Ngayon, siguro kailangan ko namang i-share ang mga natutunan kong mga recipe sa culinary school nitong nakaraan. Masyado kasing kaengga-engganyo ang mga natutunan ko kaya I can't wait to share it. Mga pwede mong ihanda kapag may mga biglaang bisita sa inyong tahanan sa maigsing panahon lamang. So let's start cooking, doc.
Crunchy OmeletteAyan ang mga pagkaing masarap ipanghanda sa inyong mga bisitang pabigla-bigla. Walang kahassle-hassle sa pagluluto at mabilis lang lahat. Kung ano lasa, it's for you to know.
Ingredients:
2 big eggs (pwede na ang 1 ostrich egg or 1 itlog ng dinosaur kung may makita kayo)
1 onion
1 tomato
1/2 cup of evaporated milk
oil (mineral oil, coconut oil, olive oil, sesame oil, baby oil, oil of olay, efficascent oil, o kahit ano pang oil)
salt (iodized salt, rock salt, kung wala shabu na lang ang ilagay)
Surprise ingredient (basahin niyo na lang sa instructions kung ano ito)
Instruction:
- Batiin ang itlog, say hello to your egg. Ihalo na rin ang evaporated milk Lagyan ng asin para magkalasa.
- Ilagay ang mantika sa mainit na pan, para malaman kung mainit na ang frying pan, maaaring dilaan para sigurado. Kapag namanhid ang dila mo, mainit na iyun!
- I-tsek kung mainit na ang mantika, ibuhos sa katawan, kung nalapnos ang balat mo, mainit na nga yun.
- Ilagay mo na ang binating itlog.
- Ilagay mo na ang sibuyas at kamatis habang di pa tuluyang nabubuo ang itlog. Kung tinatamad kang maggayat ng gulay, ilagay na lang sila ng buo kasama ang balat.
- Heto na ang surprise ingredient natin; ihalo mo ang dinurog na eggshell sa inyong omelette. Yan ang magpapalutong sa inyong masterpiece. Kung di kayo makuntento sa lutong ng inyong omelette, maaari kayong maghalo ng dinurog na salamin o ng graba sa inyong itlog.
- Maaari mo ng ihain sa hapag-kainan with matching presentation pagkaluto, enjoy habang mainit pa!
Ol'n noin (Ol-in-won) Shake
Ingredients:
Appetizer Meal (Soup or Salad of your choice)
Main Course Meal (Kung anumang ulam meron kayo pwede na)
Dessert (Mga minatamis at panghimagas)
Cup of rice
Beverage (juics, softdrinks, bahala na kayo)
Ice Cubes or Tubes
Instructions:
- Ihalo lahat ng ingredients sa isang blender. I-blend hanggang sa maging likido ang lahat. Sumayaw at kumanta ka muna ng "Careless Whisper" habang di pa tapos ang inyong pagbleblend.
- Ilagay sa mataas na baso at Walla!!! May kanin-baboy... er... Ol'n Noin Shake ka na. Mainam ito kapag ikaw ay laging nagmamadali, mabilis na lang ang mga meals mo. Enjoy your shake!
24 comments:
moral lesson: wag bibisita kay billycoy basta-basta. magsabi one year before para masiguradong buhay ka pa pagkatapos mong bumisita.
haha. nice one!:)
ahihhi nasubukan ko po ung omelette kyalang... nung kinain ko na ung bubog na nilagay ko, dumugo gilagid ko, ano po? Ayus lang po ba ung ganung reaksyon sa aking katawan ng omelette, masyado po yata masarap nde kinaya ng gilagid ko.
gutom ka yata lagi, recently eh puro pagkain ang iyong naiisip!
omelette at shake! tandem talaga ha, buti na lang nakapaglunch na ako, ang lupit nung shake eh..kakabusoggg!
nagugutom ako..
pero hindi ako kakain niyan kahit kailan!
wow, ang sarap nung shake! pang-fear factor. pwede bang haluan yun ng madagascar hissing cockroaches tsaka bull's testicles? parang kulang kasi yung lasa nung natikman ko eh.
in all fairness masarap yan! :) eheh
Gusto kong subukan yung omelet. Ipapakain ko kay *toot* pag bumisita siya dito sa bahay. Haha! Joke lang. :P
ang sarap po nung ol'n noin! tinry ko pong lutuin yung omelette at sinama ko rin sya sa ol'n noin!
kapag dumating yungmga pinsan ko galing amerika ng biglaan. yan ang ihahanda ko. tamang tama yan sa may mga jet lag. kasi parang aphrodisiac narin sya.
naglalaway ako ah...
di ako marunong magluto, pero baka ung sheyk magawa ko, try ko nga XD
hahahah!!! ok to kapag nanggigigil ka sa iyong bisita! :)
toink. mukhang masarap yun ah. lalo na yung crunchee omelette, masubukan nga. Sa mga teachers namin. May nabasa kasi akong Libro na sinulat ng di-kilalang othor.
Teachers are always helpful and generous, if and only if you give them food.
~How to Poison your enemies in times of war.; Unknown Author
hahahahahaha! naku kelangan ko matutunan tong Crunchy Omelet mo. swear.. papakain ko dun sa babaeng hindi magkasa sa ilong ang Ponds Nose strip.. hahahahaha!!!
*mean ko.T_T*
masarap.. lalo na ung ol'n noin shake.. kelangan ko lalo nat ako ay laging nagmamadali.. meron po ba keong recipe ng isang dessert?
still and kat > tama, kaya ingat ang mag-ingat ang mga bisita, set muna sila ng appointment.
gener > normal nga lang iyan, sa akin nga nabutas pa nga ang pisngi ko sa kasarapan
panghent > yap foodtripping ako this week
garytarugo > pwede naman, a true chef likes to experiment with his creation
yeahred > dapat kumain at nagluto ka para mas energized kang nagsimula
jhed > perfect nga yan kay *toot*, ganda ng name niya ha, very unique, kaanu-ano niya si *bleep*
rob ruiz > tiyak na magugustuhan yan ng bisita mo, trust me. magugustuhan mo rin resulta, pramish
ravishingkat > ako rin nanggigigil na rin ako sa iyo eh, ganda mo kasi
dwight > pwede sigurong idagdag to sa recipe nila
ikay > pwede mo ring ipakain ito sa ilong niya
ceejay > kasama na ang dessert dyan sa ol'n noin shake
magpapakain ka ba o ano?
nung iniisip ko to...
ANG BABOY!!!!
haha. sige. :)) yun lang. [lol]
pero ganyan din ako sa kusina. i mean - playful. hehehe. experiment ng experiment. masasarap din naman yung kinakalabasan at edible pa naman.
Brrrr... sourrr-rap.
yummy! sarap naman.. nakakagutom.. siguro dahil di pa ako nanananghalian. shetlog kasi tong project namin. hehe
di ako magaling sa pagluluto,, kumain lang alam ko.. hehe
interesting...masubukan nga.....
pang fear factor ang shake pero may kaning baboy na kami yun na lang ang ishishake ko hehehehhhe
hmm, parang iniisip ko na kainin siya.Pero di ko maisip. aheheh
wala bang vegetarian hihihi
aus ah.. hehhee.. yummy naman nian maitry nga.. hahha
Post a Comment