Wednesday, June 13, 2007

Close Encounter with the Third Kind

Nakaharap ako sa PC at gumagawa ng project ko. Dahil naka-on ang aking speaker at online radio sumambulat sa akin ang isang awitin. Ang "Dancing Queen" ng Abba. Habang ako'y umiindak, heto na naman, nagwawater effect ang paligid.

Nagpunta kami noong college sa Luneta upang magpractice ng isa sa aming projects. Maayos pa ang panahon nun, hindi pa nakakapaso ang init ng araw dahil di pa laganap ang global warming noon. Wala rin dun yung mga magjuwawhoopers na naglalaplapan at kung anu-anong ginagawang milagro sa damuhan dahil may araw pa naman nu'ng pumunta kami noon. Sayang nga at wala akong mga nasaksihang mga ganung pangyayari.

Habang naghahanap kami ng spot, harutan at laro muna kami habang naglalakad. Maraming mga tubebeng nagliliparan sa paligid. May nahuli pa nga aming kaibigan na isang tubebe. Nahuli niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilaang pakpak nito kaya naman narinig namin ang isang malakas na "Krakk!" Nag-split ang tubebe sa gitna na akala mo'y hati ng buhok sa gitna ni Kachupoy. Kawawang tubebe, nag-ala Mystica ang kanyang katawan.

Nakahanap rin kami ng mapupuwestuhan, kaya naman nagkumpulan na kami upang pag-usapan ang project namin. At dahil nga masisipag kaming students, naisipan nilang maglaro na lang ng volleyball sa ilalim ng arawan ng luneta. Samantalang ako, hindi na sumali, kasi ayokong pagpawisan ng mga panahon na iyon. 2:30 ng hapon yata yun. Kaya hayun, sulok moment muna ako sa munting puno sa spot namin para di masyadong maarawan at para magbantay ng gamit.

Maya-maya habang hibang na hibang ang kasamahan sa paglalaro may isang mamang nakapolo ang naglalakad-lakad. Pinupuntahan niya yung mga bagong tanim na puno na nababakuran ng kawayan. Ang weird ng mamang ito kasi kinakausap niya pa ang mga munting puno. Hinahaplos-haplos niya pa ang mga dahon at mga sanga ng mga halaman. Aakalain mong isa siyang diwatang bading ng Luneta. Palipat-lipat siya ng halaman hanggang papalapit sa aming kinaroroonan.

Hayun na nga at lumapit na siya. Pumunta siya sa puno na kinalalagyan ng aming mga gamit. Tapos dumungaw na siya sa gitna ng naka-split na malalaking sanga ng puno. At hayun, kumerengkeng na at di na mapakali. Tumingin siya sa akin na nagniningning ang mga mata, itinuro ang kanyang pumipilantik na daliri sa akin at nagsalita "Oy Pohgi oh! Pohggi!!!"

Paulit-ulit niyang sinabi yun. At siyempre sa takot ko napalayo ako ng kaunti sa puno. Hindi naman kasi ako pwedeng lumayo ng husto kasi nandun pa rin ang mga gamit namin. Ang mga kaibigan ko naman nandun lang at tuloy sa paglalaro at pinagtatawanan ako. Gusto ko na sanang pag-isahin ang naka-split na sanga ng mga puno para maipit ang ulo niya sa gitna at mapisak ang kanyang bungo at utak. Hindi ko na lang ginawa kasi hindi pa sapat ang aking kakayahan para doon.

Ilang saglit lang at naisipan na ring lumayas ng diwatang bading ng Luneta. Hindi naman na siya bumalik pa. Yun na rin ang huling pasyal ko sa Luneta.

Tumingin ako sa paligid dahil may naramdaman akong basa. Nagwawater effect na naman. Tumigil na pala ang "Dancing Queen" sa radyo at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa ibabaw ng lamesa, nakapose at nag-aakmang mag-striptease na.

27 comments:

Anonymous said...

blasted! haha. tubebe kulet. totoo ba yon may mga ganung eksena talaga sa luneta?? wew.

Anonymous said...

wala pa naman akong ganyang karanasan... bwehehehe... kasi hindi naman ako kagany-ganyan eh... bwahhahaha... anyway, bagong header ha!

wanderingcommuter said...

hahaha... wickedly fun reading...keep it up dude!

Billycoy said...

maenoodle > yap nangyari yun... punta ka minsan sa luneta

yatot > bago na nga ang ulo ko

wandering commuter > salamat, bigyan kita pamasahe sa susunod!

Anonymous said...

Nakupo! Kaya nga ba ayokong pumunta sa Luneta eh. Nakikita ko lang ang bantayog ni Pepe kapag papunta 'ko ng MoA. Kala ko sasama sa'yo yung baklang diwata sa naunsyame mong striptease.

Anonymous said...

kaya nga maganda pumunta dun eh...maraming kagilagilalas n mga eksena. hehe

may tanong ako...baket lagi may sopas sa banner mo? favorite mo siguro yun noh? hehe wla lang

Anonymous said...

dapat, hinati mo din yung diwatang bading katulad ng nangyari sa tubebe... nanghanep, sa kabululan mo naalala ko tuloy (water effect) ang naiwang spatetti sa bahay. hay...

sya nga pala... mala i-robot naman ang iyong header ngayon.. kaso nahalatang 'kulang ng isang turnilyo'. wahahhaha!

Jhed said...

Ano yung tubebe? Hindi ko alam yun!

HOMOPHOBIC NG POST MO! LOL. Joke lang. Haha! Nakakatawa, tinawag ka kasing POGHIIIIIIII!

Billycoy said...

arlo > buti di siya sumama, kagila-gilalas na murder scene ang mangyayari

niknok > uy di pa yan sopas, macaroni pa lang, wala pa yung sahog, baked mac nga dapat yan eh

andianka > actually, wala talagang turnilyo yan

jhed > tubebe, yung dragonfly... hala homophobic at ginawa pang issue, gusto mo yata ng controversy ala rens dito? hmm...

Anonymous said...

ang ganda namang header nyan

Anonymous said...

Teka! Ka-diwata ko ata yung bakla?
Tinawag kang 'POHGGI" ay yun yung bulag na diwata sa kaharian namin. Sorry ha natawag ka nyang ganun ^^v

stella said...

haha, ano kayang drug concoction yung tinira nung diwatang bading na yun??? nasa kasukdulan yata siya ng hallucination niya at tinawag kang "POHGGI"...

biro lang !
:)

Anonymous said...

Malala din 'yung nakakasabay ko sa Jeep kapag gabi na habang ako'y pauwi na mula sa pagbisita sa aking iniirog. Babae s'ya na nasa early 30's tapos lagi syang nakangiti habang inaamoy nya 'yung isang tangkay ng rosas. Tititig sya sa'yo then bigla s'yang ngingiti. [Enter Twilight Zone Theme here] *goosebumps*

Billycoy said...

l.a. > hindi siya bulag... baliw siya, baliwww!!!

edden > nakahithit yata ng alikabok kaya siya nagkaganun

arlo > isa lang ibig sabihin nun... amuyin mo raw ang flower niya.

Anonymous said...

tubebe??? baka tutube??? hehe... pero di ko lam, bka nga merong tubebe...hihi...xenxa sa pakikialam.. nakasaksi rin ang aku dati ng make-out scene sa isang park dito sa amin..heeh.. sya2 kasi vinidyohan ko..hihi

Arkiville said...

hi there

Unknown said...

luneta boy ka pala eh.. hehe... pwede magpraktis ng bike dun...

o kaya sa PICC, dun mo kaya i-set ang meet-up ng bloggers.. bike trip.. hehe..

Anonymous said...

Bulag ba yun?

Peroooo, sigeeeeee, POGGGGHHHHIIII! Aahahaha

Mike said...

hindi ko na kailangang pumunta sa luneta para makasaksi ng ganyan. sa amin, sa up, pwede ka pang mamili ng lugar.

MISYEL said...

pohggi ka pala billycoy, hehe.. or sa bading lang? luneta dami nga dyan tutubi at tutubing juding, hahaha :D

Billycoy said...

lalaine > tubebe, parang buyuyog at tulele lang

dotep > di ako luneta boy... dun lang ako madalas mambugaw

yna > isa ka pa! huhuhu

mike > isasama ko na ang UP sa mga hindi ko pupuntahan

michelle > di na talaga ako pupuntang luneta!

marco inc. said...

saksi ako s katawatawang pangyayari. Comedy talaga kasi nakadungaw siya sa maliit n puno, ridiculous kung bakit kelngan between the branches pa. Ang hindi ko malimutan e ung silly volleyball at yung nangitim kami. Lakas kasi ng trip, tas nagshakeys beer pa alasingko ng hapon... san n ba ung mga un.

Anonymous said...

tubebeng ampupu!!!

Billycoy said...

marco > hindi ko na nga rin mahagilap ang mga nilalang na yun... saksi ka nga pala sa lahat ng iyon... trip down to memory lane ka ano?

Lalon said...

hehe quotable quote "diwatang bdaing ng Luneta" haha..

well yung friend ko may na-experience na parang ganyan.. nag-pipicnic sila ng boyfriend nya then may lumapit na bading tapos nag-litanya ng:

"Anong ginagawa nyo? Alam nyo bang imoral yan? Hindi na kayo nahiya"

.. hanep? as if naman may magawa kang milagro sa harap ng maraming people, in a public place na tirik ang araw... haaayz.

Billycoy said...

lalon > mabuti sana kung sa akin sinabi yan... pwede pa!

Anonymous said...

'Tis my first time to visit your blog and I must say... I'm very very amused. You're one funny guy! And we all know funny is the new sexy lol.

See you around!

ps: I, too, am a USB. Win.