Ngayong taon sisimulan ko ang aking mga makabagong plataporma para sa mga susunod na mga araw. Una sa lahat, ayaw ko na sa cha-cha, dapat gawin na lang itong rhumba o boogie, pwede ring flamenco o salsa, pero higit sa lahat mas nakakabuti ang Song interpretation para sa ating bansa. Babaguhin ko na rin ang patakaran sa pag-inom, bababaan ko na ang drinking age, simula edad 10 pataas maaari ng uminom ng serbesa o kahit anupamang alak dahil nga isa ang Pilipinas sa mga pinakamasayahing bansa, kung kaya't kapag may alak mas masaya, hindi ba? Ganun din sa paggamit ng sigarilyo, kahit bagong silang palang ay maaari na gumamit ng yosi sapagkat narinig ko sa isang TV ad:
Government Warning: Cigarette Smoking is still best for babies up to two years of age.
Since, dumarami at tumataas ang crime rate natin, magandang balita ito sapagkat overpopulated na ang bansa natin, malaking tulong ang mga nakikitang mga lumulutang sa mga ilog natin. Mahirap pigilan ang mga ganitong krimen, kaya't "go with the flow" na lang. Pero syempre, bawal pa rin ang rape lalo na kung makakabuntis, kasi dagdag na naman sa ating populasyon. Kaya ayaw ko rin ng rape kasi feminist pa rin naman ako. Gagawin ko ng legal ang pagpatay ng tao sa ating bansa, basta't alam niyo lang linisin ang lugar na pinangyarihan lalo na kung sa kalsada, dahil ayaw ko pa rin ang malansa at maduming paligid. Ang drugs ay legal na rin, malaking tulong sa ekonomiya ng ating bansa at ng aking bulsa. Malaking tulong din sa ekonomiya ng ating bansa ang Pamimirata at ang prostitusyon, lumalakas ang GNP natin dun. Sumasang-ayon din ako sa Human Smuggling, dahil nababawasan ang mga tao sa bansa natin at lumalakas din ang ating stocks sa merkado.
Ang isa ko pang babaguhin ay ang tawagsa katayuan ng mga mamamayan, ang mga mahihirap ay tatawagin ng mga Hampaslupa, ganun din ang tawag sa mga manggagawa. Ipinagbabawal ko na rin ko na rin ang mga taong tanga't bobo, dahil wala silang silbi sa ating mga komunidad, kung kaya't hinihikayat ko ang aking mga mamayan na puksain ang mga ganitong nilalang. Sa mga rebelde't komunista, go lang kayo, sapagkat nagkakaroon ng challenge ang aking pamumuno.
At higit sa lahat, pinagbabawal ko na ang mahahabang monologue at mga speeches at ng SONA ko. Sapagkat marami ring nababagot sa mga mahahabang salita. Kaya't heto na tatapusin ko na po para sa inyo mga mahal kong kababayan!
Thursday, July 27, 2006
SONB: State of the Nation ni Billycoy
Posted by Billycoy at 7/27/2006 04:52:00 PM
Labels: Kabaliw-Balita
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
finalx-team
Post a Comment