Monday, July 02, 2007

I'm not a virgin anymore... NOT!

Buong blogosphere—kung di man sambayanan—na yata ang nakaantabay ng balita tungkol sa aking virginity. Mas excited pa ang iba kaysa sa akin ang magkaroon na ako ng girlfriend. Talagang hinihintay rin kung ano magiging reaksyon ko sa pagka-abang-abang kong first time.

Ano bang meron at talagang inaabangan ng marami na ako’y magka-girlfriend at ma-devirginize? Kung sabagay, 24 na nga pala ako, gunggong talaga ako. Pero higit pa dun, ano reaksyon at pwedeng mangyari kapag nagka-juwawhoopers at nakatikim na ng first time?

a) Ide-declare na holiday ng Malacañang ang unang araw ng aking first time.
b) Hindi na ako i-i-stalk ni Elizabeth Hurley.
c) Pag-aagawan ang aking istorya ng Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya.
d) Mafi-feature ang aking success story sa Fortune, Forbes, Time at Chika-chika Magazines.
e) Aantabayanan at hahanapin sa internet ang aking sex scandal.
f) Hahantingin ng mga girls, bakla at matrona ang aking girlfriend or ang unang nakatikim sa akin para kanilang poksaen at ipapapak sa ipis.
g) Papatayin ng mga kaibigan at mga readers ko si Jimboy—ni Mahal—para sa akin.
h) Maraming babae ang mag-e-emo at magtatangkang magpakamatay dahil nabigo silang matikman ako.
i) Mapupuna ng marami na ako ay blooming, my pores will become smaller and ang mga lines… parang nawala.
j) Mabibigo ang mga nagpustahan na di na ako made-devirginize or magkaka-juwawhoopers.
k) Reregaluhan ako ng trip to Amanpulo for three nights.
l) Sisigaw ang mga tao ng “Yey!”
m) Ipagdidiwang ito ng lahat at magkakaroon pa ng 1 hour fireworks display sa likod ng SM Mall of Asia.
n) Magpapanic ang marami dahil isa na itong signos ng End of the World.
o) Of course naman, di na ako virgin.
Talaga namang hinihintay na ng lahat ang malaking pangyayaring ito sa aking buhay. Anyway, di ko naman minamadali yan, darating din ng kusa saka di ko pa naman totally hinahanap. Excited lang talaga ang mga tao sa paligid ko na mangyari sa akin yun. Hintayin niyo na lang yun... in ten years of time.

Kung sakali mang maganap—or naganap na yun, hindi ko rin naman ipagkakalat yun… or maybe?

Surprise! Surprise! Na lang.

------------------------------------------

Official ko na palang binabago ang ibig sabihin ng USB simula sa araw na mabasa niyo ito. Simula ngayon ang magiging ibig sabihin na ng USB ay Untouched Since Birth, para isang term na lang ang lumang USB (Unloved Since Birth) at VSB (Virgin Since Birth).

26 comments:

Micaela said...

Akala ko naman confirmation na ito hehe

anyway, wag mong madalian yan. marami pang nangangarap na makuha ka haha ingat alwayz :p

http://micamyx.i.ph

ay teka, may request pala ako sa hitlist. how about hitlist ng mga gusto mong patayin na loveteam? para till death do us part ang drama bwahaha take care!

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

billycoy, baka panlabas niyang tinatago mo ay namumuo na yan na parang kaong.

hehehe

the philosphical bastard said...

ok naman maging virgin ah. ako, virgin ako since last week.

Virginia said...

wow pang 4 pa lang ako! kelan kaya mangyayari yan...?

Virginia said...

nga pala, naguusap kami kanina sa klase nina sherma at dos, naisip namin na parang masarap sumama sa get-together ninyo ng iba pang bloggers... kaya pag pwede, sama naman kami next time... ha?

tere said...

naalala ko tuloy si borat.

hahaha!!!

baylon said...

okay nga maging virgin. saka tama, dadating din ang oras para diyan. ampanget naman tingnan kung kanikanino na lamang ipinapamigay iyong virginity para lamang masatisfy ang pagkalibog. dapat, sa taong mahal mo at sa taong ramdam mo na, "Siya na nga!", o kaya iyong tao na masasabihan mo na, "You complete me!". Naks!!!

rachel said...

mabuhay ang mga birhen.. ^_^

sherma said...

nagulat naman ako at nakita ko ang name ko sa comment ni virgie...

kahit anong daan (anyways), naisip ko, ok ang walang experience, at least sure ang magiging 1st girlfriend mo na wala kang anak sa labas... yun ang brighter side nun... pwera na lang kung nag-donate ka na ng sperm cell mo sa chuvang gustong magkaanak...

haay... na-miss ko blog mo tsaka ang kakulitan mo... dalaw-dalaw po... super bawi ang ginawa ko kasi nag-comment ako sa isang previous post mo plus super nagbasa ako... na-nosebleed pa ako... =)

Mike said...

Oy, BVA - Blessed Virgin Alan. natawa ako sa comment ni mandaya moore. kaong amputa. sheht.

baka nga hindi kaong.

tokwa. yung blocks na.

kingdaddyrich said...

hahaha... heto pa rin ba ang pagusapan natin anggang dito sa blog mo.. geeshh... pag nagkita kita tayu ulit sisiguraduhin kong hindi ka na virgin! nahahah!!!!

andianka said...

alam mo yung bf ko, kasing edad mo nung mameet ko... at dahil sakin, well, you know... hahahahaha! eway, parang mas exposed pa ko dito sa blog mo kesa sa sarili kong blog... hahahaha! kakabaliw...

madaliin mo na para makisama kami sa pagdiwang... parang imbes na buwan ng wika, buwan ng popoy ni billycoy. ay shet pangit naman ng tawag! bwahaha!

excess: dapat may dictionary ka ng sarili..

Jhed said...

Asa ka pang mapopoy ka noh! LOL.

Billycoy said...

micaela > actually may nailagay na akong loveteam na gusto kong puksain sa v2.0 ng hitlist

mandaya moore > actually, di lang kaong... NATA DE COCO na... yung di pa cubes, yung buo

the philosophical virgin... este bastard > nang-inggit ka pa

virginia > sure! basta ok lang sa sked niyo. actually, start din kayo sa mga big blog events, dun nagsimula ang lahat.

tere > ay akala ko mali ako ng basa

baylon > ang cheesy ha, pero nagulat ako nung nasabi mo yung word na 'libog', yes! sabi ko na nga ba horny ka rin pala

rachel > basta wag mo lang idagdag ang word na FOREVER.

sherma > uy nakakahiya naman, ginagawa mo ng devotion ang aking blog... pero thanks, i'm flattened!

mike > grabe ka naman, sabagay may iba't ibang klase rin ang tofu, meron ding yung taho saka tahure.

king daddy rich > magdilang anghel ka sana!!!

andianka > yes, ang saya naman, buwan ng popoy, kaso baka dugo na lumabas sa akin nun. dictionary? yaan mo kapag ka-level ko na si webster.

jhed > meron yan!!!

yatot said...

tama hindi minamadali iyan... ako nga din virgin pa... sa anit! hahahhaa aaaw!

bulitas said...

hahaha! tofu!!!!!!!!!!!!!!!
hay naku, allan. haha

Anonymous said...

okay lang kaya maging virgin. marami ngang famous people ay nanatiling virgin for the rest of thier lives. si mama mary, queen elizabeth I. ayaw mo nun? ka-level mo sila??! sorry, naki-epal. nais ko lang iparating na talagang naantig ang aking puso sa mga posts mo.

utakGAGO said...

Feeling ko may kabag na ko mamaya-maya =))

Anyway! Susyalers naman at talagang idedeclare ng Malacanang na walang pasok! HAHAHA. Ganon ka pala kaimpt!!!!

Hay. Hindi ka ba naniniwala na ang isang lalake ay dapat ma-devirginize sa babaeng pakakasalan niya?

LOLOLOL. Malay ko ba kung conservative ka!!

OMG Mandaya MOORE! =)) Hahahaaaaaaaaa! Natawa ako sa comment. Pero feeling ko DUGO ang lalabas kay Billy. ;))

Lalon said...

"mandaya moore > actually, di lang kaong... NATA DE COCO na... yung di pa cubes, yung buo"

huh?!?!? di ako maka-relate... hahaha amfufu!

wui ang wholesome mo nung nakita kita ah.. ehehe.. :P

it was really nice to have met you back there.. :P

dahan-dahan sa pag-inom baka pag-uwi mo na-devirginized ka na.. ayos! (o^__^o)

Billycoy said...

anonymous > yikes... mga banal ang mga yun!

utakgago > hindi kabag yan... jebs yan

lalon > so far virgin pa ring umuwi ang alagad ko

dorkzter said...

gusto ko ung idedeclare na holiday!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! hahaha. kaso after 10 years pa. haay. sure ka u wanna divirginized at the age of 34??

aaronjames said...

naks naman. akala ko di na virgin. un pala untouched pa rin. haha. billycoy, 24 ka na!!! haha. kelangan mo na ng experience bukod sa biyaya ng kamay. haha. joke lang. peace! billycoy's happy time. =p

it will come billy. it will come. just be patient and kind.

Elmo said...

na-mit ko ang alagad mo sa event. oo at behave sia, ni di nga ako kinakausap. shy ata eh. ehehe. nice meeting u last tuesday night. :D

lalainew said...

wow... nyahahah

speed dater said...

ayaw mong maging virgin forever?
hahaha!
i think even queen elizabeth hindi virgin e. she was called a "virgin" kase hindi sha nag-asawa... it doesn't mean never sha naka-popoy.
stay virgin nalang. ang cute nun!

Billycoy said...

dorkzter > huwag mong sasabihin yan ulit! magkakamatayan tayo

aaronjames > pagod na nga si mary palmer eh, sawa na yata

elmo > naku di shy yun, yun pa!

speed dater > ayaw, massacre ang magaganap!