Tuesday, October 23, 2007

Clean Water

Isa sa kadalasang karamdaman ngayon ay related sa stomach problems. Nariyan ang dysentheria, gastroentiritis, diarrhea, constipation, cholera, kabag at mga parasites sa bituka. Kadalasan ang mga yan ay sanhi ng unhealthy at maruming pamumuhay. Isa sa mga hindi tayo nakakasiguro ipinapasok natin sa ating mga bunganga ay ang tubig na iniinom natin. Kaya nga mas madalas ay bumibili na lang ng mga mineral water o umoorder ng purified/ionized water sa mga water station. Heto at may bago na naman kaming produkto.

From the makers of Tubig Baha™, here comes a new product to help you live a healthy lifestyle. Introducing Purritta™ Pure Water, ang tubig na siguradong malinis at naglilinis pa hanggang sa kaloob-looban. Sa sobrang kalinisan nga nito ay hindi na magdududa sa pag-inom nito. Natitiyak na puro dahil dumaan sa napakaraming proseso ang tubig na ito sa paglinis.

Ang tubig ng Purritta™ ay dumaan sa napakahabang proseso ng paglilinis para i-ensure na walang bacteria nilalaman ito. Dumaan sa napakabusising proseso ng purification at filtering. Pagkatapos ng filter ay binubuhusan ito ng bleach para patayin ang mga bacteria. Susundan naman ito ng paglalagay ng anti-bacterial detergents at anti-bacterial dishwashing liquid para tuluyang patayin na ang mga microbes. Nilagyan din ng 1/4 moisturizer para swabe ang pag-inom. Ang mga bote nito ay ini-sterilize gamit ng muriatic acid upang pati ang mga containers ay siguradong germ free.

Kaya naman inaanyayahan ko kayong bumili na ng Purrita™ Pure Water para malinis na ang inyong pamumuhay.

But wait, there's more... Kapag bumili kayo sa mismong oras na ito you'll get a free sterilized powdered gloves para siguradong hindi madadampian ng germs ang bote ng Purritta™ kapag uminom kayo.

Ano pang hinihintay niyo? Bili na!

16 comments:

Anna said...

pag umorder ba ako? may kasamang kiss mula sa iyo? hihi..

p said...

siguradong malinis tlga yang boteng yan...

Anonymous said...

Magkano po ba yan? Baka naman sobrang mahal nyan dahil maraming proseso ang dinaanan ng tubig na yan. Nevertheless, isa na muna bibilhin ko. Lol. Sayang at hindi ko naabutan yung promo mo. Haha. Whatever.

Anonymous said...

sa sobrang linis
walang electrolytes.

malinis nga
di naman healthy.
hahaha.

di ako bibili.
:)

Anonymous said...

Hindi kaya magkalas-kalas ang mga atoms mula sa molecular structure ng tubig na yan? Baka sa sobrang linis nyan, 'yung wee-wee nung uminom nyan eh i-consider ng BFAD ang ihi n'ya to be potable.

Tinunuy said...

dahil ako ay sobrang hygienic na tao at maselan sa katawan, sumasaludo ako sa produkto niyo. kung oorder ako ngayon, wala bang discount?

Anonymous said...

tamang tama. kakaconfine ko lang sa ospital dahil sa amoebiasis, dahil din sa contaminated water. napeke ako sa bottled water na yun.. .. bwisit.

Anonymous said...

Haha, san mo naman nakuha yan? Jusko.

Maglagay ka rin ng Nutrional Facts. Yung may percentage talaga ha. Di tulad ng iba, puro 0% nakalagay sa nutrional facts nila. Naglagay pa! Harhar!

Anonymous said...

talagang™ may™ TM™ pa™ ang™ produkto™ mo™ ah™.

pwede™ ko™ bang™ ipa-patent™ trademark™ ang™ TM™?

^_^™

Anonymous said...

magkano naman iyan?

wala bang ibang flavor? lol

The Vampire said...

I appreciate the offer but no, thank you.

x said...

haha. pwede ka na sa shopping tv with the aussie accent. excellent advertising skills. haha. :) you got cool content in your blog, ha.

Anonymous said...

excuse me... hindi ako nauuhaw...

period

Anonymous said...

Bibili po ako pero di ko iinumin. May ipyu-purify lang akong tao. Nakakainis siya. Tignan lang natin kung di siya mabaliw sa sobrang kalinisan. Mwahahaha.

Anonymous said...

haha! pahinge naman niyan oh
gusto ko ng libreng sterilized powedered gloves. LOL.

weee. tagal ko nang 'di napapadpad ditooooooo!

Anonymous said...

Bakit nga ba kaliwa't-kanan ang mga dumi sa paligid natin? Ganon na lang ba talaga kadumi dito sa mundo?

Buti na lang may ganitong klase ng tubig. Tagapagligtas ng mga nananakit na tiyan.

Di kaya magselos si Yakult niyan? Baka pati ang mga Lactobascilli Shirota Strain niya eh mapuksa na din.