Thursday, November 30, 2006

The Phenomena of Stench

Masamang balita, ang Pilipinas ay nakakaranas ng El Niño. Hindi pa sure kung aabot pa sa March ang reservoir ng Angat Dam. Kaya pala ganito kainit kahit December at halos magpapasko na. Pakiramdam ko nga summer pa rin parang gusto kong pumunta ng Boracay. Kaya kung sinuman ang may ginintuang puso na magdadala sa akin sa Boracay ikaloob niyo na... pero mas gugustuhin ko kung sa Amanpulo, Php 300,000 plus pocket money per person lang naman ang kailangan dun.

Sabi ng Maynilad, kailangan daw nating magtipid ng tubig. Bilang Pilipino at para makatulong sa ikabubuti ng bansa marapat nating sundin ang ganitong pagtitipid:

  • Bawasan ang pag-inom ng tubig, instead of 8 glasses a day, kahit 2 na lang.
  • Huwag ng maligo sa mga susunod na araw at darating na ilan pang buwan.
  • Huwag ng magluto ng mga may sabaw, magtiis na lang sa mga prito
  • Huwag na ring magflush ng toilet sa tuwing gagamit ng banyo
  • Tipirin ang pagpapawis at huwag ng umiyak upang hindi na madehydrate
  • Huwag na ring magdilig ng halaman
  • Iwasan na rin ang paglinis ng kung anuman gamit ng mga basang basahan
  • Mainam na ang isang beses kumain para maiwasan ang pagdumi
  • Upang wala ng hugasin, lahat ng gagamitin ay mga disposable na
The Aftermath: Sa loob ng ilang buwang pagtitipid ng tubig, makakaranas ng paggaan ng buhay dahil maraming mababawasan ng timbang, kung sakaling buhay pa kayo sa mga panahong ito. Magiging mabaho na ang paligid dahil wala ng naliligo at mangangamoy putok na ang lahat ng nilalang na apektado nitong water crisis. Ganun din sa mga kabahayan, dahil hindi na nga nafa-flush ang mga banyo at nagkalat na ang mga basura sa paligid kaya tiyak na mabaho na ang lahat.

Ang Good News, kapag nangyari ito, makakasama na naman ang Pilipinas sa Guinness World of Records dahil kikilalanin ang ating bansa na World's Stinkiest Country. Anyway, masaya naman tayo kapag natatala tayo dito, di ba?

------------------------------------------------------------------

Paparating na pala ang bagyong si Reming, baka heto na ang huli niyong paligo kaya samantalahin na bago pa tuluyang manalasa ang El Niño Phenomenon sa atin.

14 comments:

INIDORO said...

hmm. is that true?

ok. so the looming power shortage and water shortage. anubayan.

hope our country would be much, much better. i hope. i wish. i dream.

whatever.

Riker said...

hahahahahahahahaha..ang bango naman nun!!!.. naiimagine ko narin ang amoy!!..hahaha...

sana naman hindi magblack out sa metro manila.... hindi ko kinaya the last time e...

Redg said...

Nag-brownout na sa amin. Eeek. Sharing lanang naman. Mga dalawang oras. Hindi pa naman dumudumi yung tubig sa gripo. Buti na lang nakaligo na ako. :P

ikay the dancer said...

atleast nakakatulong pala ako.. :) hindi kasi ako umiinom ng 8g glasses of water. 2 lng talga. mejo bihira pa nga.. kaya siguro ganito takbo ng tyan ko. haha!!

yakk.

Talamasca said...

Screw Maynilad. What a bunch of utter fucktards.

Good thing the waters don't run dry here. I'd just crawl into a hole and probably rot there if that happens.

xoxiRiSH_29xox said...

ikaw muna sumubok tapos pag nagwork, susundin namin..hehehehe



buti sa amin hindi pa nawawalan ng tubig..malamang malapit lng naman kami sa la mesa watershed..

Anonymous said...

haha.
=)) sundin ko kaya yang guide mo? national hero nako nyan! XD haha.

haay. pinas nga naman oh. sa kalokohan lang talaga tayo papanalo!

zeus-zord said...

hmmmm

that sounds good...

meron na akong mga kasama sa pag poprotesta kong d maligo

and for wat cause. i simple ont want to take a bath

wala lng

trip trip lang

mahal n kasi ang tubig e

wakekekeke

Miss Blogger said...

Naaliw naman ako sa mga tips mo on how to conserve water... parang na-inspire akong magtipid! Hahaha!

Seriously, naku, pakulo lang ng Maynilad yan to get an increase in their succeeding bills!

Anonymous said...

buti na lang di talaga ako mahilig maligo... hindi na ako mahihirapan mag-adjust!

tugsh!

Donya Quixote said...

get well soon, philippines!

"Huwag ng maligo sa mga susunod na araw at darating na ilan pang buwan."

-tsk, kayang-kaya ko yan!

bananas said...

madadaig ba natin ang india o kaya ang mga middle eastern countries?

buti sa davao, wala pang water crisis. we still are enjoying the, duh, abundance of water.

sana mangyari din ang ganyan dito para naman matauhan ang mga political leaders, sali mo na ang mga religious leaders--tulad nina Kupalla at Quiboloy--na higit kailan man ay kailangang pangalagaan ang enbayronment bago pa mahuli ang lahat.

er...ang hilig ko talagang magsingit ng aking propa.

c(@_@)a

Doubting Thomas said...

hahaha! so wala namang halong pang riridicule yung 2nd to the last paragraph.

--

pero seryoso... the philippines, specially manila should conserve water.

hans said...

kakatuwa ka naman... hahaha... aus yung mga suhestiyon mo.. ngunit maaaring makasama ito sa bansa. baka akalain ng ibang bansa eh sobrang kuripot natin sa tubig at ganun na lamang tayo magtipid.. hahaha

ingat.