Tuesday, November 28, 2006

The Great Pretenders

"Why was I born handsome instead of rich?"
-galing sa T-shirt na mabibili sa Robinson's Department Store na hindi ko nabili kasi naubusan.


Ngayon ko lang na-realize na marami na talagang mapagpanggap sa panahong ito. Yung mga taong hindi mo inaakalang mga nilalang mayroon silang bagay na wala sa iyo. Kaya nga kataka-taka na sinasabi nating ang ating bansa ay mahirap pero halos lahat naman yata ng luho meron tayo, gaya ng cellphone at kung anu-anu pa. Meron pa ngang nakatira sa mga squatters area na naka-aircon. Pero meron talagang magugulantang ka kapag talagang di mo inakala na meron sila nung mga ganung bagay.

Ilang buwan na ang nakakaraan, sumakay ako ng dyip. Umupo ako sa harap kasi yun ang fave spot ko sa mga dyip, lalo't yun lang ang may part na may mirror. I love to strike-a-pose in front of mirrors, and that's my weak spot. Mabalik sa usapan, yun nga nakaupo ako sa harap ng jeep, may katabi akong girl, hindi ko naman siya gusto o ano, lalo't karimarimarim ang kanyang hitsura. Meron siyang Samsung na clamshell, nakita ko yun kasi katext niya yata ang boyfriend niya na sure akong kakasuklam din ang hitsura. Pagkatapos heto, maya-maya, may tumunog, MP3 ang ringtone. Akala ko dun sa katabi ko kaso hindi niya sinasagot o anuman. Maya-maya may kinuha si manong driver dun sa dashboard, may lalagyanan ng cellphone dun, at nilabas niya ang kanyang Nokia 7610!!! Yap, si Manong Driver naka-Nokia 7610, aba daig pa ako. Although, mas mura na siya ngayon, pero worth 8K pa rin yun. Wala naman sa hitsura ni manong na kaya niyang bumili nun.

Pero heto pa mas malufet. Kaso wala ako dito, yung pinsan ko ang nakakita. Noong Saturday, nagpunta sila ng mom ko sa Paco to buy a double-deck bed. May nakita si Kuya, buko vendor, meron siyang earphone, so inakala naman ng pinsan ko yung mga tsipipay na FM radio, Mp3 player or yung iPud (imits ng iPod). Maya-maya nilabas na nitong buko vendor, siguro maglilipat ng istasyon o skip ng kanta... Aba ang lintek, naka-PSP (Playstation Portable). Tinitigan ng pinsan ko at sinipat kung totoo ba yung nakita niya o baka nabagsakan lang siya ng kama, kaso PSP talaga. Walanghiya, Php 15,000 na PSP meron si buko vendor, ilang buwang sweldo ko rin yun bago ako magkaroon!!!

Hoy mga mayayamang nagpapanggap na mahirap, lumabas na kayo. Aminin niyo na lang na mayaman kayo!

Kaso ganun talaga, hindi lahat mae-expect mo sa hitsura nila. Ang dami na talagang mayamang nagpapanggap na mahirap, parang ako. Baka sa susunod heto pa ang makita ko:
  • Basurerong nagba-blog gamit ng kanyang MacBook Pro
  • Magboboteng naka-Havaianas na flip-flops
  • Pahinanteng may TechnoMarine watch
  • Labanderang may Bulgari na jewelries
  • Pulubing may LaCoste na shoes
  • Grease People na may iPod Video
  • Barker na merong Blackberry
  • Pulis na may malaking tyan
Ok, yung huli madalas na nating makita yan, walang duda at hindi na bago, bakit ba, gusto kong isulat! Pero heto lang ang ating tandaan, "Don't judge the book by it's cover because Joey Marquez is not a book." Ok?

23 comments:

lheeanne said...

Akala ko ga e book tlga si Joey Marquez!~ nyahahha!! Hay naku mag benta nlang kaya ako buko? nyahhah!!! buti nlang mayaman ako,,, sa kaibigan.. naks!

Kiro said...

HAHAHAHA aheheheh man ur still as funny as the first time I landed here! Ahehehe... man I don't even have a PSP or even an iPOD... man... manong magbubuko have one... dang them rich people... and i'm so poor here suffering and wishing I had those items!

Anonymous said...

billycoy, love this post.

ano ba masasabi ko? well, don't judge the book by it's cover nga. hehee, kakatuwa naman. buko vendor, may IPUD na! astigin!!!

daan!!

Anonymous said...

e di ba nga mayroong mga nasa squatter's area na tatlo tatlo ng handfone.. isa sa smart sim, isa glob sim at ang isa e ano ba yung unlimited? sun? basta ... naalala ko nung umuwi ako sabi ko sa nanay ko la ako pera la ako pasalubong sabi ng nanay ko okey lang yan may digi cam ka naman ganda ng handfone mo bute iiwan mo yung dati mo tapos may mp3 player ka pa..ganyan lang talaga buhay e ... di bale ng walang makain basta may mga bago at mamahaling gadgets :)

ek manalaysay said...

on the great pretenders:

Putek na yan... ako nga walang celfone ung kumag na magbubuko may PSP? Huuuwwaaat! napag-iiwan na ba ako ng panahon? actually may cel ako dati kaso kinuha na nung nagsanla! grrr...

gusto ko magkaroon ng blackberry...

on time to go:

napaka emo nga ng iyong sulat... hindi ko pa napapanood ung happy feet! check mo ung latest entry ko kung emo lang din ang hanap mo... bwehehehe.... (promote-promote)

PHIA said...

hahaha! astig! 22o ba un? c buko vendor mei PSP?? ahahaha! aus un a! *_* ang kulet! ^_^

Anonymous said...

marami akong nakikitang ganyan... hmp... pero ok lng,,hapi ako for them kasi may pambili sila..bdtrip lng kasi nagrereklamo na walang pambili ng pagkain for para lang sa teknolohiiya e sinasacrifice nila ang pagkain!

hmop

Anonymous said...

Hehe. Nakakatuwa 'yung post, but I don't think na it's the measure of being rich. We can't really say where they've gotten those great gadgets. Malay mo, GSM pala 'yun or something. Or baka pinahiram lang. Lots of possibilities. Hehe. :D

Anonymous said...

You mean "Melanie Marquez"?
---------

Shocks. Nakakainis talaga minsan kapag you realize you don't have something worth your life tapos parang kinuha lang nila sa kung anik-anik. Parang, naku, hindi sa kanila bagay ang mga iyon. Mga dukha--wala silang karapatan. GSM lang ang mga iyon. Nyahahaha

Lol

blueengreen said...

hehehehe... natuwa naman ako dun... nawala agad ung pagod ko... impressive.... hehehe...
alam ko may mga ganayng tao na rin akong nakasalamuha subalit hindi ko lamang lubos na mapagtanto kung saan at kung kailan ko sila nakita.....
hindi na talaga status symbol ang mga gadgets dito sa ating bansa kaya wag ka nang magulat.....
natuwa naman ako dun sa grease people.... yun lang kasi ang ingles... hehehehehe

Anonymous said...

wahehehe... marami na din akong nakitang ganyan.. At napapakamot na lang ako ng ulo.. hehe.. kulet!

Strike-a-pose pala trip mo ah! hehe..

INIDORO said...

garabe to the max!!!

hindi kapani-paniwala naman na ganon..pero, garabe talaga!

*wasay*

ikay the dancer said...

karimarimarim.. bwahaha ang lalim.. ang deep masyado. lol!!

at kelangan talga may strike-a-pose pang nagaganap sa jeep. hehe..

uu.. kakaasar yung mga ganyan.. yung tipong hindi naman kagandahan at ka-gwapuhan.. pero hindi mo aakalain may ibubuga pala.

may experience ako nian.. kotse naman.. ang ganda ng kotse!! mazda3!! so expected ko malalaglag yung ano ko pag nakita ko yung driver.. kaso.. tae. tae talga ang itsura. bwahaha.!

*peace*

Juice said...

iPUD? haha first time i'm hearing that.

ur post is soo funny. it's totally worth the read even though i get headaches reading tagalog post, pero iba kung sayo hahaha.

grabe si mr. buko dude has a psp, ako nga i really want a psp huhu.

if they have all these things? how do they save up for it considering what if the jeepney driver had a big family, or maybe the buko juice dude has a really rich brother who works in saudi he sent him a psp. hahaha

hypothetical stories.. :) take care!

Juice said...

my little sister's yaya has a NOKIA 6233. binigay daw ng husband nya. ang brand new, there's still even stickers in the lcd, and the camera lenses. fresh na fresh, and i think her husband works as a basurero if i'm not mistaken.

she has 5 cellphones na. parang every week she changes. i don't know where she gets those from. tsk tsk.

bananas said...

(emotes like cherry pie in manay po)

justice?
where is justice?

(exits. snubs. trips off)

bye!

Anonymous said...

hahah,,, mga mayayaman na nagpapanggap na mahirap... madami sa squatters nian! ahahha... :) shen silang lahat..

brain-fade SPY said...

hahaha!

Baka nman kc galing sa mga snatchers yun nu..hehe

sabagay, sa cubao, nkasabay ko sa jp dalawang old women, todo gayak sa jewelries..tapos narinig ko nag uusap

"Ang traffic naman, manlilimos pa ako sa Quiapo e!"

hahaha

actually, maraming ganyan sa Edsa...

Anonymous said...

hahahahahaha! natatawa ako dun sa mga pulubi blah2x. ahahaha sosyal i2? haha

Anonymous said...

hmmp mas ok n rin yun kesa maging socialclimber wahahaha

Anonymous said...

mali talaga ang mga pilipinong umaangal nang umaangal na mahirap ang ating bansa.

meron ba namang mahirap na bansa na sa kabila ng pagkakasadlak nito sa utang at sa kabila ng pagiging mababa nito kumpara sa ibang matatayog na mga bansa ay makikita pa rin natin ang marami nating kababayan na nangagpupuntahan sa mga mall, gala nang gala, puros gimmick, panay text...

kung papansin natin, tumataas na ang ating ekonomiya. at malapit na ang eleksyon. ililipat yata sa nov2007. whatever.

mabuhay ang pilipinas. mabuhay si melanie marquez!

keep in touch.
- http://paurong.wordpress.com

Anonymous said...

nyahahaha!! yun lang!! nahulog ako sa upuan ko ..lagapak!

Anonymous said...

hala ngayon ko lang nalaman na hindi pla sya book!! hahaha nkakawala ng stress ung posts mo ha,, lalo na ung mga pulis na malaki un tyan!! panu kaya sila hahabol sa mga criminals kung 3 hakbang pa lang e puro pawis na sila!! hanep naman un,, nk psp, ipod at ang gara pa ng cellphone ng driver!! haay,, bakit nga ba??