Sunday, June 10, 2007

Scandals on Ice and in Videoke


Madaling araw na namang nakauwi ang alagad ko kanina. Gumala na naman sa MoA at nu'ng kinagabihan sa Malate at nagvideoke doon. Tinawagan kasi ako ni Henry Sy at may mga nagkakalat at nambubulabog daw doon sa MoA, lalo na doon sa Yellow Cab. Nagreport ang aking kanang kamay sa mga naganap na meetup sa MoA at heto ang kanyang mga natuklasan.
  • Napatunayan ni Kevin ang kanyang impluwensya sa mga kabataang bloggers ngunit nabigo sa kanya dahil wala siyang dalang pasalubong. Yun lang naman talaga ang tunay na pakay ng mga imbitado sa meetup na yun.
  • Si Shari ang mentor ng Mean Girls na sina Yna, Karla at Cars.
  • Si Heneroso ay 100% certified bakal boy, dahil hindi lang sa mga railings ng mall siya tumatambay. Napatunayan niyang bakal boy din siya sa Ice Skating Rink dahil halos di siya makalayo doon o ng alalay ng kahit sino.
  • Dinaig pa ni Heneroso ang mga youngsters dahil sa aga ng kanyang curfew.
  • Lactose intolerant pala si Chabs kaya naman maghahanap na lang ng pizza with soya cheese sa susunod na meetup, kung meron man.
  • Hindi talaga magkapatid sina Jeff and Benj.
  • Nabigo ring maging financier si Neil.
  • Ubod ng tahimik si Kim kaya sasagutin ko na ipa-transplant sa kanya ang dila ni Paolo Bediones para dumaldal naman na siya.
  • Hindi pala nakapag-abot ng ambag si Cars.
  • Bula pala at hindi confetti ang mistulang snow sa Ice skating rink.
  • Nakisama sina Jed, Jhed, Jeff at Vinch kay Rens para maging member ng bakal boys. Sa ice skating rink pala ang audition ng mga bakal boys.
  • As usual good boy pa rin si Aaron, pinanindigan ang pagiging Best Boy Blog sa Candy Mag, baka kasi masira imahe niya kapag gumawa siya ng kabulastugan.
  • Ayaw ni Jeff ang Sola iced tea kaya binasag niya na lang ito sa Yellow Cab.
  • Si Jhed at LA pala sina Sasha at Tintin, sila na ang bagong Super Twins.
  • Si Joe ang mortal na kalaban ng Super Twins tandem sa Videoke, lagi silang tie sa score na 99.
  • Mabait naman si Benj sa personal, hindi pala siya cannibal.
  • Hindi lang si Irvin ang pinakamaliit sa mga bloggers, yehey!
  • Nadapa ang aking alagad sa rink at nagalusan, pero as usual, gwapo pa rin.
Yan ang mga naganap sa meetup kahapon. At dahil nga sa nagalusan at nagwaldas ang aking clone ay pinarusahan ko ulit siya. Inilagay ko na siya sa aking torture chamber kung saan manonood siya ng mga pelikula ni Mark Lapid for 24 hours.

Para sa mas marami pang scandals sa kaganapang ito, pumunta dito Bloggers Scandal on Ice.

35 comments:

L.A said...

Amp yang si Joe! Kinakalaban talaga kami ni Jhed, kontrabida forever sya! Nyahahahaha!

Teka! Tignan ko muna ang mga letrato dun!!!

karlee said...

=))=)) ang kulet! =))

baylon said...

hindi naman ako tahimik. nakikipag-usap din naman ako.

waw! pictures. icopy ko sa comp ko? pede?

chuchay said...

wow.. ang saya naman nyan. :)

sephthedreamer said...

mwahahaha. talo lang talaga ang super twins sailor stars sa galing ko sa pagkanta. pero mas magaling si benj.

Talamasca said...

Swell.

Um, did anyone of you burst into song or something? 'Cause, y'know, y'all look "united" and stuff.

Ok that was lame-o. Off I go! Buhbye. ;-p

Estupidong Neil said...

Hahahaha

BWAHAHAHAHAH!
Huhuhuhu


Hindi ko pa rin talaga matanggap na nawala ko ang 500 pesos ko sa bus. At hindi ko na siya makukuha dahil nawala ko ticket ko...

Ang layo no... Huhuhuhuhuhuhuh.

-------

Sabi ko sa inyo. Ubod ako nang kuripot lalo na sa pera. Hangga't hindi sobra sa budget ko, di ko talaga gagastahin. Bwahahaha! Ang laki naman ng budget ko. Bwahahaha!

utakGAGO said...

May kulang pa!!

Nais ko lamang iparating sa lahat na nag-ala Cinderella ang dakilang Heneroso.

Alas otso ng gabi umuwi. Mas nauna pa sa mga babae =))

Lolz!

m_lost said...

wow nman.. saya saya ng bonding moment ever ng mga bloggers sa MoA.. nakow billiycoy, kakainggit nman kau..

m_lost said...

btw, ako c marlon.. ndi na zyloric.blogspot ang blog ko ah.. dalaw ka na sa bagong spot ko..
www.kiddobearsthelight.blogspot.com
tnx

Donya Quixote said...

shucks i've been so out of the blogosphere recently...

dapat kasama ako jan... :(

next time invite ninyo ako! waaah!

Billycoy said...

l.a. > may supervillain na ang sailor stars, este super twins!

karlee > post niyo na rin pics niyo

baylon > sige ok lang na kopyahin

sephthedreamer > anong talo? tie kayo palagi.

talamasca > yes we did!

neil > 100K walang budget?! o c'mon!

m_lost > oh ok, sige update ko link mo

utakgago > nakalagay din kaya yun

donya quixote > malamang sa sembreak na ng mga bata.

lateralus said...

High School Life!!!! I'm sure it's still playing inside your heads up to now! hahaha.

mats said...

muli! di na naman ako inimbita! hmpfff!
hahaha!

Rodrigo said...

Oi, achei teu blog pelo google tá bem interessante gostei desse post. Quando der dá uma passada pelo meu blog, é sobre camisetas personalizadas, mostra passo a passo como criar uma camiseta personalizada bem maneira. Até mais.

CokskiBlue said...

Kainggit ang pics ah. Ala-TGIS ang dating. Hehe. Next time ako naman photographer nyo. Haha!

mats said...

sa susunod, hahanapin ko kayong lahat!! kahit sa piktyur man lang eh makasama. muahaha!

at sa taas kay CokskiBlue, sya pa daw ang magiging photographer! astigin yun. paJoin, huh? hala! nangulet na daw ako! peace out!

cars said...

nyay!

di nga ako nakapag ambag! :-s
haha.

ang kulit ng post. LOLOLOL.

Billycoy said...

lateralus > i just got it out of my system. now, it's my LSS again.

cokskiblue > nakow, dapat kasi sumama ka, wait ka, mukhang sa sembreak pa ulit ang meetup. kami nga ang new members ng TGIS, buti na yun kaysa sa That's Entertainment.

mats > bigyan mo kami picture, singit ka na lang namin, dali sa photoshop, hehehe... sige next time, di kasi ako organizer eh

cars > hinahanting ka ni kevin

aaronjames said...

wahaha. limitado na pala ako sa dapat gawin dahil sa pagiging best boy blog. amp. dami ko namiss dahil sa pagiging late ko. wahaha. si coy narereoresenta bilang photographer. waw.

Mike said...

Sinasabi ko na nga ba. Dapat hindi ako nag-blog hop ngayon.

Pag meron ulit, pwamis, sasama na talaga ako.

Billycoy said...

aaron james > oo tumpak, di ba asensado na tayo sa susunod na meetup. yikes, makukuhanan ng pics ang alagad ko

mike > dapat umeskapo ka sa family affair na yun kasi

dotep said...

wow! walang alak? hehehe...

mats said...

wow naman! litrato na lanmg talaga? muahaha!
anyways, sa next time nio, imbitahan nio ko ah! ;)

Batang Yagit said...

wow naman. nag ice skate din ako sa MOA nung araw na yan. hehehe...

dorkzter said...

hi! im back. hehe. nice new header :)
nakibasa n rin sa mga dating posts mo :)

YNA said...

Billy, admit it, MAGKAMUKHA SI BENJ AT JEFF. Ahahaha. Kahit hindi sila magkapatid. At nadala ka pala sa theory ko na magkapatid sila. Kamusta naman yun?!

Sa sembreak ulit! Kung pwede, mas maaga, para mas mahaba yung oras na magkakasama tayo. Imagine naman, kelangang maaga kaming umuwing mga kids! Di naman kami katulad ni Moses na pwede kahit saan.

Si Aaron? Good boy ba?! Natakot nga ako sa kanya, eh! Kidding!

YNA said...

At ang ganda nung header. Syet, bakit kelan ko lang nalaman na Fine Arts grad ka? Weeee

edgar said...

kainggit!!! parang ansaya niyo.. ako andito lang sa bahay... waaaah...
(nagpunta ako dun sa multiply mo .. tas tiningnan ug pics.. hahahahahha.. . ang kukulit nung comments... kawawa naman si jhed.. parang sya ung tampulan ng tukso... )
ang cute ng super twins!!! hahahahaha

bulitas said...

i wonder sinong pinakamaliit. haha.

Billycoy said...

dotep > merong alak, nung kinagabihan na

batang yagit > baka nakita mo kami!!!

yna > tagal pa ng sembreak T_T anyway, bakit kailan mo lang nalaman na fine arts grad ako?

edgar > oo nga eh... di ka pa ba nabuburo at nangangasim sa bahay niyo

bulitas > oo hindi na ikaw ang pinakamaliit!

yeye said...

putsa. naiinggit ako. bakit di ako nakasama. kasi, hindi na ako active sa blogworld. (ayan sinagot ko din tanong ko)


sa susunod ah inform nio ako. hehe. wag na lng pala. wala ako kaclose senyo eh haha. poor girl here. toinks.


bakal boys ah hahahaha

rachel said...

baket bakal boys? heheh

Billycoy said...

yeye > close lang, dali lang yun, dikit ka lang parati... close na yun

rachel > sila yung mga madalas sa mall na tumatambay sa railings at naghihintay ng... alam mo na yun!

The King said...

nakakatuwa naman ang pagkikita niyo.
nakakainggit kahit papaano ang pagiging real-life friends ninyo.. :)