Friday, June 08, 2007

Secrets Worth Knowing

May nalaman akong katotohonan nitong nagdaang araw. Ang buong 24 years ko palang pamamalagi sa earth ay isang malaking kasinungalingan. Hindi pala totoo ang lahat ng nalalaman ko.

Ang Ama

Iba pala ang aking tunay na ama. Hindi ko biological dad ang kasama namin sa aming pamamahay. Napag-alaman ko na ang tunay kong dad ay nakatira sa malayong lugar, sa ibang bansa at kinikilala ng marami. Ngunit kahit tanyag, mayaman at dugong bughaw siya ay di ko pa rin siya kikilalaning tunay na ama, sapagkat itinakwil na niya ako 24 taon na ang nakakaraan. Ang aking tunay na ama ay ang nag-iisang Prince Charles of Wales. Oo, ang anak ni Queen Elizabeth at ang ama nila Prince Harry at Prince William. Isa akong dugong bughaw, kaya pala blue ang kulay ng dugo ko kapag nasusugatan.

Ang Ina

At hindi lang iyon, ang aking ina... ang aking ina ay isa palang diyosang nagkatawang tao. Siya si Mhudragga Vaishta, ang goddess of cosmetics. Ngunit sa mundo ng tao, nagpakilala siya bilang si Maybelline Revlon. Nagpunta at nagkatawang tao upang ipalaganap ang pagpapaganda at vanity sa lahat ng nilalang sa mundo.

Ang Kuwento

Nagtrabaho bilang isang dakilang lavandera ang aking ina noon sa Buckingham Palace. Since, kararating lang ng aking ina noon sa mundo, marami pa siyang bagay na di nauunawaan. In other words, inosente at mangmang pa siya sa ilang bagay. Sapagkat goddess nga ang aking ina, taglay niya ang kahali-halinang ganda at alindog. Marami ang naaakit niya sa loob ng Buckingham Palace at isa na nga doon ay si Prince Charles of Wales.

Hindi kinaya ng Prince ang alindog ng aking diyosang ina, kaya naman nag-give in na ito sa kanya. Kaya naman may nangyari sa kanilang isang gabi at naghari na ang worldliness sa kanilang mga utak. Lumipas ang ilang linggo, sa di inaasahang pagkakataon, nagbunga pala ang kanilang kalibugan... este pagmamahalan. Hindi ito matanggap ng Prince, dahil wala namang noble blood ang aking ina — lihim lang din ang kanyang pagkadiyosa sapagkat nagkatawang tao nga siya. Nag-offer ng malaking pera ang prinsipe ngunit dahil sadyang ma-pride ang aking ina, hindi niya ito tinanggap at ninais na lamang niyang lumaya sa bansang Britanya.

Kaya naman napadpad siya dito sa Pinas. Nakilala niya ang aking kinikilalang ama dito at ipinaliwanag ang kanyang sitwasyon maliban lamang siyempre sa pagkadiyosa niya. Tinanggap niya ang aking ina, kasama ako na nasa sinapupunan pa. Sa kanya rin natutunang kumain ng balot at doon ako ipinaglihi ng aking ina. Minahal ng aking diyosang ina ang isang tagalupang si Ginoong Dacuycuy.

The Son

Lumipas ang siyam na buwan at ako nga ay ipinanganak through C-section. Ibinigay na ang pangalang Billycoy sa akin at bininyagan sa simbahan ng tao. Pinainom ako ng gatas na S23 at pinag-aral sa isang katolikong paaralan sa Maynila.

Sa loob ng 24 taon na iyon, di ko nalaman ang sikretong ito. Wala rin kaming natanggap na tulong mula sa aking biological dad, at kung meron man, hindi yun tatanggapin ng aking ina. Hindi ko rin nais siyang makilala at hindi ko rin naman siya kikilalaning ama. Kahit ibigay sa akin ang titulong Prince Billycoy of Wales ay di ko rin tatanggapin. Kahit pa sabihing ako ang mamumuno ng Britanya ay ayoko rin. Why rule Britain if I can rule the world. Isa pala akong demi-god.

Tama na. Ayoko na itong pag-usapan pa. Hindi ko na ito kaya. Naiiyak na ako.

28 comments:

Anonymous said...

Sabi na nga ba at tama ang aking hinala... ako lang naman ang nagbuko nyan sayo bwahahaha...

Anonymous said...

Good Lord. The time I read the the first few sentences, I thought this post is serious. Wahaha.

Demi-god you are. Billycoy-ism? :P

Anonymous said...

nice entry huh! hehe

JP aka Elmo said...

wee! u're next to the throne kung mas matanda ka pa kay prince william. haha.
"Why rule Britain if I can rule the world." <-- gudlak na lang! wahehe.

p said...

akalain mo nga naman.. ikaw pala ang nawawala kong kapatid.

Billycoy said...

kironobu > pansin ko lang, bakit ikaw lagi pinagkakatiwalaan ng mga sikreto? mangibang bayan din kaya ako para may malaman akong secrets.

dan hellbound > magtatayo na ako ng bagong relihiyon, patataubin ko ang judayismo

elmo > hindi ako kinikilala ng aking bio-dad, kaya wala na akong pakialam... sasakupin ko na lang ang mundo

the philosophical bastard > teka? kaninong side? kay prince charles?

Anonymous said...

@Ron: Bakit mo sinabi? Ako lang naman ang nagsabi sa'yo nun, ah! Sabi ko, secret lang natin yun!

@Billycoy: Si Ron? Nasa Pilipinas lang yan. Nagtatago lang yan. Wala yan sa ibang bansa! Bwahahahaha

Anonymous said...

mga impostor! hahahha... huwag kayong magpanggap! ka-birthday ko kaya si prince william! sabay kaming pinanganak... feeling ko nga ako talaga ang tunay na prince! pinagpalit kami ng katauuhan! waaaahh...

Billycoy said...

ron > yun nga rin vibes ko, nandito sa pinas si ron

yatot > aba may hangover ka pa sa review mo ng impostora ah!

Anonymous said...

hahahaha katok ka talaga. Baka naman hindilang naoxygenate yung dugo mo kaya bughaw at kaya delusional ka na. Long time no read. hahaha

Billycoy said...

bonaks > naku hindi... pinainom kasi ako ng blue dye nung kabataan ko, kaya nga pala dugong bughaw ako

Anonymous said...

tsk tsk... nagkakamali ka ata.. kung bughaw ang iyong dugo, malamang alien ka! bwahahhaha!

mamatay ako sa kakatawa... imagine... semi god? teka... anak ako ng kapatid na dyosa ng nanay mo. magpinsan tyo?

oooooh! hhahaha!

ninong said...

kamag-anak pala kita... haha. aalamin ko pa kung saang side... baka dun sa diyosa... haha...

Anonymous said...

haha. it made my day.! :))

Anonymous said...

sinong nanay mo?! yung totoo!.. pwede na pala gawing movie ang buhay mo haha

teka pala how's your friend metroman aka em-em tagal mo na hindi nagpost tungkol sa kanya ah

Kiro said...

wehhhhhhhhh? Me? in the P-H-I-L-I-P-P-I-N-E-S? ahehehe...
Ang kulet niyo wala pa po ako dyan.

@ Yna - Ano po? wahehehehe. sikret ba?

aliyah said...

yikes may sumingit! ako pla yang si anonymous

ikay the dancer said...

walangya billycoy. i hate history pero nabasa ko post mo. akalain mo nga naman. kung ikaw ang magrurule ng world, ano na kaya mangyayari. aabangan ko yan. mukhang lahat ng tao gagawin mo lang sex slave e.

pusa.. bkt ba kce naka block ang blogger sa office. wahaha. :) nakakalimutan ko tuloy mag comment sayo lagi!

Anonymous said...

Maalala Mo Kaya material! hahaha.

Anonymous said...

kulet haha

Anonymous said...

whooo! malala na ang epekto ng mga entries mo sa akin!
tsk, tsk... di ko alam na DUGONG BUGHAW ka pala! OMG!
Your Highness ka pala! shucks!

Anonymous said...

akala ko berde dugo mo..bughaw pala....bughaw ah...hindi asul??haha corny...


LOL

Billycoy said...

andianka > ikaw ba ang pinsan ko?!

ninong > ikaw rin kamag-anak ko?

aliyah > ayaw niya munang masyadong mapublicized buhay niya these days

kiro > oo nga wala ka na sa pinas

ikay > ok lang kahit di ka magcomment, at least now i know nagbabasa ka, happy na ko dun

mats > lowliness yata ako

yeye > oo bughaw nga ako... i'm blue dabudidabuda!!!

Ona Lapitan (ricegurl) said...

darn.i have been fooled.
i really thought that
this one will be a "heart felt" story-till you mentioned prince charles???
i didn't finish reading
the whole thing.

having me fooled is good enough.

Billycoy said...

rice gurl > everything in here is heartfelt!

Arianne The Bookworm said...

huwaw! just want to say... eto na ang pinakamakulet na entry na nabasa ko... hands down ako sa yo, your Highness!!

by the way, i'm an avid reader of your blog.. reading your entries always put a happy smile on my face.. keep it up :)

Anonymous said...

ahaha... aus! o sha sige ikaw na dugong bughaw. gusto ko din nyan pasalin naman! kaso magiging violet dugo ko nyaha =)

THE ANiTOKiD said...

Very nice! Bravo!