Siguro lahat naman yata ng tao dumaan na sa trahedya ng puberty at teenage life. At ang pangyayaring ito ay umaabot hanggang sa pagtanda natin. Don't worry, no biggie naman ito—big deal lang naman sa mga overzealous vain people. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang mga pimpols, tigidigs, zits at kung ano pa ang gusto mong tawag diyan. Gaya ng isang bata diyan na dumaan sa dilemma ng tighiyawat.
Kaya naman heto ulit ang inyong consultant upang magkaroon ng solusyon sa isang malalang problema ng sambayanan. Ang korupsyon... este ang pimples. Hayaan niyong ibahagi ko ang ilan sa nalalaman ko para maibsan ang kalungkutang dulot ng zits.
- Keep your face clean. Dapat iwasang hawakan ang mukha ng kamay hangga't maaari lalo na kung kakatapos lang jumebs at di man lang naghugas ng kamay pagkatapos magpawpaw.
- Scrub the face at least twice a week. Marami na ang facial scrubs sa market, kaya naman madali na lang ang paggamit nito. Kapag walang epekto ang mga facial scrubs, gumamit na ng steel wool at iskoba pang scrub ng face.
- Eat healthy. Though, hindi pa proven ang effect ng pagkain sa cause ng pimples, pero yung tungkol sa chocolates and peanuts na cause ng zits ay half-truth. Yung iba kasing nagkakaroon ng pimples sa pagkain ng chocolates and peanuts ay dulot lamang ng allergic reactions. Lumaklak na lang ng Domex o kaya Mr.Muscle para malinis ang inyong bituka.
- Don't experiment with brands and products. Ang balat ay hindi lab rat para pag-eksperimentuhan. Kung hiyang na sa isang product or brand, stick na dun. Kaya kung sanay na sa Zonrox na ginagamit sa mukha, yun na lang ang gamitin.
- Put an ointment instead of popping. Huwag i-prick ang zits, lalong kakalat ang microbes nito sa ibang part ng mukha. Gumamit na lang ng PanOxyl or any ointments or soaps with Zinc Oxide. Mainam din ang Katialis sa pimples, yun nga lang once every three days lang gamit nito dahil masyadong matapang. Supsupin na lang ang laman ng mga ointments para mas mabilis at tumagal ang epekto nito.
- Hide and conceal. Mainam ang Chin Chun Su or Renow-D to lighten ang blemishes na dulot ng pimples. Kung malalim ang uka na gawa ng zits, gumamit na lang ng masilya at semento para takpan ito, pahiran na lang ng pinturang kakulay ng balat. Kung malala ang uka sa balat, gumamit na ng aspalto para matakpan ito.
- Get hydrated. Ang skin ang huling nakaka-absorb ng tubig sa ating katawan. Usually, less than 10 percent lang ang ng tubig ang natatanggap nito sa ating iniinom. Kaya naman inumin niyo na lahat ng tubig na laman ng inyong balde.
- Sex is best program. Ang pakikipagpopoy ay nagdudulot ng afterglow. Kaya kung gustong umaliwalas ang mukha regular na makipagpopoy, lalo na kung umaga. Hindi ko lang alam kung effective ang body fluids panghilamos, wala pang scientific proof dito.
18 comments:
I used to have problems with pimples back in high school. Actually, up to know pala, haha! Pero hindi na ganoon ka grabe ngayon. Nawala na rin kahit papaano ang mga spots since high school. Ngayon, occasional zits na lang, at hindi na nagmamarka. Pero hindi pa rin flawless, hehe!
Waah! Totoo yung afterglow after popoy. HAHA!
Anyway, isa pang tip diyan ay i-lessen ang masyadong stress. Kaso, sa panahon ngayon.. sino ba ang hindi stressed? Haha!
Kaya nga ngayon.. ang mukha ko ang epitome of stress. LOL.
i have moved blahgs. i is conformist. click link to be redirected. tenks. :D
ay nako, walang lessen-lessen ang stress. sabi nga ni vilma santos, "been there, been that." kung tatamaan ka ng pimple, pipimpolin ka talaga, whether you like it or you like it.
ok ang concealer ng revlon kahit pambabae. effective na pantago ng potholes sa aspaltadong mukha. ngayon kung talagang ibang lebel ang kalalaan, kumunsulta na sa costruction company or sa mga civil engineers.
ehehe. unti unti ng sumasalakay ang mga pimples sa aking mukha. haha. kahit sa school naghihilamos na ako, ehehe.
the king > hindi na talaga mawawala yan, nakakainggit lang din mga taong flawless
jhed > alam mo talagang may afterglow ha
mike > baka nga dapat magician na eh
deejay > basta wag lang tubig kanal ang ipanghilamos mo
ointment ko? toothpaste!
i agree with the afterglow pagkatapos ng popoy... ey teka, ibig sabihin kaw billycoy follow mo lahat ng iyong guidelines double dahil wala ka nung pinakaimportante... ang popoy! hahaha! :P
the philosophical bastard > may maximum cavity protection pa yan!
andianka > kaya pala di ako nagkakaroon ng afterglow
Hwaw!! Billycoy the officialy blogosphere dermatologist. Baka you'll be the next Dra. Belo. Hahahaha.
Sex is best program. Ang pakikipagpopoy ay nagdudulot ng afterglow.
AMEN!
afterglow after popoy? hehehe! yeah!
basta inom lang ng inom ng water. yun daw solusyon para di tigyawatin.
pwede rin ba ang vulcaseal na concealer? hehe..
pwede ka na magtayo ng clinic! w8 lang...bkt popoy ang tawag dun????
juice > naku malapit na, magkakaroon na ako tungkol sa rhinoplasty at breast implants and augmentation.
jed > oo pwede rin, kahit epoxy!
niknok > kaya popoy, kasi parang ganun ang sounds na napoproduce nun.
wow, afterglow after popoy. parang sa astronomy, pag nag-explode ang star may maiiwan na afterglow.
about sa pimples, hndi ako pimpoling tao. haha.
pimpooooools. minsan lang naman ako magka seriously serious pimple. ahaha. :-s
ayos ang tips ni billycoy ah. hahaha. akala ko, for once in my life.. makakakita ako ng wholesome na billycoy post -- pero, i spoke too soon! haha.
Prone to pimples ako because of stress and pagpupuyat! grrr! Can't help it! Part of our lives ang ganitong problema! Haha!
Billycoy, I'll link you up! :)
more popoy, more glow! ha! ha!
haha headshot na naman ako sa post na to.. pero in fairness informative sya.
"ang balat ay hindi lab rat"
hay murdered naman ako.. i've tried a lot of products kachalis (pocha para akong tinatalupang mangga), maxi-peel (naging kamuka ko si kristine for .000000001 seconds), master, ponds hay di ko na mabilang .. pati yung "Proactiv Solutions" sabay mega-endorse ako a la Jessica Simpson sa mga friends ko sa work.. effective din sya pero matagal.. as in.
share ko lang kasi so far eto talaga yung effective sa akin eh.. "St. Ives" Invigorating Scrub yung color orange na may "Allure" magazine choice logo.. kasi may isa pang color orange din na variation nun eh.
Post a Comment