Friday, July 27, 2007

Makeover Me Bad

Marami na talaga ang naloloko ng aking hitsura. Hindi lang isa o dadalawa ang nagsasabing napakabait o mala-anghel ang aking hitsura, marami na sila. Kinakapa ko nga ang aking ulunan baka may halo na ako sa ulo at ang aking likod kung may tumutubong pakpak. Wala naman, ang alam ko meron akong buntot, hindi sa puwet kundi sa harapan.

Kahit anong subok ko lumayo sa ganung image talagang 'good boy' ang tingin ng marami sa akin. Nalaman ko pa man din na ang gusto rin pala ng mga girls ay yung may angas—hindi anghit—o yung bad boy ang dating. Kaya naman nagsasagawa na ako ng makeover plan para maging 'bad' naman ang tingin sa akin kahit papaano.

  1. Magsusuot na ako ng black leather jackets or tsaleko kahit na init na init ako sa ilalim ng araw.
  2. Kung di uubra ang black leather jackets, hapit na sando or magta-topless na lang akong naglalakad sa loob ng mall exposing ang mga buhok ko sa kili-kili at ang aking karugbol.
  3. Magpapa-semi-kalbo na rin ako tapos yung parang graffiti pa ang style ng pagkaka-semi kalbo.
  4. Magpapabutas at magsusuot na rin ng hikaw sa kung saan-saang parte ng katawan, pati na sa talampakan, palad, sa kuko, sa daliri, sa bilbil, sa siko, sa tuhod at pati sa 'helmet'.
  5. Magpapa-tattoo ako ng malaking tiger sa aking likuran na parang ganito. Hindi ko po likod yan.
  6. Hindi na gagamit ng deodorant/anti-perspirant para mas lalong lumabas ang manly angas scent.
  7. Kakain na rin ako ng mga street foods lalo na ang kwek-kwek dahil nakakatulong ang mga street foods na magbigay ng bad image.
  8. Makikisali na rin ako sa mga rambulan at mga gangwar.
  9. Aapak ako sa mga damuhang may signage ng "Keep off the grass"
  10. Magpapabagsak ako ng mga kilalang skyscrapers at mga eroplano sa iba't ibang parte ng mundo.
  11. Papanoorin buong magdamag ang MTV ni Michael Jackson na Bad hanggang mag-sink in sa aking sistema ang kanta.
  12. Panoorin ang mga movies ni Binoe.
  13. Lagi ng magdadala ng baseball bat at kadena.
  14. Babaguhin ko na rin paglalakad ko yung sway niya ay sideways from the back instead na yung normal na back and forth.
  15. Magsusuot na rin ako ng mga nagkakapalang mga bling-bling.
  16. Higit sa lahat para makumpleto ang bad boy image, pupuksain ko na lang lahat ng mga jologs, feelingeros, TH's, at mga social climbers.
Kailangan talagang gawin ko ang mga iyan para magkaroon naman ako ng konting image na maangas. Watchathink guys? Ano pa pwede kong gawin para magkaroon ako ng bad boy image?

21 comments:

Lalon said...

well sa Taste Asia muka ka ngang goodie-good boy pero nung nagsalita ka na para i-plug yung blog mo sabi ko, ay hindi pala.. sya nga si Billycoy. :P

sige mag-ala bad boy ka dun sa glorietta para may "shooting". ^__^

marco inc. said...

psst billycoy pakibura ung first comment...

d bale na lng pla fave no. ko '2'

tutubing_karayom said...

parang nasabi mona lahat... hehehe

TanniX said...

Ah, pwede ka sigurong magpatubo ng "monobrow" para laging nakakunot ang itsura mo at pailalim lagi ang tingin mo na para bang lulusawin mo ang bawat tamaan ng iyong paningin.

Or pwede ka na lang din naman wag mag-ahit ng balbas. Sa tingin ko gusto ng chicks na nakikiliti sila eh, hehehe.

dotep said...

huwaw! dapat yung mukang max alvarado o kaya paquito diaz tapos may boses ni romy diaz!

yan ang bad look! hehe

hannah said...

ok yang binabalak mo... kahit nga ako ngayon pa bad image narin... ( hala... wag ka nalng maniwala)... hahahah...

daan lang ako sa talaarawan mo...

Jhed said...

Yeah, gustung-gusto ko yung mga bad boy image. Yung tipong babastusin at yuyurakan ang iyong pagkatao. Haha!

Isa pa, bad boys are better in bed. LOOOOL.

--

Ang cute ng tattoo mooo! :))

Billycoy said...

lalon > tapos i-bare ko ang likod ko para asteeg lalo ang dating

marco > demanding?

jhed > yikes!!! sabagay may thrill yun

andianka said...

naks! asteegin sa tattoo... buti hindi 'small circles, small circles, big circles' yung pagdrawing... nyahahha!

alam mo billycoy, pag ginawa mo yang lahat ng sabay sabay, either mapagkamalan kang taong grasa, o mabibitbit ka't itatapon sa mental.

:P

Jigs said...

I think guys who were sando as a casual wear type of outfit, is seriously overcompensating.

Natawa naman ako sa mga measures mo to become a bad boy. Kasi pagpinagsama-sama mo lahat yun, you would probably look like a complete idiot! Hehe!

Goodluck sa transformation mo! Wala akong masuggest kasi medyo good boy din ako.

Isagani X said...

Boy!

Sa Wari Ko needs new contribution (entries hindi pera ok) from old guest bloggers. Please, kung meron kayong oras at panahon at pagkakataon, write new entries sa SAWARIKO. Ako na bahala sa pag pipimp ng entry nyo at ng blog ninyo. Thanks. http://sawariko.wordpress.com

Pakipasa na rin ang message sa ibang members and gusto ninyong irecommend na new members. Salamat!

Please reply sa SAWARIKO. Thanks

yatot said...

hahahha... at talagang gusto mong ilabas ang iyong karugbo.karugbol huh? hahhaha...

para mas maging bad boy image ka, gayahin mo ako... laging may haciendero's hat, cane at pipe cigar... pwede din ang tobacco kung ayaw mo ng pipe cigar!

tapos maglakad ka din sa mga asukarera tulad ko! magdala ka din ng latigo, baril at magbitbit ng ilang bodyguards na naka-coat and tie...

just talking from experience!

claire said...

eto suggestions ko.. mglagay ng band-aid sa mukha, manigarilyo, sunakay sa harley-davidson at mag-ponytail.. pwede ka na cgurong magmukhang bad boy nun..hihih.

jojitah said...

hindi naman kaya magmukha ka namang trying hard na hoodlum wannabe.

Billycoy said...

andianka > naku, ayokong bumalik dun!

yatot > bad boy ba yun o pimp?

jojitah > di ba yun ang gusto ng girls, yung mukhang hoodlum.

chuchay said...

dahil mala-anghel ang iyong mukha, kailangan mong magbalbas-sarado. Maaari mo ring pahabaan ang iyong mga eyelashes para maitago ang iyong mapupungay na mga mata *wink-wink*

^_^

Mike said...

onga, nung nakita kita parang, Aba, sino tong mukhang goody-goody na nakashades?

parang alam ko yung nagpapa-pierce sa helmet. sheht, pota, ansakit yata nun. mag-itim ka nalang lagi, tas hayaan mong mag-asin sa katawan mo yung natuyong pawis. tas wag, as in nevah, ka dapat mag-deo kasi defeated ang purpose mo. siguraduhin mong maglalawa yung kili-kili mo. then punta ka sa greenbelt.

wag ka lang lalapit sa akin.

tere said...

ngek? ganun?

ang may gusto lang sa bad boys e bad girls.... hmmmm....

tama si jhed (kaway!). bad boys are better daw in bed. sabi nila.

hahaha!!!

icarus_05 said...

Ah.. mukhang may naamoy akong David De Angelo sa post na to ah! haha! XD

Woot! Minsan kasi, tinetake ng ibang bad girls ang kabaitan ng mga good boys.. haha XD

Apir tayo dun sa Last! kill na lahat ng mga yan!

Suggestion? Yumuko ka lagi, kahit nakatingin ka sa kausap mo. Don't talk much, just nod. and wag mamansin ng mga tao.. tapos manabla ka ng mga kumakausap sau.. ung nga lang magiging loner ka nun! haha! XD

binus said...

ayos yung # 9 ah...mas natatawa ako sa mga nagsusuot ng leather jacket...para silang nawawalang kampon ng kadiliman...
sana makasalubong kita pag nagawa mo yan...lalo na yung #6 siguradong makikilala kita : )

Billycoy said...

chuchay > baka naman wala na akong makita sa haba ng aking pilikmata

mike > dahil ikaw nagsuggest mas lalo akong lalapit sa iyo