Monday, October 08, 2007

Ad Infested Delayed Telecast Boxing Match

Nagfe-flex ng muscles po dyan si Manny, hindi po siya naje-jerbaks dyan.

October 7, 2007. Ang araw nang muling tumigil ang ikot ng mundo... ay hindi pala, sa Pilipinas at sa mga Pilipino lang. Natigil muli ang biyahe ng mga jeep at taxi dahil lahat nakatambay sa malapit na carinderia na may naka-display ng TV. Peace muna ang mga pulis at kriminal dahil kasabay nila ang mga drivers manood sa TV. Ano ba ang pinagkakaabalahan nila? Ang laban nila Pacquiao at Barrera sa ad-infested delayed telecast na local channel.

Iba talaga ang nagagawa ng laban ni Pacman para sa ating bansa, maraming advantages.

Decreased Crime Rate
Ang mga adik at mga kriminal ay nandun muna sa kanilang bahay or sa kapitbahay ng pinsan ng kanyang kaibigan para manood ng laban ni Manny. Kaya naman magandang lumabas sa pagkakataon na ito para ipagmayabang sa kalsada ang nagagandahang mga selepono, iPod, mp3 players, PSP, laptop at kung anu-ano pang gadgets dahil siguradong walang magnenenok nito sa kamay niyo dahil busy silang manood.

Decreased Traffic Congestion
Kapuna-puna rin sigurong konti ang nabiyaheng mga jeepney sa kalsada dahil nga halos masunog na ang mga mata nila sa tutok sa panonood sa laban sa TV. Magandang rumatsada ang mga sasakyan sa EDSA sa ganitong panahon dahil nga mga traffic enforcers at pulis ay nanonood din. Kahit nga mag-cartwheel, gumlong-gulong at maglaro ng patintero sa kalagitnaan ng EDSA ay magagawa sa ganitong oras. Medyo mahirap nga lang mag-commute dahil konti nga lang ang nabiyaheng mga PUV's.

Tranquility
Pwedeng ma-achieve ang orgasm... este nirvana sa mga oras ng laban ni Pacman. Tahimik kasi ang outdoors kaya pwedeng-pwede mag-yoga , mag-meditate at makipag-tantric sex. Ngunit tiyak na mabubulabog na lang kapag narining ang buong Pilipinas na naghihiyawan later that afternoon dahil isa lang ang ibig sabihin nun, nanalo na si Pacman.

Bukod sa advantages, meron lang akong isang napunang disadvantage habang nagaganap ang laban.

Proof of... something
Mapapatunayan sa laban ni Pacman na wala rin tayong pinagkaiba sa ibang nasyon na meron din tayong racist tendencies. Maririnig kasi sa mga remarks ng commentators ang mga nasty comments sa katunggali ni Pacman. Mabuti na lang sa wika natin nila sinabi ang mga iyon, pero kung english lang siguro yun malamang naakusahan na rin tayo sa pagiging mapang-alipusta. English man o hindi, panlalait pa rin yun. It's all for sports naman yun, pero sana maging sport din naman tayo kapag tayo na ang tinitira, tama ba? (Uy seryoso).

Iyan lang naman ang ilang kaganapan sa ating bansa sa tuwinang may laban si Manny Pacquiao. Kaya sa mga hindi interesadong manood sa susunod na laban ng "pambansang kamao", make use of the advantages. Sana lang dine-declare na holiday ang sumusunod na araw ng pagkapanalo niya para mas masaya!

--------------------------------



Ganyan yata ang gamit na brief ni Pacman, kaya siguro matibay at di nagbe-bacon!

6 comments:

Anonymous said...

kamustahin naman ang laban ni Paquiao. hehehe. oo nga naman may point ka dun. on-air naman talaga ang pang-aalipusta ng dalawang commentator - in tagalog ha!

kaya nga sana kung tayo naman ang "paminsan-minsang inaalipusta" sana naman maintindihan natin na parang katuwaan lang naman ang mga bahay na iyon.

isipin mo na lang ang mga presidente na pinagtitripan sa mga gag shows diba. presidente yun pero sa totoo lang binabastos pa rin sila... pero wala naman silang gnagawang masama sa mga nantitrip sa kanila.

Unknown said...

Lagyan mo ng makapal na bigote si Marvin Agustin, magiging kamukha niya si Pacquiao.

Virginia said...

korek ka diyan, ang daming ads! pati di ako satisfied sa pagkapanalo niya, parang wala lang kasi di na-KO si barrera.

Anonymous said...

Manny looks a bit... constipated. The man needs some fiber.

Anonymous said...

Haha. Nakakaaliw. Pero, nakakapeste ang commercials. Plus, spoiler din ang ABS_CBN. Hehe. Oh well, that's what network rivalry can do.

Billycoy said...

agi > lagyan mo ng nunal si mahal sa kaliwang pisngi, mukha na siyang presidente... LOL.

fruityoaty > constipation... that's what he gets after dehydrating

gerome > ang dating tuloy sa tao mas delayed ang sa GMA 7, which in fact, kapag pinalabas naman talaga ang lban ni Pacman dito sa atin, delayed talaga ng ilang oras para mai-load lahat ng ads.