Wednesday, June 27, 2007

Hyped!

May mga bagay o sitwasyon na nakakapagpa-hyper sa atin. Heto yung mga bagay na nagpapabago ng ating mood ng biglaan. At sa sobrang biglaan, parang nakalunok ng kendi ni Darna at tila nagkakaroon ng superpowers or ADHD. Hindi mo tuloy malaman kung sa sobrang kaligayahan, excitement, nagugutom, naka-drugs, nababaliw o simpleng libog lang ang umatake sa kanya.

Ganun din ako, inaatake nitong hyper moodswings. Nakakatuwa pero minsan nakakainis rin. Beyond limits na kasi kapag umabot sa ganitong level. Ilang bagay lang naman kasi ang nagpapahyper sa akin.

Topic: Sex. Sex-deprived akong tao kaya naman obviously interested ako sa mga topics ng kahalayan at kalibugan, green man o direct. Nabubuhay ang dugo at kaisipan ko kapag heto na ang usapan, actually kahit sino naman nagigising sa kahalayan. Mabagsakan sana ng planetang Jupiter ang tatangging di sila nabubuhayan sa topic na ito.

Chocolates. Isa akong chocoholic, lalo na kung yung dark chocolates, favorite ko yun. After kong kumain ng chocolates, nagiging hyper talaga ako. Gawa siguro sa taglay nitong
Phenethylamine na nagrerelease ng endorphins kaya siguro nagiging maligalig ako. At dahil nga sa kemikal na ito, pakiramdam ko in love na rin ako. Kaya nga chocolates na lang ang gagawin kong juwawhoopers. Hindi rin pala, hindi ko ito mapopopoy.

Booze. Game ako sa mga inuman at talaga namang iba ang epekto nito sa akin kapag unti-unti ng lumalangoy ang aking utak sa dagat ng alcohol. Yun nga lang hindi sa lahat ng pagkakataon ay in-the-zone ako sa inuman. Maswerte na kapag talagang trip kong uminom at magpakalunod sa karagatan ng Strong Ice, Red Horse, Colt 45 at Jack Daniels. Asahan niyo higit pa sa pag-upo sa gitna ng kalsada ang kaya kong gawin.

Coffee and Egg for Breakfast. Hindi ko alam kung ano meron sa itlog at kape at nagiging maligalig din ako afterwards kong kumain at uminom nito. Naobserbahan ko yun nu'ng nagkakape pa ako. Though, matagal na akong nagstop pagsamahin ang kumbinasyon parang lifetime na yata ang epekto nito sa aking oozing sexy body.

Picture ni LA Lopez. Ewan ko ba, pero everytime na naaalala or nakikita ko si LA Lopez, parang gusto kong mag-amok at mangmasaker ng mga jologs at mga TH sa paligid. Baka magawa ko pang mag-assassinate kapag nakakita ako ng picture, malala pa kung billboard ni LA Lopez.

Ilan pa lang yan sa mga bagay na nagpapahype sa akin. Normal na sa akin ang maging baliw, pero kung ayaw niyong palalain ang sintomas nito iwasan lamang ang mga iyan. Pero kung gusto talagang makita, maghanda-handa na sa sangkaterbang kahihiyan!

24 comments:

Anonymous said...

Hahahahahaha! @ the sex part.

zeus-zord said...

hmmmmmm


adik ka

masaya yan

wakekeke

ok un a

me mga bagay na masaya dun a

Ona Lapitan (ricegurl) said...

who said it's impossible to fornicate with chocolate?
have you forgotten the movie American pie?
just don't get caught. harhar.

Virginia said...

ewwww! LA Lopez! badtrip yun!

Virginia said...

san na nga pala cbox mo?

Karla said...

karlaloveschocolate :P yun na lang :))

may kabarkada ako, pagkumakain ng chicken ang hyper. :|

Anonymous said...

so... naa-arouse ka pala kay LA Lopez! wahahhaha... joke

hyper pala ang tamang term! hehehe

Anonymous said...

lagi k nmn hyper eh hahahaha...stig..

Mike said...

yaaaak, LA LOPEZ. shet talaga yung iodized salt niya. ano yun, may congenital disease ba talaga siya at ganun kumilos?

chocolate, coffee, at sex. parang ang saya pag-usapan, lalo yung huli.

Anonymous said...

madali akong tamaan ng sore throat sa chocolates kaya di ko masyado hilig... nagiging hyper ako pag may craving at nakuha ko yung craving na yun! as in! ang saya saya!

and yeah... booze and sex conversations. the best! hyper talaga! (teka, napaghahalata na ata ko... bwahaha!)

Anonymous said...

kelangan talaga sex ung nasa top ng list hahahah

Anonymous said...

I like dark chocolates, too. It's sexier, I think. hahaha.

Jigs said...

I read somewhere that chocolates give you the same "high" feeling you get after sex...Hmmmmm...

Coffee! Coffee! Coffee! I LOVE COFFEE!

And lastly, Who the hell is LA LOPEZ?!?

Billycoy said...

rice gurl > i want a partner to be responsive too, and i don't want to eat the chocolate with my love juice too. eww.

virginia > wala ng cbox

karlee > ako medyo nagiging ganun din, tumitilaok pa nga ako

mike > sinapian yata ng bulateng nalagyan ng asin yung si LA Lopez

andianka > medyo di pa naman obvious, pero konti na lang

fire eye'd boy > syempre, alam ko namang yun din gusto niyo eh

jigs > naku, wag mo ng alamin kung sino si LA Lopez, makakapatay ka pa!

The King said...

Nako, sana mabasa ni LA Lopez ito. Nasaan na kaya siya?

Billycoy said...

the king > sana nasagasaan na siya ng superferry

Jay Ar said...

sex is the only one for me in the list haha ^_^. hyper hyper!

Anonymous said...

sex-deprived ka pero adik sa... sa.. porn.

NATAWA AKO SA HULI amf =))

basta ako, LA LOMARDA. woooooooohooo!! grabe na to. *taena nyo joke lang*

Anonymous said...

buti di na lumalabas si LA Lopez ngayon. baka tumakbong konsehal sa maguindanao.

Myx said...

expected ko na na numero uno ang sex wehehe

nakita ko pala minsan si LA Lopez. wala lang hehe mukha naman siyang mabait na anak pero buti na nga lang at hindi na siya nagproduce ng 2nd album

btw kamusta na?

Jhed said...

Wooooo! Sex! LOL. Adik ka pala sa alcohol.. kaya pala nalalasahan mo ang creaminess ng isang beer. Haha! Teka, ikaw ba yun o si Joe? LOL.

Anyway, wooooo! Sex!

Anonymous said...

hahaha! ang swerte ni jigs di nya kilala si LA.... bawas ang sakit ng ulo nya. konti pa ba? naku!!!!

Billycoy said...

utakgago > uy porn deprived din ako, 2 lang cd ko ng porn sa bahay, tapos di naman satisfying mga porn ko sa cellphone, clips lang kasi

padre salvi > wag na hangga't maaari, papapatay ko siya sa mga NPA

micaela > heto gumagwapo pa rin

jhed > oo may creaminess pa rin ang alcohol, parang frothiness kasi yun

andianka > buti na lang, kung aalamin niya pa baka ikamatay niya pa.

Anonymous said...

Game rin ako sa inuman. Kaso lintek, kelangan ko na magtimpi. Ayoko ng malaking tiyan!

Sino kaya si LA Lopez? Di ko siya kilala actually.