikilos dito. Hindi naman siya masikip, sa halip sobrang luwag nga ng aming bahay. Kung pagmamasdan kasi ang bahay namin, simpleng apartment lang. Ngunit di alam ng marami na may basement ang bahay namin. Sa basement nga ng bahay namin hindi aakalaing ganito ang gugulantang sa kanila...


Oops, sorry wrong basement.




Ganyan kalaki ang basement namin. Nagpasadya kasi kaming magkaroon ng landscape at artificial skyline doon para kahit hindi na kami umibabaw para lang makalanghap at makatanaw ng magandang tanawin. Sa sobrang laki nga ng aming basement, kakailanganin pang sumakay ng tren para makarating pa sa mga kwarto namin. Nasa kabilang bundok pa ang pinakabahay namin sa basement.

Rooms Apart

Isipin mo naman, kailangan pa naming sumakay ng train para lang makarating sa susunod o kabilang kwarto. Kaya nga siguro ako kadalasang nale-late sa office dahil sa biyahe namin sa loob ng bahay.

My Bedroom

Siyempre favorite spot ko ang kwarto ko. Napakasimple lang naman kasi doon at relaxing pa. May mga anim lang naman na plasma TV's na nakasabit sa mga pader ng aking kwarto. Yung kama ko? Hindi ko na lang ide-describe kasi yung bedsheet, punda at kumot pwede ng tumayo mag-isa sa tigas. Hindi ko nga alam kung bakit ganun, pero meron makakapa dun na parang mga natuyong gawgaw, pero di yata gawgaw, kasi amoy clorox.

My wardrobe

Ang cabinet ko kapag binuksan, meron kagad na bubungad na mga subwoofers at speakers. Sa magkabilang pintuan naman ay mayroong mga LCD monitor na nakakabit doon na nagpe-play ng mga palabas sa MTV. Tapos sa pagitan ng mga speakers may susulpot na touch-screen monitor kung saan doon ko na lang pipiliin ang isusuot kong damit mula sa aking mala-department store na wardrobe.

Super Security

Syempre, kailangang pangalagaan namin ang tahanan namin. Matindi ang security sa bahay namin. Merong voice recognition, eye scan, fingerprint recognition, blood test, DNA test, interview, desanitation, password protection, signature recognition at kung anu-ano pa. Malapit na nga yata kaming maubusan ng dugo dahil sa dalas na blood test para lang makapasok sa bahay at mga kwarto namin. Umaabot din ng ilang oras bago pa makapasok, kaya kadalasan nga ay tinatamad na kaming pumasok sa basement house namin kaya nanatili na lang kami kadalasan sa surface.

Ganyan lang naman ang crib namin. Simple lang kung tutuusin. Mas malaki pa rin kasi ang heritage house namin. Makahanap na nga ng ibang bahay, okay na siguro yung kasing liit lang ng Mall of Asia para di na ako mahirapan. Ok na kaya yun?

9 comments:

Anonymous said...

sana naman ay i-feature sa MTV's Cribs yang balaytsina mo. ;)

dorkzter said...

wow. sana kahit sa basement nalang ako makitira. hehe

Anonymous said...

pwede bang makitira sa inyo plis? papaalipin na rin ako! pero hindi yung iniisip mo.

Billycoy said...

jojitah > hindi maaari, very private kasi ang family namin kaya ayaw naming ma-publicize ang bahay namin.

dorkzter > saan basement mo gusto? dun sa may dragon?

arnel > tamang tama, kulang na ang mga kawal ko sa aming bahay. wala rin pala kaming katulong? handa ka bang maglinis ng aming basement?

icarus_05 said...

Onga, bilin mo na lang kaya ung MoA para naman pag may EB hindi na tayo nagbabayad sa mga bilihin? haha :P

Anonymous said...

Whadda!! Ang iyong bedroom!! Ang kumot... blah!! Ano yun, kapag binato mo, nakatayo? Matagal mo na siguro napapalitan... Hahaha!!
Hanep na basement ah! May bahaghari pa talaga! :)

Anonymous said...

grabe.
parang mansyon mo na
ang buong earth.
nagmukha kaming mga
daga at ipis
sa bahay mo
haha.

ek manalaysay said...

di hamak na mas malaki ang basement nyo kesa sa amin... at nagpagawa ka pa talaga ng artificial na environment a... ang yabang... este yaman... ;P

Anonymous said...

Aba naman! Mas malaki pa ang basement ninyo kesa sa main part ng bahay ninyo. O baka ang basement talaga ang main part ng bahay ninyo? Lol. At sosyal! May artificial skyline! Saan kaya pwede bumili nun? gusto ko rin bumili kase, papainstall ko sa kwarto ko. Haha.