Monday, July 23, 2007

SONB 2007: State of the Nation ni Billycoy 2007

Dumaan na naman ang isang taon sa ating bansa. Maraming nangyari, maraming nagbago. Nagkaroon ng bahagyang pag-angat sa ating ekonomiya kaya naman ang mga may dollars dyan hindi makapagpalit dahil nga bumaba ang palitan ng dolyar. Patuloy pa ring tumataas ang ratings ng mga baduy na mga programa sa local na telebisyon.

Nitong kamakailan lamang nakatanggap ako ng eroplanong papel sa loob ng aking bahay at may nilalaman itong liham sa loob.

"Strawberry Pretzel,
Magkita tayo sa parke mamaya may mahalaga akong ibabalita sa iyo.
Love,
Bavarian Munchkin
P.S. Huwag mong kalimutang isuot yung ibinigay ko sa iyong Hello Kitty na lingerie."


Nu'ng sumunod na araw may natanggap naman akong origami ng swan sa tapat ng aking palasyo at may liham ulit sa loob nito.

"Bavarian Munchkin,
Sorry di ako nakapunta kahapon, wala kasi akong natanggap na liham mo. Pwede bang mamaya na lang.
Love,
Strawberry Pretzel
P.S. Hindi ko masusuot ang iniregalo mong Hello Kitty lingerie ngayon, namantsahan kasi ng tagos ko kahapon. Kaya naman yung Bad Badtz Maru na lang ang isusuot ko."


Kaya naman nag-iwan na lang ako ng spaceship origami at may liham sa loob din.

"Hijo/Hija,
Na-wrong send po yata kayong mga haliparot. Saka kung may plano kayong magpopoyan ay huwag niyo munang ituloy dahil kadiri yun lalo't may regla pa itong si Strawberry Pretzel.
Nagmamahal,
Ube Jam
P.S. Hindi na po uso sina Hello Kitty at Bad Badtz Maru ngayon, mas 'in' po ngayon ang Spongebob o kaya Mirmo de Pon."


Gumagrabe ang init ng ating panahon ngayon kaya naman papasimulan ko na ang bagong proyekto na mapa-centralize na ang ating bansa upang di na tayo makaranas ng sobrang init. Laganap na rin ang krimen sa ating bansa at marami ding menor de edad ang nagsasagawa nito. Ipinapanukala ko na simula sa araw na ito ay binababaan ko na ang legal age; edad 10 pataas ay pasok na sa legal age para maaari na rin silang isama sa Bilibid kasama ang may mga pigsa at mga kurikong na preso.

Papasimulan ko na rin ang manhunt operation laban sa mga jologs at mga TH (Trying Hard) para naman mabawas-bawasan na ang mga sakit sa mata sa ating mga komunidad. Isasama na rin dyan ang mga emo dahil nais na lang din naman nilang magpakamatay ay tutuluyan na lamang sila para naman mabawasan na rin ang populasyon ng ating bansa. Tinatayang bababa ng 75% ang ating populasyon kapag natuloy ang proyektong ito.

Gagawin ko na ring isang araw bawat linggo ang pasok ng mga estudyante sa eskwela mula elementarya hanggang kolehiyo. Ganun din sa mga empleyado na twice a week na lamang ang pasok nila. Nais kong maging maligaya ang sambayanan ko para naman lahat happy na.

Marami pa akong isasagawang pagbabago sa ating bansa kaya naman magtulung-tulungan tayo itatag ito. Maraming salamat po.

Iba pang SONB:
SONB 2006: State of the Nation ni Billycoy 2006

16 comments:

tutubing_karayom said...

Malamang sinadya tlga nina Fretzel at Munchkin na ma wrong send sila kc iniingget ka nila! bwhhehe!

N i K N o K said...

siguradong mananalo kang presidente ng pilipinas pag tumakbo ka sa eleksyon! hehe

JoLoGs QuEeN said...

aba. kelangan ko na pala magtago kapag natuloy na ang operasyong manhunt sa mga jologs.

kapag iyan ay natuloy malaman aanib ako sa ASG at isa ka sa mga watch list ko bwahahaha ^_^ yari ka kay kumander robot.

maenoodle said...

ahahah. astig. napakaganda ng plano mo para sa ating bayan. mabohay ka!

sayang pala.. di ka na din pede dun sa top 10 chuvaness. pambihira. eh bat kaya di ka nabanggit ni ms.toral?? nabasa mo ba comment nia saken. baka nakalusot ka! =D

Mike said...

OMG! ang mahiwagang nunal! eeek! prepare to be boiled in Lysol!

anong masasabi mo sa umiikot na isyu ngayon na ventriloquist daw ang iyong ga-bolang nunal?

Jhed said...

Ano koneksyon nina Strawberry Pretzel at Bavarian Munchkin sa SONB mo? LOL!

Naku, kapag naisapatupad nga ang 2-day work at 1-day school policy mo.. Sigurado, magiging sabaw ang Pilipinas. Pero at least, masaya lahat ng tao. WAHAHAHA!

Loverboy said...

isa lang ang sinisiguro ko..

hindi sa dati kong airlines galing ang mga eroplano at spaceship na natanggap mo, wholesome kami!

SONB pa lang siguradong panalo ka na Billycoy. (aba, sabi ko kanina isa lang ang sinisiguro ko ah, nyek)

Billycoy said...

tutubing karayom > malamang nga nananadya ang mga haliparot na yun

jologs queen > ako rin pala dapat magtago na rin.

maenoodle > palagay ko hindi ako makakapasok dun, may sumubok na ring ilan. sa 100 dollars na lang ako may pag-asa

mike > hindi yan totoo, hindi ako puppet ng nunal ko... teka, sino ba itong nagbulong sa akin na sabihin yun?

jhed > sobrang laki ng kaugnayan nila strawberry pretzel at bavarian munchkin sa sonb ko... nakakagutom kasi.

yeye said...

galing. dinaig mo pa sona ni pandak. hahahaha. asteg bwahahahaha

chuchay said...

syempre.. sa tuwing may SONA, hindi nawawala ang mga nagrarally...

sa sitwasyong iyan, siguro'y magkakaroon ng rally ang mga jologs at emo sa iba't-ibang parte ng Pilipinas. Isama na natin dyan ang mga batang 9 gulang pababa dahil hindi sila nasama sa nasa "legal age". Magkakaroon sila ng noise barrage at papaingayin nila ang kanilang mga robot, laruan, at tumutunog na sandals. Meron rin sigurong hunger strike. Itatapon nila ang kanilang mga dede, pacifier at Gerber.

Pero heniwey, sure akong standing ovation ang mga tao sa iyong SONB 2007. ^_^

P.S.
Kung may Tita Glo, ano po ang itatawag namin sayo?
Tito Billycoy?
Kuya Billycoy?
Fafa Billycoy?
Kataas-taasang Billycoy?
o Master Dacuycuy?

tere said...

*applause* *standing ovation*

kung bababa ang legal age sa 10 y/o, mas madaming boboto, tama?

i like the idea of having a two day class ba yun in a week? kelangan yun ng mga reviewees for mock board exam.

iboboto kita, tito billicoy! :D

teka, kelan ka tatakbo?

Doubting Thomas said...

wwweeeeeeeee! nakakatawa ka talaga billycoy!

wag mo ipapatay lahat ng emo ah... may crush akong isa eh. hehe.

anirtak said...

ahahaha! ayos ah. bababaan ang legal age at tutuluyan na lahat ng emo? kamusta naman yun..
pero may sense naman yung mga panukala mo. mahirap nga lang ipa-centralized ang pilipinas. XD

XYRYX said...

sona? dapat yearly na toh ah! blog hopp...new entry po sa blog ko... pakibasa... malupet!

lukas29 said...

mas makatotohanan pa ang nilalaman ng iyong state of the nation address kumpara sa ating pangulo.... :-)

sana binanggit mo na tumaas ang lahat, pwera lang ang height ni gma :-)

Nash said...

ampota daig mo pa si Gloria ikaw na mamuno ng ating bansa coycoy ^^, at tiyak magiging Asia's Tiger tayo haha :P