Wednesday, October 03, 2007

Fecal Talk

Sa mundo ng banyo, maraming pagkakaiba ang tao. Iba-iba ang habit sa paggamit ng toilet bowl. Yung iba successful, yung iba mababakas sa kanilang mukha na hindi sila tagumpay sa kanilang misyon. Ngunit kung anuman iyon ay tiyak na mabaho pa rin ang kalalabasan.

TAELOGY 101

Ang tae, normal na bahagi yan ng ating buhay. Kung walang tae, malamang matagal ng nalason ang babaho na natin ngayon. Essential part of living ang pagdumi kahit gaano man ito nakakadiring pag-usapan.

Constipation. Malalaman ang isang tao kung constipated o hirap makadumi kapag nakikita ito sa mukha niya. Karaniwang makikita sa pagmumukha nila ang pagiging iritable at yung parang nakita si Jobert Sucaldito in the flesh. Obstipation naman na ito kapag naging kamukha na nila si Cristy Fermin.

Diarrhea. Contrary sa constipation, ito naman yung madalas na pagdumi. Mapupuna naman ang taong may diarrhea kung siya'y pinagpapawisan ng malamig, namumutla, tinitigasan... este naninigas, at tumatayo ang balahibo. Kapareho nito ang hitsura ng mga nakakakita kay Michael Jackson sa TV or higit lalo kung sa personal.

Styles. May iba't ibang klase ng pagdumi, yung iba yung normal na nakaupo lang, ang iba naman nakapatong ang paa sa ibabaw ng toilet bowl. Ang maaarte naman sanay na naka-squat sa mga public toilet kapag tumatae or may mga ritual na naglalagay pa ng tissue or spray pa ng disinfectant. Pero anu't anuman, mabaho pa rin naman ang mga tae nila. Paano ang style niyong tumae?

Insoluble fibers. Ang dietary fibers ay dalawang klase, soluble at insoluble. Ang mga soluble ay yung mga katulad ng cereals and oats, ang insoluble naman ay kahalintulad ng mga gulay. Kaya kung kumain kayo ng sinigang o ng mais kinagabihan, huwag kayong magtataka kung matatagpuan niyo ang kangkong at ang mais kasama sa tae kinaumagahan.

Luck. May mga paniniwala kapag nanaginip, naiputan or nakaapak ng tae ay may kapalit daw itong suwerteng darating. Ang swerte nga naman kung minsan ay dumarating sa napakabantot na paraan.

--------------------

Kung mapapansin niyo sa post kong ito ay direkta kong sinabi ang tae kaysa sa i-replace ito ng mga salitang jebs, jerbaks, jerbakuls o syet. Mas madadama kasi ang baho ng entry kong ito kapag ginamit ang salitang TAE.

15 comments:

Anonymous said...

hmm.. may yuk factor. pasok na pasok bilang humor blog. invite ka sana naming sumali sa project lafftrip laffapalooza - the search for the 2008 philippines best humor blogs. more details in the following link:

Project Lafftrip Laffapalooza

Jehzeel Laurente said...

hahahahaha! ayos ah.. mga tae ^_^

Anonymous said...

Tae naman 'to, Billycoy. Pano ko makakagawa ng taeng comment kung puro tungkol sa tae ang taeng post mo? Tatae-tae naman o.

Kadiri talaga ang salitang tae. I rarely use the term.

mr_diaz said...

may hi-res printable version ba nito para maipa-laminate ko naman.

Anonymous said...

Ah, potty humor, LOL. A trip to your site is always good for some crazy laughs. :D

Billycoy said...

arlo > obvious nga na ayaw mo ang word na tae.

mr_d > pasensya na, galing lang sa wikipedia ang chart eh... gusto mo gawan kita, actual pics pa!

fruityoaty > thank you very much... feces has just dominated my brain. LOL.

Anonymous said...

pero kung maiputan ka sa ulo, ibang usapopan na yan diba

Billycoy said...

kingdaddyrich > kung literal na usapan... YUCK!!!

eLay said...

hahaha.. napadpad ako dito.. salamat sa lafftrip kahit na medyo may kabahuan nga ung "tae."

geh.. un lang.

Anonymous said...

kakaiba ka talagang klase ng nilalang BILLYCOY - wala akong masabi sa entry na ito. natatae na tuloy ako.

Anonymous said...

Haha. Puro tae. Peste. Haha.

Hmm, anu pala suot mo nung Kapihan? Haha

Billycoy said...

prinsipe dilan > magpawpaw ka pagkatapos ha

gerome > wala ako dun sa kapihan, yung alagad ko lang. kasama siya dun sa mga fashionable & late dumating, siya yung pinakagwapo dun.

Anonymous said...

mukhang mgkkdiarrhea ako sa post mu ah.


oresol oresol!!!

Anonymous said...

medyo kadiri yun.
:)
may images pa talaga dapat?
di nakuntento sa description.
tsk tsk.

HARDCORE.

Anonymous said...

Ayus tong entry na to ah!!!

Hindi ko alam kung masusuka ako o anuman habang binabasa ko to..hehe! Kudos! :D