Wednesday, April 11, 2007

Indulge Me and Be Satisfied

"Everything in this room is edible, the floor, the walls even I am edible, but that my dear children is called cannibalism and is frowned upon in most cultures"
- Willy Wonka, Charlie and the Chocolate Factory (2005)

Nitong nakaraang araw, inatake at sinugod ng mga kawal na langgam ang aking cabinet. Kung kaya naman karamihan sa aking damit ay may mga langgam. Kaya't nung sinuot ko na ang mga damit, lalo na yung boxer brief ko ay anong sarap ng pagkagat nila sa aking patotoy at balls. Baka dahil sa aking sweetness kaya pati mga langgam hindi maresist ang appeal ko.

Kaya't napatunayan kong isa akong masarap na nilalang. Kadalasan nga walang masarap na ulam sa canteen, ako lang! Kaso wala pang nakakatikim sa akin tanging mga langgam at aso pa lang ang nakatikim sa aking pinagnanasaang mouth-watering oozing body.

Meat. Tama lang ang halo ng taba at ng karne. Kasi kung lean meat lang hindi rin masyadong nakakatakam yun, kaya naman meron konting taba para di naman masyadong bland ang panlasa. Tamang protein at cholesterol lang.

Seasoned. Mahilig akong kumain ng maalat, matamis, maasim at kung anu-ano pa. Pati rin mga chichirya at mga processed foods, kaya naman siguradong malasang-malasa lahat ng laman ko. Marinated na ako para talagang masarap na masarap.

Bone Marrow. Malinamnam talaga ako kahit sa kasuluk-sulukan ng mga buto ko. Lalo na yung mga bone marrow ko, masarap at talagang malinamnam. Kaya nga pwedeng-pwedeng supain* ang aking mga buto.

Brain. Hindi kayo magsasawa dahil punung-puno at malaman na malaman. Malinamnam din at talagang nakakatakam ang sarap. Medyo nakakadiri lang kasi may pagka-moss green ang kulay ng utak ko, pero kapag natikman naman tiyak na hahanap-hanapin niyo.

The Very Private Part. Ito ang very mysterious part ng katawan ko, better left undefined.

Masarap talaga akong nilalang. Sayang nga lang wala pang nakakatikim sa akin. Masuwerte ang unang makakatikim sa aking alindog. Yun nga lang, kailangan ko ring mag-ingat kasi baka machop-chop ako.

*Supa - the action of sucking the bone marrow from the buto. Just like the act of sucking in Bulalo

-------------------------------------------------
Siyangapala, nag-guestblog pala ako. Kung gusto niyong magbasa ng kakaibang Billycoy pumunta at magbasa kayo sa aking pag-guestblog ko sa blog ni Chico. Basahin at alamin ang aking First Time.

22 comments:

Anonymous said...

billycoy, alam mo, i think hindi naman dahil masarap ka kaya ka pinapak ng mga langgam. feeling kasi nila, teritoryo na nila yung underwear mo and all. kaya ganun. eh may dumating na foreign object, kaya ayun! attack sila. pasensiya ka na ha? sinasabi ko lang haka-haka ko kung bakit ganun.

Anonymous said...

pagkain ka na pala ngayon?

:P lolz.

'supain'. teka, tawagin ko lang si jhed. jheeeed!!!!!!!!!

ek manalaysay said...

bwahahahha... kaya ka in-invade ng mga langgam dahil sa ikaw ay hindi matamis na nilalang... kundi dahil sa ikaw ay hindi naglilinis ng iyong drawer! bwehehehhe... peace! baka maraming kanin-kanin ang naiwan sa iyong drawer due to last poypoy to urself! bwahahhahaha! baka kung saan-saang sulok mo lang nailalagay ang mga pinagkatasan este pinagsingahan mo! but then again... this is just my opinion! Ü

Jhed said...

Mali ang spelling ng "supa" mo. Haha! Di ba may 't' yun? LOL. Yun ang alam kong spelling e.

Alam ko na kung bakit nilanggam ang mga damit mo. KASI NAMAN, KAYA NGA MAY TISSUE PARA PAGPAHIRAN NG MGA 'JUICES'! LOOOOOOOOL.

@UTAKGAGO: ANONG KAGULUHAN ITO?! Bakit nasama ang pangalan ko dito ha?!

Anonymous said...

wala akong masabi--
yung linya mo
tungkol sa
pagkasarap sarap
na sarili mo
ay nagawan mo na
sa wakas
ng post.

Anonymous said...

adik ka talaga. :)) pati ba naman ang iyong "kasarapan" naiblog mo! hmmm. pero sa tingin ko, nagkakamali ang mga langgam ng pasok ng cabinet.. kaya't ng makita ka.. yan! pinagkakagat ka tuloy. :P belat. :))

Anonymous said...

masarap ka pala inside and out.

buti hindi ka naubos nung mga langgam. pero dahil pinatay mo yung mga tumikim sa iyo, baka tinawag nila yung quuen nila tapos isang colony silang susugod sayo. baka nagtawag pa sila ng mga ipis friends o baka nabalitaan ng kanilang mga kumpare rats.

Anonymous said...

ipagmalaki daw ba ang sariling alindog..hooooh..


hala eh...c utakgago talaga!! at ikaw jhed, tama lng na tawagin ka nia!! hahahaha...hooooh..alam na.....

gette said...

waw. tuwang-tuwa ako sa post na to. =))))) ahhaahaha. napakasaya. tawagin natin si tsupaman para masaya. =))))

ikay the dancer said...

wahahahahahahahahahaha kakabliw to. hindi ko tuloy maimagine ang very private part. waahahahaha/ kakaloka!

Billycoy said...

atomicgirl > hindi nila teritoryo ang underwear at damitan ko, tulay lang nila yun para gawing teritoryo ang delicious kong katawan

utakgago > oo nakakain ako, chewable pa nga

jhed > supa lang yun... bastus ka BASTUSS KAA!!! di mo ko gayahin, disenteng nilalang.

yatot > uy naglilinis ako ng cabinet ko, pati nga yung anthill dun nililinis ko na rin

yeye > syempre kailangang ipagmalaki ang aking kasarapan, baka pwede na rin akong ibenta sa mga palengke

ikay > naku, isipin mo lang maliligayahan ka na.

... said...

magkano ka kaya pag binenta ng per kilo sa palengke?

Anonymous said...

SUPA ba talaga!!! :D

[.MARCHiE.] said...

hahah. alam ko ba't nilanggam. dahil siguro sa blueberry cheesecake! hahah! :D

Anonymous said...

nice header.

very..
oriental. :P

Anonymous said...

ay shucks. ngayon ko lang na-realize na hindi pala bowls of sushi yun.

:)) stop light pala.

ENGOT.

Anonymous said...

nakow...nakakaawa...langgam lang ang nakaka-appreciate ng sinasabi mong alindog.

kung masarap ka, pano ka ba kainin? hilaw? at kung luto naman, anong putahe? wahehehe!

plano ko kasing i-serve ka as pulutan... :P

(sa sobrang kalibugan mo, pati blueberrycheesecake napagkakamalan mong babae 'tol!)

Riker said...

anong plebor mo? hahahahahahaha

Billycoy said...

sorrowful > di ko alam kung mabebenta ako sa wet market, mahal kasi ako, pang-grocery lang.

mats > supa talaga yun

marchie > naku baka nga dahil sa blueberry cheesecake

utakgago > malabo na talaga mata mo!

andianka > pwede akong kilawin. basta depende sa cook kung paano trip niya para mapasarap ako lalo. hindi ko napagkamalang babae ang blueberry cheesecake, kayo ang nag-akala nun!

chino > plebor? sa sobrang kasarapan ko, hindi na mai-describe.

Anonymous said...

supa! sows!!! kalaking tanga ko naman at di ko alam yun.. iba kasi naisip ng marumi kong utak eh...

sabi nia anka, langgam lang nag appreciate ng alindog mo? HAHA!!!

jay_panti said...

dude, sama tayo gumimik minsan.

Nash said...

umm manong kalahating kilong billycoy nga! adeeek!