Monday, June 18, 2007

Unlimited Curse

Talaga namang patok ang texting sa ating mga Pinoy. Lalo na sa ating mga kabataan. Kaya nga pinababa nila ng pinababa ang mga presyo ng mga loads ngayon dahil naging target market nila ang mga students na may limited na budget para sa kanilang load. Noon kasi, 250 hanggang 300 pesos lang ang load, tapos nagkaroon ng 100 then bumaba pa ulit ng 30 pesos. Ngayon, parang Boy Bawang na lang na patingi-tingi ang mga load... less ang amoy ng bawang.

Ipinakilala sumunod ng telecom companies ang unlimited calls at texting. At kinagat nga ito ng marami, lalong-lalo na ang mga teenagers at mga students at nabusog naman sila. And as usual, mas lumala ang pagiging text capital of the world ang bansa natin ngayon. Bukod sa pagiging text capital natin, marami pang naging epekto ang unlimited texting sa atin.

Ang Sumpa ng Unlimited Texting
  • Nagkakaroon na ng biceps ang mga hinlalaki ng mga texters.
  • Hindi na problema ang spelling, kasi binubuo na ng mga texters ang kanilang mga message.
  • Umaabot na sa 3-pages ang mga text ngayon, sa susunod magbabasa na ng blog or novel sa cellphone through SMS.
  • Madalas magforward ng mga korning jokes at quotes, kahit pa yata motto ng mga street sweepers ay finoforward na rin.
  • Mauuso na ang thumbs spa at thumbs scrub sa mga parlor sa mga susunod na araw dahil sa kalyo sa mga hinlalaki.
  • Lalaganap ang mga walang kakwenta-kwentang mga kaganapan sa buhay ni Ederlyn at ChonaMae.
  • Sakit na ang tanong na "Globe ka?" or "Smart ka?" or "Sun ka?". Excuse me, TAO po ako.
  • Sakit na rin ang mga ganitong banat "Bakit di mo ako tinetext?" "Smart/Globe ka kasi! Naka-unlimited ako"
  • Dahil limited lang sa same telecom ang unlimited texting, kapuna-punang isang or karamihan sa isang telecom lang ang nasa phonebook.
  • Ang simpleng "Good Morning/Afternoon/Evening/Night!" ay finoforward na.
  • Sumasama na ang balat sa cellphone dahil sa matagal nitong pagkakadikit sa palad ng mga texter.
  • Magpapakamatay na dahil sa isang minuto lang mahiwalay sa kanya ang cellphone.
  • Mas pipiliing hindi makita ang juwawhoopers dahil mas magagamit ang unlimited texting kapag di sila nagkikita.
  • Kahit na mawala ang bahay nila, ang mahalaga nakakapagtext pa rin siya.
  • Nagtetext pa rin kahit kaharap na lang ang kausap niya.
  • Pinipiling sa text na lang mag-usap kaysa sa bunganga.
  • Hindi mapakali kapag malapit ng matapos ang unlimited texting at konti pa lang natetext.
  • Tuwang-tuwa sa sexchat kahit ang usapan lang nila ay "Oooh!" "Ahhh" "Sarap!"
  • Ikinamamatay nila ang pagkakasagasa sa mga pedicab at bisikleta.
Matindi ang sumpa ng unlimited texting. Marami na ring nahu-hook dito. Kahit nga mga postpaid subscribers ay gumagamit din nito.

Teka, isang oras na lang pala ang nalalabi sa aking unlimited texting, hanap nga ako ng makaka-sexchat.

32 comments:

Anonymous said...

I hate it when people forward good morning/ good evening SMS quotes. A simple greeting would suffice. Also, those who are on unlimited texting aren't using it wisely. They keep on forwarding useless and unintelligent quotes and it just fills up my inbox. I just hate it.

Anonymous said...

Talaga naman! It's amazing how texting has already become a lifestyle in the Philippines.

I've tried that na, texting that person even though he's in front of me lang. Saves laway! Hahaha.

Umaabot na sa 3-pages ang mga text ngayon, sa susunod magbabasa na ng blog or novel sa cellphone through SMS <--- hahaha. I'm guilty. Kasi usually cellphones ngayon may Adobe Reader na haha.

I get that alot too, Globe ka? Sun ka? Smart ka? I just say, Karen po. :P

Tina said...

Hay nako, lecheng unlimited yan. What I really dislike about the entire unlimited texting thing is that the person won't reply to you if you're not in the same network. The purpose of owning a cellphone and texting is communication, and somehow, the unlimited features is not helping that.

Haha nagsalita ang nagttrabaho sa isang telco. :))

Billycoy said...

prudence > yup, especially when you're still asleep or already sleeping, fortunately i switch my phone to silent mode when sleeping.

juice > nakow, blog din pala mga text mo!

tina > kaya yung iba dala-dalawa ang cellphone, which is, expensive of course.

stella said...

I hate it when people send text messages like every 5 minutes, yun pala puro mga walang wenta lang.

Ayoko rin yung tipong kukuwentuhan ako ng bawat sandali ng araw niya, GM naman, tipong, "guys, andto ako ngaun sa tapat ng blahblah, kainis ah ksi this manong is lukng @ me..."

O kaya naman,"kain na pu kau breakfst/lunch/merienda/dnner". We don't need to be reminded of that, bahala ka na kung gusto mong kumain o mamatay sa gutom.

Pero tinamaan ako sa ibang 'sumpa' na yan ah, haha. Guilty ako sa:
---mala-blog sa haba na text messages
---"Globe ka ba?" Haha. Aray.

Karla said...

wahahahah! ongaa!! inaamin kong mahilig din ako magtext/tawag. pero hindi na ako yung nagsesend ng mga GM. :|

chaka ano. kung anu-anong mga words na ang nadedevelop sa texting.

yung language na "dito me". ewan ko ba bat nauso yun! eh samantalang parehong 2 letters lang ang me at ko.

Jhed said...

Haha! Ayaw na ayaw ko ng nagsesend ng group messages. Kapag nakakita ako ng ganun, auto-delete kagad. Haha!

Natawa ako dun sa nagtetext pa rin kahit kaharap ang kausap. Ganyan kami ng kaibigan ko, lalo na kapag ayaw namin marinig nung kasama namin ang pinag-uusapan namin. Haha! Heller, ikaw ba gusto mo marinig na "chakabelles" ka?! LOL.

Naiinis na ako ngayon sa mga forwarded quotes. Feeling ko kasi, may kapareho na ako ng quote na yun dahil malamang sent to group yung message na yun. Haha!

Anonymous said...

basta ako TEXT lang ng TEXT! masaya na ako dun! muahaha!

Anonymous said...

ay promise! nakakainis ang mga unli. i sleep during the day and the whole time may marerecieve ka good morning happy lunchtime pati merienda tinira na, minsan kahit 2am, yung mga tipong di makatulog or di natutulog dahil sa unli... eh nakakaistorbo sa tulog ko noh?! kahit naka-silent cp ko kaya talaga namang inooff ko na. ang problema naman eh kung may ma-miss kang importante na talagang call! argh!

meron pa magtatanong, "musta?" nak ng tipaklong kala mo ikaw lang tinatanong group message pala pati yun?! SUS!

pero gusto ko yung in the future blog sa cp! bwahahahahhahahah! :D

Rica ;) said...

What you've said is absolutely true.
Dahil sa texting tamad na ang mga Pilipino. Haha.
Katulad ng mga teenagers, mas gugustuhin pa nilang magutom kesa mawalan ng Load [isa na ako dun :P]
Iba talaga ang impluwensiya ng texting.
Mas nakakaadik pa sa ecstacy :D

Kuya, pa-link ex?

Jigs said...

Hahaha! Very entertaining post! Pero ako, not much of a texting freak. I've never triend unlimited texting, maybe because my contacts have varied networks. And maybe I never had any problems buying load.

Kahit na hindi ako naguunlimited, I try to type the correct spelling every time, there is some truth to the news that if you use the "txt" version of the word, you'll get used to using it.

Anonymous said...

Nakalimutan mo yung pinakasmiple! Yung maeerase ang keypad tapos magiging giant industry ang class A na keypad sa Pilipinas na kasing laki ng Microsoft industries!

Nakakaasar nga ang unlimited. Kahit tulogna tulog ka na, may magtetext pa sayo ng good night tsaka wassup. @#$%^& tsaka nakashortcut pa rin silang magtext no. hahaha

Kaa nanalo Ms Philippines this year ng Ms Photogenic e...

Billycoy said...

edden > naku, susunod na dyan ang ibang sumpa!

karlee > pasensya na you ha, minsan ganyan din me.

jhed > tumpak! hindi ko na rin tuloy alam kung saan at kanino magfoforward ng text.

mats > yikes, isa ka sa may mga sumpa!

andianka > meron naman na talagang mobile blogging, pero blog na SMS... yikes, ang hirap naman yata nun.

rica > i can't say tamad, kasi sino bang tamad ang magfoforward at magtetext sa sandamakmak na nasa phonebook nila

jigs > uu pramis, nkkbobo ang spllng ng txt, tlgang nkkainis, dpt mgstop n cla lalo't uso n ang unlmtd txtng.

bonaks > sa susunod pwede na nating mabago ang ikot ng mundo through texting.

Anonymous said...

Ewan ko pero hindi ako nag-a-unli. Hindi naman kasi ako kitikitext. At sayang ang load.

BTW. Salamat sa Sun.

I share the same grudge with those who drains my battery because of an obvious forwarded text message. Basta. delete ka agad. Aksaya pa sa inbox space. Hehehe

niknok said...

ang pinakanakakainis eh yung mga chain msgs!

pero buti di ako nabobobo sa spelling kse para akong lola magtext, buong buo mga words! hahaha

Myx said...

Chain messages sucks haha oh well lalo na yung greet ng greet pero sa personal wa pansin. grrrr

btw, namimiss ko magcomment dito. Nahihirapan ako magcomment sa blogspot blogs kapag nasa bahay. Galit ata sa blogspot yung pc ko haha ingat!

Anonymous said...

hello poh!

natamaan ata ako sa post po ninyong ito..

anyway, eto poh c john(ung co-author ng davangels clan webpage). Sana poh ay ma-ilink nyo din po ako sa aking personal blog(http://emoyarnhoj.blogspot.com).
from davao po ako

nagpapasalamat ng marami,

john

sephthedreamer said...

naks naman billy.

ako nga, heto kaka-unli lang dahil na-redirect na ang aking telepono sa SMART.

pero isipin mo din ang benefits. Instead na matulog sa boring na class, text na lang. May nalaman ka pa sa life stories ng katext mo lol.

Ayaw na ayoko ng mga forwarded na corny text messages. Mamatay na nagpoproduce nun, yung tipong may mga heart and teddy bear images made of ...: ,, ~ - pa. asar!

Billycoy said...

neil > ayoko ng sun, walang signal pag gabi

niknok > ayoko rin ng chain messages, baka ikamalas ko pa... forward mo ito sa limang kaibigan itong reply ko or mamalasin ka ng limang taon

micaela > yaan mo pag nagkadomain na ako, di ka na mahihirapan ;)

john > tinamaan ka ba? saan? direct hit?

sephthedreamer > aray ko!!! yoko pang mamatay joe!!!

Mike said...

Maliban sa Sun na kasumpa-sumpa, hindi ko pa nasubukan mag-avail ng services for unlimited texting sa ibang network. At wala akong balak subukan. Anong point?

Anonymous said...

Ang advantage lang talaga, tipid siya kung masipag ka mag-text. At syempre, hindi tipid kung hindi ka masipag mag-text. Perooo, solusyon din kasi ang texting sa mga walang magawa sa buhay nila, eh. Tulad ko. LOL

Anonymous said...

Naku.Mas lalo lang dumami ang SPAM texts because of unlimited texting. Instead of receiving text messages na importante or may sense, ang napupunta sau puro mga nonsense texts.

Ang dahilan ng mga taong ganon... "Sayang ang unlimitxt" Waaa!

Anonymous said...

tama!!haha


aba akala ko ba hindi ka mahilig makipagtxt??diba sabi mo dati puroadvisory lng at balance inquiry ung nagtetext sau hahahaha

Lei_SATG said...

hahaha katuwa ^_^ th ething i hate about unlimited texting eh kahit ano-ano na ang pinapadala ng mga tao.

Anonymous said...

wala akong sumpa noh! blechhh!
wala nga ako unlimited eh.. grrr! muahaha!

MISYEL said...

sana dito may unlimited din para magkamuscle ang thumb ko at di na ko mapagod kakasalita, nyahahaha!

Anonymous said...

Aaminin ko na ako'y isinumpa. Sinisisi ko ang aking matalik na kaibigan ko [na babae] dahil siya lang ang dahilan kung bakit ako naka-unli palagi. 'Di ko siya matiis eh.

Mary De Leon said...

billycoy! Gusto ko din ng header mula sayo.. hehe.. OT :P

Billycoy said...

mike > oo nga, di naman tayo pala-text!

yna > hindi ako masipag magtext, kaya umaabot sa expiration dati ang load ko

karlo > tama, sayang nga, sayang din laway nila napapanis lang

irish > di nga ako mahilig magtext, hindi ako kasama sa mga sinumpa

lei > kahit nga tsismis sa kabilang baryo tinetext na

mats > naka-all text ka naman

misyel > ok na exercise ang pagsasalita sa jaw

dan hellbound > palagay ko hindi lang yan matalik na kaibigin. kinikilig ako!

marya > yung ulo ko? saan? taas o baba?

Anonymous said...

Natutuwa nga ako at hindi na ako nag uunlimited ngayon. Ewan ko. Naka-adopt na ako sa buhay ng normal texting. Mabuhay ang mga tex... texans.

Anonymous said...

May disadvantage din. Minsan mahirap magsend.

Faith said...

Pag hiningi mo ang # ng isang tao, ang tanong agad sayo eh "Smart or Globe?". Haha. Buti na lang I have both! (Guilty). Swerte ka na lang pag bastos mga katext mo, either sexchat o green jokes ang makukuha mo. Mas okay naman yun kaysa God/friendship quotes.

Pag Sun naman may jowa.