Wednesday, April 04, 2007

The Centennial Post: The Seat is Burning!

Ngayon ang ika-100 kong post kaya naman pinagbigyan ko ang aking mambabasa. Minsan lang itong mangyari kaya naman inabuso at para akong ni-rape sa mga katanungan nila. Kaya ngayon laspag na ako… pero virgin pa rin.

from Atomic Girl: Tanong lang, bakit billycoy?
Obvious naman na Billy ang nickname ko, pero sa kabahayan namin, kapag binubulyaw ng nanay at ng iba pa naming kasambahay ang pangalan ko, Billycoy lagi. Idagdag ko na rin pala, kaya Dacuycuy apelyido ko kasi anak ako nina Mr. & Mrs. Dacuycuy, mga conservative sila, ang nanay ko ay madre at tatay ko ay pari kaya heto ang kinalabasan ng anak nila, isang konserbatibong nagngangalang Billycoy Dacuycuy.

from Juice: If you were to adopt one child from any nationality, which nationality would it be?
This is becoming fad in the US lalo na sa mga hollywood celebrity. Ka-level ko na talaga si Brad Pitt! Kung may aampunin ako from any nationality, pipiliin ko martian na lang, wala pa kasing nang-aampon ng alien sa ating planeta.

from Jhed: Kung ikaw ay magiging babae for a day, what will you do?
Malamang na di ako makalabas ng kwarto namin dahil baka mapagkamalan pa akong magnanakaw. Kung magiging babae ako, syempre hahawakan ko na ang dapat hawakan, gagalawin ko na ang dapat galawin, at lalaruin ko na ang dapat laruin. Lalayo lang siguro ako sa salamin dahil baka marape ko pa ang mirror namin!

from Hener: ANo ang masasabi mo sa itsura ko, moses, at jhed? alam mo ba ang common name ng scientific name na Drosophila melanogaster??
Ayun sa aking kanang kamay, magkakamukha lang daw kayong tatlo. Pare-pareho kayong may dalawang mata, isang ilong na may dalawang butas, isang bibig at dalawang tenga. Malayong malayo daw sa kagwapuhan ko.

Yung isa mong tanong, langaw yan di ba? Anu bang tanong yan? Dali naman, ganun kaya ang lahi namin!

from deejay: if you are going to die tomorrow, why not today? you are stucked in an island. what shampoo will you use? what have you learned after posting a hundred entries?
I'm going to die tomorrow because it's not today, and today is not tomorrow or yesterday, so tomorrow na lang. Shampoo? siguro yung Gee Your Hair Smells Terrific, pero pwede na siguro laway ko, pwede na nga ring panghugas ng pinagkainan ang laway ko! I have learned na 100 na pala ang post ko after posting a hundred entries.

from Hermie: kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng kahit anong bagay na hindi ka papagalitan o makukulong, ano ang gagawin mo?
Pumopoy!!! Hindi pa kasi ako nakakaranas nun, mapapagalitan lang naman siguro ako kapag di maganda performance ko at di ko napaabot sa rurok ang kapartner ko.

from LA: Anong tingin mo sa ganda ni L.A? (Your naughy Alipin's point of view and yours) Bakit merong sa "U" sa ulo mo sa picture? Hindi ka ba tatakbo bilang meyor sa inyong lungsod? Presidente kaya? Bakit ka WHOLESOME at ang iyong alipin naman ay HINDI? Whats your motto? Describe yourself?
Ayun sa aking alipin, ikaw raw ay isang diyosa, nagniningning ka raw sa kagandahan. Yan ang sabi niya at palagay ko rin, dahil ayokong masumpa balang araw! Yung U? Ibig sabihin kasi niyan Uber, Uber gwapo, uber cool, uber virgin at kung ano-ano pang ka-uberan. Hindi ko nais maging mayor, kasi ngayon pa lang I rule the world na! Nagkataon lang siguro na mali ang naiprogram ko sa aking alagad, teletubbies ang pinoprogram ko sa kanya, di ko akalain na sex scandal ng teletubbies ang naprogram sa aking kanang kamay. Ang aking motto ay "Learn to live the life you live because the life you live is the life you are living". Describe myself... hmm it's irresistably undescribable.

from Neil: Bakla ka ba? Kaya hanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka-popoy? O gusto mo ikaw ang mapopoy?
Hindi po ako bakla, kaya lang naman ako hindi pa nakakapopoy dahil hindi pa ikinakaloob sa akin ng tadhana. At mas pipiliin ko pang makipagpopoyan sa ipis kaysa makatikim din ng kapareho ko ng sandata. Bakit mo pala natanong? Tipo mo ba ako? Sorry pare, straight ako.

from Aaron James: bakit naman USB ang term mo kung gelpren lang ang dahilan?
Unloved Since Birth, dahil hindi naman ito yung love in general na tinutukoy ko. Love as affection to opposite sex ang tinutukoy ko dito. Saka mainam ang USB para unisex, kung NBSB or NGSB, ang hirap banggitin, nakakapagod at bumubuhol ang dila ko sa ngipin.

from Redg: What is love? Who is your crush? Most unforgettable moment? Most embarassing moment? Where? When? What? Who? Dedication?
Love, wala pa akong alam dyan. Crush? Marami kaso kadalasan one in a thousand faces that pass by lang. Unforgettable, marami, basahin mo iba ko pang post. Most embarrassing, lahat na yata ng kahihiyan ko nandito na sa blog ko. Dedication to all my fans, remember to keep off the grass!

from Geexie: paano mo mapapatunayan sa amin na gwapo ka?
Ang tunay na gwapo wala yan sa hitsura, nasa personality yan, lalong lalo na sa confidence… at kahalayan! Yan ang kagwapuhan sa pananaw ko. Kung paano ko mapapatunayan? Actually, kahit ako nahihirapan akong patunayan na gwapo ako kasi everytime na tumitingin ako sa salamin, nahihirapan akong tumingin, nasisilaw ako. Nakakasilaw ang aking kagwapuhan.

from Michelle: what does blogging means to you?
Blogging means writing. Writing means blogging. Therefore Blogging is Writing to me. But whatever that means, blogging is wala lang!

from Padre Salvi: anu ba talaga itsura mo? maaari ka bang magbigay ng mga celebrities na maaaring mapagbasehan kung anung istura mo? bukod sa iyong pagiging vsb, uber gwapo at lakas ng sex appeal, anu pa ang iyong mga assets?
Hitsura ko? Sa mga celebrities, pwede mo kong ikumpara sa mga hitsura ni Invader Zim, ET, Yoda, Chewbacca, Nightcrawler at Brad Pitt. Pagsama-samahin mo lang hitsura nila and you get the picture. Isa ko pang asset ay ang pagiging mahalay ko!

from baby: ano ang maipapayo mo sa akin tungkol sa aking buhay pagibig? kung magsyota tayo saan ang unang date natin? ano ang dahilan at nagblog ka? ano ginagawa mo sa opisina bukod sa magtrabaho magblog at makipaglandian sa chat? kaninong blogistang babae ka natutuwa? ano ang ginagawa mo para iparamdam sa kanya na natutuwa ka sa kanya?
Ang maipapayo ko sa iyong buhay pag-ibig, kumunsulta ka kay Joe D’ Mango, hustler siya sa ganyang larangan. Kung magsyota tayo, ang unang date natin sa high chair mo, ako magpapakain ng Gerber sa iyo, since ikaw ang baby ko. Ang dahilan ng aking pagbablog ay pagiging stagnant ng aking pathetic boring life. Bukod sa blogging, magtrabaho at makipaglandian sa chat, nanonood din ako ng porn! Sa babaeng bloggistang kinatutuwaan at kinahuhumalingan ko ngayon, actually marami sila, ayokong magmention ng name baka maintriga pa ako. Saka maraming nahuhumaling sa akin, kaya minamabuti kong manahimik baka kasi may magselos at magkaroon pa ng giyera ng mga kababaihan dahil sa akin. Pero para malaman niyang natutuwa ako sa kanya, nilalandi ko siya na parang 12 years old pa lang ako, minsan malanding pang 7 years old!

from Marchie: seryoso bang vsb ka?
Oo seryosong VSB ako, hindi ba halata? Napakawholesome nga ng mga post ko dito! Kung sakaling madevirginize na ako ibabalita ko naman dito, kaso baka masira ang wholesome image ko.

from Dorkzter: ano ung crost? anu din ung number 22??
Ang crost po ay nanggaling sa paborito kong movie noon na “The Last Don”. Name siya ng bida don. Yung number sa lahat after ng crost, corresponding po siya ng age ko kung ilang taon ako ng binuo ko ang account na iyon.

Lubos akong nagpapasalamat sa mga nagpauto sa akin at mga gumugol ng kanilang oras para sa pagtatanong. Sumabog na naman ang aking utak dahil sa mga katanungang ito. Kasalukuyang hinahanap pa sa ibang parte ng kabahayan ang mga piraso ng aking brain. Hindi ko nga rin alam kung may neurons pang natira sa akin.

Sana’y nabigyan ko ng kalinawan ang lahat ng bumabagabag sa loob ng inyong utak. Kung nalalabuan pa rin kayo sa mga kasagutan ko, mabuting komunsulta na kayo sa optometrist o kaya sa ophthalmologist, pero kung wala silang silbi at di naayos ang inyong problema, lumaklak lang kayo ng Domex at mauunawaan niyo lahat ng kasagutan ko.

20 comments:

RV Vitorio said...

wala talagang tatalo sayo, billycoy! the best!!!

Anonymous said...

hoy! di nga di ka magcecelebrate? bkit nman! walang lasingan, videoke, concert, pin the donkey, merry go round at lahat ng di ko na maalala kung party or carnival sinasabi ko...?

ano? dapat meron...

haha! :)

countdown para sa bertdey ni billycoy...!

Jhed said...

Ano ba ang dapat mong laruin at mga dapat mong hawakan?

Sorry ah, inosente ako sa ganyan. Please elaborate. Haha!

Anonymous said...

billycoy, pasensiya na sa napakagagong tanong ko. wahaha. pero tinalo mo pa ang celebrity sa mga tanong na kailangan mong sagutin. hmmm... hindi ba sumasakit utak mo sa mga tanong namin na sobrang profound? hehe.

Billycoy said...

rv vittorio > maraming salamat i'm flattened like a flat tire

andianka > kasi kung may magbibigay sa akin ng trip to amanpulo, di ako makakapagcelebrate, sarili ko lang

jhed > alam mo na yun... nagmamaang-maangan ka pa. eh ikaw pa, ang halay mo kaya, sinisira mo lang wholesome image ko

atomicgirl > di lang sumasakit, kung alam mo lang kung paano nagkalat utak ko dito sa bahay. mainam na penitensya rin ang mga tanong niyo!

Anonymous said...

ibang klaseng utak talaga meron ka!!! gusto rin tuloy kitang tanungin?

anyway, ano ba ang pinakagusto mong laruin... HAHA!!!

Anonymous said...

ay oo nga billycoy! malamang, sabog ang bahay niyo at puno ng pira-pirasong utak. kunsabagay, may alipin ka naman at kaya niya na ang pagsamasamahin ang lahat ng nagkalat na utak mo.

sabi ko, ako ang magbibigay ng link love sa'yo. eh mukhang inunahan mo pa ako. kunsabagay, aanhin mo pa nga naman ang PR3 lang na link, di ba? wehehe.

aaronjames said...

wahaha. grabe. sobrang nalinawan kaming lahat sa mga sagot mo. straight to the point talaga lahat. at parang ambush interview ang dating ng mga sagot. wahaha

Anonymous said...

Nakanamp*... Akala ko (slurp) jowaers ka (slurp slurp). Sayang... type pa naman kita (shiok-slurp slurp sabay wink wink at toink toink).

Hahahahaha. Joke lang. Baka iyong seryosohin.

(shivers all over)

Maligayang pagbati sa iyong ika-sandaang panulat sa iyong talababa, billycoy dacuycuy (talagang may apelyidong ganya-an? Kakaiba nam-an. Puntong Amadeo?)

Anonymous said...

Teka--nasilip ko sa 'where readers came from' ng mybloglog ko... Isa pang nakanamp*** - teka, hindi nmn yan ang tunay mong pangalan ah... nakita ko sa **** registrants - ikaw si **** *** ******.

Anonymous said...

ang daya ng sagot.
magkagarapata ka sana.

happy 100th post.
:)

Anonymous said...

Congrats on your 100th post!

Anonymous said...

Happy centennial! :p

Pambihira itong si Neil oh. Akala ko pa naman ako lang...LOL!

[.MARCHiE.] said...

maygad. naiihi ako sa kakatawa. ambabaaaw ko. *hiyuk hiyuk*

happy 100th post! :)

Anonymous said...

wow..
happy 100th post! :p

Anonymous said...

wow..
happy 100th post! :p

Anonymous said...

HAHAHAHAHAHA!!

Grabe, I almost ROFL-ed at your answers, especially ung answer mo to deejay's, redg's. Tahaha.

L.A said...

Magaling10x Buti naman tama ang mga sagot mo sa katanongan ko lalong lalo na yung sa una! Hahaha sabi ko na nga ba ang GANDA GANDA KO HAHAHAHAHA!

Yun nga pala na-asu ko na yung domain ko sa wakas I Have a [dot]COM domain its http://lordartworks.com papalit ng link Billycoy!!!!!!!!!

Ur da mens este men pala!!!!

Anonymous said...

walang nag ala kris aquino eh. dapat nag the buzz ka na lang nung sunday billycoy.

katrina said...

haha. nice nice. ang galing sumagot ng tanong! :D