Sa mga di ako nakakausap ng personal, alam kong meron kayong nais itanong bukod sa mga kung paano tumatakbo ang makina ng utak ko o kung ano na naman ba ang susunod kong isusulat sa blog ko. Pero may isang tanong na madalas lang ma-overlook at dahil sa dalas ba namang itinatanong sa akin ito sa YM, sa text o sa mga taong di madalas makita ay hindi na ito tinatanong ulit. Minsan ang tanong na ito ang isa sa pinakamabigat na tanong na maibabato sa iba at maging sa ating mga sarili. Kamusta na?
Kamusta na nga ba si Billycoy Dacuycuy?
Kamusta na ako? Heto napakagwapo pa rin at sa bawat tanong na kamusta ay mas lalo pang gumagwapo. Kahit medyo nababangag sa opisina, nagiging haggard at lumalala ang global warming ay heto pa rin ako, patuloy na gumagwapo each day. At nang dahil nga sa mas lalo pa akong gumagwapo ay lalo namang pumapangit ang mga nasa paligid ko. Ganun pala kapag gumagwapo.
How do you do Billycoy Dacuycuy?
I'm doing well. Kahapon nilagyan na naman ng nail polish ang aking kuko sa kanang hintuturo. Indelible Ink daw ang tatak ng nail polish. Walang kwentang eleksyon, hindi man lang naging madugo. Nagdugo lang ang isang daliri ko sa paa sumabit kasi sa isang sasakyang pang-slapland (hampas-lupa) kaya heto nasugatan. Buti na lang gwapo ako kaya di ko masyadong pansin ang sakit.
Como esta Billycoy Dacuycuy?
Muy bien. Currently ginagawang tissue na pampunas ng pawis at sipon ang mga dolyares at salapi namin sa aming kabahayan. Pero sa labas ay nagpapanggap na ordinaryong empleyado para hindi pagtangkaan ang buhay. Kadalasan nga nai-stress na rin ako kung paano ko pa wawaldasin ang aking limpak-limpak na salapi. Kaya nga winawalis at ginagawa na lang naming pang-siga at pambalot ng tinapa kasi di na talaga magkasya sa vault namin at di na rin kayang itabi ng mga bangko namin.
Comment allez-vous Billycoy Dacuycuy?
Heto currently virgin at sobrang tigang na. Hirap naman kasing maghanap ng prospect saka di naman minamadali yun. Naniniwala akong malalaglag ang aking soulmate mula sa langit na sana lang ay masalo ko siya dahil kung hindi ay malamang sasalampak siya sa lupa, magkakalasog-lasog ang mga buto at kakalat ang lamanloob at dugo niya sa semento. Kaya habang wala pa siya kakanta na lang ako...
"Pangarap ka na lang ba? O magiging katotohanan pa?..."
Kayo naman dyan, kamusta naman kayo?